CHAPTER 9: CHOICE

2766 Words
“Maui,” pagtawag sa akin ni Dad.  Tumingin ako sa kanya. Bakit ba hindi na lang nila ako hayaang magpahinga? “Anong pinag-usapan niyong dalawa ni Avion kanina?” tanong sa akin nito. Tumabi si Mommy kay Dad kaya’t napatingin ako sa kanya. Halos umirap ang aking mga mata dahil sa pagtingin na naman niya sa akin. “Please tell me you’re not working together to prevent the wedding to happen, Piper. That will be a really disappointing thing for you to do.” Wala pa man ay parang dismayado na si Mom sa akin. Umiiling siya habang sinasabi ang mga salitang iyon. “Hindi,” matipid kong panimula, “…pero kagaya ng hula ko ay hindi niya ako gustong pakasalan, Dad. May girlfriend si Avion. Bakit ba hindi na lang natin hayaan ang dalawa? Huwag na nating isali pa ang pamilya natin sa kung ano mang nangyayari sa pamilya nila. Ayokong madamay at maging sanhi upang maghiwalay ang dalawa. Ayokong maging ganoong klase ng tao, Dad. Hindi niyo rin ako pinalaking pakawala at maninira ng relasyon.” “Sweetie, Avion will be a good match for you. That woman will just ruin the Benavidez. Hayaan mong magbigay tayo ng kaunting tulong sa kanila upang mawala ang mga taong gusto lamang kunin ang yaman na mayroon sila—” “Tulungan sila? In what way, Dad? Ang pilitin kaming dalawa ni Avion na magpakasal upang mapaghiwalay sila ng girlfriend niya? Who are we to say that Eloise isn’t a perfect match for Avion? Sa tingin niyo, bakit sa dinami-rami ng babaeng nakasalamuha ng isang Avion Benavidez ay sa babaeng iyon siya nahulog? There’s a reason behind that, Dad. Na kahit sina Tito Lucio ay walang alam. Bakit kaya hindi na lang natin hayaan si Avion at huwag nang guluhin ang buhay niya? Ganoon din ako. Kasi sa totoo lang ayokong mangealam sa kanila. Huwag niyo akong gamitin para lang mawala ang taong ayaw niyo sa buhay ng iba.” Matapos ko iyong sabihin ay nagmartsa na ako papaakyat ng hagdanan. Na kahit tinatawag ako nina Mommy ay hindi na ako lumingon pa. Nagkulong ako sa kwarto ng gabing iyon at ang sama ng loob ko ay itinulog ko na lang. Tahimik ang naging buhay ko nang mga sumunod na araw. Hindi na ako ginugulo ni Dad tungkol sa kasal. Siguro ay nakuha niya na rin ang punto ko.  Nasa Manila sila ngayon kaya’t mag-isa lamang ako sa bahay. Wala rin naman akong ibang ginawa kung hindi ang magpadala ng email sa mga kailangang padalhan ng email. Maybe I should talk to my father na hayaan na akong bumalik sa trabaho. Naalala ko iyong huling pag-uusap namin nina Dad tungkol sa kasal na iyan. Madalas mang pabago-bago ang aking iniisip at stand sa topic na iyon ngunit alam ko na sa huli, tatayo ako sa alam kong tama. Naisip ko na mag-swimming na lang upang magpalipas ng oras nang tawagin ako ni Emma dahil tumawag daw si Dad sa telepono at may mahalagang sasabihin sa akin. “Dad?” bati ko sa kanya sa kabilang linya. “How’s my princess?” tanong niya naman sa kabilang linya. Napangiti ako. Sa tingin ko ay maganda ang kanyang mood. “I’m fine, Dad. How about you? Sana ay hindi kayo masyadong nagpapagod,” sabi ko naman sa kanya. Nag-aalala ako sa kalusugan niya. “I’m great! Sa katunayan ay may maganda akong balita sa iyo.” Tumigil siya sandali at para bang huminga nang maluwag. Hindi ko naman mapigilang ma-excite sa kung ano mang magandang balita ang binabalak niyang sabihin sa akin. “Ano iyong ibabalita niyo, Dad? Parang ang saya-saya niyo, ah? Tungkol ba iyan sa business natin?” Siguro ay may na-close siyang deal o may mga bagong investors na makakatulong upang mas mag-boost ang kita ng kompanya namin. If that’s the case, talaga ngang good news iyon. “No, no. It’s not about the business, darling.” Humalakhak pa si Dad sa kabilang linya kaya lalo akong naintriga sa kung ano ba ang sinasabi niyang magandang balita. Nagpasalamat ako kay Emma nang hatiran niya ako ng juice. Ako naman ay naghihintay pa rin ng sasabihin sa akin ni Daddy. “Well, makalipas nag ilang araw halos linggo na hindi kami nakakapag-usap ng Tito Lucio mo ay nakapag-usap na ulit kami kanina lamang at may ibinalita siya sa akin.” Naglaho ang akin ngiti sa kanyang sinabi. Sa hindi malamang dahilan ay nararamdaman ko na ipagpipilitan na naman niya sa akin si Avion. “Dad, ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na ayokong pilitin si Avi—” “Avion agreed to marry you, hija,” masayang sambit ni Dad sa akin.  Halos mahulog ang basong nasa gilid ko lamang dahil sa biglaan kong pagtayo. Si Avion ay pumayag nang magpakasal sa akin? Akala ko ba ay hindi siya papayag? Anong nangyari? “Dad, you’re joking.” Pilit pa akong tumawa para ituring na biro lamang talaga ang sinabi ni Daddy. Hindi ako maniniwala sa kanya hangga’t hindi si Avion ang nagsasabi sa akin nito o hindi siya makakapagbigay ng kahit anong ebidensya na pumayag nga si Avi. “I’m not, Maui. He agreed to marry you. Kakatawag lamang ni Lucio sa akin upang ibalita iyon. I don’t know what really happened pero mukhang matapos niyang makausap si Avi ay pumayag na ito.” I can only imagine my Dad clapping his hands due to this news. Gayunpaman, parang hindi ito kapani-paniwala. “Paano papayag si Avion Benavidez na magpakasal sa akin? May girlfriend iyong tao. Kahit na pumayag siya, hindi ako papayag nang may kahati Dad. Ayokong pumatol o magpakasal sa isang taong committed na sa iba.” Muli akong naupo sa kinauupuan ko kanina at kinuha ang baso ng juice upang makainom. Pakiramdam ko ay sumasakit ang lalamunan ko sa pinag-uusapan naming dalawa. Tumawa si Dad sa kabilang linya. Tanda na may hindi pa siya sinasabi sa akin at kung ano man iyon ay ang magpapatigil sa lahat ng reklamo ko. “They broke up. Avion is single, honey. Wala na siyang girlfriend because they broke up.” Laglag panga ako nang marinig ko iyon mula kay Daddy. Bakit naman sila maghihiwalay? Sinong nakipaghiwalay? Malamang ay hindi si Avion. Kitang-kita naman sa kanya na mahal niya talaga iyong girlfriend niya. God, something’s off and doesn’t add up! “Dad, naguguluhan ako. Bakit naman hihiwalayan ni Avion iyong girlfriend niya o kung sino mang nakipaghiwalay sa kanila dahil lamang sa kasalang pwede namang hindi maganap?” Alam kong maaaring walang alam si Dad pero hindi ko lang talaga maiwasang magtanong. May kung ano sa akin na may gustong marinig na rason. Ganoon pa man, alam kong hindi ko iyon makukuha. May kung ano akong nararamdaman sa aking tiyan. Na para bang may nagwawala rito at parang bumaliktad ang sikmura ko sa hindi malamang dahilan dahil sa balitang ito. s**t is making me crazy! “That’s none of our business, Maui. Ang sa atin lang walang sabit ang magiging kasal niyo. You’re single, Avion is single. Both of you can marry each other. Pumayag na rin si Avion at ang rason mo upang hindi siya pakasalan ay wala na rin. We will probably go home tomorrow or the day after tomorrow. Baka magkaroon ulit tayo ng dinner with the Benavidez,” masayang sabi ni Daddy sa akin. Hindi ko magawang makasingit dahil nadadala ako sa boses niyang kay sigla. Parang ngayon ko na lang ulit narinig na ganito siya simula nang magkasagutan kaming dalawa. “I have to go. We’ll talk again kapag nakauwi na kami, okay? I love you, princess,” pagpapaalam ni Dad sa akin. Matipid naman akong ngumiti kahit na alam kong hindi niya iyon makikita. “Bye, Dad. Love you!” Ibinaba ko na ang cellphone ko matapos kong makapagpaalam din. Isang mahaba at malalim na buntong hininga ang kumawala mula sa akin. Hindi ko mapigilan iyong narinig kong balita mula kay Dad. Bakit siya biglang pumayag? Bakit biglang nagbago ang isip niya? Anong naging dahilan ng paghihiwalay nilang dalawa ng girlfriend niya? Siya ba ang nakipaghiwalay? Dahil sa kasal? Dahil sa akin—no, Piper, don’t even go there! Bakit naman makikipaghiwalay si Avion sa girlfriend niya dahil sa ‘yo? Ni hindi ka nga gusto ng tao. Ang daming nabubuong katanungan sa isip ko kahit alam