"How's the water?" Tanong nito ng nasa tapat na nya ito at pasimpleng nilaro ang bula sa bathtub, lumakas ang kaba nya ay nag iwas ng mga tingin. "Good" Tipid na sagot nya, nais nyang umiwas. "I see" Sagot nito at unti-unting umaakyat ang kamay nito sa mga bulang tumatakip sa dibdib nya, umatras sya ng kaunti. "Can I join you?" Tanong nito at napalingon sya rito, nagtama ang kanilang mga mata at pakiramdam nya huminto ang ikot ng oras at naramdaman nalang nya ang mga labi nito sa mga labi nya, pinikit nya ang mga mata at sinalubong ang mga halik nito. Ano man ang mangyari ngayon handa sya, handa nya muling ibigay ang sarili kay Andrew, magiging asawa na rin naman nya ito at isama pa na ilang beses na nyang naibigay ang sarili rito, at masasabi nyang ang tagal nyang hinintay maulit an