Halos hindi sya makahinga sa loob ng library habang mahigpit nyang hawak si Yhuan. Bago lumabas ang Daddy nya sa library kinukuha nito si Yhuan sa kanya, para naman daw makapag-usap sila ni Andrew ng maayos, pero hindi nya binitawan ang anak, pakiramdam nya pag binitawan nya si Yhuan ngayon ay hindi na nya mahahawakan muli ang anak.
Masamang tingin ang pinupukol sa kanya ni Andrew habang nakaupo ito sa malaking sofa. Ginagantihan naman din nya ng masamang tingin ang tingin nito sa kanya, kung galit ito mas galit sya, kung sa tutuusin wala itong karapatan magalit sa kanya dahil ito ang sumira sa magiging relasyon sana nila, hindi sana sila ganito kung di lang dahil sa napaka unfaithful nito, hindi sana ganito ang sitwasyon nila, marahil masaya silang bubuo ng pamilya kasama si Yhuan. Tumikhim si Andrew na tila ba nagpabalik sa isip nyang lumilipad.
"Narinig mo ba ko Yna?"
Tanong nito na ewan nya kung bakit hindi nya narinig ang tanong nito, ganoon na ba kalalim ang iniisip nya para hindi marinig ang tanong ni Andrew sa kanya, iniwas nya ang mga mata dahil sa kabila ng galit nya sa kaharap hindi parin nya maiwasang humanga rito, napalunok sya at lalong humigpit ang pagkakahawak nya kay Yhuan na nakatulog na sa kamay nya, pakiramdam kasi nya aagawin ni Andrew ang anak sa kanya.
"You don't have to protect my son from me, hindi ko sya sasaktan at lalong hindi ko sya aagawin sa iyo" Walang emosyong sabi ni Andrew sa kanya habang sa mga kamay nya na mahigpit na nakayakap kay Yhuan nakatingin.
"Ako ang ina nya, at poprotektahan ko sya sa mga taong gustong ilayo sya sa akin!" Mahinang sagot nya pero mariin.
"Walang naglalayo sa iyo kay Yhuan Yna, at huwag na huwag mong kalimutan na may karapatan ako sa kanya, ako ang ama nya!"
"Pero hindi ka nya kailangan! Kaya ko syang buhayin mag-isa hindi-"
"Hindi yon ang ibig kong sabihin, hindi materyal na bagay lang ang kaya kong ibigay! At hindi yon ang kailangan ng anak ko! Yna aminin mo man oh hindi kailangan ni Yhuan ng Ama! Lalo na ngayong lumalaki na sya" Putol ni Andrew sa sasabihin pa sana nya.
"Ilang beses ko bang kailangan ulit-ulitin sa iyo na hindi ka kailangan ni Yhuan! Hindi ka na nya kailangan makilala pa!"
"Ilang beses ko rin bang kailangan sabihin sa iyo na may karapatan ako kay Yhuan! at kung magmamatigas ka parin gagawin ko ang lahat para makuha sya sa iyo!" Galit na sagot nito at tumayo sa kinauupuan at nagpalakad-lakad sa harapan nya, humigpit lalo ang yakap nya kay Yhuan na mahimbing parin ang tulog.
"What do you mean?" Tanong nya at tiningala ang gwapong mukha nito st naiinis sya dahil na aattract parin sya rito, nararamdaman parin nya ang dati nyang nararamdaman pag kaharap ito, ang kaba, ang tila kilig sa puso nya, ang paghanga sa kaguwapuhan at kakisigan nito, pasimple nyang iniling ang ulo para mawala sa isip nya ang ano mang naiisip rito.
"Kung mananatili kang matigas at ipagdadamot mo sa akin ang anak ko, dadalhin ko na to sa korte" Sabi nito na deretcho ang tingin sa kanya
"Korte? Naiibang kana ba? Anong kaso naman ang ikakaso mo sa akin?" Natatawang tanong nya, dahil alam naman nya na wala syan ginawang mali at sya ang ina ng bata kaya sya ang may mas karapatan sa bata.
"Kaya kong bigyan ka ng kaso na alam kong ikakatalo mo" Seryosong sagot nito.
"What?" Nagtatakang tanong nya, dahil hindi nya alam kung ano ang ibig sabihin nito.
"Money Yna! I can use my precious money to get all my rights to my son!"
"Money? Gagamitan mo ng pera ang korte para makuha mo sa akin ang anak ko?"
"Yes! Kung yon ang gusto mong paraan para lang makuha ko sa iyo si Yhuan"
"Hindi ako magpapatalo sa iyo! Maubos man yang pera mo hindi mo parin makukuha sa akin si Yhuan, tatapatan ko ang bawat sentimo na ilalabas mo!" Taas noong sagot nya rito.
Nagulat pa sya at si Yhuan ng humagalpak ng nakakalokong tawa si Andrew na umalingawngaw sa buong library.
"You're still naive little girl Yna" Nakakalokong sabi nito at lumakad palapit sa kinauupuan nya.
"Don't play games with me Andrew! Ano nanaman ba ang ginawa ng pera mo! Ano nanaman ba ang nabili ng pera mo?" Naiiyak na tanong nya habang nakatingala sya rito, na tila ba isa syang basang sisiw at si Andrew ang agila na dadagit sa kanya at kay Yhuan.
"Money can buy anything in this world Yna, even people!" Sagot nito at sumilay sa mga labi nito ang nakakalokong ngiti.
"So ano? You own this place? Did you bought this whole town just to make me misserable? Nabili mo na rin ba pati ang mga tao sa paligid ko? Lahat ba sila nabayaran na ng pera mo?" Sigaw nya at hindi maiwasang maiyak dahil sa nakikita nyang mala demonyong ngiti sa mga labi ni Andrew ay nasagot na ang lahat ng tanong nya.
Alam naman nya na wala syang kakampi sa bahay nila kahit mismong ang Daddy nya hindi nya kakampi, hindi na sya magtataka, kung noon nga nagawa syang ipambayad utang ng Daddy nya kay Andrew at ngayon si Yhuan naman dahil lahat yon sa pera. Napakasakit isipin na sarili nyang Ama ang nagtutulak sa kanya sa bangin. maling-mali ang desisyon nyang bumalik pa ng San Miguel, kung nanatili lang sana sila ni Yhuan sa New York hindi ganito ang sitwasyon nila ngayon, anong laban nya kay Andrew? Mapera ito at makapangyarihan isama pa wala syang kakampi sa bahay nila o masasabing sa bayan nila.
"I know masakit marinig but, yes, Yna nabili ko na lahat ng meron ka! Akin lahat ng inaapakan mo! Akin lahat ang nakikita ng mga mata mo! Kakampi ko lahat ng nakaka-usap mo! Pera ko ang binubuhay mo sa anak ko!" Matigas na sagot ni Andrew na tila ba bawat salita nito humihiwa sa puso nya.
Sunud-sunod na patak ng luha ang tanging naging sagot nya, pagod na syang umiyak pagod na pagod na sya, sinulyapan nya si Yhuan na mahimbing parin ang tulog.
"Ibigay mo ng maayos ang gusto ko para sa anak ko Yna hindi ka na mahihirapan pa"