CHAPTER 29: RAIN

2947 Words

Buong maghapon wala sina Avion. Sa tingin ko ay kasama rin nila si Adira dahil hindi ko rin ito nakita sa maghapon, at dahil mag-isa nga lang ako ay umoorder na lang ako ng pagkain sa hotel. Gusto ko mang gumala at libutin ang Madrid ay hindi rin naman mag-e-enjoy kung mag-isa lang ako. Sumilip ako sa bintana. Madilim ang kaulapan pero hindi naman bumubuhos ang ulan. Sana bago umulan ay makauwi sina Avion. Baka kasi kumulog at kidlat. Takot pa naman ako. Wala naman akong pangit na karanasan sa kulog at kidlat kaya ako takot. Lagi lang talagang sumasagi sa isip ko na matatamaan ako kaya’t kailangan kong magtago. Kapag hindi nanunuod ng tv ay humihiga na lang ako sa kama at gumugulong doon. Ganoon ko ubusin ang oras ko hanggang sa makarinig ako ng pagbubukas ng pinto ng kwarto. Agad akon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD