"Congrats ate Yna, sa wakas natuloy din ang kasal nyo ni Kuya" Sabi ni Penny habang nanonood ito sa nag aayos ng buhok nya, bihis na rin ito kasama sya sa mga flower girls na maglalakad sa simbahan mamaya, kinuha nyang partner si James, nung una tumanggi ito dahil matanda na raw ito para sa ganoon, pero pinilit parin nya ito, dahil alam nyang matutuwa si Penny pag si James ang naging partner. Hindi man aminin ni Penny sa kanya halata naman nya na may lihim itong pagtingin kay James, hindi naman nya ito masisisi dahil gwapo at napakabait ni James, isama pa na gentleman ito pagdating sa mga babae, at sa tagal na ng pagkakaibigan nila ni James wala pa itong pormal na ipinakilalang girlfriend nito, alam naman nya na may gusto sa kanya si James pero malinaw naman sa kanilang dalawa na mag kaib