CHAPTER 4: MISTAKE

2776 Words
“You have a girlfriend? Like girlfriend not girl friend?” I don’t know if I’m making any sense here, at hindi ko rin sure kung naiintindihan niya ba ang tanong ko. Mukhang ako ata itong kailangang bumalik sa pag-aaral dahil suddenly I can’t understand words! “Girlfriend. Kasintahan, nobya, jowa, o kung ano bang gusto mong itawag doon para maintindihan mo, Miss,” he emphasizes each word. Na parang ang tanga ko na lang kung hindi ko pa iyon maiintidihan. “Gets.” Tumawa ako kahit na pakiramdam ko ay nahulog ang puso ko sa kung saan at ang lalamunan ko ay parang natutuyo dahil sa sinabi niya. Hindi siya nagsalita. Nanatiling nakalahad ang kanyang kamay na para bang sinasabi sa akin na ibigay ko na sa kanya ang phone niya.  I’m having second thoughts if I should give his phone now. Gagi! May girlfriend pala siya at heto ako, humaharot sa kanya? Oh no! Hindi ko naman alam? Pero paano kung wala pala siyang girlfriend at sinasabi niya lamang iyon sa akin to tricked me? Hah! I’m not going to fall for that. I’m not stupid. “Akala mo maniniwala ako riyan? Laos na iyan, Avi. Make a more believable excuse, okay?” Paano siya magkakaroon ng girlfriend? According sa source ko, babaero siya. “Damn! I’m telling you the truth, okay? May girlfriend ako and her name is Eloise. You can find it in my contacts. Kahit ikaw pa ang tumawag sa kanya. Just make sure magpapakilala ka nang maayos para hindi niya akalaing nambababae ako.” Halos mapahilamos siya sa kanyang mukha dahil sa nararamdaman sigurong inis sa akin. I’m still not going to buy that. He’s lying. “Try again tomorrow. Baka maniwala ako. Mag-isip ka na rin ng ibang idadahilan sa akin.” Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at nilapitan siya. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya pero naglagay pa rin naman ako ng distansya. “Or we can enjoy ourselves while we’re here on the island. Good night—o baka gusto mong dito ka na lang din matulog? Malaki ang kama ko—” Hindi ko pa man natatapos ang aking sasabihin ay lumabas na siya ng kwarto ko. Napaismid ako dahil ayaw niya bang magtabi kami? Sa ganda kong ito, tatanggihan niya ako? Gwapo ba siya? Syempre, oo ang sagot. Ilang araw na rin ang nagdaan simula nang dalhin ko si Avion dito sa isla pero wala pa ring nangyayaring maganda sa pagitan naming dalawa.  Kung hindi niya ako kukulitin para ibalik sa kanya ang phone niya o ang iuwi siya ay hindi niya ako kikibuin. Kahit kapag nakain kami. Kung ituring niya ako ay para akong hangin. Nagbibigay naman ako ng effort pero hindi niya talaga ako mapansin! “Pangit ba ako, Emma?” Nakatingin ako sa salamin habang si Emma ay nag-aayos ng mga gamit ko sa likod. Napatingin siya sa akin dahil sa itinanong ko. Para bang gulat na gulat siya sa lumabas sa bibig ko. “Ha?! Ma’am, bakit niyo naman po naitanong iyan? Syempre po, hindi!” pag-aapila niya sa itinanong ko. Nilapitan niya pa ako para lang makumbinsi ako na mali ang itinanong ko sa kanya. Humarap ako sa kanya at itinuon ang magkabilang kamay sa tukador. Mahaba ang aking labi dahil sa pagnguso ko.  “Bakit kasi hindi ako pinapansin ni Avion? Hindi ba siya nagagandahan sa akin? Confident pa naman ako noong una tapos ngayon, bumagsak na iyong confidence level ko.” Bumuntong hininga ako matapos kong sabihin iyon. “Baka totoo ang sinasabi ni Sir Avi, Ma’am.  Na may girlfriend siya,” sagot sa akin ni Emma.  Nag-angat ako ng tingin sa kanya dahil bigla akong napaisip. Naalala kong sa halos dalawang linggo naming pagtitigil dito ay lagi niya iyong sinasabi na baka raw bukod sa pamilya niya ay nag-aalala na iyong girlfriend niya.  Maghapon ko iyong inisip, na paano nga kung hindi pala siya nagbibiro at totoo ang kanyang sinasabi? s**t! Ayokong manira ng relasyon! Hindi ko pinangarap na manlandi ng lalaking may kasintahan na pala! Tumayo ako mula sa pagkakahiga. Ni maghapon ko ring hindi nakikita si Avion. Ang sabi sa akin ni Emma ay kasama raw nina Noah at sumasama sa pangingisda ni Mang Ariel.  