“Piper, what did you say?!” mariing tanong sa akin ni Dad. Napatayo na rin ito sa gulat dahil sa biglaan kong sinabi. Siguro’y iniisip nila na kanina pa ako tahimik tapos bomba at magpapasabog sa kaligayahan nila ang unang lalabas na mga salita sa aking bibig.
Napalunok ako at tiningnan si Dad kahit na bahagya akong nakaramdam ng kaba dahil sa pamamaraan ng mga mata niya kung tumingin sa akin, and for the third time, I repeated what I’ve said.
“Hindi po ako papakasal kay Avion.” Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at hinarap ang pamilya ko at pamilya ni Avion. Nakikita ko ang panginginig ng labi ni Dad dahil siguro sa galit sa akin. Si Mommy naman ay ganoon din. Syempre, galit iyan, napahiya ko sila, eh.
“Hija,” pagkuha ng atensyon sa akin ni Tito Lucio. Tumingin naman ako sa kanya. “Akala ko ba’y napag-usapan niyo na ito ng mga magulang mo? They’ve said that the only reason that stopping your from agreeing with this is Avion’s relationship. Ngayong wala na, we assumed that you’re okay with it. Anong nangyari at nagbago ang isip mo?”
Ang pamamaraan ni Tito Lucio sa pakikipag-usap sa akin ay halos hindi ko marinig sa hina. Para bang nag-iingat siya sa mga salita niya at natatakot na mas lalo lamang akong manlaban at umayaw sa kagustuhan nila.
“Tito Lucio and Tita Via, I’m really sorry po. At first, that was my decision, that was what I have said. Hindi ako papakasal kay Avion dahil may kasintahan siya. Siguro’y iniisip ko po na dahil malayong mangyaring matuloy itong kasalang ito kaya’t pinagsawalang bahala ko ang lahat. Ngunit ngayon na napunta na sa ganito ang lahat, naisip ko na hindi ko po pala kayang magpakasal sa taong hindi ako mahal, at ganoon din po si Avion. Hindi siya dapat magpakasal sa taong hindi niya naman iniibig. If we forced this to happen, nakakasigurado po akong hindi kami magiging masaya.” I bowed my head, sincerely apologizing. Ayoko na rin kasing kimkimin pa ito kaya’t ilalabas ko na ang lahat. Kung makagalitan man ako nina Mommy at Daddy mamaya ay handa akong harapin iyon.
Natahimik silang lahat dahil sa pangteleserye kong sinabi. Hindi ko na tuloy alam kung dapat pa ba akong magpatuloy sa listahan ng sasabihin ko dahil pakiramdam ko ay inaakyatan na naman ako ng hiya.
Muli kong ibinuka ang aking labi upang magsalita ngunit nang marinig ko ang aking ina na tumatawa sa gilid ay napatigil ako at napatingin sa kanya. She’s cackling while slowly clapping her hand.
“Oh dear, you’re so traditional,” panimula niya at tumingin sa mga bisita. “I’m really sorry about her, masyado na kasing naiimpluwensyahan ng mga napapanood na mga pelikula at nababasang libro ang utak ng anak ko kaya siya ganyan.”
Bumaling sa akin si Mommy at hinawakan ang aking braso. Marahan niya iyong hinimas na para bang pinapaamo niya ako. Tiningnan ko ang kamay niya bago ibalik sa mukha niya. Nakangiti man ang mga labi ni Mommy ngunit hindi nakangiti ang mga mata niya. Iba ang ekspresyon ng mga mata niyang iyon at hindi ko ito gusto.
“Sweetheart, people nowadays don’t marry because of love. Maraming dahilan na ngayon ang pagpapakasal. It can be political, business, whatnot. Hindi ko sinasabi na palaging ganoon pero madalas, so what’s the difference if you’re going to marry a Benavidez to expand our influence? It will help our family and their family. It’s a win-win situation for all of us.” Tumayo si Mommy at nilapitan ako. Ngayon naman ay ang buhok at pisngi ko ang hinaplos niya. “Isa pa, love can be learnt. Mapag-aaralan niyong mahalin ang isa’t isa sa oras na magkasama na kayo sa bahay.”
Nanlalaki ang aking mga mata sa lahat ng narinig mula kay Mommy. Alam ko na kaya sila nagpakasal ni Dad noon ay dahil din sa pamilya nila pero hindi ko akalaing gagawin nila ito sa akin. Sila dapat iyong mas nakakaintindi sa nararamdaman ko. I want to be loved, at nakapagdesisyon na ako na kung magpapakasal ako iyon ay dahil mahal ko at mahal ako.
