"Caleb, my dear, please come over and join me here. What's keeping you occupied over there? may landi at himig pang-aakit na sabi ni Phoebe. Nakahiga ito sa kama na walang saplot ang buong katawan. Pumosisyon ito ng patagilid paharap sa direksiyon ni Caleb, habang kagat-kagat ang pang ibabang labi at minamasahe ang kaniyang kaliwang dibdib.
Napangiti si Caleb sa ginawing iyon ni Phoebe. Nagmamadaling hinubad niya ang suot na mga damit at sumampa sa higaan. Sino ba naman ang hindi mag-iinit kung makikita mo ang napakagandang babae na hubad sa ibabaw ng iyong kama? Sinibasib niya ng halik sa leeg si Phoebe pababa sa dibdib nito at napapaungol naman ang dalaga sa hindi maipaliwanag na sensasyon. Hindi pa nag uumpisa ang kanilang bakbakan nang biglang tumunog ang cellphone ni Caleb na nakapatong sa side table ng kama.
"Huh! Don't answer it, honey. It might just spoil our lovely evening." Pinigilan ni Phoebe ang kamay ni Caleb nang tangkain nitong abutin ang cellphone.
Sinunod naman niya ang kagustuhan ni Phoebe. Hinayaan lang niyang kusang tumigil ang tawag. Ipinigpatuloy niya ang naudlot na paghalik sa leeg ni Phoebe ngunit hindi niya magawang makapag-concentrate dahil sa ingay ng tunog na nagmumula sa cellphone na walang tigil sa pag-ring.
"I'm sorry but I need to answer the call, it might be important," sabi niya.
Hindi na nagawa pang pigilan ni Phoebe si Caleb. Bumangon ang binata at kinuha ang kaniyang cellphone sa lamesa. Nakita niya mula sa screen na ang tawag ay galing sa kanilang butler na si Aaron.
Hindi pa man ay agad nang nagsalita ang nasa kabilang linya. "Young Master, you need to come back to the Philippines right away," sabi ni Aaron na may tonong pagmamadali.
Nangunot ang noo ni Caleb. Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Hindi basta-basta mag-uutos ng ganu'n ang kanilang butler kung walang nangyaring masama.
"Why, what happened?" agad na tanong niya.
Sandaling katahimikan ang namayani sa kabilang linya, maya-maya ang katahimikan ay napalitan ng isang malalim na buntong hininga mula kay Aaron. "Your father suddenly collapsed in the middle of a meeting, and he was rushed to the hospital. His condition is critical. Your mother wants you to come back here as soon as possible."
Wala na sa kabilang linya si Aaron, ngunit nanatili pa rin sa tenga ni Caleb ang telepono. Hindi niya mapaniwalaan na ang matapang at matigas ang puso niyang ama sa isang iglap ay mawawalan ng lakas. Naaalala pa niya ang mga panahon na dinidiktahan nito ang kaniyang buhay. Ang mga panahon na dala ng kabataan ay nagrebelde siya rito.
"Caleb, what's going on?" tanong ni Phoebe, tumayo ito at lumapit sa noon ay natitigilan pa ring binata. Yumakap siya rito at tinangkang halikan ito sa labi ngunit iniiwas ni Caleb ang kaniyang mukha. Natigilan si Phoebe.
"Honey, what's wrong?" naguguluhang tanong nito.
Bumaling ng tingin si Caleb kay Phoebe.
"Get dressed and go back to your apartment," walang ganang sabi niya.
"Huh! But why? What really happened? Who are you talking to?" nagtatakang tanong ni Phoebe, hindi niya alam kung ano ang dahilan ng biglang panlalamig ni Caleb, pero sigurado siyang may kinalaman ang kausap nito sa telepono kanina.
"You don't need to know," sagot ni Caleb.
