"I can't believe you Dad! Paano nyo nagawa sa akin to?!" Galit na tanong nya sa Ama.
Matapos nilang mag-usap ni Andrew basta nalang ito lumabas ng Library, matapos syang bantaan na kung aalis sya ng bansa kasama si Yhuan sasampaan na sya nito ng kaso na alam nitong ikakatalo nya, dahil alam ni Andrew na wala syang sapat na pera para itapat sa pera nito, lalo na ngayon na pagmamay-ari na ni Andrew ang asyenda at buong pamamahay nila, ewan nya kung paano nangyari dahil ang pagkakaalam nya naibayad na nya ang sarili nya rito para lang maibalik sa kanila ang kalahati ng asyenda na naibenta ng Ama nya rito, pero parang bomba ang narinig nya rito kanina na ito na ang may-ari ng buong asyenda at lahat ng ari-arian nila, ultimo maliit na bagay sa bahay nila ay si Andrew na ang may-ari.
"Bakit hindi nyo sinabi sa akin nang makabalik ako?" Naiiyak na tanong nya nais nyang sumbatan ang ama kung bakit nangyayari sa kanila ang lahat ng ito, gusto nyang sabihin sa Ama na naibayad nya ang sarili kay Andrew para lang mabawi ang kalahati ng asyenda at mabayaran ang utang nitong sampung milyon at kung bakit tila nabalewala lang lahat ang naibayad nya kay Andrew na sumira sa buhay nya.
"I'm sorry hija ng umalis ka akala ko masasalba ko ang bagong problema ng asyenda pero hindi, kaya lumapit ako muli kay Andrew anak, hiniling nya sa akin na pabalikin ka kapalit ang pagtulong nya sa akin na maisalba ang asyenda sa pagkalugi, pero hindi ko yon nagawa kaya naisipan ko nalang ibenta na sa kanya ang buong asyenda, binili naman nya at nabenta ko rin ang bahay na to anak para mabayaran ang malaking utang ko sa banko, at hindi na ko nakabangon pa, patawarin mo sana ako anak." Mahabang salaysay ng ama, na sa labas ng bintana nakatingin hindi nito magawang tignan sya.
"At ngayon tila bangungot nanaman ang nangyayari? Paano ko ipaglalaban ang karapatan ko kay Yhuan? kung mula ng umuwi kami rito pera na ni Andrew ang bumubuhay sa amin ng anak ko? Paano ko ipaglalaban sa korte ang anak ko kung gagamitan ako ng pera ni Andrew? Ngayon buong akala ko may pera akong ilalaban sa kanya wala pala! Lahat pala ng bagay rito pag-aari na nya!" Umiiyak na sigaw nya.
Buong akala pa naman nya hindi na sya mapapaiyak pa ni Andrew, pero eto nanaman sya tila bumabalik sa kanya ang nakaraan, tila ba nauulit naman ang nangyari noon.
"Hija sundin mo nalang si Andrew! Alam ko na makakabuti sya sa iyo, tanggapin mo na sya bilang ama ni Yhuan at kung sakaling hilingin nyang mag-sama kayo pumayag kana lang hija. Si Andrew ang tamang lalaking para sa iyo" Seryosong sagot ng Daddy nya at humakbang ito palapit sa kanya pero umiwas sya mabilis syang umatras at pinahid ang mga luha sa pisngi.
"Money! Lahat ng ito dahil sa pera Dad! Gusto nyo sya sa akin para kahit papano manatili parin sa inyo ang Hacienda at itong bahay na ito"
"Oo ayokong mawala sa akin ang Hacienda Yna, ang Hacienda nalang ang tanging naiwan na ala-ala sa akin ng Mommy mo, alam ko ikaw rin hindi mo gugustuhin na mawala sa atin ang Hacienda, Yna kung papakasal ka kay Andrew mananatiling atin ang Hacienda, tayo parin ang magpapatakbo nito"
"Paano kayo nakakasiguro na pag pumayag akong magpakasal kay Andrew ibabalik nya ng buo ang Hacienda?"
"Yon ang pinangako nya sa akin. Kung bibigyan mo sya ng karapatan kay Yhuan at pumayag kang magpakasal sa kanya, mananatili sa atin ang Hacienda at ang lahat ng ito" Paliwanag ng ama nya at tumawa sya ng malakas habang umiiyak na tila ba nababaliw na sya sa mga nangyayari sa kanya.
"Yna!" Tawag sa kanya ng ama pero patuloy parin sya sa pagtawa.
"So that's it Dad! Binenta nyo ko, kame ni Yhuan kay Andrew!" Matalim na sumbat nya at pinunasan ang mga luha.
"I'm sorry Yna, I have no choice, kesa sa ibang tao o ang banko pa ang-"
"That bullshit Dad!" Sigaw na putol nya sasasabihin pa ng Ama.
"Tao ako! Mas gugustuhin nyo pa palang ibenta ang sarili nyong anak at apo kesa makuha ng iba ang lahat ng meron kayo! Naririnig nyo ba ang sarili nyo ah Dad? Alam nyo ba na mula ng ipambayad nyo ko ng utang kay Andrew nasira na ang buhay ko! Nawala sa akin ang kalayaan na gusto ko! Nawala sa akin ang lahat ng pangarap ko! Nasira ang buhay ko! At ngayon kami na ni Yhuan ang ibabayad mo huwag lang mawala sa iyo ang lahat! Tao ka pa ba Dad ah? Tao ka ba oh isang demonyo?" Galit na tanong nya sa ama at bago pa sya nakailag isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi nya, na hindi man nagpatinag sa kanya, dahil kung tutuusin balewala ang sampal ng ama sa ginawa nito sa kanya at kay Yhuan. Malinaw na pinabalik sila ng ama sa San Miguel para ipambayad kay Andrew.
"Anak I'm.... so... sorry hindi ko sinasadya" Paumanhin ng ama at pilit syang inaabot para yakapin pero mabilis syang umiwas.
"Ito na ang huling beses na masasaktan nyo ko at si Yhuan" Banta nya sa ama at mabilis na tumakbo palabas ng library.
Nagtatakbo sya paakyat sa silid nya kung saan iniwan nya si Yhuan kasama ang isang kasambahay nila kanina, pero pagpasok nya sa silid wala roon ang anak, walang tao sa loob, kinabahan sya bigla at lumabas ng silid.
"Yhuan! Yhuan!" Malakas na sigaw nya na umalingawngaw sa buong bahay.
"Yhuan!"
"Yna! Bakit ka sumisigaw?" Malumanay na tanong ni Shiela na kalalabas lang ng silid nito marahil narinig ang mga sigaw nya.
"Nasaan ang anak ko? Nasaan si Yhuan?" Galit na tanong nya rito.
"Yhuan! Yhuan!" Muling tawag nya sa anak.
"Hindi ba't nasa silid mo sya kanina?" Balik tanong ni Shiela sa kanya.
"Wala sya doon! Nasaan si Andrew?"
"Ate Yna why?" Si Penny na paakyat ng hagdan.
"Si Yhuan? Nasaan si Yhuan?" Tarantang tanong nya rito.
"Nakita ko sila ni Kuya sa may labas" sagot ni Penny at mabilis syang tumakbo pababa ng hagdan.
"Ate Yna!" Tawag ni Penny pero nagtuluy-tuloy lang sya sa pagbaba.
Bakit kailangan mangyari ang lahat ng ito sa pinakamagandang araw ng anak nya? Bakit ngayon pa bumalik si Andrew at bakit ngayon pa nya nalaman ang totoo tungkol sa asyenda at sa bahay nila? Bakit ngayon pa?