Pauwi na si Jacob, nasa parking siya at naglalakad palapit sa kaniyang sasakyan. Hindi pa man niya napipindot ang remote key nito ay natigilan siya ng biglang sumulpot sa harapan niya si Sam. "Huh! Akala ko hindi na kita aabutan," sabi nito na medyo hinihingal pa. "Sam, bakit ka naririto? Di ba nag usap na tayo na hindi ka puwedeng basta na lang pumupunta rito sa opisina ko? Alam ng mga ka-trabaho ko na may asawa at anak na ako at hindi tamang makita nila ako na kasama ka, baka mamaya ay makarating pa sa asawa ko ang tungkol dito." Hindi pinansin ni Sam ang mga sinabi ni Jacob. "I miss you, honey. It's been days since we last saw each other, and you haven't even called or texted me." May himig ng pagtatampo sa boses niya. "Hindi puwede ang gusto mong mangyari, baka mamaya malaman pa n