“Huh?” Parang na-blangko ang utak ko sa itinanong niyang iyon. Ni hindi ko nga alam kung anong tamang isagot doon o kung may tamang sagot ba. Marahang humalakhak si Avion bago umiling. “Nothing. I was just kidding.” Nagpatuloy na ulit si Avion sa pagkain. Ako naman ay biglang bumusangot ang mukha. Ang gandang biro naman no’n. Halos makalimutan kong huminga at para bang nakalimutan ng puso ko ang tumibok. Napanguso ako at nagpatuloy na lang din sa pagkain. Balita ko nga ay mahilig magbiro si Avion kaya dapat ay masanay ako sa ganoong ugali niya kahit na hindi naman siya palabiro kapag ako ang kasama niya. Matapos naming kumain ay nagtungo na kamig dalawa sa study room. Ang sabi niya ay nakaayos na raw ang mga kakailanganin ko roon. Kinuha ko na rin ang phone ko at laptop sa kwarto bago