Si Phoebe ay isa lamang sa kaniyang mga fling. Walang sino man ang nakakakilala sa tunay na pagkatao niya. Pagdating sa personal niyang buhay ay tikom ang bibig ni Caleb. Kung meron mang taong bukod tanging nakakaalam ng lahat-lahat tungkol sa kaniya iyon ay walang iba kung hindi ang kaniyang matalik na kaibigan na si Steve.
Nakaalis na si Phoebe at siya namang pagdating ni Steve sa kaniyang penthouse.
"Bakit ano ba ang nangyari at pinapupunta mo ako rito?" tanong nito na may halong pag aalala.
"Kailangan na nating umuwi."
"Huh! Bakit?" takang tanong ni Steve.
"Nasa kritikal na kondisyon si Dad ngayon at kailangan ako ni Mommy. Magpa-book ka ng flight sa lalong madaling panahon," utos niya sa kaibigan.
"Si-sige, magre-rent ako ng private plane para mas mabilis tayong makauwi."
"Okay, gawin mo na ngayon din," sang ayon niya.
Agad namang kinuha ni Steve ang cellphone sa bulsa ng kaniyang pantalon at tinawagan ang kaniyang kontak sa airport.
Ibininagsak ni Caleb ang katawan sa mahabang sofa. Matagal na panahon na rin simula ng nawala ang komunikasyon nila ng kaniyang mga magulang. Hindi niya maipaliwanag ang nadarama ngayong babalik na siya sa kaniyang bayang sinilangan.
-
Sampung taon na ang nakalilipas simula ng huling makatapak si Caleb sa kanilang ancestral house. Ang kaniyang amang business magnate na si Don Alejandro Soverano ang may ari ng pinakasikat at tinitingalang high-end architectural firm sa buong mundo, ang Soverano Architectural Firm. Nag iisang anak lamang si Caleb ngunit itinakwil siya ng kaniyang ama ng suwayin niya ang kagustuhan nito na magpakasal sa anak ng kaibigan nito. Hindi niya gusto ang kasunduang kasal. Wala sa bokabularyo niya ang mag-asawa, ang gusto niya ay i-enjoy lamang ang buhay binata, magpakasaya at lustayin ang pera ng kaniyang ama.
"Young Master, I'm glad you're back!" masayang salubong na bati sa kaniya ni Aaron. Maliit pa siya ay naninilbihan na ito sa kanila at itinuturing na nila itong kapamilya.
Ang butler na si Aaron, sa labis na pagmamahal at dedikasyon nito sa kaniyang trabaho ay hindi na nagawa pang mag-asawa. Ginugol na lamang nito ang buong buhay sa paninilbihan sa pamilya Soverano.
"Where is Dad?" agad na tanong niya.
"He's in the guest house, the Master is temporarily staying there. Ever since the incident occurred, reporters have been ceaselessly seeking updates on your father's condition. Your mother had to transfer him out of the hospital. It's not good for the public to know his current state, as it would greatly affect your company," pagbabalita ni Aaron.
Tumango siya. "I understand, pupuntahan ko na si Dad ngayon din."
"I'll go with you, young master."
Pinauna siyang lumakad ni Aaron at sumunod naman ito sa likod niya. Tinahak nila ang mahabang daan patungo sa kabilang bahay.
Ang malawak na lupain ng mga Soverano ay natatayuan ng tatlong malalaking bahay. Ang pinakamalaki ay ang main house, ang sumunod ay ang ipinagawang sariling bahay para kay Caleb at ang pangatlo ay ang guest house. Si Don Alejandro ay nasa guest house ngayon, may sarili itong doctor at mga nurse na nag-aasikaso sa kaniya. Kumpleto ang mga kailangang kagamitan at mga aparato. Nagmistulang private hospital na nga ang guest house ng mga Soverano. Bukod sa nagkalat na cctv sa buong lugar ay napapaligiran din ng mga guwardiya ang buong kabahayanan.
Ang alam ng lahat ay nasa ospital pa rin si Don Alejandro, ngunit ang totoo ay inuwi na ito sa kaniyang bahay, para na rin sa kaniyang kapakanan at sa privacy ng kaniyang pamilya.
Pagpasok ni Caleb sa kanilang guest house ay agad niyang nabungaran ang kaniyang ina. Sampung taon na simula ng huli niya itong nakita, hindi niya namalayan na masyado na palang matagal ang panahon na iyon dahil inabala niya ang sarili sa pagpapakasaya. Ngayon lang niya napagtanto na malaki na pala ang itinanda ng kaniyang ina. Bukod sa medyo nangulubot na ang mga balat nito ay bakas sa mukha ng kaniyang ina ang labis na kalungkutan.
Gusto niyang sisihin ang kaniyang sarili. Naging masyado siyang makasarili at hindi inisip ang kapakanan ng kaniyang mga magulang. Sa kagustuhan niyang magrebelde sa kaniyang ama dahil pakiramdam niya ay minamanipula nito ang buhay niya ay hindi niya napansin na maraming panahon na pala ang nawala sa kanila. Kung ano siya ng umalis ay ganun pa rin siya ng bumalik, walang nagbago at walang magandang nagawa na maaaring maipagmamalaki sa kaniyang magulang. Nalulong siya sa bisyo at pambabae habang ang kaniyang ama ay nagpapakapagod mag-isa para itaguyod ang kanilang kompanya.
Bigla siyang nahiya sa kaniyang sarili, lalo't higit sa kaniyang ina. Parang hindi niya kayang harapin ito kaya bigla siyang napaatras, ngunit huli na para makaalis pa siya, nakita na siya nito.
"Caleb, anak!" bulalas ni Emma. Sinugod niya ng yakap ang anak. Matagal na panahon na niya itong hindi nakita kaya naman hindi niya maitago ang pagka-miss niya rito. Yumugyog ang kaniyang balikat at nagsimula ng humagulgol kaya nabahala ng husto si Caleb.
Hinimas niya ang likod ng kaniyang ina para pakalmahin ito.
"Mom, I'm sorry!" sabi niya na puno nang pagsisisi.
"If this hadn't happened to your father, you wouldn't have come back. We need you, son. Please don't leave us again," pagsusumamo nito sa anak.
Tumango si Caleb. "I promise, Mom, I won't leave anymore. I won't abandon you," sigurado sa sarili na sabi niya.
Natuwa naman si Emma sa kaniyang narinig.
"Let's visit your dad. He'll be really happy that you're back. I know he misses you and wants to see you, even if he doesn't say it. I wish you've apologized and made amends with your father a long time ago. Helping with our businesses would have made things easier for him. We're getting older and we also need a break."
Lalong nahiya sa kaniyang sarili si Caleb sa tinurang iyon ng kaniyang ina. Habang nagpapakapagod ang kaniyang mga magulang sa pagtatrabaho siya naman ay nagpapasasa sa perang pinagpaguran ng mga ito.
Nakaramdam siya ng panghihina ng makita niya ang kalunos-lunos na kalagayan ng kaniyang ama. Wala itong malay at puno ng kung ano-anong aparato ang katawan.
"Dad, I'm back. It's me, your prodigal son." sabi niya sa garalgal na boses.
Hinawakan niya ang walang lakas na kamay ng kaniyang ama. Ang buong akala niya ay makakaramdam siya ng kapanatagan kapag ginawa niya iyon, ngunit hindi pala, mas lalo lang nadagdagan ang guilt na nararamdaman niya ng mga oras na iyon.
"Wake up Dad! I'd rather have you scold me than witness you like this. I'm not used to your silence. I'm not used to you not reprimanding me. I miss the times when your strength felt like that of a mighty king. Show me your power, Dad. Scold me, chastise me, or even hurt me if you must!"
"I'm so sorry, this wouldn't have happened to you if it weren't for me."
Hindi na niya napigilan ang sarili na mapaiyak dahil sa labis na pagsisisi at panghihinayang.