Lumapit ako sa cabinet ko kung saan ko itinago ang cellphone ni Avi. Nakapatay iyon dahil iniisip ko noong una na baka ma-trace kami. Binuksan ko ito kahit na alam kong wala akong karapatan.  Naupo ako sa aking kama at hinintay lamang na tuluyang mabuhay ang phone ni Avion at nanlumo ako nang makitang picture ng babae ang kanyang lockscreen. Pakiramdam ko ay nanuyo ang aking lalamunan. Tinitigan ko pa iyon ng ilang minuto nang biglang may tumawag. Sa gulat ko at taranta ay halos mabitawan ko ang cellphone. Mabuti na lang at nasambot ko kaagad. Babe. Iyon ang nakalagay na pangalan ng caller. Lalo akong nakaramdam ng bigat sa dibdib ko. Ito ba iyong babaeng nasa lock screen niya? Ito rin ba iyong paulit-ulit niyang sinasabi na girlfriend niya na kung hindi ako nagkakamali ay Eloise ang pangalan. Napalunok ako at mabigat ang aking paghinga. Sa hindi malamang dahilan ay sinagot ko iyon at itinapat sa tainga ko. “Avi! Oh, god! Thank goodness you’re safe.” Narinig ko ang pagsinghap ng babae sa kabilang linya. “Nasaan ka ba? Nag-aalala na ako sa ‘yo. Please, come back home. I miss you, babe. Hindi na ako galit sa ‘yo. Please, I want to see you.” Mabilis ang paghinga ko at pakiramdam ko ay may bukol na namumuo sa aking lalamunan, na gustuhin ko mang magsalita at kausapin siya ay hindi ko magawa. “Babe, please talk to me—” Wala sa sarili kong pinatay ang cellphone ni Avion at halos maihagis ko iyon sa kama ko. Kinagat ko ang aking labi at halos maubusan ng dugo ang aking mukha dulot ng takot sa ginawa ko. Shit! I kidnapped someone who already has a girlfriend. Napahilamos ako sa aking mukha at halos sabunutan din ang sarili sa sariling kagagahan. I didn’t know he’s telling the truth! Sana pala ay naniwala na agad ako sa kanya. Natigilan lamang ako sa paninisi sa sarili nang marinig ko ang katok ni Emma sa pinto. Binuksan niya iyon at sumungaw ang kanyang ulo. Nilingon ko naman siya at nakita ko ang bahagyang pagkagulat niya dahil ata sa ekspresyong mayroon ako ngayon. “Nakabalik na po sina Sir Avion, Ma’am. May mga huling isda sila—” naputol ang sasabihin niya nang bigla akong tumayo. Kinuha ko sa ibabaw ng kama ang cellphone ni Avi at nagmamadaling umalis. Para akong nasampal at nabuhusan ng malamig na tubig. Na parang bigla kong naramdaman ang pagbabalik ng mga reasonings at logic na dalawang linggong halos nawala sa akin.  Shit! s**t! s**t! Hindi ko pinangarap maging third party! Hindi ko naman akalang totoong may girlfriend si Avion. f**k! It hurts but I don’t want to destroy someone’s relationship dahil lamang nagkagusto ako sa kanya. That feels so wrong! That’s wrong! Nakita ko sina Avion at Noah na may dalang mga isda. Nagtatawanan sila at halatang masaya sa mga nahuli. Wala na siyang pang-itaas, siguro’y nabasa iyon kaya’t tinanggal na lang. Normally, magiging masaya ako na nakikita ko siyang tumatawa at masaya pero ngayon, hindi ko magawa iyon. Napatingin si Avi sa akin at napawi ang kanyang ngiti. Hindi dahil ayaw niya akong makita. Napawi iyon dahil nagulat siyang makita ako. “Uhm, madaming huli si Mang Ariel kaya’t binigyan tayo. I hope you eat this fish?” his eyes are hopeful, na para bang umaasa na kumakain ako ng isdang dala niya. Tumango ako at matipid na ngumiti. Matipid siyang ngumiti sa akin at akmang maglalakad na papasok sa loob ng bahay nang habulin ko siya at muling kunin ang atensyon. “Avion…”  Ang t***k ng puso ko ay hindi mo maintindihan. Ngunit isa lamang ang malinaw sa akin ngayon, I need to apologize. “H-Here.” Iniabot ko sa kanya ang kanyang cellphone. Napatingin siya roon at nakita ko ang panlalaki ng mata niya. Nagulat siguro siya na ngayong tinigilan niya ako sa pangungulit tungkol sa cellphone niya ay ‘tsaka ko ibibigay sa kanya. “That’s…my phone?” para bang naninigurado niyang tanong. Tumango ako at mas inilapit iyon sa kanya. “I’m giving this back to you. I’m sorry for hiding it from you, knowing that there must be calls from important people. I’m sorry for kidnapping you because of my shallowness. I’m sorry for everything and the inconveniences that this has caused you.” Huminga ako nang malalim at lakas loob na tumingin sa mga mata niyang nakatingin din sa akin. Halatang naguguluhan siya sa mga sinasabi ko. “And uhm…I’m bringing you back to your family tomorrow. Sorry ulit sa lahat at nadamay ka pa sa kagagahan ko.” Matapos kong sabihin iyon ay dali-dali na akong pumasok sa loob. Kakausapin ko si Noah na aalis na kami bukas kaya’t ihanda na niya ang chopper. Balak ko rin na tawagin na si Dad para ipaalam ang kalagayan ko. I’m sure na nag-aalala na rin sina ni Mom dahil bigla akong nawala. Matapos kong makausap si Noah ay bumalik ako sa loob ng kwarto ko. Iyon namang cellphone ko ang binuhay ko at halos mahimatay ako sa rami ng missed calls at text na nakita ko mula rito. Mostly were from my Mom and Dad, the rest were from my friends. Napabuntong hininga ako at mas naisipan na tawagan si Dad dahil sa kanya naman ako malapit. Huminga ako nang malalim habang hinihintay na masagot ni Dad ang aking tawag. Sobra-sobrang kaba ang nararamdaman ko dahil doon, na para bang sinasakal ako dahil nahihirapan na ako sa paghinga “Maureen!” Mariin kong ipinikit ang aking mga mata nang tawagin niya ako sa second name ko. Kapag ganito ay sobra na ang sakit ng ulong ibinigay ko sa kanila. Gosh, sa tingin ko ay sobrang lala talaga ng ginawa ko at ngayon ko lamang napagtatanto. “Dad,” mahinahon kong pagtawag sa kanya. Parang hinahapo si Dad sa kabilang linya. Kinabahan naman ako dahil baka kung ano nang mangyari sa kanya. “Where are you?” May diin ngunit pinipilit niyang kausapin ako nang kalmado. Matipid akong ngumiti kahit hindi niya naman iyon makikita. “I’m in our island in Palawan. I’m sorry I didn’t tell you.” Tumigil ako sandali. Kinagat ko ang aking labi habang naghahanap ng lakas ng loob na sabihin sa kanya ang ginawa ko. “And…uhm…I made a mistake.” Hindi ko man kaharap si Dad ngayon ay alam ko na mariin niyang ipinikit ang mata niya habang iniisip siguro kung anong kasalanan ang nagawa ko at kailangan kong malusutan. “What is it?” tanong niya. Muli akong humugot nang malalim na paghininga bago maglakas loob na sabihin sa kanya ang ginawa ko. “I…uhm…I kidnapped Avion Benavidez,” buong tapang kong sinabi sa kanya. Hindi agad nagsalita si Dad, probably because of the shocked it brought to him. Sana lamang ay walang masamang mangyari sa kanya dahil sa pinaggagagawa kong ito. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya. “Kailan ang uwi niyo?” Sa lahat ng inaasahan kong katanungan niya na ibabato sa akin ay ito iyong hindi ko inaasahan. Iyon na ba ‘yon? Hindi man lang niya ako pagagalitan o pagsasabihan man lang? “Dad, hindi ka ba galit sa akin? I just kidnapped someone!” Hindi ko mapigilang mapasigaw. Alam kong we do dirty works like smuggling, selling manufactured drugs, and illegal guns but still, iba ang usapan kapag kidnapping na! We never deal with human trafficking or the likes! O basta involved ay tao. But yeah, we do kill people. “Mag-uusap tayo pag-uwi niyo. Just tell me kung kailan kayo uuwi,” he said with finality. Na parang huwag na akong magtanong dahil hindi niya iyon sasagutin pa. Huminga ako nang malalim bago sumagot sa kanya. “Balak kong bukas na po kami umalis. Avi’s girlfriend is looking for him. Ayoko na ring masyadong pag-alalahanin sina Tito Lucio dahil sa ginawa kong ito sa anak nila.” “Agad?” gulat na tanong ni Dad sa akin na sapat nang dahilan upang kumunot ang aking noo. “Yes, Dad. Ang tagal na rin naming nawala. Halos dalawang linggo na. I’m sure Avion wants to go home, too. Ayoko nang maghatid pa ng sakit ng ulo sa ibang tao dahil sa pag-aalala sa amin.” Masyado na rin akong nakokonsensya sa mga ginawa ko. Nakadagdag lamang iyong boses ng girlfriend ni Avion na sobra na ang pag-aalala para sa kanya. Muling bumuntong hininga si Dad. Ngayon ay ramdam ko nang parang napawi ang kanyang pag-aalala para sa akin—sa amin. “I will talk to Lucio, sasabihin ko sa kanya na kasama mo si Avion. Hindi niyo na kailangang magmadaling umuwi. You can enjoy the scenery of our island. Treat it as a vacation—” “Dad! I can’t do that. Lalo na kung may girlfriend si Avi. Ayokong manira ng relasyon. Isipin pa ng girlfriend niya ay inaagaw ko si Avion sa kanya. I don’t want that. Kaya uuwi na kami bukas.” Nakapagdesisyon na ako at nasabi ko na rin naman kina Avi ang balak ko kaya sa tingin ko ay wala nang dahilan para magtagal pa kami rito. Isa pa, kahit naman magtagal kami rito, hindi naman mababago ang pagtingin sa akin ni Avi. Noon ngang hindi ko alam na may girlfriend siya ay hindi niya ako masyadong pinapansin kahit todo ang pagpapapansin ko. Ngayon pa kaya na alam kong may girlfriend na iyong tao, maging ako ay lalayo. “Darling, don’t be such in a hurry. Mag-enjoy lamang kayo riyan, okay? Ako na ang kakausap kay Tito Lucio mo.” Matapos iyon ay tinapos na ni Dad ang tawag.  Kunot noo kong ibinaba ang cellphone ko at inihagis iyon sa kama. Napatingin ako sa may pintuan nang bumukas ang pinto. Sumilip si Emma at sinabing nakahanda na raw ang hapunan. Huminga ako nang malalim at tumayo na mula sa pagkakaupo ko upang pumunta ng hapag-kainan. Hindi ko naabutan si Avi kaya’t hinanap ko siya kina Noah. “Si Avi?” pagtatanong ko. Tumingin sa akin si Noah at agad namang sinagot ang aking katanungan. “May kinausap lang po, Ma’am,” magalang namang sagot sa akin ni Noah. Tumango ako at naghintay na lang muna kay Avion para sabay na kaming kumain. Nakahain ang mga isdang nahuli nila. Amoy pa lang ay nakakagutom na. Sana ay marunong din akong magluto. Kumain lamang kasi ang kaya ko. Ilang sandali pa ay dumating na rin si Avi. Nginitian ko siya at sinabing kumain na kami. Tumango lang naman siya at naupo sa tapat ko. Tahimik kaming kumakain. Gusto ko mang magtanong kung si Eloise ba iyong kinausap niya ay umuurong lamang ang dila ko. Ayokong magtanong ng tungkol sa girlfriend niya. Bukod sa nabo-broken-hearted ako na may girlfriend na pala ang crush ko ay nakokonsesya rin ako sa ginawa ko sa girlfriend niya kahit hindi ko alam na mayroon pala talaga si Avion nito. “Are you sure we’re going back tomorrow?” Nag-angat ako ng tingin sa kanya nang marinig ko ang tanong niya. Nang una ay hindi pa ako makapaniwala na ako ang kinakausap niya kaya natagalan ako bago sumagot. “Oo,” matipid kong sagot. Wala akong ganang makipagkulitan. Tila ba iniwanan ako ng kalandian ko nang malaman kong taken na pala siya. Hindi siya agad nagsalita nang marinig ang aking sinagot. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain nang maya-maya pa’y narinig kong muli ang boses niya. “Thanks.”  Nag-angat muli ako ng tingin sa kanya. My lips are slightly parted, na para bang hindi ko maproseso ang sinabi niyang iyon. “Wala iyon. Pasensya na rin.” My heart skipped a bit when I heard him thanking me pero agad ding nawala iyon nang maalala kong may Eloise na nga pala si Avi.  This is just a temporary feeling. Siguro ay pagbalik namin sa syudad, mawawala rin itong nararamdaman ko. I was just so in awe when I first saw him kaya na-attract ako. But once we go back to the city, makakalimutan ko rin ito. This feeling is not permanent, okay? I am just infatuated with him and the idea of someone like him being mine but if he’s already taken by someone else, I should stop dreaming about that. I should find another one. Marami pa naman siguro akong makikilala na mas better o kagaya ni Avion—or so I thought.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD