Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko at tulala lamang habang diretso pa ring nakatitig kay Eloise na may makahulugang ngiti pa rin. Na para bang natutuwa siya sa naging reaksyon ko sa sinabi niya. Ang utak ko ay pinoproseso pa ang sinabi niyang iyon at nang mapagtanto ang ibig niyang sabihin ay parang gumiba ang natitirang lakas na mayroon ako. My heart wants to deny that Avion is just using me for his inheritance but my mind already processed the details. “Gosh, akala ko ay nasabi na sa ‘yo ni Avi. Nagulat pa nga ako nang malaman na magpapakasal ka kahit na iyon lamang naman ang habol ni Avi sa ‘yo. So, he didn’t tell you? I’m sorry.” Tinakpan niya ang kanyang bibig na para bang nagsisisi siyang sinabi sa akin ang lahat ng iyon kahit na ang mga mata niya ay wala namang bahid ng pagsisis