Chapter 4- Ang Pagmamahal ni Jada kay Jacob•

1497 Words
Nagsama-sama sa conference room ang mga engineer, architect, at interior designer ng ATS para pag usapan ang isang mahalagang project ng kompanya. Everyone was given the opportunity to share their knowledge and exchange ideas to further develop the project they will be working on. "I beg to disagree, Jada's suggestion is too shallow, barely scratching the surface of what our hotel's ambiance demands. Lumalabas sa mga suggestion niya na para bang pipitsuging hotel lang ang gusto niyang bihisan. We are talking about 7 star hotel here, kailangan nating lagpasan ang expectation ng lahat," sabi ni Kelly na lumingon pa kay Jada habang nakangisi. Talagang hindi sa lahat ng pagkakataon ay makakasundo mo ang iyong mga katrabaho. Si Jada ay pinipigilan lang ang kaniyang sarili na huwag magpakita ng galit sa harap ng mga kasamahan niya. Ang kaniyang kapwa intererior designer kasi na si Kelly ay kanina pa kinokontra ang mga suggestions niya, halata namang sinsadya nitong inisin siya para mawalan siya ng gana at bitiwan ang project. Tinapik siya sa balikat ng kaibigang si Dahlia. "Relax, hayaan mo siyang magsalita nang magsalita, wala namang nakikinig sa mga sinasabi niya. Kilala na ang reputation ni Kelley sa buong kompanya, kung hindi lang 'yan pamangkin ng may-ari ay imposibleng makapasok 'yan sa ATS. Just present your proposal to the committee and let them be the judge. Showcase it through actions, not just words, unlike what Kelly does. I know how skilled you are, and I believe in your capabilities," bulong na sabi ni Dahlia. Tumango si Jada at nginitian ang kaibigan. Nakadagdag ang sinabi nito para mas tumaas pa ang kumpiyansa niya sa kaniyang sarili. Naniniwala siya na kaya niyang pamunuan ang pagdedesenyo ng isang 7 star hotel at hindi siya papayag na mapunta kay Kelly ang project na iyon. Natapos ang brainstorming na wala pang eksaktong patutunguhan at alam ni Jada na marami pang meeting na mangyayari sa mga susunod na mga araw. "Handa ka na ba para sa party bukas ng gabi?"tanong ni Dahlia kay Jada ng makalabas na sila sa conference room. "Parang ayokong pumunta. Nakakahiya naman kay Jacob na iwan ko ang anak namin at siya ang mag-alaga habang wala ako. Alam kong pagod din siya sa trabaho dahil marami siyang hinahawakang kaso ngayon, lalo pa at nadagdagan ang responsibilidad niya simula ng ma-promote siya. Kailangan niyang mag doble kayod para naman maabot niya ang expectations ng mga seniors niya sa kaniya," paliwanag ni Jada. "Huh! Minsan lang naman nangyayari ang ganitong party na magsasama-sama ang mga engineers, architrects at interior designers. Malaking event ito, hindi lang naman kasiyahan, marami ka pang matututunan at alam mo ba kung sino ang gumastos para sa event na 'to?" tanong ni Dahlia. Nangunot ang noo ni Jada. "Sino?" tanong niya, wala naman siyang ideya sa tinutukoy ni Dahlia. "Ang nag iisang anak ng business magnate na si Don Alejandro Soverano ng Soverano Architectural Firm." "Huh! Anak? May anak pala siya," bulalas ni Jada. "Hmm... Si Caleb Soverano ang prodigal son ni Mr. Soverano ay nagbalik para pamahalaan ang mga negosyo ng kaniyang ama. Sa totoo lang hindi ko pa rin siya nakikita dahil sampung taon siyang nawala sa bansa." Matamang nakikinig lang si Jada sa kwento ni Dahlia. Ang totoo ay hindi naman siya totoong interesado sa kinukwento nito, pinagbibigyan lang niya ang kaibigan para hindi naman ito magtampo sa kaniya. "Alam mo bang kalat na ang bulung-bulungan na saksakan daw ng guwapo si Caleb Soverano na 'yan. Kung tawagin siya ng marami ay tigre. Isa siyang misteryosong lalaki na maraming tinatagong sikreto. Laging seryoso at hindi ngumingiti, ngunit mapang akit ang kaniyang mga tingin. Once na matitigan ka niya ay mahuhulog ka na ng husto sa kaniya." "Ikaw ba hindi ka maku-curios na makita ang ganuong klase ng lalaki? Napamaang si Jada, ngayon lang niya nakita kung paano kiligin si Dahlia, para itong naiihi na ewan habang nagkukwento sa kaniya. Hindi tuloy niya mapigilan na mapangiti sa reaksiyon na iyon ng kaniyang kaibigan. Tiningnan siya nito ng masama. "Bakit ka tumatawa, may nakakatawa ba sa sinabi ko?" medyo inis na tanong nito. "Wala naman, para ka kasing teenager kung kiligin, hindi ko lang ma-picture na ang magaling at batikang engineer na si Dahlia Policarpio ay may itinatagong kaartehan pala sa katawan. Kapag nasa trabaho ka kasi ay napaka-seryoso mo at hindi ka malapitan. Kung hindi lang tayo matagal na magkaibigan ay iisipin kong terror ka talaga," natatawang sabi ni Jada. "Ganu'n, masama ba akong kiligin paminsan-minsan? Babae pa rin ako noh," sabi ni Dahlia sabay irap kay Jada. Pagkatapos niyon ay sabay rin silang nagtawanan. _ Gabi na ay hindi pa dumarating si Jacob, bihirang mangyari na umuuwi ito ng gabi ng hindi tumatawag sa kaniyang asawa para ipaalam kung nasaan siya kaya naman nakaramdam ng pag-aalala si Jada. Kinuha niya ang kaniyang cellphone para sana tawagan ito kaya lang ay hindi nagri-ring. Nakapatay ang cellphone nito na isa na namang dahilan para mag-alalang lalo si Jada. Nag-iwan na lang siya ng message at umaasa na mababasa nito iyon at balikan siya ng tawag. Samantalang ng mga oras na iyon ay may hinanda pa lang celebration party ang senior associate department para kay Jacob. Hindi niya nagawang tanggihan ang imbitasyon ng mga ito. Ginanap ang celebration sa isang bar kung saan nagkakasayahan ang grupo habang nag-iinuman. Hindi na nakuhang tawagan ni Jacob si Jada dahil sakto namang na-low bat ang cellphone niya, sa sobrang busy kasi niya sa trabaho ay nakalimutan niyang i-charge ito. Nagkakatuwaan ang lahat ngunit siya ay hindi mapakali, alam niyang maghihintay sa kaniya ang kaniyang asawa kaya umisip siya ng idadahilan para payagan na siya ng mga kasamahan na umuwi. "Sir, baka puwede na akong umuwi, may importante pa kasi akong gagawin." "Minsan lang mangyaring magbigay ng celebration party ang boss natin, bakit uuwi ka agad, mag enjoy ka muna at saka para sa 'yo naman ang party na 'to. Hindi ka namin papayagan na basta na lang umuwi," sabi ng mas ahead sa kaniyang abogado na si Atty. Wilson Kakamot-kamot ang ulo, hindi na nagprotesta pa si Jacob. Bumalik siya sa kaniyang mga kagrupo at nakisali sa kasiyahan ng mga ito. Sinubukan niya munang huwag alalahanin ang kaniyang asawa. Kailangan din kasi niyang makisama sa kaniyang mga katrabaho. Sa katagalan ay nag-enjoy na rin siya. Nakisali siya inuman habang nagkakantahan at nagsasayawan. Makalipas ang ilang oras na pagsasaya ay lasing na lasing si Jacob, hindi na nito makuhang mag-drive pauwi kaya pinahatid na lamang siya ng kaniyang mga kasamahan sa taxi. Ang pag-alala ni Jada ay napawi na ng makita ang kaniyang asawa na pasuray-suray na lumalakad papasok sa kanilang bahay. "Mukhang nagkasiyahan kayo ng mga katrabaho mo ah," sabi ni Jada, inalalayan niya si Jacob hanggang sa makaupo sa sofa. "Pasensiya na hindi ko nagawang makatawag, na low bat ang cellphone ko." Isinandal nito ang likod sa upuan. "Naipanalo ko ang hawak kong kaso kaya ang boss namin ay nagbigay ng celebration party para sa akin. Sinubukan ko namang magpaalam para makauwi ng maaga kaya lang ay hindi nila ako pinayagan," paliwanag ni Jacob. Ayos lang naman yon nag alala lang ako ng konti dahil hindi ka nagsabi. Hindi rin kita nakontak kaya dumating ako sa punto na naisip kong baka may nangyari nang masama sa'yo. Sa susunod magsabi ka lang at hindi naman kita pipigilan sa gusto mong gawin. Ang sa akin lang ay huwag mo sana akong pag-alalahanin." "Yes, ma'am!" sabi ni Jacob, sabay saludo. Hindi na napigilan ni Jada na hindi matuwa sa ikinikilos ng kaniyang asawa. "Halika na, sumama ka sa akin, dadalhin na kita sa kuwarto para makapagpahinga ka na ng maayos, pareho pa tayong may pasok bukas." Muli ay inalalayan ni Jada ang asawa na makatayo at makalakad hanggang sa kanilang silid. Nang pahigain niya ito sa kama ay halos nakatulog na ito. Ginawa na lamang niyang tanggalin ang medyas at sapatos nito. Kahit hirap ay pinilit niyang mabihisan ito ng damit para maging komportable sa kaniyang pagtulog. Para kay Jada, normal lang naman ang ganun. Kailangan din sa buhay ang mag-relax paminsan-minsan at wala siyang reklamo sa ginawa ng kaniyang asawa. Hindi madali ang trabaho nito at gusto niya rin paminsan-minsan na isipin naman nito ang sarili. Naging napakabuting asawa at ama ni Jacob, subsob ito sa trabaho para mabigyan sila ng magandang buhay, deserve naman nito na magkaroon ng konting kasiyahan. Hindi pa siya dalawin ng antok kaya naman nilapitan muna niya ang kaniyang anak na mahimbing na natutulog sa kuna at pinagmasdan. Napapangiti siya sa cute na cute na reaksiyon nito habang natutulog. Nabaling atensiyon niya ng biglang magsalita si Jacob. "Tama na, sir, ayoko na. Uuwi na 'ko. Siguradong nag-aalala na sa akin ang asawa ko." Kahit alam niyang dala lang ng kalasingan kaya nagsasalita ito habang tulog. Hindi pa rin maiwasan ni Jada ang hindi ma-touch sa sinabi nito. Kahit lasing ay naiisip pa rin ni Jacob ang damdamin niya kaya may kung anong kasiyahan ang humaplos sa kaniyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD