Mababaw ang tulog ni Jada, maya-maya siya nagigising kahit na sa kaunting kaluskos lamang. 2am ngunit hindi pa rin umuuwi si Jacob. Kanina pa niya ito tinatawagan ngunit hindi niya ito ma-contact. Maraming text message na siyang ipinadala rito ngunit ni minsan ay hindi ito sumagot. Nag-aalala siya para sa asawa, kaya lang ay binigyan pa niya ng oras. Matiyaga siyang naghintay sa pagdating nito, hanggang sa sumapit ang alas tres nang umaga. Napakislot siya ng marinig ang pagbukas ng pinto ng kanilang silid. Nakahinga siya nang maluwag ng mabungaran ang mukha ng kaniyang asawa. Bumangon siya at naupo sa kama pagkatapos ay nakangiting binati si Jacob, "Inumaga ka ata ng uwi. Bakit may nangyari ba sa trabaho?" mahinahong tanong niya, hindi siya galit sa pag-uwi nito ng umaga, gusto lang niya