Chapter 1- Isang Hindi Inaasahang Sorpresa ni Jada•

1668 Words
Maaga pa lang ay gising na si Jada para asikasuhin ang papasok na asawa sa trabaho. Tulog pa si Jacob, maaga pa naman kaya hindi muna niya ito ginising. Samantalang, ang kanilang anak na si Justin ay mahimbing na natutulog sa kaniyang kuna. Maingat ang bawat kilos ni Jada upang hindi makalikha ng ano mang ingay, siniguro niyang hindi magigising ang mga ito. Avocado toast, bacon, sunny side up egg at black coffee ang hinanda niyang almusal ni Jacob. Nagtimpla na rin siya ng hot chocolate para sa kaniyang sarili. Isang buwan matapso siyang grumadweyt ay agad siyang natanggap sa ATS Architectural Firm bilang resident interior designer ng kompanya. Kahit na nagta-trabaho ay binabalanse pa rin niya ang kaniyang schedule. Hindi niya kinakalimutan ang obligasyon niya sa kaniyang mag-ama. 6:30 am ang nakasaad ng sipatin niya ang wall clock sa kanilang kusina. Nagmamadali siyang lumabas para tunguhin ang kanilang silid at gisingin si Jacob. Mahinang kalabit ang ginawa niya rito. Nang hindi ito magising sa kaniyang kalabit ay umupo siya sa gilid ng kama, yumuko siya para abutin ang asawa na noon ay padapang natutulog. "Honey, it's time to wake up," pabulong na sabi niya. Pumihit patihaya si Jacob at papungas-pungas na idinilat ang mga mata, napangiti ito ng siya agad ang masilayan. "Good Morning, sweetheart," malambing na bati ni Jacob, hinatak siya nito dahilan para masubsob siya sa matitipunong dibdib ng kaniyang asawa. "It's wonderful to wake up in the morning and see my beautiful wife's face," sabi ni Jacob, niyakap nito si Jada at pinupog ng halik sa leeg. Iniwasang mapatili ni Jada, kahit ang totoo ay kiliting-kiliti na siya sa ginagawang iyon ni Jacob. Tinakpan niya ng palad ang kaniyang bibig at kinagat ang pang ibabang labi. "Stop it hon! bumaba ka na at mag-almusal, your coffee is getting cold," sabi ni Jada. "What if I don't want to go to work today and just want to be with you here at home, hugging and cuddling each other all day?" pilyong wika ni Jacob. Napangiti siya sa sinabi nito. "It's been a long time since we've had time for each other." "It's because we're both busy with work, and our schedules don't align," may panghihinayang na sabi ni Jada. "Hayaan mo kapag natapos ko ang hawak kong kaso ngayon pupunta tayo sa Paris. Matagal na rin simula ng huli tayong mag-abroad." "Sinabi mo 'yan ha, panghahawakan ko ang sinabi mo," excited na sambit ni Jada. "Okay, I promise," paniniguradong wika naman ni Jacob. "Halika na sabay na tayong kumain habang tulog pa si Justin." Kumawala si Jada sa pagkakayakap ni Jacob at tumayo na sa kama, hindi naman na siya pinigilan ng kaniyang asawa at bumangon na rin ito sa higaan. Magana nilang pinagsaluhan ang almusal habang masayang nagkukwentuhan tungkol sa mga nangyari sa kanila sa mga oras na nasa kani-kanilang trabaho sila at hindi magkasama. Nakabihis na si Jacob at handa ng pumasok sa trabaho. Hinatid ito ni Jada hanggang sa labas ng kanilang gate kung saan naghihintay ang sasakyan nito. Yumakap siya sa asawa at hinalikan naman siya nito ng mabilis sa labi at saka pumasok sa loob ng sasakyan. Kumaway pa muna sa kaniya si Jacob bago ini-start ang makina ng kaniyang kotse. Bago tuluyang umalis ay bumusina pa ito. Bumalik na sa loob ng bahay si Jada para magligpit sa kusina at pagkatapos ay umakyat na sa kanilang silid para naman asikasuhin ang kaniyang anak. Pinalitan muna niya ito ng diaper bago pinadede. Nang matapos ay hinayaan niyang maglaro ito sa kuna. Nagpunta na siya sa banyo para maligo. Binuksan lang niya ang pinto para maririnig pa rin niya ang kaniyang anak at mapapakiramdaman kung sakaling may hindi magandang mangyari rito. Eksaktong alas otso ng dumating ang yaya ni Justin na si Haidee, matagal na nilang kapitbahay ito, mabait at magaling mag-alaga ng bata si Haidee kaya kampante siyang iiwan ang anak dito. Inihabilin niya rito ang mga kailangan ni Justin. Kahit na alam na naman ni Haidee ang mga iyon ay hindi siya nagsasawang ulit-ulitin itong ipaliwanag sa tagapag alaga ng kaniyang anak sa araw-araw na iniiwan niya ito rito. Matapos niyang masigurado na areglado na ang lahat ng pangangailangan ng kaniyang anak at wala na siyang nakalimutan ay iniwan na niya ito kay Haidee. Pinupog muna niya ng halik sa pisngi at anak bago lumabas ng bahay at sumakay sa kaniyang sasakyan. Papasok na siya sa kaniyang trabaho sa ATS Architectural Firm. Kadarating palang niya ay nasalubong na agad niya ang kaibigang architect na si Dahlia. "Oh, what a nice dress, it perfectly suits you my dear!" humahangang bati sa kaniya ni Dahlia, inikutan pa siya nito habang pinapasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Ang damit na suot niya ngayon ay isang white dress na lagpas hanggang tuhod ang haba, may maliit itong burda na hugis puso na kulay pula sa kaliwang dibdib. "Thank you, ang asawa ko ang nagbigay sa akin nito, regalo niya sa akin noong wedding anniversary namin. Isinuot ko na dahil nagtatampo na sa akin, parang hindi ko naman daw kasi nagustuhan ang regalo niya sa akin dahil ayaw ko naman daw isuot. Ang totoo gustong-gusto ko nga, kaya lang, kaya ayaw kong suutin dahil gusto ko kapag may espesyal na okasyon ko lang sana siya gagamitin. Nanghihinayang kasi ako na marurumihan lang, napakaganda pa naman ng tela at puting-puti pa," paliwanag ni Jada. Ngumiti si Dahlia at masuyong hinawakan ang kaniyang balikat. "I know how much you value what your husband gives you. But he's right, I think he just wants others to see how beautiful you look in that dress. Masasabi kong maganda ang taste ni Atty. Jacob," nanunudyong wika ni Dahlia. "Sinabi mo pa," natatawang sang-ayon niya. Tumango-tango si Dahlia, tinapik nito ang balikat niya. "Goodbye for now, magkita na lang tayo sa canteen mamayang lunch," sabi nito. "Yeah, sure," maagap na tugon naman niya. Naging abala sa maghapong trabaho si Jada, nakipag meeting siya sa mga kasamahang architect at nag-brain storming sila para sa kanilang bagong project na isang 7 star hotel. Umabot ng lagpas isang oras ang kanilang meeting. Paglabas niya sa conference room ay sinalubong siya ni Annie ang isa sa mga receptionist ng kanilang kompanya. "May bisita ka, mukhang magiging kompleto na ang araw mo ngayon. Well, you deserve it, matapos ang maghapong trabaho tama lang na dalawin ka naman ng espeyal na tao sa buhay mo," makahulugang sabi ni Annie. Medyo nangunot ang noo ni Jada, hindi niya maintindihan kung ano ang gustong sabihin ng kaniyang kausap. Hindi rin niya alam kung sino ang bisitang tinutukoy nito dahil wala naman siyang inaasahan na papasyal sa kaniya ngayong araw. "Puntahan mo na ang bisita mo, naghihintay siya sa opisina mo. Sige ka baka mainip 'yon at bigla na lang umalis," may halong pagbibiro na sabi ni Annie. Hindi man niya makuha ang gusto nitong iparating ay ngumiti na lamang siya at nagkunwaring naiintindihan. Nagpaalam na siya rito at dumiretso sa kaniyang opisina. Napaawangang bibig niya sa pagkabigla ng makita ang kaniyang asawa. Nakaupo ito sa swivel chair niya at pinagmamasdan ang family picture nila na nakapatong sa ibabaw ng office table niya. Mabilis na umangat ang ulo nito ng marinig ang pagbukas ng pinto. Gumuhit ang magandang ngiti sa labi ni Jacob. "Oh, what a surprise! What are doing here, honey?" maang na tanong niya sa kaniyang asawa. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita, ito ang unang pagkakataon na dinalaw siya ni Jacob sa kaniyang trabaho. "I received the picture you sent me earlier. I was overjoyed to see that you had finally worn the gift I gave you. I couldn't let this day pass without something extraordinary happening. I yearned for this day to etch itself into your memory, marking the first occasion you donned that dress. And so, my beautiful precious wife, Mrs. Jada San Diego Leviste, may I ask for this evening to take you on a date?" seryosong tanong ni Jacob, buhat sa pagkakaupo ay tumayo ito at lumapit sa asawa. Kinuha nito ang bungkos ng bulaklak na nakapatong sa mahabang sofa na hindi napansin ni Jada kanina ng pumasok siya sa loob ng kaniyang opisina. Inabot ni Jacob ang bulaklak sa kaniya, tuwang tinanggap naman niya iyon. Tumango si Jada bilang pagsang-ayon. "Yes, I accept your invitation for a date. It brings me immense joy to have the opportunity to go on a date with you this evening, Atty. Jacob Davenport," tuwang sabi niya. Sinakyan niya ang gustong mangyari ng kaniyang asawa. Ang gabing iyon ang isa sa pinakamasayang araw para kay Jada. Dinala siya ng kaniyang asawa sa isang fine dining restaurant. Kumain sila ng mga espesyal na pagkain, binigyan pa sila ng complementary drink ng restaurant. Matagal na rin simula ng huli silang mag-date. Bumalik sa alaala niya ang mga panahon na magkasintahan pa lang sila ni Jacob. Noon ay sa isang mumurahing restaurant lamang sila kumakain at naghahati pa sila sa ulam. Napakalaki na ng pagbabago ng estado ng buhay nila ngayon kumpara noon, ngunit ang pagmamahalan nilang mag-asawa ay hindi nagbago, mas lalo pa itong lumalim at naging matatag. Matapos nilang kumain ay hindi agad sila umuwi, nagtaka pa si Jada ng umakyat sila sa rooftop ng building. "Look up," utos sa kaniya ng kaniyang asawa na siya naman niyang sinunod. Nakita niya nang umangat ang kamay ni Jacob at pumitik sa hangin kasabay niyon ay biglang may nagputukang fireworks sa kalangitan. Napayakap siya sa kaniyang asawa dahil sa gulat, ngunit nang nahimasmasan na siya ay masya niyang pinagmasdan ang iba't-ibang nagagandahang korte at kulay ng fireworks sa kalangitan. "Ikaw ba ang may gawa niyan?" tanong niya sa asawa. Nakangiting tumango si Jacob. "Yes. Gusto ko kasing maging romantic at mas memorable ang date nating ito ngayon." Napangiti siya, dahil sa sobrang kaligayahan ay tumingkayad siya at inabot ng labi niya ang labi ng kaniyang asawa. "You never failed to surprise me everyday. Thank you!" aniya. "I love you so much, sweetheart!" "I love you too, honey!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD