May kumatok sa pinto ng condo kaya’t napatutol ang pakikipagtitigan ko kay Eloise. Ngumiti akong muli sa kanila. “Maybe it’s Noah, with our foods. I’ll go and pick it up—” “Ako na.” Hinawakan ni Avi ang pulso ko upang pigilan ako. Napatingin ako roon. Nakakaramdam man ng galit ay hindi ko ipinahalata. I need to get my composure. Kailangan mapaikot ko silang dalawa. Hinayaan ko si Avion na lumapit sa pinto ng kanyang condo. Pinagmasdan ko si Eloise na matalim pa ring nakatitig sa akin. Nginisian o siya at inirapan. “Bakit ikaw pa ang galit ngayon? Ikaw na nga ang nakatikim sa asawa ko,” mahina ngunit sinigurado ko na maririnig niya. Kung galit siya kanina ay mas lalo lamang siyang namula sa galit dahil sa sinabi ko. “b***h, what the hell did you say?!” Akmang susugudin niya ako nang iw