“Mom—”
“Piper.”
Napatigil ako sa aking pagsasalita nang tawagin ako ni Avion. Napatingin ako sa kanya at nakita ko rin ang pagtayo niya. Napalunok ako sa hindi malamang dahilan.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ayokong magpakasal sa kanya dahil alam kong ayaw niya rin at hindi niya ako gusto pero sa tuwing iniisip ko na babawiin niya ang pagpayag niyang pakasalan ako ay naninikip ang dibdib ko. Weird.
Tumingin sa akin si Avi at matipid na ngumiti. Even his faint smile is enough to give me heartache. What the heck?
“I know everything happened so suddenly. Na parang noong nakaraan lang ay pareho tayong tutol na magpakasal dahil sa kanya-kanya nating dahilan at rason tapos ngayon ay magkaiba na ang ating pananaw at opinyon. But please, give me a chance.” Muli siyang humugot nang malalim na paghinga bago tumingin sa akin ng diretso. “Be my wife. Please, marry me.”
“Tell me, what the heck did I get myself into?” Tulala ako habang nakahiga sa kama ni Bellamy. Nasa bahay nila ako ngayon at hindi malaman ang gagawin dahil sa mga desisyon ko sa buhay. Naririto rin si Kolt na para bang nag-eenjoy siyang lokohin at biruin ako.
“Ay nako, sis! Pinasok mo lang naman ang buhay ni Avion Benavidez. Malapit na, Benavidez ka na rin!” natatawang sabi sa akin ni Kolt.
Bumuntong hininga ako at ipinikit ang mga mata ko. Iniisip iyong naging desisyon ko noong nakaraang dinner kasama ang mga Benavidez. Nang sabihin kasi ni Avion ang mga salitang iyon ay parang nagbuhol-buhol ang mga salita sa utak ko at ang tanging maayos na salita lamang sa isipan ko ay ang salitang oo at yes kaya’t iyon ang isinagot ko sa kanya.
Ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal ako kay Avion Benavidez!
“Hindi ko alam bakit ako sumagot ng oo sa kanya! Sinabi niya lang naman na be my wife tapos ang sagot ko, oo? f**k it! Hindi rin ako makapaniwala sa sarili ko.” Bumangon ako mula sa pagkakahiga at tumingin sa dalawang kaibigan na panay ang pakikinig sa mga rants ko sa buhay.
I mean, hindi naman masamang pakasalan si Avion pero—ewan ko ba! Ang dami ko pang sinabi noong araw na iyon tapos ang ending papayag din naman pala ako. Sana hindi na lang ako nagdrama, hindi ba? Nahihiya ako sa tuwing naaalala ko ang mga pinagdadada ko nang araw na iyon.
“Hay nako, mare, wala ka nang magagawa. Nakaplano na ang lahat.” Tumingin sa akin si Bellamy at kinurot ang pisngi ko. Marahan ko namang hinampas ang kamay niya. “Ikaw kasi, hindi mo inaayos iyang mga desisyon mo sa buhay. Parang kapag naririnig mo ata ang boses ng Avion na iyan ay nanginginig ‘yang tuhod mo at naba-blangko iyang utak mo. Kaunti na lang iisipin kong simp ka, eh.”
Ngumuso ako sa sinabi ni Bellamy. Grr, kaibigan ko ba sila? Imbis na damayan nila ako ay inaasar pa nila ako. Hindi nakakatulong!
“So, bakit mo nga ba kami gustong makita? Imposible namang dahil lamang sa pagpayag mo sa kasal? Iyan na ang topic natin ng ilang araw sa group chat, ha. Huwag mong sabihing pati rito,” si Kolt habang inaayos iyong kuko niya.
Inirapan ko siya at tumingin kay Bellamy. “Si Bella naman kasi ang kailangan ko, sumunod ka lang dito nang malaman mong papunta ako.”
Nang marinig iyon ni Kolt ay marahan niyang hinigit ang buhok ko. “Syempre! Gusto ko ng bagong chismis!”
“Ano ngang kailangan mo at gusto mo’y dito ka pa sa bahay namin,” giit ni Bellamy. Grabe naman ang isang ito. Parang ayaw niyang magkita kami at dalawin ko siya.
“Gagawin kasi kitang maid of honor.” Muli akong nahiga sa kama. Nako, huwag niyang matanggihan ito ha! Wala si Ayva rito sa Pilipinas, wala akong ibang ilalagay sa maid of honor—pwede iyong kapatid ni Avion. Pero si Bellamy kasi iyong super bff ko.
