Chapter 5- Ang Tunay na Pag-ibig•

2032 Words
Jada's POV Habang masaya kaming kumakain ni Dahlia sa canteen ay hindi namin namalayan ang biglang paglapit ni Kelly, umupo ito sa tabi namin sabay ngiti. Nang mga oras na iyon ay pinag uusapan namin ang magaganap na event mamayang gabi. Natigil kami ni Dahlia sa pag-uusap at binalingan namin ng nagtatakang tingin si Kelly. Isa-isa niya kaming nginitian. Ang ngiti niya ay mahahalata mong hindi sincere. Hindi ako gumanti ng ngiti sa kaniya. Kahit hindi kami mag usap ni Dahlia ay alam kong pareho kami ng nararamdaman. Pinagdududahan namin ang pagpapakita ng maganda ni Kelly sa amin. "Bakit ninyo ako tinitingnan ng ganiyan? Ayaw niyo ba akong kasabay na kumain?" tanong ni Kelly. "Hindi naman sa ganun kaya lang marami namang bakanteng upuan. Bakit hindi ka na lang doon maupo? Baka akalain pa ng mga tao rito na ka-close mo kami," may pasaring na sagot ni Dahlia. "Bakit natatakot ba kayong isipin ng iba na kinakaibigan niyo lang ako dahil gusto ninyong humingi ng tulong ng akin para ilakad ko kay Uncle Baron ang mga project propossal ninyong mga walang kuwenta?" may halong pang iinsulto na sabi ni Kelly, nagpatuloy ang ngiti niya na para bang lalong nang-iinis. "Of course not. Why would we use you for our own benefits? Hindi namin gawain 'yon, Kelly" mariing tanggi ko. "Oo nga, at saka makukuha namin ang project kahit hindi mo kami tulungan dahil may tiwala kami sa sarili naming kakayahan," may pagmamalaking sabi ni Dahlia. Tinignan kami ni Kelly nang nakakinsultong tingin. "Talaga lang ha? Subukan natin kung saan aabot ang galing ninyong dalawa." "Well actually, I'm here to eavesdrop on your conversation. Mukhang interesting ang topic ninyo. Sino ba ang pinag uusapan ninyo? Ako ba?" sarkastikong tanong nito Nagpanting ang tenga ni Dahlia, hindi niya nagustuhan ang sinabing iyon ni Kelly. Kahit ako rin naman ay hindi ko nagustuhan ang sinabi niyang iyon na para bang may ibang kahulugan. "Excuse me! Paranoid ka ba? At bakit ka naman namin pag-uusapan? Ganun ka ba ka-importante para pag aksayahan namin ng oras na pag-usapan?" iritadong tanong ni Dahlia kay Kelly. "Oo, importante ako sa kompanyang ito. Hmp! Ako lang naman ang pamangkin ng may-ari ng ATS," may pagmamayabang na sagot nito. "Tsh! Pamangkin ka lang, hindi ikaw ang may-ari," paglilinaw ko. Tinitigan ako ng masama ni Kelly. "Anong sinabi mo?" inis na tanong niya. "Bakit kailangan ko pang ulitin ang sinabi ko, bingi ka ba?" galit kong sagot. Ngumisi ng nakakainsulto si Kelly at pagkatapos ay dinuro kami ni Dahlia. "Kayong dalawa, napakayabang ninyo. May araw rin kayo sa akin! Huwag ninyong balewalain ang impluwensiyang meron ako. I can make your life miserable here in ATS if I want to. Huwag ninyong sagarin ang inis ko sa inyo lalong-lalo ka na, Jada. Subukan ninyo ako at may kalalagyan kayo sa akin!" may pagbabantang sabi niya. "Kelly, we're not underestimating you. We believe in earning our success based on merit and hard work. Nagtatrabaho kami ng maayos para rin naman sa kompanya, kaya huwag mo kaming tatakutin dahil wala naman kaming ginagawang masama sa 'yo," naninindigang sabi ni Dahlia. Umismid si Kelly. "Sige, magpakasaya kayo sa pagkain. Pero isa lang ang masasabi ko sa inyo, mas mahalaga ang koneksyon sa kompanyang ito, kaysa d'yan sa prinsipyo ninyo," sabi nito bago kami iwan. Iiling-iling na napangiti na lang si Dahlia. "Bakit kaya may mga taong katulad ni Kelly, hindi naman siya ang may ari pero mas matindi pang umasta kaysa sa may-ari?" tanong ni Dahlia habang sinusundan ng tingin ang papalayong si Kelly. Tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Dahlia. Umaasa ako na hanggang salita lang si Kelly at huwag niya kaming kalabanin sa pamamagitan ng kaniyang koneksyon at kapit sa uncle niya na siyang may-ari ng kompanya na pinagtatrabahuhan namin. Nagtataka lang ako kung bakit ganun na lang ang inis niya sa akin, wala naman akong ginagawang masama sa kaniya. Iniisip ko nga na baka kami ni Dahlia ang pinagbibintangan niyang nagti-tsismis sa kaniya sa kompanya. Bakit naman namin gagawin iyon? Wala naman kaming pakialam sa kaniya at lalong hindi namin gawain na pagtsismisan ang iba. Matapos naming kumain ay bumalik na kami ni Dahlia sa kani-kaniya naming opisina. Sinimulan ko nang tapusin ang mga naiwan kong trabaho kaninang umaga. _ Natigilan ako nang bigla na lang pumasok si Dahlia sa aking opisina, para ipaalam sa akin ang balita. Maganda ito para sa lahat, ngunit hindi naman masyado para sa akin. Marami pa kasi sana akong kailangang tapusin na trabaho ngayong araw. "Time to wrap up. Have you seen the memo?" "Ha?Anong memo?" "Uwian na." "Huh!" Tiningnan ko ang suot kong relo, ang mga kamay ay nagsasabing alas-dos pa lang ng hapon. Karaniwang oras ng trabaho namin ay nagtatagal ng hanggang alas-singko nang hapon, kaya't sobrang aga pa para umuwi. "Seryoso ka ba? tanong ko nang may pagdududa. Hindi ako naniniwala sa sinabi ni Dahlia. "Nagpadala ng memo ang management kani-kani lang, inuutusan ang lahat na umuwi na," paglilinaw na sabi ni Dahlia sa sitwasyon. Napatunayan ko na totoo ang sinabi ni Dahlia nang matakatanggap ako ng message mula sa aking email na sinasabing maaari ng umuwi ang lahat ng empleyado ng ATS. Three hours earlier than usual ang ibinigay nila para makapaghanda ang lahat sa gaganaping event ngayong gabi. Tuwang-tuwa ang lahat at excited na nagsipag uwi na ang mga ito. Ako naman excited na umuwi hindi dahil sa party, excited akong umuwi para makita ang anak kong si Justin. Ilang oras pa lang naman kaming nagkakahiwalay ay talagang nami-miss ko na siya. Hindi na ako makapaghintay na buhatin at yakapin ang anak ko. Ang akala ko maaga na akong umuwi ang hindi ko alam ay mas maaga pa pala sa akin si Jacob. Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko ang aking mag-ama na masayang naglalaro sa aming sala. Sa labas pa lang ay dinig na dinig ko na ang malakas na paghalakhak ni Justin. Nagtataka nga ako, kaya naman pala kalaro niya ang kaniyang ama. "Oh, honey, bakit ang aga mo ata?" agad na tanong ko ng makalapit ako sa mga ito. Nilingon ako ng nakangiting si Jacob. "Look, Mommy is here!" sabi nito sa aming anak, agad na tumakbo si Justin papalapit sa akin at nagpabuhat. Pinanggigilan kong halikan ang pisngi nito, dahilan para humagihik ito at magkakawag, malakas kasi ang kiliti ni Justin. Buhat sa pagkakasalampak sa sahig ay tumayo si Jacob para lumapit sa amin. Niyakap niya ako kasama ang aming anak. Isang mabilis na halik ang iginawad niya sa akin. "Umuwi ako ng maaga para makapaghanda ka sa party ng kompanya ninyo, Di ba mamayang gabi na 'yon?" naniniguradong tanong nito. "Balak kong hindi na pumunta," sagot ko. Nangunot ang noo ni Jacob. "Huh! Bakit hindi ka pupunta?" takang tanong niya. Tiningnan ko siya sabay ngiti. "Walang magbabantay kay Justin," sabi ko. "Tsh! Kaya nga umuwi ako ng maaga para bantayan siya. Wala ka bang tiwala sa akin? Hindi mo ba kayang ipagkatiwala ang anak mo sa sarili niyang ama?" may himig pagtatampo na sabi nito. Huminga muna ako ng malalim bago siya sinagot. "Hindi naman sa ganun, alam kong pagod ka galing trabaho tapos pag-aalagain pa kita ng bata," dahilan ko. "Huwag mo akong isipin. Bakit ikaw, pagod ka rin naman sa trabaho tapos pag uwi mo napagsasabay mo pa ang pag-aalaga sa anak natin at pag-aasikaso sa akin, pati na ang pag-luluto ng hapunan natin 'di ba? Sa umaga pa lang maaga kang nagigising para asikasuhin ang mga pangangailangan namin ni Justin, pagkatapos mo kaming maasikaso at saka ka lang magkakaroon ng oras para sa sarili mo. Bilib nga ako sa'yo. Kapag sinasabi ng mga bata na ang mommy nila ang kanilang super hero ay talaga namang sang-ayon ako. Para kang super hero, nagagawa mo ang lahat ng sabay-sabay at hindi ka napapagod. " "Hindi puwedeng hindi ka pumunta sa party, you deserve to have a break. Leave it all to me. I promise, i will take good care of Justin and I will take good care of the house," puno ng sinseridada na sabi niya. Hindi ko mapigilan ang hindi ma-touch. Nakikita pala ng asawa ko ang mga sakripisyo ko at natutuwa akong naa-appreciate niya ang mga iyon. Hindi lahat ng asawa ay ganun kaya naman talagang masasabi ko na masuwerte ako sa napangasawa ko. Si Jacob ay isang perpektong asawa. Pareho kaming lumaki ng walang pamilya ngunit alam namin ang kahalagahan nito. Ipinangako namin sa isa't-isa na Justin ay hindi lalaking hindi buo ang pamilya. "Talaga bang sigurado ka na makakaya mo dito sa bahay kahit wala ako? Hindi ko alam kung hanggang anong oras matatapos ang party," sabi ko. May pag-aalinlangan pa rin akong dumalo sa party. Sa totoo lang ay mas nag-eenjoy ako kung si Jacob ang kasama at ang anak namin, na-eenjoy ko ang bonding naming tatlo. Nasanay ako sa presensiya nila, alam ko namang kailangan ko ring makisama sa iba, pero mas gugustuhin ko talagang nasa bahay na lang kapiling ang mga-ama ko kaysa makipagkasiyahan. "I told you I can handle this. Sige na mag-asikaso ka na para sa party at kami naman ng anak mo ang magba-bonding." Kinuha niya sa akin si Justin. "Di ba Justin, mag-eenjoy lang tayo habang wala si mommy? Behave ka at hindi mo pahihirapan si Daddy 'di ba?" Kinakausap niya ang anak namin na para bang nakakaintindi na ito. Biglang humalakhak si Justin at nagkakawag. Tuwang-tuwa siya, akala niya habang nagsasalita ang kaniyang ama ay nilalaro lang siya nito. "Sige, pupunta ako sa party pero sisikapin ko na umuwi ng mas maaga. Kung kaya ay isang oras lang ako roon," desididong sabi ko, wala naman talaga akong balak na magtagal doon. Nagluto muna ako ng hapunan para may makain si Jacob at pagkatapos ay nakipagkulitan naman ako sa aking mag-ama. Makalipas ang dalawang oras ay saka lang ako nag-ayos ng aking sarili. Nang matapos akong magbihis ay bumaba na ako para magpaalam sa aking mag-ama. Hindi ko maiwasan ang hindi matuwa sa aking nakita. Si Jacob ay gumagawa ng mga nakakatuwang reaksiyon ng mukha at si Justin naman ay tuwang-tuwa sa kaniyang ama. Ang saya-saya nila habang nagkukulitan parang ayoko na nga lang umalis at gusto ko na lang na mag-stay sa bahay at sumali sa kulitan nila. "Isang oras lang ako sa party," biro ko kay Jacob habang papalapit ako sa aking mag-ama. Ibinaling ni Jacob ang kaniyang mga mata sa akin at nakita ako ang gulat sa kaniyang mukha na napalitan ng matinding paghanga. "Wow, napakaganda naman ng asawa ko ngayong gabi! You know what? I think I changed my mind. Ayaw ko na palang umalis ka. Parang gusto kong dito ka na lang kasama ko at magkulong na lang tayo ng magdamag sa kuwarto?" pilyong sabi ni Jacob. Tumawa ako ng malakas. "I think I like the idea," pabirong sagot ko naman. Ngumiti si Jacob. "Nah, I'm just kidding. I can wait. Your event is more important. It's a rare opportunity, so make sure you don't miss out on the experience." "Isang sabi mo lang hindi na ako tutuloy, ganiyan kita kamahal. Pero tama ka, mahalaga ang event. Paano kung sa ibang araw na lang natin gawin ang pagkukulong sa kuwarto ng buong magdamag?"may himig panunudyong tanong ko. Ngumiti si Jacob pabalik sa akin. "Deal! Sa ibang araw na lang. Pero pangako mo sa akin, mag-e-enjoy ka sa party at iku-kwento mo sa akin ang mga nangyari sa 'yo roon kapag bumalik ka na." "I promise," tugon ko at binigyan ko siya ng isang matamis na halik sa kaniyang labi. Tumawa si Jacob. "I'm looking forward to it. Now, go dazzle the crowd and enjoy every moment!" "Please, take good care of Justin, okay? Lagi mong titingnan ang diaper niya baka kailangan ng palitan at pakainin mo siya ng tama sa oras," mahigpit kong bilin. Ngumiti siya at tumango. "Got it. Have a great time, and don't stress about a thing. Kami na ang bahala ni Justin dito sa bahay." Pinanghawakan ko ang sinabing iyon ng aking asawa. Wala akong pangamba at may tiwala ako sa kaniya kaya naman panatag akong lumabas ng aming bahay. Sumakay ako sa aking sasakyan at tinahak ang daan patungo sa venue ng event.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD