Nasa loob na ako ng sasakyan at nag-aabang ng senyas sa akin para lumabas. Nakikita ko na rin ang ilang bisita sa labas ng simbahan. Magkahalong kaba at excitement ang aking nararamdaman.
May kumatok sa bintana ng kotseng kinaroroonan ko kaya’t tumingin ako roon at nakita ko si Bellamy. Nginitian niya ako at kinawayan. Binuksan ko naman ang pinto ng kotse para sa kanya. Pumasok siya at agad ding isinara ang pinto ng kotse.
“Ang ganda mo!” bati niya sa akin matapos akong obserbahan. Nginitian ko lang naman siya. Nahihiya sa pamumuna niya sa itsura ko.
“Naandiyan na ba si Avi?” Kanina pa ako ginugulo ng bagay na iyon. Paano kung matulad kami sa ibang kasal na napapanood ko? Iyong tinatakbuhan o iiwanan ng groom. Ayokong mangyari iyon sa akin. Sa tingin ko ay hindi ko kakayanin.
“Oo, naandiyan na. Kausap iyong best man niya. Ano ngang pangalan—Gio! Pinsan niya ata iyon, eh,” sagot naman sa akin ni Bellamy. Napangiti ako at nakahinga nang maluwag.
Napansin ni Bellamy ang ginawa ko kaya’t sinilip niya ang aking mukha upang pagmasdan ang aking reaksyon.
“Bakit? Iniisip mo ba na baka hindi siya dumating?” tanong sa akin ni Bellamy nang makita siguro ang bahagyang pag-aalala ko. Tumango ako sa kanya at tumingin ng diretso sa mga mata niya.
“Oo,” matipid kong panimula at nilunok iyong bukol na parang namumuo sa aking lalamunan. “Iniisip ko na baka bigla niyang mapagtanto na mali ito at takbuhan ako upang bumalik sa dating kasintahan. I mean, that’s good for him, at least hindi na siya matatali sa babaeng hindi niya naman talaga gusto pero paano ako? Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko bukod sa kahihiyang maaaring makuha ko.”
Nang una ay nakatingin lamang si Bellamy sa akin. Hindi rin naman nagtagal ay naramdaman ko ang pagtapik niya sa balikat ko. “He’s here.”
That was reassuring. Na kahit papaano ay nawala ang kabang nararamdaman ko. Hindi na rin naman kami nagtagal sa pag-uusap at kinailangan na niyang lumabas ng kotse upang luminya kasama ng ibang abay.
Nakita ko ang pagsara ng malaking pinto ng simbahan. Bumukas ang pinto ng sasakyan at inalalayan ako ng mga organizers upang pumunta na sa harapan ng simabahan. Naandoon na rin sina Mommy at Daddy na naghihintay sa akin.
Dad is smiling at me while Mom has her sophisticated aura. Buti na lang talaga at hindi ako nagmana sa kanya. Ayokong magmukhang matapobre at maarte. Hindi naman sa sinasabi kong ganoon si Mommy pero minsan oo.
“Ready?” tanong sa akin ni Dad. Ikinawit ko sa kanyang braso ang aking kamay. Si Mommy naman ay pumosisyon sa aking tabi.
Tumango ako kay Daddy. “Yes, Dad.”
I can hear the Cannon in D by Pachelbel that I choose for my wedding entrance. The bells are ringing as the huge double door of the church slowly opens. My heart is beating so fast. My mind went blank and if it wasn’t for my parents, I wouldn’t be able to move an inch. I gulp the remaining nervousness in my throat and started to step forward with my head’s high and sweetest smile I can create with my lips.
Everyone turns their head as I entered the church. Halos kumawala sa aking dibdib ang puso ko dahil sa sobrang bilis ng pagtibok nito. Ang pintig ng aking puso ay nararamdaman ko na rin. Muli akong lumunok at nagbigay ng matamis na ngiti.
I saw my friends, Kolt and Bellamy, crying. Halos matawa ako sa nakita kong pagluha nila dahil siguro sa saya na magpapakasal na ako. Halos makaramdam din ako ng pag-iyak kung hindi lamang sumagi sa isipan ko na magpapakasal lamang ako dahil sa pamilya namin.
Nakita ko rin si Nevaeh na sobrang laki ng ngiti na nakatingin sa akin. Kumaway pa siya sa akin nang mapansin ang pagtingin ko sa kanya. I gave her a smile, too. She’s been good to me, kahit noong party ng kanyang ama kung saan kami nagkakilala. She never left me lalo na’t alam niyang wala akong makakasama o ibang kakilala roon.
Tumingin na ako sa gitnang bahagi ng simbahan at sa dulo ng dinaraanan kong ito, malapit sa may altar ay ang paring magkakasal sa amin. Sa gilid ay sina Avi at ang mga magulang niya. Naroroon din ang apat na pinsan nito. Ang isa sa kanila ay ngayon ko lamang nakita.
Tumigil kami nang makarating kami sa kinaroroonan nina Avion. Nahihiya akong tumingin sa kanya pero nilakasan ko ang loob ko.
“Ikaw na ang bahala sa anak ko,” sabi ni Daddy habang umiiyak. Napatingin ako sa kanya at gamit ang mga mata ay nag-abot ako ng mensahe kung bakit siya nag-iiyak. Hindi niya iyon pinansin at patuloy lamang sa pakikipag-usap kay Avion. “She’s my princess, Avion, so please, treat her as a queen.”
“Dad!” mahina ngunit may diin kong pagtawag kay Daddy. Nakakahiya naman na sinabi niya pa iyon kay Avi. Alam naman naming hindi ganoon ang relasyon naming dalawa.
“I will, Sir,” magalang na sagot naman ni Avion na siyang nagpabaling ng ulo ko sa kanya. Hindi ko nagawang makapagsalita. Nakatitig lamang si Avion sa aking ama and my Dad look satisfied with what he heard.
Alam kong sinabi lamang naman iyon ni Avion dahil kaharap niya si Dad pero ang puso kong nagwawala ay hindi ko mapakalma. Parang maging ito ay masaya sa narinig.
“Anong Sir? You can call me Dad already.” Nagtawanan sila bago ako tuluyang ibigay ni Daddy kay Avion.
Avi gently hold my hands. Para akong nalagutan ng hininga sa ginawa niya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko dahil sa paghawak niya sa kamay ko. Just those simple actions of him can really make my heart raised.
Iniharap na ako ni Avion sa altar and the ceremony begins.
“I know pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride!” sabi ng pari sa amin na nagsisimbolong tapos na ang seremonyas ng kasal at mag-asawa na kami ni Avion.
I was so engrossed in the thought about the last thing that the priest said to us. Do we really need to kiss? In front of all these people? Hindi naman sa bago pa sa akin ang lahat ng iyon. I already kissed a lot of my exes and flings pero…
Humarap sa akin si Avion at ganoon din ako. Slowly, he lifts my wedding veil. Ang puso kong kanina’y mabilis lamang ang t***k ay ngayo’y naghaharumentado na. Na para bang dinaig ko pa ang sumalang sa 1-meter dash.
Dahan-dahang inilapit ni Avion ang kanyang mukha sa akin. Sa kaba ko ay ipinikit ko na lang ang aking mga mata at nang magdikit ang aming mukha ay naramdaman ko ang labi niya sa gilid ng labi ko. Nang imulat ko ang aking mga mata ay natulala ako, hindi makapaniwala na hindi sa mismong labi ko dumanpi ang kanya.
Hindi iyon napansin ng mga bisita. Tumayo sila at nagpalakpakan matapos ang inaakala nilang paghalik sa akin ni Avion. Nakarinig din ako ng ilang sigawan ng mga malalapit na kaibigan na tila ba inaasar kami.
I don’t know if this is natural to feel but I kind of disappointed when our lips didn’t meet.
Wala namang masyadong nangyari sa reception. Wala na rin namang ginawa program dahil wala namang ipapakita. Kung sa ibang reception ng bagong mag-asawa ay may mga videos na ipinapakita sa mga guests, sa amin ay wala. Anong ipapakita nila sa amin ni Avion? Wala.
Simpleng kainan lamang nag naganap at natapos din agad iyon. Nang mag-uwian ang mga bisita ay narinig kong nagyaya si Avi sa mga pinsan niya at mga kaibigan na pumunta sa bahay na regalo sa amin ng mga magulang namin.
“How about your honeymoon?” pabirong sabi ni Gio sa kanyang pinsan. Hindi naman iyon sinagot ni Avi at hinampas lamang ang pinsan na siyng ikinatawa ng mga ito.
“Pero dude, congrats! Tangina mo, ikaw pala unang magpapakasal sa atin. Hindi ko lubos maisip! Parang dati lang ay takot kang magpatuli—”
“Tangina ka! Sino kaya umiiyak dahil magpapatuli—”
“Kino-congrats ka na nga hayop ka, ayaw mo pa!” Tumingin sa akin si Gio at ngumiti. “Congrats din, Piper. Alagaan mo ito, ha? 2 in 1 ang asawa mo. Para ka na ring nag-alaga ng anak dahil isip bata ito. Pagpasensyahan mo na.”
Hindi ko alam kung matatawa ako sa sinabi nya pero tumawa ako.
“Ikaw rin, Gio, congrats tol! Graduate ka na!” Kinuha ni Avi ang atensyon ng pinsan. Kita ko naman ang nagtatakang ekspresyon ng mukha ni Gio. “Graduate ka na sa pagiging torpeng gago ka! Gusto kong umiyak. Nahanap mo na ang nawawala mong balls at nakaamin kay Brie. Putangina mo! Ulo ko ang sumakit sa kadramahan mo.” Umarte si Avi na umiiyak habang niyayakap si Gio.
Tinulak siya ni Gio at pareho silang nag-asaran. Nakita ko pang lumapit si Gio kay Avi at may ibinulong. Tumingin silang dalawa sa akin at kasunod no’n ay narinig kong minura ni Avion si Gio. Panay naman ang malakas na pagtawa ni Gio.
Nakuha ng mga kaibigan ko ang atensyon ko kaya’t tumingin ako sa kanila. Hindi mawala sa isip ko ang pagtawa ni Avi habang kausap ang pinsan. Hindi niya kasi iyon nagagawa kapag ako ang kausap niya. Oh, well…
“Hi, Mrs. Benavidez,” natatawang pagtawag sa akin ni Kolt, “Bukod sa regalo namin sa iyong mga lingerie na maaari mong isuot para akitin ang iyong asawa ay may regalo pa kami nina Ayva sa iyo.”
Napatingin ako kay Bellamy dahil tumingin sa kanya si Kolt. She handed me a small scented envelope. Kinuha ko naman iyon at nagtatakang pinagmasdan.
“What is this?” pagtatanong ko at hindi pa binubuksan. Tumawa ang dalawa at si Bellamy ang nagsalita.
“Open it, duh!”
Napanguso ako dahil ayaw pa nilang sabihin sa akin. Binuksan ko ang maliit na envelope na iyon at kinuha ang laman. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang nakapaloob doon.
“Oh, my god!” I scream, surprised. Natawa na naman ang dalawa dahil sa naging reaksyon ko.
Tiningnan ko sila at nanginginig pa ang aking kamay dahil sa laman ng envelope at sa regalo nila sa amin ni Avion. It’s a trip to Maldives for two and for one whole f*****g week!
“Hoy! All paid expenses iyan kaya’t sulitin niyo. Pwede kayong pumunta roon kahit anong buwan ngayong taon. Hindi niyo kailangang magmadali. I’m sure may ibang balak kayo for honeymoon pero kung wala, iyan na lang.” Matapos sabihin iyon nina Bella at tumawa silang dalawa ni Kolt.
“Gusto ko nang maging ninang next year!” Pumapalakpak naman na sabi ni Kolt. Hinampas ko siya dahil alam ko namang imposible iyong gusto niyang mangyari.
Gustuhin ko mang magkaroon ng anak ay sa tingin ko maaga pa iyon at kung kay Avion lang din naman ay imposible. Baka nga hindi kami magsama sa iisang kwarto niyan, eh.
Sinamahan muna kami ng pamilya ko at pamilya niya sa bagong bahay. Malaki iyon kahit na dalawa lamang naman kaming titira ni Avion, plus the maids. Wala akong alam sa gawaing bahay kaya’t kailangan talagang may katulong. Gosh, isa pa pala iyon sa iniisip ko kapag nagpakasal ako. Wala akong alam sa mga household chores. Nakakahiya sa mapapangasawa ko! Nakakahiya kay Avi!
Hindi na nakasama ang mga kaibigan ko dahil kailangan na nilang lumuwas. Si Kolt ay pupuntang Cebu para sa isang seminar at si Bellamy naman ay papunta sa kanyang ina na nasa Batangas. Hindi ko naman sila pwedeng pigilan. Ang sabi nila ay dadalaw na lang daw ulit sila.
Hinayaan na kami ng pamilya namin doon sa bahay. Ang mga lalaking Benavidez at ilang kaibigan nila ay naiwan dahil may balak nga silang mag-inom. Sa likod sila ng bahay naroroon dahil may mini bar doon. Hinayaan ko naman sila sa kung anong gusto nilang gawin.
Papunta na ako sa kwarto nang maramdaman ko ang pagsunod sa akin ni Avion. Nilingon ko siya at tumigil naman siya sa paglalakad.
“Uhm, hey. So, I’ve decided that the master’s bedroom will be yours and I’ll be staying at one of the guestrooms,” sabi niya sa akin na ikinataas ng aking noo sa gulat.
“Huh? Bakit?” hindi ko mapigilang tanong. I mean, we can stay at the same room naman. Wala naman akong problema roon.
“Baka kasi hindi ka maging komportable kung magsasama tayo sa iisang kwarto. My things are in the guestroom and yours are in your room now.” Tumango na lang ako sa sinabi niya at hindi na nagsalita pa. “And by the way, my cousins and my friends want to personally talk to you. If you can visit us, we’re just in the mini bar. Pero kung pagod ka na, I’ll tell them you’re going to rest—”
“Hindi, okay lang. Magbibihis lamang ako at susunod na roon.” Tumango siya sa akin at nagpaalam na bago umalis.
Avion is wearing a shirt without his tie. It’s a little messy at iyong ilang butones ay tanggal na. Mukhang okay na naman na ganoon ang itsura niya dahil mag-iinom lang naman sila sa likod ng bahay. Bukod pa roon, he’s still hot even when he’s being messy.
Kagaya ng plano ko ay nagbihis na lang muna ako bago puntahan kung nasaan ngayon sina Avion. Hindi pa man ako nakakarating sa likod ng bahay ay naririnig ko na ang kanilang mga boses at tawanan.
“Hi,” bati ko sa kanila nang makarating ako. Agad nila akong tiningnan at binati rin.
“Hi, Piper, maupo ka muna.” Nausod si Gio upang bigyan ako nang maayos na espasyong mauupuan sa tabi ni Avion. Umayos din naman si Avi upang makaupo ako.
“To congratulate the newlywed, let’s cheers! Umiinom ka ba, Piper?” tanong sa akin ni Sebastian, isa sa mga kaibigan ng mga Benavidez. Tumango ako at agad niya naman akong inabutan ng isang basong may lamang alak. Inamoy ko ito upang malaman na vodka ang laman.
“Cheers!” Tumayo si Gio at pinangunahan iyon. Nakisabay lamang naman ako sa kanila. Inimon ko ang laman ng aking baso at inubos kaagad iyon.
“Lakas, ah!” si Leif. Nahihiya naman akong natawa dahil sa pagpuna niya sa akin.
“Oy, Silas! Uuwi ka pa ba ng Manila ngayon?”
Napatingin ako kay Silas nang itanong iyon ni Hati sa kanya. Tumango si Silas nang matapos siya sa pag-inom niya.
“Oo, mag-isa si Hyacinth sa condo. Ayokong magpalipas siya na mag-isa roon. Uuwi rin ako maya-maya.” Nagsalin siyang muli ng alak sa kanyang baso.
“Speaking of Hyacinth, bakit hindi mo siya isinama?” nagtatakang tanong ko. I remembered inviting Hyacinth, too. Kaya lamang ay hindi ko siya nakikita pamula kanina.
“She’s still recovering. Ayoko namang pilitin niya pa ang sarili niya. But she said congratulations on your wedding,” sagot naman ni Silas sa akin.
Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat.
“Ako rin ay kinakailangang umuwi mamaya. Hindi naman sa gusto kong magpunta sa bahay namin dito sa Laguna,” sabi ng isa nilang pinsan na si Zavian. I met him earlier when he congratulated us. Nakakapagtaka lamang na ngayon ko lang nalaman na anak siya ni Tito Javier. Hindi ko siya nakita noong party ni Tito Lucio.
“Ang sabihin mo, may iniiwasan ka lang makita sa bahay niyo!” natatawang sabi ni Gio. Nagtawanan sila dahil sa komentong iyon ni Gio. Hindi na lang naman iyon pinatulan ni Zavian.
Inalok muli ako ni Sebastian ng alak at nagpalagay naman ako sa aking baso. Nang mapansin iyon ni Avi ay agad niyang kinuha ang pansin ko.
“Piper, are you sure you can drink that many?”