Napatingin sa akin si Bellamy. Para bang gulat na gulat siya sa sinabi ko. Napagkasunduan namin na maliit na kasalan lamang ang gawin. Iyong malalapit na pamilya, tao, at kaibigan lamang ang imbitado. Ganoon pa man, kumpleto pa rin naman ang casting sa kasal.
“Seryoso ka ba?” gulat na gulat na tanong niya sa akin. Tiningnan ko siya at nginiwian.
“Mukha ba akong may oras magbiro?” Punung-puno na nga ang schedule ko dahil sa kasal na iyan. May mga interviews pa dahil nga kilala ang pamilya naming dalawa.
“Weh?” Parang maiiyak pa si Bellamy habang tinatanong iyon. Bumangon ‘ko at hinampas ang braso niya.
“Oo nga! Ang kulit naman. Syempre, bata pa lang tayo ay magkaibigan na tayo. Sino pa bang gagawin kong maid of honor. Wala naman akong mga pinsang babae, tapos solong anak pa ako.” Ngumunguso kong sabi sa kanya. Balak ko sanang gawing isa sa bride’s maid si Ayva kaya lang wala naman siya rito. Si Kolt ay gagawin kong sa veil.
Pumayag si Bellamy. Tuwang-tuwa pa siya nang sumagot sa akin. Nakahinga naman ako ng maluwag. Sobrang pagkadismaya ko siguro kung hindi ko siya magiging maid of honor.
Naging abala ako sa paghahanda sa kasal. Pumupunta ako sa fitting ng damit ko at kinakausap ang mga organizer. Sa pag-aayos na iyon ng kasal ay hindi kami nagkakasalubong ng landas ni Avion. Iyon ngang engagement ring ay ibinigay na lang sa akin ng isang tauhan nila. Wala man lang naganap na pormal na engagement talaga. Doon pa lang ay ramdam mong walang pagmamahal o affection sa pagitan naming dalawa.
Gusto ko mang maranasan iyong mga nakikita ko sa mga pelikula at nababasa ko sa libro ay mukhang malabo na iyon. Ano bang magagawa ko? Ito ang pinili kong landas. Wala nang atrasan, walang sisihan. Kung ano man ang maging bunga nito ay dapat harapin ko.
“Anyway, we planned a bridal shower for you. You can invite your friends. Nag-imbita na rin ako ng mga pinsan kong babae. I hope you don’t mind. Magiging cousins-in-law mo na rin naman sila.”
Kausap ko ngayon si Nevaeh at sinasabi niya sa akin ang pinagplanuhan nilang bridal shower sa akin bago ako ikasal kay Avion. Sumang-ayon na lang naman ako roon.
“Sige, iimbitahin ko ang friends ko,” sagot ko naman sa kanya sa kabilang linya. Halos ilang araw na lang pala ay ikakasal na ako kay Avion. Napagdesisyunan kasi nila na May 15 ganapin ang kasal.
“Okay! I’m so excited, Maui. Anyway, see you! Magsabi ka lang kung may gusto kang ipalagay or gawin sa party mo.” Iyon ang huling salita ni Nevaeh bago niya tapusin ang tawag. Ibinaba ko na rin ang telepono ko at bumuntong hininga. So much effort for something that was arranged by our parents.
Nag-chat agad ako sa group chat namin na may mangyayaring bridal shower at inimbita ang mga kaibigan ko. Pumayag naman sila at sinabing pupunta raw sila.
Nag-aayos na ako ngayon para sa bridal party. Hinihintay ko si Emma na maayos iyong susuutin kong dress galing sa Dior, at habang nagsusuklay ay hindi ko mapigilang makapa ang peklat na nasa may ilalim ng tainga ko.
Naghanap ako ng maliit na salamin at tiningnan kung makikita ko iyon. Napairap ako nang makita ko nga. “How unpleasant.”
Pumasok si Emma sa loob ng kwarto ko na may malaking ngiti sa kanyang labi at ipinakita ang ayos ko ng dress. Matipid din naman akong ngumiti sa kanya.
Inilagay niya iyon sa ibabaw ng aking kama at lumapit sa akin para siya na ang magpatuloy na magsuklay sa aking buhok habang ako ay titig sa aming repleksyon sa salamin ng aking tukador.
“Emma,” pagtawag ko sa kanya habang nanatili ang aking titig sa salamin. Ngumiti siya at tumingin sa aking repleksyon.
“Bakit po?” tanong niya, hindi napapawi ang ngiti sa kanyang labi.
“Natatandaan mo ba kung paano ko nakuha ang peklat na ito? Hindi ko matandaan.” Itinuro ko sa kanya ang lugar kung nasaan ang peklat tiningnan niya iyon at ang mga ngiting mayroon siya’y agad na naglaho.
“Hindi ko na po matandaan, Ma’am. Hindi ko nga alam na nagkasugat kayo riyan.” Iyon man ang mga salitang lumabas sa kanyang labi ay hindi maipagkakailang may itinatago siya sa akin.
Nanliit ang aking mga mata habang pinagmamasdan siya at ang biglang pagbabago ng kanyang aksyon nang itanong ko ang tungkol sa peklat.
Natigil lamang ang paninitig na ginagawa ko kay Emma nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at nakita ko ang text mula kay Bellamy.
Bellamy:
Naririto na kami ngayon sa bahay niyo. Nag-aayos ka pa raw sabi ng katulong niyo. We’ll wait. I’m with Kolt. Sabay-sabay na tayong magpunta sa party. Is that okay with you?
Agad akong nagtipa ng irereply sa kanya. Sinabi ko na okay lang kung magsasabay-sabay kami. Parang nahihiya rin naman ako na magpunta roon mag-isa.
Matapos kong makapag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto, and when Kolt saw me walking the staircase, he slowly clapped his hands. Natawa naman ako sa kanyang ginawa.
“Ang ganda naman talaga ng bride to be at ng soon to be Mrs. Benavidez!” Lumapit siya sa akin at sinabi na mag-picture raw kami dahil ipo-post niya sa kanyang i********:. Nahihiya man ay ngumiti ako para sa picture na iyon. Marami rin kasing followers si Kolt at ayokong mabatikos kung sakaling ang pangit ko sa picture.
Nakarating na kami venue kung saan gaganapin ang bridal shower ko. Nakakahiya kay Nevaeh dahil siya ang nag-asikaso ng lahat. Wala naman kasi akong balak magpaganito at sinabihan ko na rin ang mga kaibigan ko kaya’t nagulat ako nang sinabihan ako ni Nevaeh that she prepared a bridal shower for me. Mas nakakahiya naman kung tatanggihan ko iyon, hindi ba?
“Mukhang pinaghandaan ng sister-in-law mo. Maybe she really likes you!” pumapalakpak na sabi ni Kolt nang makita ang engradeng preparasyon sa bridal shower na ito. Matipid na lang akong ngumiti at hindi nagbigay komento pa.
Sinalubong kami nina Nevaeh. May mga ilang pinsan siya roon at pati pinsan niya ata sa mother side. Kilala ko ang mga pinsan niya sa father side dahil naipakilala na niya ang mga ito sa akin.
“I tried to invite Hyacinth pero ayaw ata siyang payagan ni Silas. Nabaril kasi si Hyacinth, eh. Mukhang pinagpapahinga pa ni Silas,” malungkot na sagot sa akin ni Nevaeh nang itanong ko kung bakit wala si Hyacinth.
“Oh my! What happened to her? Bakit siya nabaril?” Hindi ko mapigilang mag-alala nang malaman ang nangyari kay Hyacinth.
“She’s fine now. Humihilom na naman iyong sugat niya. You know, the consequence of being the lover of a mafia boss. Laging may nagbabanta sa buhay mo.” Naiintindihan ko ang sinabi ni Nevaeh. Maging ako na anak ng mafia boss ay lagi ring nanganganib ang buhay.
Nalaman ko rin na may bachelor’s party na gaganapin para kay Avion at maliban kina Silas at sa isa pa nilang pinsan na si Zavian ay pumunta roon ang mga pinsan niya.
Everyone was having fun. May mga inimbitang kaibigan na lalaki si Nevaeh at sinayawan ako. Panay naman ang pagtawa ko. Kasabay ng pagtawa kong iyon ay ang mga palaisipan na kung magpapakasal siguro kami ni Avion dahil mahal namin ang isa’t isa tapos ay malalaman niya na ganito ang nangyayari, magseselos kaya siya? Hmm, I want to see him jealous over me pero mukhang malabong mangyari dahil nasa ibang babae ang kanyang puso.
Natapos ang party namin na iyon sa balitang nakaabot kina Sera na may naganap na kaguluhan sa bar kung saan ginaganap ang bachelor’s party ni Avion dahil may sinuntok iyong pinsan niyang si Gio.