Kinabukasan maaga din silang umalis ng Maynila namimiss na kasi nya si Yhuan, isama pa na may magandang balita syang sasabihin kay Yhuan, mahal sya ni Andrew yan ang gusto nyang ibalita sa anak na mahal sya ng tatay nito, at mabubuo na ang masayang pamilya nila, alam nyang hindi lang si Yhuan ang matutuwa pati na ang Daddy nya na minsa na rin nitong sinabi na mahal sya ni Andrew kaya sya gustong pakasalan nito, at ngayong narinig na nya mismo yon kay Andrew naniniwala na sya. Kagabi ang masasabi nyang pinakamasayang gabi nila ni Andrew matapos nilang aminin ang mga damdamin nila sa isat-isa muli silang nagtungo sa ibang mundo, at sa tuwing nakakarating sila doon nasasabi nila kung gaano nila kamahal ang isat-isa ng paulit-ulit. Pagdating nila sa San Miguel agad na sumalubong si Penny sa k