Araw ng Linggo, parehong walang pasok sa trabaho ang mag-asawang Jada at Jacob kaya naisipan ng mga ito na ipasyal ang kanilang anak. Nagpunta sila sa mall para kumain at mag-shopping, dinala rin nila si Justin sa playground. Enjoy na enjoy ang bata habang naglalaro sa inflatable plate kasama ang iba pang mga bata. Si Jada ay pumasok sa loob para bantayan ang anak, habang si Jacob ay naghihintay lang sa kanila sa labas. Abala si Jacob sa kaniyang cellphone, may tumawag kasing kliyente kaya umalis muna siya sa kinauupuan niya at lumayo para makausap ng maayos ang tumatawag. Nang matapos ang pag-uusap nila ng kaniyang kliyente ay pabalik na sana siya sa puwesto niya ng may makasalubong siyang hindi inaasahang kakilala habang naglalakad. "Oh my gosh, Jacob? Yes, it's you! What a small wor