Napalingon ako sa kanya. Kung alam lang sana niya kung gaano ako kalakas mag-inom ay baka mahiya siyang itanong sa akin iyan.
“Yes, don’t worry. I’ll be fine.” I’m happy though, that he’s concerned.
“Huh? First name basis lang kayo? Lame!” si Gio. Tumawa ito bago tingnan si Avion. “Hindi ba dapat wifey? Tapos si Piper ay hubby ang tawag sa ‘yo?”
Lumakas ang tawanan dahil sa sinabing iyon ni Gio. Maging ako ay hindi mapigilan ang pagtawa. Kung pwede nga lamang ay ganyan na ang tinawag ko sa kanya kahit na it sounds corny for some. I still find it cute and sweet.
“Bakit? Ikaw ba tatawagin kang ganyan ni Brie? Corny ng gago,” biglang sabi naman ni Avion sa pinsan niyang walang ibang ginawa kung hindi ang asarin kami. “Tagal mo ngang umamin doon tapos mag-iisip ka pa ng endearment. Baka lagnatin ka!”
“Ang itanong mo muna kung handa ba siyang pakasalan ni Bryleigh.” Malakas na paghagalpak ang ibinigay ni Hati matapos ang pahayag niyang iyon. Nakita ko naman ang pagkainis ni Gio sa sinabi ng mga pinsan.
Kinuhit ako ni Gio kaya tumingin ako sa kanya. Napansin ko rin ang pagtapik-tapik niya sa kamay ko habang bumubungisngis. Magtatanong pa lamang sana ako kung bakit niya iyon ginagawa nang may kamay nang humawak sa kamay niya at pinigilan iyon.
“Don’t casually touch my wife. May Bryleigh ka na!” suway sa kanya ni Avion. Natulala naman ako dahil sa nangyari.
Tumawa si Gio at tumingin sa ibang mga kasama namin. “Wow, possessive ang lolo mo!”
Malakas na tumawa ang mga kasama namin habang ako ay nag-iinit ang pisngi.
“Baliw itong si Gio! Kapag ikaw ang inasar na naman ni Avion, sapakan na naman kayong dalawa riyan.” Umiling-iling pa si Silas.
“Sorry, but the old Avion cannot come to the phone right now. Cold and serious daw muna siya kasi baka ma-turn-off ang asawa niya kapag nakita na isip bata siya. Sabi niya sa akin ‘yan!” Tumawa nang malakas si Gio.
Napatingin ako kay Avi. Nanlalaki ang mata niya at tumayo bago pabirong daganan si Gio. Malakas na tawanan at asaran ang nangyari. Ganito pala si Avion kapag mga kaibigan at pinsan niya ang kasama niya. Ibang-iba kapag ako lamang ang kaharap.
“Tangina mo ha, nanlalaglag ka. Parang hindi ka ganito kapag si Brie ang kaharap mo. Pangit mong ka-bonding, Giovanni.” Isang bulong ni Avion sa pinsan na hindi ko na masyadong narinig.
Nauna akong magpaalam dahil nararamdaman ko na rin ang pagod ng maghapon. Umalis na ako at napansin ko na naman si Avi sa likod ko na sumusunod sa akin. Nilingon ko siya upang malaman ang dahilan ng pagsunod niya.
“Bakit?” nakangiting tanong ko sa kanya.
“Ihahatid kita,” matipid niyang sagot sa akin. Hindi na ako umagal at hinayaan ko na lang siyang ihatid ako sa kwarto ko. Siguro’y iniisip niya na hindi ko magagawang makarating sa kwarto dala ng kalasingan. Ni hindi pa nga tumatalab ang alak sa akin, eh. Sadyang pagod lamang ako ngayon.
“Thank you,” pasasalamat ko sa kanya nang maihatid niya ako sa aking kwarto. Ngumiti lang naman siya sa akin.
Nang mapansin ko na hindi na siya magsasalita o wala na siyang balak sabihin pa ay tumalikod na ako upang pumasok sa loob.
“Piper,” pagtawag niya sa akin na siyang nagpatigil sa pagpihit ko sa hawakan ng pinto. Agad ko siyang nilingon habang may ngiti sa aking mga labi. “Nothing. Good night.”
Umalis na siya matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon. Pinanood ko naman siyang maglakad papalayo. Napangiti ako nang mawala siya sa paningin ko.
Damn, just his simple goodnight can make me happy. What the heck am I feeling? This is so weird!