ko naman na walang makakapagbigay ng kasagutan sa akin kung hindi sina Avion. Ngunit ang tanong, kapag ba tinangka kong tanungin siya ay sasabihin niya sa akin ang dahilan? We’re not even close. Hindi kami friends. Because of that news, I lost interest in what I’m doing. I decided to go back to my room and take a shower. Nang makapagbihis ay humiga na lang ako sa kama ko. Kinuha ko ang cellphone ko at binalak na mag-chat sa group chat naming magkakaibigan ngunit ang tanging online lamang ay si Ayva. That’s why, I decided to chat her personally kaysa sa group chat pa kami mag-ingay na dalawa. Me: Ayva, are you busy ba? Do you have time for me? Bahagya akong natawa sa sinabi ko. Ang drama naman kasi. Para akong nanlilimos ng oras sa ibang tao kahit alam ko naman na lagi kaming may nakalaang oras para sa isa’t isa ng mga kaibigan ko. Ayva: Yes naman. Why? Humugot ako nang malalim na hininga bago magtipa ng itutugon kay Ayva. Me: Avion and his girlfriend broke up daw, and that he agreed to marry me. Matagal-tagal bago muli kong makitang mag-type si Ayva. Siguro’y nagulat siya sa nabasa niyang mensahe mula sa akin. Kahit sino naman siguro ay mabibigla. Parang kailan lang ay pinag-uusapan namin na mahal ni Avion ang girlfriend niya tapos ngayon ay hiwalay na sila. Ayva: Wtf! Totoo ba iyan? Parang joke ng taon, eh. Sinong nagsabi sa ‘yo? Hindi ko alam kung mapapairap ba ako sa isinagot niya sa sinabi ko o matatawa. Hindi rin ako sigurado kung handa ba siyang kausapin ako ng seryoso o hindi. Me: Dad called me earlier. He told me everything. Maging ako man ay hindi makapaniwala. Hindi ko tuloy alam ang dapat kong maramdaman, especially about the wedding. Mukhang matutuloy na talaga. Bumuntong hininga ako dahil sa huling sinabi ko. Kaya ko bang magpakasal? Lalo na’t alam ko naman na hindi ako pakakasalan ni Avion dahil may nararamdaman siya sa akin? Pakiramdam ko kasi ay napilitan lang siya—of course, he was! Malamang ay pinilit lamang siya ng kanyang pamilya kaya ngayon ay pumayag siyang pakasalanan ‘ko. But at what cost? Ayva: How about you, sis? Kung ikaw ang tatanungin ngayon, papayag ka bang pakasal kay Avion? I know you have feelings for him. Na crush mo siya. But do you think it’s enough reason to marry someone na alam mong hindi ka naman mahal o hindi ka gusto? Sorry to be frank pero ayoko lang may pagsisihan ka sa mga magiging desisyon mo. I don’t want you to get hurt. So, if your parents will ask you now if you will agree on that arranged marriage, will you agree? Lalo na’t wala na iyong nirarason mo sa kanila noon na may girlfriend si Avion kaya’t ayaw mo siyang pakasalan. She caught me off guard. Muli akong nagdalawang isip kung gusto ko nga bang pakasal sa isang lalaking gusto ko man pero hindi naman ako gusto. Kapag ba nagpakasal ako kay Avion ay magiging masaya ako? I don’t know. Ang alam ko lang, namumuo ang takot sa dibdib ko. Hindi pa man ako nakakapagreply kay Ayva ay may panibago na siyang mensahe kaya’t agad ko iyong binasa. Ayva: Marriage is not as easy as it seems. Hindi iyan parang stage lamang ng girlfriend-boyfriend. Kapag pinasok mo iyan, hindi ka basta-basta makakalabas—kahit na legal na sa bansa natin ang divorce. Still, you may want to marry someone because you love them and not because someone forced you to. It’s up to you, Maui. Alam mo namang ano mang maging desisyon mo ay susuportahan ka pa rin namin. It’s just that, this is just my opinion. Ayokong masaktan ka kasi ngayon pa lang, kita na namang dehado ka. Me: Thanks, Ayva! I appreciate everything you’ve said and I will think about it thoroughly. I’m happy that I have talked to you. Kahit papaano ay nabigyang linaw ako. Kahit na palagay ko ay nalito lamang ako sa kung anong dapat kong gawin. My friend’s advice helped me, still.  Matapos iyon ay bumalik na kaming dalawa sa puro kabalastugang chat. Natatawa na lang ako sa mga biro ni Ayva. Nakaka-miss din naman talaga ang isang ito. Halos dalawang buwan ata siyang mag-stay sa ibang bansa.  Buong araw ata ay iyon lamang ang ginawa ko. Ang bumuo ng desisyon kung papayag ba akong magpakasal kay Avion. Noong nakaraan kasi ay papalit-palit ang desiyon ko. May oras na parang okay lang naman sa akin, may oras na naiimpluwensyahan ng ibang tao ang desisyon ko kaya’t bigla akong nagdadalawang-isip. Siguro nang mga oras na iyon, pinanghahawakan ko na may girlfriend si Avion at hindi mangyayari ang kasal kaya’t parang binabalewala ko lamang at hindi masyadong sineseryoso ang pag-iisip ng desisyon tungkol sa bagay na iyon. Ngunit ngayon, ngayong nawala na ang rason na pinanghahawakan ko upang tanggihan ang kasal at pumayag pa si Avion ay parang napapaisip ako. Kaya ko nga ba? Gusto ko bang magpakasal? Hindi ako pinatulog nang maayos ng iniisip kong iyon. Halos magpagulong-gulong ako sa kama at sabunutan ang aking sarili dahil hindi ako makabuo ng desisyon na panghahawakan ko hanggang huli. May parte kasi talaga sa akin na okay lang naman kasi gusto ko naman si Avion pero mayroon ding parte na handa na ba akong maging asawa? Lalo na sa isang taong napilitan lamang naman akong pakasalan. Nang gabing iyon ay nagpadala pa ako ng wine sa kwarto ko para lamang dalawin ng antok.   Hindi ako mapakali at panay ang pagkutkot ko sa aking daliri habang kaharap na namin ang pamilyang Benavidez para sa panibagong family dinner. Ngayon ay kasama na nila si Nevaeh. Siguro’y wala na siyang ginagawa at may oras na para sumama. Binati niya ako kanina at binati ko rin naman siya. Kapag nginingitian niya ako ay ngumingiti rin naman ako sa kanya. Nagtatawanan sila at parang ako lamang ata ang hindi magawang makasabay sa kung ano mang pinagtatawanan nila. Halatang masaya sina Tito Lucio at Dad dahil sa wakas ay mangyayari na ang plano nilang dalawa. Habang ako ay nakikipagdebate pa sa sarili kung anong dapat kong gawin. Napapansin ko naman na nakikipagtawanan din si Avion. Kapag kinakausap siya ay maayos siyang sumasagot pero may oras na naabutan ko ang walang buhay niyang ekspresyon, na para bang may malalim itong iniisip. “So, ngayong pumayag na si Avion sa kasal, shall we discuss about it. Beach wedding ba? Iyon ang gusto ni Piper, hindi ba?”  I flinched on my seat when I heard my name. Parang bigla akong hinigit sa tunay na mundo nang marinig ko ang pangalan kong iyon. Tumingin ako sa kanila at lahat sila ay nakatingin sa akin, naghihintay ng isasagot ko. Maging si Avion ay nakatingin sa akin. “Yes! Piper wants beach wedding,” si Mommy na ang sumagot nang mapansin na wala akong balak magsalita upang sagutin si Tito Lucio. Bakit pag-uusapan na agad ang tungkol doon? Hindi pa nga nila ako tinatanong kung gusto ko bang magpakasal. Iniisip siguro nina Dad na payag ako dahil single na itong si Avion. Ngunit matapos kong makausap ang mga kaibigan ko, parang tama sila. Hindi dapat ako magpakasal sa taong hindi naman ako mahal at sapat na bang gusto ko lang siya? We barely know each other! Paano kung hindi pala kami mag-click? “Then beach wedding it is!” masayang sabi naman ni Tito Lucio. Huminga ako nang malalim at pinagsalikop sa ilalim ng lamesa ang aking kamay. Mukhang kailangan ko nang magsalita dahil kung mananatili akong tahimik ay baka natapos na nila ang preperasyon sa kasal ay hindi ko pa naibibigay ang opinyon ko. “Hindi po ako magpapakasal,” wika ko na siyang nagpatigil ng kanilang tawanan at pag-uusap.  Lakas loob kong sinalubong ang mga naguguluhan nilang reaksyon at ang mga mata nilang nakatingin sa akin. Maging si Avion ay tila nabigla sa sinabi ko. “What did you say, Maui?” tanong ni Dad sa akin. Huminga ako nang malalim para tingnan sila isa-isa at muling sabihin ang saloobin ko. “Wala pong kasal na mangyayari. Hindi po ako magpapakasal kay Avion,” I said with finality. Sana lang hindi ko pagsisihan ito mamaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD