"Andrew!" Sigaw nya ng makita ito sa may bakuran habang nilalaro si Yhuan na tawa naman ng tawa.
"Hey" Nakangiting bati ni Andrew sa kanya, at nagulat pa sya ng biglang tumibok ang puso nya sa simpleng ngiting yon.
"Akin na ang anak ko!" Inis na sabi nya para mawala sa isip ang ano mang paghanga nararamdaman nya kay Andrew, kaaway ito at hindi kakampi o kaibigan.
"I'm not going to kidnap my own son!" Seryosong sagot ni Andrew at binigay sa kanya ang bata na nais pang magpakarga rito.
"No, Yhuan it's Mommy!" Bulong nya sa anak at tinawag ang yaya ng bata para ipa akyat na ito sa taas, at bantayang mabuti.
Pagpasok ng anak at kasambahay sa loob hinarap nya si Andrew na kampanteng nakatayo sa may harapan nya, na tila ba nag hahantay ng sasabihin nya.
"So, you won again! Nanalo kana naman sa laro mo!"
"This is not just a game Yna! Can't you see huh? I want you and my son!"
"Pero sa maruming paraan mo kami makukuha dahil hindi ka patas lumaban Andrew! Madaya ka alam mong wala akong ilalaban sa pera mo! Lalo na ngayong lahat ng akin e nabili mo na!" Panunumbat nya rito.
"You made me no choice Yna, sinuyu kita pero walang nangyari, kaya naisip kung makipaglaro nalang" Sagot nito at humakbang palapit sa kanya, hindi sya umiwas sinalubong nya ito, hindi na sya ang dating Yna na mahina at iniiyak lang ang lahat, lalaban na sya.
"I want you and my son! Marry me Yna at ibabalik ko ang lahat ng sa iyo!" Seryosong sabi nito sa kanya, habang unti-unting lumalapit ang mga labi nito sa labi nya.
"I still want you Yna so bad!" Bulong nito sa labi nya, at bago pa sya makaiwas mabilis syang hinila nito sa bewang at hinalikan sa mga labi, nanlaki ang mga mata nya at nagpumiglas sya para makawala rito. Aminin man nya o hindi na miss nya ang malalambot na labi ni Andrew, ang lalaking unang humalik sa kanya, ang nag-iisang lalaking umangkin sa kanya, ang lalaking minahal nya at sinaktan lang sya. At lalo syang nagpumiglas rito nagpupumilit syang kunawala sa mga bisig nito.
Kaagad naman syang binitawan ni Andrew at sasampalin sana nya ito ng mabilis naman nitong nahuli ang kamay nya.
"Don't you even try!" Banta ni Andrew.
"Then don't kiss me again!" Galit na sagot nya habang nanlilisik ang mga mata sa galit ay pinunasan ang labing hinalikan ni Andrew.
"Let's talk about this tomorrow night, meet me at Tragora condo, doon ako naka stay ngayon, doon natin
pag-usapan ang lahat ng gagawin natin"
"Sa tingin mo ba ganon-ganon lang yon?"
"You don't have anything Yna"
"Yeah right! Dahil lahat ng natatanaw ko rito pag mamay-ari mo na, lahat ng tao rito pera mo ang kinabubuhay! Panalo ka na Andrew nakuha mo na ang lahat ng akin! But I swear to god Andrew! Sa oras na magsama tayo magsisisi ka! Pagsisihan mo ang lahat!" Mariin na banta nya rito.
"You're tired Yna take a rest! And I'll see you tomorrow night!" Sagot lang nito hindi pinansin ang mga sinabi nya at tumalikod na sa kanya.
Nakasunod lang sya ng tingin rito habang pasakay ito sa mamahaling kotse nito na nakaparada sa tapat ng bahay nila. At naalala nya ang unang beses nyang nakita si Andrew sa bahay nila, tumulo ang luha nya at mabilis na pinunasan yon.
"Hindi ko hahayaang manalo ka Andrew! Hinding-hindi!" Bulong nya sa sarili at mabilis na tinawagan si James, at sinabi ritong sunduin sya sa bahay dahil kailangan nya ng makaka-usap.
"Saan ka pupunta?" Tanong ng Daddy nya ng makita sya pababa ng hagdan nakasuot ng tight black skinny jeans and brown boots, white corset and brown leather jacket.
"Susunduin ako ni James lalabas kame!" Tipid na sagot nya.
"Mag pa-party kayo?" Tanong ni Shiela matapos nitong tignan ang suot nya.
"Hindi naman siguro masama kung lalabas ako kasama ang mga kaibigan ko"
"But, Yna, nanay ka na, baka hanapin ka ni Yhuan!' Concern na sabi ni Shiela.
"May yaya si Yhuan, and I guess ang anak mo rin ang nagpapasweldo dahil balita ko ang lahat ng nasa bahay na ito ay pagmamay-ari na ng anak mo!" Panunuya nya rito.
"Yna!" Saway ng Daddy nya.
"Why? Totoo naman hindi ba? Lahat ng natatanaw natin rito si Andrew na ang may-ari lahat ng kinakain natin galing lahat yon sa bulsa ni Andrew!" Panunumbat nya sa mga ito.
Napayuko ng ulo si Shiela at halata sa paghinga ng ama na nagtitimpi lang ito sa kanya.
"Kung sa una palang nalaman ko na ang lahat baka hindi nyo na ko nakita pa, kami ng anak ko!" Sigaw nya, at mabilis na tumalikod palabas at nakabunguan pa nya si Penny na papasok naman ng bahay.
"Great!" Inis na sabi nya at nilampasan lang nya ito, wala naman kinalaman si Penny pero dahil kapatid ito ni Andrew damay na rin ito, dahil sigurado syang may alam din ito sa nangyayari sa bahay nila.
"Ate Yna where are you going?" Habol ni Penny sa kanya at napansin nito ang kotse sa labas ng gate.
"Who's with you?" Muling tanong nito.
"I need some fresh air Penny, I need to breath!" Tanging sagot nya at naglakad na palabas ng gate at sinalubong sya ni James sa labas, at siguradong nakita ni Penny si James, dahil naramdaman nya ang pagsunod ni Penny sa kanya.
"What's wrong bakit biglaan naman yang pagyaya mo na uminom?" Tanong ni Thea ng magkita sila sa Vince Bar kasama ang sinasabi nitong Office mate lang nito.
"Yeah, isa pa ano bang nagyari kanina sa party ni Yhuan?" Tanong ni James matapos nilang maka order, humihingi sya ng hard drink na kaagad naman tinutulan ni James, hindi na daw sya tulad ng dati Mommy na daw sya kaya hindi na sya pwedeng uminom ng mga hard drinks, hindi tulad ng dati na tuwang-tuwa si James pag umoorder sya ng hard drinks. Alam nyang concern sa kanya si James, na kung hindi sana dumating si Andrew sa buhay nila baka iba ang sitwasyon nila ni James ngayon.
"Si Andrew! Andito sa San Miguel"
"Andrew? Andito si Andrew?" Gulat na tanong ni Thea. Tumango lang sya.
"Oh my god! Kaya pala natapos agad ang party ni Yhuan! So anong plano mo? Anong plano nya?" Tanong ni Thea at bago pa sya makasagot dumating ang waiter na may dala ng order nila kanya-kanyang drinks at inilapag ng waiter at hindi na sya nagulat ng mango juice ang itapat sa kanya ng waiter, yon marahil ang iniorder ni James sa kanya.
"Gusto nyang kunin sa akin si Yhuan, actually pati ako gusto nyang kunin" Sagot nya at sumimsim sa straw ng mango juice.
"Alam naman natin na mangyayari yan. Ano daw balak nyang gawin para makuha kayo ni Yhuan?" Seryosong tanong ni James.
"Binantaan nya ko, na kung hindi ko sya bibigyan ng karapatan kay Yhuan, dadalhin nya ang lahat sa korte!" Sagot nya at pinaglipat-lipat ang tingin sa mga kasama na halata sa mga mukha ang pagkabigla. Tahimik lang naman ang office mate ni Thea habang nakayakap kay Thea.
"You mean idedemanda ka nya?" Tanong ni Thea, tumango lang sya.
"He want to marry me" Sabi nya.
"What?!" Sabay na tanong ni James at Thea na kinagulat pa ng office mate ni Thea.
"Kasal?" Nanlalaking mga matang tanong ni Thea.
"Yes! Kasal!"
"Do you want it?" Seryosong tanong ni James.
"Ayoko, but I have no choice"
"Of course you have! We all have a choice to chose!" Si Thea.
"Not me!" Nakayukong sagot nya.
"What do you mean?" Si James.
"Well, it just..." Hindi nya alam kung paano sasabihin ang totoong estado ng pamumuhay nila na wala na silang pera at wala na rin sa kanila ang asyenda, pati na ang bahay nila at mga negosyo na kay Andrew na ang lahat naibenta na ng Daddy nya ang lahat kay Andrew.
"Ewan ko kung paano nangyari pero, si Andrew na ang may-ari ng asyenda at bahay, pati na ang mga ilang negosyong natira ni Daddy" Sabi nya sa mga ito.
"He is rich!" Tanging sagot ni Thea at inubos ang alak sa kopita at muling kinawayan ang waiter.
"Yes he is! And he used his damn money to get me and Yhuan!" Galit na sagot nya at hinila ang baso ni James at bago pa sya mapigilan nito mabilis na nyang na itungga ang laman ng kopita.
"He is damn rich!" Naiiyak na sabi nya at pinunasan ang mga labi.
"He is damn rich and I hate him so much! He made my life a damn hell life!" Umiiyak na sigaw nya at mabilis syang niyakap ni James at hinagod-hagod ang likod nya para kahit papano gumahan ang pakiramdam nya.
"It's ok, everything will be ok!" Bulong ni James sa kanya.
"Yeah, don't worry Yna andito kame anytime you need us, you can count on us, hindi ka namin pababayaan, kayo ni Yhuan" Pagbibigay assurance ni Thea sa kanya at hinawakan ang kamay nya.
"Thank you guys, since then till now andito kayo sa tabi ko salamat!" Umiiyak na bulong nya at niyakap ng mahigpit si James na kung sa tutuusin si James ang lagi nyang kadamay mula ng magbuntis sya at magtago sa New york. Ang dami ng hirap at sakripisyo sa kanya ng kaibigan hanggang ngayon ito parin ang karamay nya.
"Ate Yna!" Tinig na narinig nya at nag angat sya ng ulo at nakita si Penny na nakatayo sa may likuran ng upuan nina Thea.
"Penny what are you doing here?" Tanong nya at kumalas ng yakap kay James at pinunasan ang luha, pasimple syang tumingin sa paligid umaasang makikita si Andrew pero nabigo sya ng hindi ito makita.
"I came here to get you" Alanganing sagot ni Penny at sinulyapan si James na minamasahe ang ulo na tila ba sumakit bigla yon.
"Inutusan ka ba ng Kuya mo?" Mataray na tanong nya alam nyang hindi sya dapat magalit o mainis kay Penny pero hindi nya mapigilan.
"Nope but, Uncle your Dad asked me to find you" Sagot ni Penny nananatili paring nakatayo at umaagaw sya ng pansin sa ilang mga kalalakihan doon sa murang edad kasi nito, masasabi nyang may magandang katawan si Penny at maganda naman talaga ito.
"Alam ba ni Andrew?" Tanong nya na ewan ba nya bakit inaasam nyang dumating si Andrew, tulad ng dati sa tuwing nalalasing sya.
"Nope" Tanging sagot ni Penny at napapansin nyang panay sulyap nito kay James na tahimik lang na nakaupo.
Bumutong hininga sya at tatayo na sana para samahan si Penny pauwi ng dumating ang waiter at bago pa nailapag ang alak sa mesa nila mabilis nyang kinuha ang kopita at ininom yon hanggang sa maubos ang laman at sinunod ang isa pang kopita. Naramdaman nyang nahilo sya pero hindi sya nagpahalata sa mga kasama pero mabilis nyang naramdaman ang mga braso ni James sa bewang nya na umalalay sa kanya.
"That's enough!" Bulong ni James at tumayo na rin si Thea.
"You can't be drunk Yna, alalahanin mo si Yhuan katabi mong matulog" Paalala ni Thea sa kanya.
"I can handle myself!" Sagot nya at natawa pa dahil nararamdaman na nya ang alak na nainom.
"Let's go ihahatid ko na kayo" presinta ni James at inalalayan sya sa paglalakad at nagpaalam na kay Thea at sa kasama nito.
"Who's with you Penny?" Tanong ni James kay Penny.
"No one, I came here alone" sagot ni Penny inalalayan na rin sya nito palabas ng Bar.
"Where's you rich Kuya?" Tanong nya habang nakasubsob ang ulo sa leeg ni James.
"Sa Tragora Condo sya naka stay" tipid na sagot ni Penny.
"What room?"
"What?" Gulat na tanong ni James.
"I want.. tooooo talk tooooo Mr. Rich Raven"
"Ate Yna he can't see you like that!" Si Penny.
"Why not? Mr. Rich Raven can handle... a stubborn little poor girl... like me" sagot nya na hindi nagmumulat ng mga mata at nananatili sa leeg ni James hanggang sa makarating sila sa kotse ni James at isakay sya sa likod ng kotse.
"Hindi ako lasing.. nakainom lang, so please let me see your asshole brother!" Sabi nya ng makasakay na silang tatlo sa kotse, alam nyang dahil sa alak kung bakit ano-anong salita ang lumalabas sa bibig nya.
"Ok I'm going to call Kuya so he can wait with us sa lobby" malumanay na sagot ni Penny na naka upo sa passenger seat.
"Do it" utos nya hindi sya lasing nahihilo lang ng konti at tila mainit ang pakiramdam nya at nararamdaman nyang kaya nyang harapin si Andrew ngayon nabigyan na sya ng tapang ng alak na nainom nya.
Pagtapat nila sa Tragora Condo kaagad syang bumaba at hindi na nagpahagapay pa kay James.
"Kaya ko! Hindi ako lasing" sabi nya at nauna na sa pagpasok sa lobby ng malaking building.
Pagpasok nya sa loob kaagad nyang nakita si Andrew na tila ba hindi mapakali sa may reception desk pabalik-balik ito at palingon-lingon sa paligid, naka plain gray shirt ito at maong pants, magulo ang porn hair nito na lalong nagmumukhang s*x hair, napakagat labi sya dahil tila naalala nya ang ilang beses nyang hinila ang buhok nito sa mga kamay nya sa tuwing nadadala sya nito sa ibang mundo, napalunok sya bigla at bumilis ang t***k ng puso nya.
"Kuya" tawag ni Penny na nasa tabi lang pala nya, nag-iwas sya ng tingin at ilang beses na iniling ang ulo ng ilang beses para mawala ang ano mang iniisip nya kay Andrew.
Humakbang si Andrew palapit sa kinatatayuan nilang tatlo at tila ba ang bagal ng oras at napaka slow motion ng paglalakad nito na tila sya isang modelo at hindi tusung business man at huminto ito sa mismong harapan nya.
"So what is it?" Walang emosyong tanong nito sa kanya na deretcho sa mga mata nya ang tingin nito, na tila ba walang tao sa paligid tila ba sila lang ang naroon.
"Don't you miss your fiancee?" Panunuya nya rito. Napansin nyang lumunok muna ito at nalipat kay Penny at James at mga mata nito.
"Go home Penny ako ng bahala sa kanya" utos nito kay Penny tumango lang si Penny at nalipat ang tingin ni Andrew kay James na kay Yna nakatingin.
"She's with you again, I hope this is the last na makita kitang kasama ni Yna" seryosong sabi ni Andrew kay James na hindi man natinag sa kinatatayuan.
"It's defend, Yna is my close friend and I will be there for her no matter what" tiim bagang na sagot ni James.
"This is the last I assure you, this is the last you let her drunk" matigas na sagot ni Andrew.
Liningon nya ang mga ito nagsusukatan ng tingin na tila ba ano mang oras magbabakbakan ang mga ito. Napansin din nyang tense si Penny habang pinaglilipat-lipat ang sa tingin dalawang lalaki.
"Enough!" Bulong nya at lalapitan sana si James para magpasalamat at lalong inisin si Andrew dahil alam nyang mula noon malaki ang selos nito kay James, ngunit hindi pa sya nakakahakbang hinila na sya ni Andrew sa braso at bumunggo sya sa matigas na dibdib nito napatili pa sya at sinubukan bawiin ang braso rito, pero mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya.
"Go home Penny ako ng bahala sa Ate Yna mo, call me when you get home unscrathed ok!" Sabi ni Andrew at hinalikan pa sa noo ang kapatid at hinila na sya nito palayo.
Liningon nya si Penny at James at ewan nya kung bakit pero may kakaiba syang nakikita kay Penny habang nakatingin ito kay James, na nakatingin naman sa dako nya. Alam nyang may gusto si Penny kay James noon pero noon pa yon at bata pa si Penny kaya hindi nya masasabing may seryosong nararamdaman ito kay James.
Marahas syang itinulak ni Andrew papasok sa elevator at isinandal sa dingding kasabay ng pagtaas ng mga kamay nito sa may ulo nya.
"What the hell are you doing?!" Hiyaw nya at sinubukan makawala kay Andrew.
"Ano ba Andrew" pagpupumiglas nya ng bigla syang marahas na halikan nito sa mga labi. Mapagparusang halik ang binigay ni Andrew sa kanya, sinubukan nyang huwag gumanti at huwag bigyan ng kasiyahan si Andrew sa ginagawa nito sa mga labi nya, nang maramdaman ang pagkagat nito ng ibabang labi nya kaya naman nabigyan nya ng layang makapasok ang maiinit nitong halik.
Tila nawala ang alak sa katawan nya at tanging init ng mga halik lang ni Andrew ang nararamdaman ng buong katawan, matagal nyang hinintay ang muling mahalikan ni Andrew muling maramdaman ang init ng katawan nito, at eto na sa loob mismo ng malamig na elevator nararamdaman nya ang init na matagal na nyang inasam-asam na maramdaman muli kay Andrew.