CHAPTER 3: PHONE

2709 Words
“Where the hell are you, Piper?!” Agad kong inilayo ang aking cellphone sa tainga ko nang marinig ko ang pagsigaw ng kaibigan kong si Bellamy sa kabilang linya. Ang sakit naman sa tainga kung hahayaan ko siyang sigawan ako, ‘no. Isa pa, tinawag niya akong Piper kaya alam kong pumuputok butchi nito sa galit sa akin. “In paradise,” I giggled. I don’t want anyone to know where I am. Alam ko na agad akong papupuntahan ni Dad sa mga tauhan niya. That’s why, si Noah at ang mga loyal men ko ang inatasan ko rito. Ipapasundo ko na rin si Emma sa kanila upang kahit papaano naman ay may makasama ako rito at may magsilbi sa akin.  Pinagkakatiwalaan ko si Emma dahil bata pa lamang ay malapit na kami sa isa’t isa. Halos sa amin na rin kasi siya lumaki dahil ang kanyang ina ay namasukan sa amin, at simula nang pumanaw ang kanyang ina ay iginugol na niya ang lahat ng oras sa pagsisilbi sa pamilya ko at pag-aalaga sa akin kahit ilang taon lamang naman ang tanda nito sa akin. Sa sobrang pagkairita sa akin ni Avion ay wala na siyang ginawa kung hindi ang umalis na lamang at pumasok sa bahay na naririto sa isla namin. Panatag naman ang loob ko dahil alam ko na wala siyang ibang mapupuntahan. There’s no way out. Ang karatig na isla rito at kakailangan mo pa ng bangka upang makarating. Unless Avion is a hybrid at may pagka-submarine pala siya ay maaari siyang umalis. “Paradise mo ang mukha mo! My goodness, Piper! Alam mo bang hinahanap ka nina Tito? Pati kaming walang alam sa ginagawa mo sa buhay ay nagulantang nang malamang bigla ka na lang nawala sa party na pinuntahan niyo. Seriously, where are you? Pati ba naman kami ay pagtataguan mo pa,” pagsigaw niyang muli sa akin. Kahit kailan talaga ay parang nanay ko itong si Bellamy. “Bella, chill. I’m safe. Don’t tell my parents that you were able to contact me. Ayokong sagutin ang mga tawag nila,” mahinahon ko namang wika sa kanya. “Huh? Can you hear yourself? Nag-aalala na sa ‘yo ang mga magulang mo and you’re asking me not to tell them that you’re somewhere in paradise, sabi mo nga. Come on, Piper! Nasaang lupalop ka ba ng mundo? Baka naman nasa outer space ka nang gaga ka?!” Natawa ako sa patuloy na pagsigaw at pamimilit sa akin ni Bella na sabihin ko sa kanya ang kinaroroonan ko.  “Sorry, bestie. I know you’re my good friend. But a secret is a secret. Magku-kwento naman ako kapag nakabalik na ako—kung babalik pa ako. Anyway, bye!” Agad kong tinapos ang tawag at pinatay ang cellphone ko, in that case no one can contact me. Itatago ko na lang ito mamaya kasama ang cellphone ni Avion. Napatayo ako at napatingin sa mga batang nagtatawanan sa hindi kalayuan. Napangiti ako at tumayo mula sa pagkakaupo ko sa buhanginan. Lumapit ako sa kanila at nang mamataan nila ako ay tumigil sila sa paglalaro. “Hello,” bati ko sa kanila. “Hi, Ate Maui!” pagbati pabalik naman sa akin ng mga bata. Kilala ko ang mga ito dahil anak sila ng pamilyang pinatira ni Dad dito sa isla upang pangalagaan ito. Tulong na rin iyon ni Dad sa pamilya dahil sa pagliligtas nila rito nang muntikan na itong malunod noon. I lied to Avi when I told him no one is here other than us. Dahil sa medyo dulo ng isla ay may isang pamilyang nangangalaga ng isla naming ito. “Ate, kailan ka pa po dumating?” nagtatakang tanong ni Sunshine, isa sa mga bata. “Kagabi lang.” Marahan kong ginulo ang buhok niya at nginitian siya. Nakipaglaro ako sa mga bata. Kahit na hindi ako sanay sa kung anong nilalaro nila ay natutuwa naman ako lalo na kapag nakikita kong masaya sila. Hindi ko kasi naranasan ang ganito noong bata ako kaya’t nakakatuwang makita na nagsasaya ang mga batang ito. Hmm, actually I’m not sure. Hindi ko kasi masyadong maalala ang mga pangyayari noong bata ako. Ang tanging naalala ko lang ay noong bata ako, kahit na may mga makakalaro naman ay hindi ako pinapayagan ni Mommy. Ang sabi niya kasi ay delikado. Madalas kasing nanganganib ang buhay ko dahil na rin sa trabaho ni Dad at isali mo pa ang mafia na hawak ng pamilya namin. Marami kaming kalaban na umaaligid lamang at naghihintay ng pagkakataon upang saktan kami. Hindi ko rin siya masisisi na mag-alala lalo na’t parati silang wala sa bahay ni Dad. “What are you doing?” Nilingon ko ang nagsalita at napangiti agad ako nang makita si Avion kahit na halata naman sa kanya na hindi siya masayang makita ako. “Playing,” sagot ko sa kanya na parang hindi pa ba obvious na naglalaro ako kasama ang mga bata? “I know. Pero akala ko ba walang ibang tao rito? Bakit may mga bata?” Kumunot ang noo niya at humalukipkip. Napansin ko rin na nakapagpalit na siya ng damit niya. He’s wearing a white linen shirt and shorts. Buti na lang magaling sina Noah sa pagpili ng mga damit ni Avi! Ngumuso ako, pinipigilang matawa sa kanyang sinabi. Hindi ko rin naman siya masisisi kung isipin niyang walang ibang tao dapat dito dahil iyon naman ang sinabi ko sa kanya nang una. “There’s a family who’s taking care of the island kapag wala kami. Anak nila ang mga ito.” Nahihiya akong ngumiti sa kanya dahil alam ko na ikaiinis niya ang pagsisinungaling ko kanina. Napailing na lang siya at hindi na ulit ako pinansin pa. Napanguso naman ako. Ganoon lang ba talaga ang magiging usapan naming dalawa? Paano kami magkakalapit niyan? “Sino siya, Ate Maui?” tanong sa akin ni Andrei, kapatid na lalaki ni Sunshine. Ngumiti ako sa kanya at bago pa man ako makasagot ay lumapit na si Carlos kay Avion. Para akong nataranta nang hawakan ni Carlos ang laylayan ng shorts ni Avion. Tumingin naman ito rito. Kinakabahan ako dahil baka sungitan niya lamang iyong bata. “Kuya, ano pong pangalan niyo?” tanong ni Carlos habang nakatingala kay Avion. Naisipan kong lapitan ang dalawa upang ilayo si Carlos kay Avi. Iniisip ko talaga na may tendency na sigawan at sungitan ni Avi ang bata. “Avion,” matipid pero nakangiting sagot ni Avi kay Carlos. Napatigil naman ako sa paglapit sa kanila. Avion slightly squat and patted Carlos’ head. Marahan niyang ginulo ang buhok nito, na para bang natutuwa siya roon sa bata. “Ikaw? What’s your name?” tanong ni Avion dito na masaya at masigla namang sinagot ni Carlos. Ipinakilala rin nito ang mga kapatid niya at masaya nilang nilapitan at kinausap si Avi. Natahimik ako at natulala habang pinagmamasdan sila. Hindi ko na napansin na unti-unti akong napapangiti habang pinagmamasdan silang magkatuwaan. Hindi ko akalain na malapit si Avi sa mga bata. “Nako! Ma’am Piper, naandito po pala kayo sa isla. Hindi niyo man lang ako sinabihan para nakapaghanda man lang.” Nilingon ko ang babaeng papalapit sa amin at nakita ko si Aling Teresa. Iyong ina ng tatlong bata. Nginitian ko siya at magalang na binati. “Hindi na po kailangan. Biglaan din naman po ang pagpunta ko. Isa pa, papunta na rin po rito ang katulong ko kaya hindi niyo na kailangang mag-abala pa. Si Mang Ariel? Nangingisda pa po?” tanong ko kay Aling Teresa habang tinitingnan-tingnan iyong mga batang kalaro na ngayon ni Avion. “Oo, pero pauwi na rin iyon.” Tumigil sandali si Aling Teresa sa kanyang pagsasalita at tumingin kina Avion. “Sino iyon, hija?”  Kinagat ko ang aking labi nang itanong niya iyon. Hindi ko naman alam kung paano ko ipapakilala si Avion sa kanila. Anong sasabihin ko? Na dinakip ko si Avi dahil hindi ako pinapansin nito? Hell no! “Ah! Si Avion po. Anak ng family friend namin,” iyon na lamang ang sinabi ko at ngumiti. Tumango si Aling Teresa at tinawag na ang mga anak upang salubungin ang kanilang ama na papauwi na. Sinabi pa nito sa akin na dadalhan daw nila kami ng makakain para sa tanghalian na ipinagpasalamat ko naman. Naglakad na ako papalapit kay Avion at agad naglaho ang suot kong ngiti nang makitang malamig na naman niya akong tinitingnan. Psh, akala ko pa naman ay okay na kami dahil nagsasaya siya kasama iyong mga bata. “Where’s my phone?” iyon kaagad ang itinanong niya sa akin nang mapadaan ako sa harapan niya. “Nakatago,” matipid kong sagot sa kanya. “Give it back to me. Kailangan kong matawagan sina Dad—” Nilingon ko siya na para bang ang inosente ko. Iyon din ang naging dahilan para hindi niya maituloy iyong sasabihin niya. “Ha? Kapag tinawagan mo sina Tito Lucio, ano pa lang saysay ng ginawa kong pag-kidnap sa ‘yo?” Ngumuso ako, kunwaring nagpapa-awa. Kumunot ang noo niya, halatang naiinis na talaga sa akin. Pakiramdam ko, kaunting tulak na lang sa pasensya niya ay sasaktan na niya ako. “In the first place, why did you abduct me? Ano ba talagang rason mo para dukutin ako? Pera?!” naiirita niyang tanong sa akin habang hinahabol ako sa paglalakad. “Mukha bang pera ang gusto ko sa ‘yo?” May pera rin ang pamilya ko at hindi ko kailangan ng pera ng mga Benavidez, ‘no! “Kung hindi nga pera…ano?!” Nilingon ko siya dahil sa pagtaas ng boses niya. Napatigil din naman siya sa paglalakad.  Iginilid ko ang aking ulo at pinagmasdan siyang mabuti. I don’t know if I’m doing the right thing but I actually trying to seduce him. “Hindi mo kasi ako pinapansin.” Nang una ay natulala siya sa sinabi ko, ngunit hindi rin nagtagal ay napangiwi siya na para bang hindi niya alam ng ipapakitang ekpsresyon. “The f**k?!” Hindi mawala ang pagkairita sa boses niya. Hindi ko tuloy malaman kung matatawa ako dahil naiinis ko siya o masasaktan dahil mukhang kahit anong gawin ko, I can’t please him. Inirapan ko na lang siya at naglakad na papunta sa bahay. Grr, gusto ko lang naman na mapansin niya ako, eh. Mahirap bang gawin iyon? At ngayon nga na napapansin niya ako, lagi naman siyang galit at iritado sa akin. Bakit kaya iyong ibang babae naman napapakisamahan niya nang maayos tapos ako…hindi? “Hey, we’re not done talking—” “Kung tungkol lamang sa phone mo o kung kailan kita iuuwi, then we’re done. Hindi ko ibabalik ang cellphone mo at hindi rin kita kaagad ibabalik sa inyo.” Nilingon ko siya as I seductively smiled at him. “Maybe, if you become a good boy baka magbago ang isip ko.” I winked at him and turned my back to him bago tuluyan siyang iwanan doon. Katulad ng sinabi ni Aling Teresa sa akin kanina ay dinalhan niya kami ng inihaw na bangus at iba pang putahe dahil marami raw nahuling isda ang kanyang asawa. Sina Emma naman ay dumating na rin kaya’t may nag-aasikaso na sa mga pangangailangan namin. May nagbabantay na rin sa isla just in case biglang sumulpot sina Dad dito at hanapin ako. “Nagkakagulo po sa bahay, Ma’am,” sabi ni Emma habang sinusuklayan ang buhok ko. Gabi na kasi ngayon at patulog na kami. Si Avion ay nasa kabilang kwarto at may bantay sa labas ng kwarto niya. Naisip ko kasi na, what if he can operate the chopper na nasa labas? Baka makatakas ang isang iyon. Hindi ako nagsalita. Hindi naman sa gusto kong bigyan ng sakit ng ulo ang pamilya ko pero wala talaga akong ibang maisip para makasama at magkamabutihang loob kami nitong si Avion. Minsan lamang ako magkagusto sa lalaki at iba talaga ang tama ko sa kanya. Kaya matatapos ang bakasyon naming ito na may gusto na rin siya sa akin. Lumaki ako nang nakukuha ang lahat ng gusto ko. My parents will always give my caprices. Kaya naman nang hindi ko makuha ang atensyon ni Avion ay nag-init ang ulo ko at ang sinabi ni Dad sa akin ay parang isang gatilyo ng baril na nagtulak sa akin upang makapag-isip ng hindi makatuwiran na bagay.  Napagtanto ko lang na mali ang ginawa ko nang naandito na kami sa isla at dahil naandito na naman kami, bakit pa ako magba-backout. Duh, susulitin ko na ‘no. Kung paano naming nagawang madukot itong si Avion ay hindi ko rin alam kina Noah. Basta tinawagan na lang nila ako nang makuha na nila si Avi. Palabas-labas kasi ito ng venue kaya’t hindi na ako magtataka kung mabilis nilang nadukot ito. “I want to talk to her.” Dinig kong sabi ni Avion sa labas. Kausap niya ata ang isang nagbabantay sa labas ng aking silid. “Sorry Sir, pero natutulog na po ata si Ma’am,” sabi naman ni Gilbert, iyong nagbabantay sa labas. Tumingin ako kay Emma at sinenyasan siyang tingnan kung anong nangyayari sa labas. Sinabihan niya ako na gusto raw akong kausapin ni Avion. Hindi pa man ako nakakasagot ay itinulak na ni Avion ang pinto. Napaatras si Emma sa takot na baka madali siya ng pinto. “Yes?” May ngiti ang aking labi nang sabihin ko iyon sa kanya. Naglalagay na ako ngayon ng moisturizer sa aking mukha. We need to take care of our skin, ‘no. “Kailangan kitang makausap,” matigas at mariing sabi niya sa akin. Na para bang wala akong karapatang tumanggi. Oh boy, hindi rin naman ako nagbabalak tanggihan siya sa kung anong gusto niya sa akin. Harot! “Tungkol saan? Interesado ka na ba sa akin? Kung single ako? Yes. Kung crush kita? Yes na yes!” Wagas ang aking ngiti habang sinasabi ko iyon sa kanya. Bumaling ako sa kanya at nakita ko ang pagngiwi niya. Napanguso naman ako dahil bakit ba ang asim ng reaksyon niya? “Hindi,” he firmly said. Na para bang ang kapal ng mukha kong mag-isip ng mga ganoon. Arte naman! “Tungkol saan nga?” Naglaho na rin ang mga ngiti ko. Pamatay naman kasi ng trip ito si Avion. Akala ko ba lady killer siya? Magaling lang ata siyang manira ng pangarap ng mga babae, eh. Huminga siya nang malalim bago muling tumingin sa akin. “I need to go back home. Ibigay mo na ang cellphone ko. Hindi mo kailangang ihatid ako pabalik ng Batangas o ng Laguna. Kakausapin ko si Dad, sila na ang magpapadala ng sundo ko.” Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Ilang beses ko bang dapat sabihin sa kanya na wala nga akong balak ibalik ang cellphone niya? “I kidnapped you, hindi ba? So, why would you think I’ll let you go easily? Kung pakakawalan din pala kita nang ganoong kadali, sana ay hindi na kita dinakip una pa lang, ‘no?” I said with full sarcasm. Mukhang kailangan ko pang isa-isahin sa kanya ang bawat letra para lang maintindihan niya. “Wala ka namang kailangan sa akin o sa pamilya ko, hindi ba? Let me go!” Ano ba sa sinabi kong gusto ko siyang makasama at gusto kong magpapansin sa kanya ang hindi niya maintindihan? Gosh, do I really need to spell it word by word? Grade 1 ba siya? “Wala akong kailangan sa pamilya mo pero sa ‘yo, mayroon.” I gave him the sweetest smile I can. Kung hindi pa siya magka-crush sa akin ay ewan ko na lang din talaga. “I have a girlfriend,” aniya na siyang nakapagpatigil sa akin. Ano raw? He has a—what? Damn, I think I heard him wrong. “Come again?” Umakto pa ako na para bang hindi ko siya narinig nang maayos. Bumuntong hininga siya bago ako diretsong tingnan sa aking mata. Chills run down my spine. His cold gaze is enough to bring shivers throughout my body. Damn! “I have a girlfriend, Miss. Kailangan ko na siyang makausap dahil alam ko, nag-aalala na iyon sa akin.” Inilahad niya ang kanyang kamay. “So, give me back my phone.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD