Naisipan namin na magtigil sa Maynila matapos ang nangyari kay Hyacinth upang mas malapit kami kay Silas. Nag-aalala kasi sila—kahit ako para sa kanya lalo na’t kamamatay lamang ni Hyacinth. Sa penthouse ni Avion kami sa Taguig nagtigil. Pagmamay-ari nila ito sa pagkakaalam ko. Dinalaw rin namin si Gio kanina dahil malapit lamang ang condo nito. Kagaya ni Silas ay wala rin ito sa sarili. Sa pagkakaalam ko ay iniwan din ng babaeng kinahuhumalingan niya. “Ito ang unang pagkakataon na nakita ko ang mga pinsan kong nagkakaganito sa babae,” sabi ni Avion bago isalpak ang sarili sa sofa. Naglakad naman ako papalapit sa kanya at naupo malapit sa kanya. Tiningnan niya ang kinaroroonan ko at tinapik niya ang tabing pwesto niya. Nahihiya man ay lumapit na rin ako sa kanya. “Bakit? Hindi ba sila n