“Bakit naisipan mong magbar? Si Hati?” pagtatanong ko sa kanya. I hope that despite the loud music, she can still hear me. “Nagustuhan ko lang. Pakiramdam ko kasi ay hindi rin naman ako makakatulog agad,” sagot niya sa akin. Tumango ako at uminom ng alak. “Magkasama ba kayo ni Hati sa iisang kwarto?” hindi mapigilan ng makati kong dila ang pagtatanong. Napatigil si Adira sa pag-inom at napatingin sa akin, halatang gulat sa aking itinanong. Nahihiya naman akong ngumiti. Somehow, gusto ko na lang bawiin iyong itinanong ko. Kinagat ni Adira ang kanyang labi at marahang tumango. Nanlaki ang aking mga mata. Ibig sabihin nga niyan may namamagitan sa kanilang dalawa ni Hati? Nagkwentuhan pa kami ni Adira tungkol sa iba’t ibang bagay. Mabilis naman siyang pakisamahan. Nalaman ko na NBSB pala