Hinila na ako nina Dad papalapit sa mahaba naming dining table. Naupo ako sa tapat ni Avion habang si Mommy naman ay nasa tabi ko.
Nararamdaman ko ang paninitig ni Avion pero hindi ako makatingin sa kanya. Sa hindi malamang dahilan ay para bang ang hirap-hirap niyang tingnan.
Ipinagpatuloy lamang nina Dad ang kanilang naudlot na pag-uusap siguro kanina bago ako dumating. Nahihirapan naman akong lumunok dahil pa rin sa nararamdaman kong malalamig na matang nakatingin sa akin.
Is he mad at me? Bakit? Wala naman akong ginagawang masama, ah? Hindi nga ako pumayag sa gustong kasal ni Dad. Hindi ko rin naman siya pipilitin kung iyon ang iniisip niya.
“Dati ang pinakamaliit ang kinikita sa mga businesses namin ay iyang pharma namin, but thanks to Avion, simula nang siya ang mamahala roon ay mas lumaki ang kita nito. Hindi lamang doble,” sabi ni Tito Lucio na may pagmamalaki kay Avion.
Tinangka kong silipin si Avi ngunit agad ko iyong pinagsisihan. Bakit ko nga ba naisipan ang tingnan siya? Grr. Naabutan ko lamang naman ang malalamig niyang mga matang nakatingin sa akin.
“Our Piper is also handling majority of our businesses. Wala naman akong ibang mapagbibigyan dahil solong anak. Piper is doing great. I know she can handle everything on her own in the future. Kaya lang, syempre, I want to be sure and to be at ease na may mag-aalaga rin sa anak ko. I want to fully secure her future.” Naramdaman ko ang marahang paghagod ni Dad sa aking likod.
Napatingin ako sa kanya and he weakly smiled at me. Ngumiti na lang din ako sa kanya kahit na nanginginig ang gilid ng aking labi dahil sa ginawa ko.
“Avion can do that—”
“Dad,” mahinang pagtawag ni Avi sa kanyang ama ngunit binalewala iyon ni Tito Lucio. Sa pagtawag pa lang niyang iyon ay alam kong kagaya ko ay hindi rin niya gusto ang kasalang magpag-uusapan. Magkaiba man ang rason namin, pareho lamang naming ayaw.
Narinig ko ang pagtawa ni Dad, hindi rin pinansin ang pagtawag ni Avion kay Tito Lucio. “I’m sure of that. Kaya palagay ang loob ko kapag ang napangasawa ng aking anak ay isang kagaya ni Avion.”
Papalag na sana ako sa sinabi ni Dad nang maramdaman kong mahigpit na hinawakan ni Mommy ang aking kamay. Napatingin ako sa kanya. She’s looking directly at our visitors at akala mong nakikinig sa mga pinag-uusapan. May isang ngiti rin siya sa kanyang labi. Hindi mo mahahalatang hinahawakan na pala niya ang kamay ko upang mapigilan ako sa maaari kong gawin o sabihin. Gosh, this is frustrating!
“So, about the wedding Maurice,” si Tito Lucio.
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Gusto ko mang magsalita na wala namang kasal na magaganap ay hindi ko magawa dahil sa tuwing tatangkain ko ay mararamdaman ko lamang ang pagdiin ng ng kamay ni Mommy sa akin.
“Yes, we should make it happen as soon as possible! Gusto ko nang makakita ng apo.” Tumawa sina Tito Lucio dahil sa sinabi ni Dad. Nanlaki naman ang aking mga mata at tumingin kay Avion na wala pa ring sinasabi at malamig lamang ang eskpresyon ng mukha kahit halata namang ayaw niya sa pinag-uusapan.
Hindi ba dapat ay tumututol na siya? May girlfriend siya! Paanong papayag siyang magpakasal sa iba? More importantly to someone he just met? Kaya niya ba talaga akong pakasalan? Kaya niya bang iwanan ang girlfriend niya, who he genuinely loves just for me? A complete stranger and his kidnapper!
“Actually, pinag-iisipan na nga namin kung anong klaseng kasal ba.” Napatingin sa akin si Tito Lucio kaya bahagya akong napaigtad. Naramdaman kong muli ang mahigpit na pagkakahawak ni Mommy sa aking kamay. “Hija, anong gusto mong kasal? A traditional church wedding, beach wedding or something else?”
Pilit akong ngumiti dahil sa biglaan nilang pagtingin sa akin. Ganoon pa man ang mga salita sa aking isipan ay para bang nagbuhol-buhol. Hindi ako makabuo nang maayos na pangungusap upang masagot ang katanungang iyon ni Tito Lucio.
Lumilipas ang segundong hindi ako nakakapagbigay ng sagot ay nararamdaman ko ang mas paghigpit ng hawak ni Mommy sa akin. Napatingin ako sa kanya. This time, nasasaktan na talaga ako sa paghawak niya sa akin.
“I think Piper wants a beach wedding. Nabanggit niya iyon sa akin noon,” si Mommy ang sumagot para sa akin nang mapagtanto niyang wala akong balak sumagot.
“That will be great. We will invite only those who are close with our family. Hindi na kailangang masyadong maraming bisita,” si Tita Via naman.
Hindi ko tinanggal ang pagkakatitig ko kay Mommy. How would she know? Wala naman siyang alam sa akin. Kung tutuusin ay may mas alam pa nga si Daddy sa akin kaysa sa kanya! Wala naman siyang oras sa akin, ah. Ni hindi ko nga gusto ang beach wedding!
Hindi na lang ako nagsalita pa kahit naiinis na ako. Para akong naputalan ng dila dahil sa pananatili kong pananahimik.
Patuloy pa rin sila sa pag-uusap tungkol sa kasal. Ni hindi ko na maintindihan ang mga pinag-uusapan nila. Wala akong interes sa kahit na anong sinasabi nila. Gusto ko na lang umalis dahil pagod na ako at gusto ko na lang magpahinga.
Naputol ang tawanan at ang pag-uusap tungkol sa kasal nang biglang tumayo si Avi. Napatingin kaming lahat sa kanya and his cold gaze greeted me, again.
“Pwede ba kaming lumabas muna ni Piper?” tanong niya sa mga magulang namin kahit na ang mga mata niya’y titig na titig sa akin.
“Sure! Kailangan niyong magkakilala ni Piper.” Naramdaman ko ang maingat na pagtapik sa akin ni Dad. Tiningnan ko siya at ang mga ngiti niya’y para bang nakakapagpaamo sa akin. “Go on, Piper. Samahan mo na si Avion.”
Hindi na ako nakatanggi pa kay Dad. Nang tumayo ako ay roon lamang din ako binitiwan ni Mommy. Magalang akong nagpaalam sa kanila bago ako sumama kay Avion.
Nagpunta kami sa garden. Hindi ko nga alam ang dahilan bakit siya nagyayang lumabas. May importante ba siyang sasabihin? Galit ba siya sa akin? Bakit niya ako tintitigan gamit ang mala-yelo niyang mga mata? Geez. Masyado na naman akong nag-iisip ng kung ano-ano.
Pinagmamasdan ko si Avion, hinihintay kung magsasalita ba siya o kung balak niya bang sabihin sa akin ang rason bakit niya gustong lumabas kaming dalawa. Nang mapansin na wala siyang balak magsalita ay naglakad ako papunta sa isang wooden bench at naupo roon. Ang mga maliliit na lamp post lamang dito sa garden ang tanging ilaw at dumadagdag din ang ilaw mula sa loob ng bahay dahil sa malaking bintana namin.
Bumuntong hininga ako at pinagmasdan ang kalangitan na punung-puno ng mga bituin. Napangiti ako dahil sa kagandahang dala nito.
Napatingin ako kay Avion nang maupo siya sa tabi ko.
“Did you agree with this?” tanong niya habang nakatingin din sa kawalan.
Tumaas ang isang kilay ko dahil sa itinanong niya. Saan ako pumayag? Sa kasal?
“If you’re talking about the wedding. I didn’t. Nang malaman ko iyon kay Daddy ay hindi ako sumang-ayon. Sinabi ko rin sa kanila na hindi ka papayag dahil may girlfriend ka, hindi ba?” Bakit ganoon? Hindi naman kami madalas mag-usap kahit noong nasa isla kami pero kapag nagkakaroon kami ng pagkakataon mag-usap ay komportable ako? Ang weird.
“Good. Wala rin akong balak patulan ang gusto nina Dad. I’m just here to ask you that. Wala naman talaga akong balak sumama sa pagpunta nila rito,” mahinahong sabi niya. Ganoon pa man, ang boses ni Avi ay sapat na upang magpakalabog na naman sa aking puso.
Hindi ako nagsalita. I find it strange that I feel disappointed. Dismayado ako sa narinig ko mula sa kanya. Alam ko naman na una pa lang malaki ang posibilidad na tutol siya sa kasalang pinag-uusapan ng aming mga magulang pero ngayong naririnig ko ito mula sa kanya ay parang ang bigat at ang hirap tanggapin. Hindi naman sa sinasabi kong gusto ko nga siyang pakasalan kaya lang ewan ko. Nawi-weirduhan din ako sa nararamdaman ko.
“Anong balak mo? Mukhang hindi sila papapigil kahit na hindi nating gusto iyon pareho.” Pinagmamasdan ko siya habang sinasabi iyon kaya’t nang tumingin siya bigla sa aking direksyon ay natataranta akong nag-iwas.
“I will talk to my Dad. I will convince him. Ikaw din, dapat ay makumbinsi mo ang parents mo na ayaw mong pakasal sa akin. Na kahit wala man akong kasintahan ay hindi ka papakasal sa isang taong hindi mo namang ganoong kakilala at kagusto,” saad niya.
Napanguso ako sa sinabing iyon ni Avion. Tama siya sa bagay na hindi ko siya ganoong kakilala pero mali siya sa sinabi niyang hindi ko siya ganoong kagusto. I like him, but I don’t think it’s enough reason for me to marry him.
Kung bibigyan siguro ako ng pagkakataong makilala siyang mabuti ay baka magbago pa ang pananaw ko. Dahil kung makikilala kong mabuti si Avion at hindi nagbabago ang nararamdaman ko sa kanya, kapag nagkataon na wala siyang kasintahan, papayag akong ipakasal sa kanya.
I don’t know. Malakas ang pakiramdam ko that the only thing stopping me from agreeing with this arranged marriage is him having a girlfriend. But then again, kapag itinanong na ito sa akin ay hindi na naman ako makakasagot.
“Okay. I will try my best,” nakangiti kong sabi sa kanya. Tumingin siya sa akin at ngumiti rin. Bumigat ang aking paghinga nang makita ang halos pumikit niyang mga mata dahil sa pagngiti niyang iyon.
Matapos ang mabilis na pag-uusap naming iyon ay bumalik na kami kung nasa-saan ang aming pamilya. Tita Via and my mom are talking at the living room. Dad and Tito Lucio are at the patio and having a drink. Malamang ay pinag-uusapan pa rin nila ang mga plano nila kapag kasal na kami ni Avi. Sorry, pero hindi iyon mangyayari.
Tumunog ang telepono ni Avi. Nagpaalam siya at umalis sa tabi ko. Siguro ay si Eloise iyong tumawag. I wonder if she knows what’s happening? Siguro naman ay nabanggit na sa kanya ni Avion. Ano kayang reaksyon niya? Siguro ay nagalit ito o hindi kaya ay nag-aalala sa maaaring kahinatnan ng relasyon nila ni Avi. But I can assure her, I’m not going to marry her boyfriend. Hindi ako desperada.
Dahil pakiramdam ko ay hindi na naman ako kailangan dito ay binalak ko na pumunta na lang sa kwarto ko. Kahit naman bumalik si Avion sa tabi ko ay hindi niya rin ako kakausapin. Hindi ko siya kailangang i-entertain dahil pakiramdam ko ay hindi niya naman gustong nakadikit ako sa kanya. Mabuti na rin siguro na mag-iwan kami ng impression sa mga magulang namin na hindi namin gusto ang isa’t isa.
“Where are you going?”
Napatigil ako sa pag-akyat sa hagdanan nang marinig ko ang tanong na iyon ni Mommy. Tamad akong tumingin sa kanya. Hindi ko akalain na mamamataan niya pa pala ako ganoong medyo may kalayuan naman ang living room sa hagdanan.
“In my room,” sagot ko sa kanya.
Tumaas ang kanyang kilay dahil sa sinabi ko. Hindi man siya nagsasalita ay alam ko na may mga mensaheng gustong ipahiwatig ang mga mata niyang nakatitig ng diretso sa akin.
“We have visitors, Maui. Don’t disrespect them.” Alam ko na gusto na niya akong pagalitan ngunit hindi niya magawa dahil naandiyan lamang sina Tita Via sa paligid.
“Mom, hindi naman ako kailangan dito. Hindi rin naman kami magpapakasal ni Avion dahil…ayaw namin pareho. She has a girlfriend and I think I’m too young to get married.” Kahit na 25 years old na ako.
“That’s not for the two of you to decide. Come with me. Pupuntahan natin ang Tita Alyvia mo sa living room,” pagyayaya niya sa akin. At katulad ng laging nangyayari kapag siya na ang nag-utos sa akin ay kailangan kong sumunod.
Napabuntong hininga ako at naglakad papunta ng living room kung saan naroroon nga si Tita Via.
“Oh, Piper,” malambing na pagbati niya sa akin nang makita ako. Ngumiti naman ako sa kanya at naglakad na para makaupo sa bakanteng upuan malapit sa kanila.
They are drinking wine. Inalok pa ako ni Tita pero agad akong tumanggi. Wala ako sa wisyong makipag-inuman ng wine lalo na’t gusto ko na talagang pumunta sa kwarto ko.
“So, how was your talk with Avi?” nakangiting tanong sa akin ni Tita Via. Ayoko namang sirain iyon at sabihin sa kanya ng harapan na ayaw ni Avi na pakasalanan ako at ayokong pilitin siya kaya ayoko rin.
“Paniguradong nagkakamabutihan na ang dalawa,” Mom intervened. Tumatawa siya habang kausap si Tita ngunit nang bumaling sa akin ay kitang-kita ko ang matatalas niyang mga mata na nagpapahiwatig na huwag akong magsasalita ng hindi kanais-nais.
Ngumiti na lang ako at hindi na nagsalita pa kahit gustong-gusto kong sabihin na sa kanilang dalawa ang desisyon namin ni Avion.
“Nasaan pala si Avi, hija? Hindi ba’t magkasama kayong dalawa kanina?” nagtatakang tanong ni Tito Via.
Muli akong tumingin sa kanya at ngumiti. “Baka po kasama na siya ngayon nina Dad at Tito Lucio.” Kahit ang alam ko naman ay kausap niya ata iyong girlfriend niya.
Tumango na lang si Tita Via. May mga itinanong pa siya sa akin na magalang ko namang sinagot. Nag-iingat ako na baka may masabing hindi nila ikatuwa ni Mommy pareho.
Nang mawala ang atensyon ng dalawa sa akin ay panay ang pagkurot-kurot ko sa aking daliri. Nangangating magsalita upang buksan ang topic tungkol sa kasal.
“Oh, nasaan si Avion?”
Napatunghay ako ng ulo at napatingin sa nagsalita. Kakarating lang nina Dad at Tito Lucio sa sala galing sa patio. Inilibot nila ang kanilang mga mata, halatang hinahanap si Avion.
“Ha? Akala ko ay kasama niyo?” nagtatakang tanong naman ni Tita Via bago tumingin sa akin. Naalala ata iyong sinabi ko kanina.
Napatungo ako at napayuko dahil hindi ko alam ang sasabihin sa kanila. Malamang sa akin nila iyon hahanapin dahil ako ang huling kasama niya.
“Piper, where’s Avi?” si Dad. Napabuntong hininga naman ako bago lakas loob na tumingin sa apat na taong nakatingin sa akin at naghihintay ng isasagot ko.
“Hindi ko po alam. May tumwag po sa kanya at naglakad po siya kanina papalabas para po ata sagutin iyong tawag.” Hindi na ako magbabanggit pa kung sinong sa tingin ko iyong tumawag. Baka lalo lamang lumala ang sitwasyon.
Marahas ang buntong hininga ni Tito Lucio. Hindi man niya sabihin ay napapansin ko ang inis sa kanyang bawat kilos. Kinuha niya ang kanyang cellphone upang tawagan siguro si Avion.
Ilang seugundo ang lumipas nang siguro ay sagutin na rin ni Avion ang tawag ng kanyang ama.
“Where are you?” Nananatili mang mukhang kalmado ay bakas ang diin sa bawat salita ni Tito Lucio.
Natahimik siya sandali upang pakinggan ang sasabihin ng anak at kitang-kita ko ang paglala ng inis niya at ang pagkadismaya niya sa kung ano mang sinabi sa kanya ni Avion.
“Are you out of your mind? Talagang uunahin mo iyan kaysa rito? Bumalik ka rito Avion! Nakakahiya sa mga Riviere!” pagtataas ng boses ni Tito Lucio.
Nilapitan na siya ni Tita Via upang pakalmahin. Hinagod ni Tita ang likod ng kanyang asawa at nahihiyang ngumiti sa amin.
“Avion! Get back here now!” si Tito Lucio. Parang hindi tumatalab ang pagpapakalmang ginagawa ni Tita Via sa kanya.
Hindi rin nagtagal ang pag-uusap na iyon at dismayadong ibinaba ni Tito Lucio ang kanyang cellphone.
Hirap na hirap akong lumunok. Pakiramdam ko ay kahit papaano dapat makaramdam din ako ng guilt? Kahit alam ko naman na wala akong ginagawang masama.
Bumaling si Tito Lucio kay Dad. “I’m sorry about that, Maurice. Kakausapin ko nang maayos si Avion.”
“It’s fine. Siguro ay nabibigla pa ang mga bata.” Tumingin sa akin si Dad kaya’t napayuko ako. “Maging si Piper ay mukhang nabibigla sa kasalang ito. Let’s take it slowly. Matatanggap din nila ang isa’t isa.”
“Uuwi na muna kami. Kailangan kong makausap si Avion ngayon.” Tumingin sa akin si Tito Lucio. “Piper, I’m sorry for his action. Sana ay wala siyang ginawang hindi maganda sa ‘yo.”
Agresibo akong umiling upang itanggi ang sinasabing iyon ni Tito. “Wala naman pong ginagawang masama si Avion sa akin.”
He’s been good to me, to be honest. Na kahit hindi kami ganoong magkakilala ay pinapakisamahan niya pa rin naman ako kahit madalang ang pag-uusap sa pagitan naming dalawa.
Nagpaalam na ang mga Benavidez at umalis na. Nang makaalis sila ay nagdesisyon na naman akong pumunta sa kwarto ko. Siguro naman ay hindi na nila ako pipigilan.