CHAPTER 19: PLAY ALONG

3000 Words

Nakaupo ako ngayon sa high chair sa may counter ng kusina habang pinagmamasdan ang likod ni Avion. He’s preparing my late dinner. Hindi ko masabi kung late dinner ba ito o breakfast na. Sinabi ko sa kanya kanina na gusto kong iinit sana iyong kaldereta at magluto ng sunny side up na itlog. Ipinatong ko ang baba ko sa magkabilang palad ko at pinanuod lamang si Avi na magluto. Ang tikas niya pa rin talaga kahit na medyo madilim ang paligid at nakatalikod siya. Hindi na ako magtataka bakit halos lahat ng babaeng makakakita sa kanya ay mabaliw. Bukod pa roon, gentleman din naman ito kahit medyo pilyo. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang pinagmamasdan ang likod ni Avi. Agad iyong naglaho nang maalala ko ang mga salita ni Eloise. If only I didn’t know. Hindi sana ako masasaktan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD