Jada's POV
The decoration at the event where our party will be held is absolutely mesmerizing. I find myself captivated by the beauty and intricacy of the setup. It's truly impressive and gives the perfect ambiance for our celebration. I was surprised by the large monitor displaying the title of our gathering for tonight.
Build & Design Gala: Fusion of Engineers, Architects, and Interior Designers.
Masasabi kong tinutukan talaga nila ang okasyong ito at naglaan ng malaking budget ang sponsor para rito. Bukod kasi sa nagagandahang mga dekorasyon sa paligid ay hindi rin biro ang mga sosyal na pagkain na nakahain at sini-serve ng inarkila nilang sikat na catering services. Dito mo makikita ang totoong yaman ng mga Soverano dahil sa kaganapang ito. Just imagine bringing together the skilled Engineers, Architects, and Interior Designers from different companies in one place — it's truly astonishing and quite a feat to achieve.
"Oh my goodness, Jada! Nandito ka! I can't believe this. I thought you will not coming. This is truly a sursprise and I am so happy to see you!" eksaheradang sabi ni Dahlia na puno ng excitement sa tono ng boses, bakas ang labis na kasiyahan sa kaniyang mukha.
"This party will not be the same without you. Kamusta nga pala ang biyahe mo papunta rito?"
"Malayo-layo rin pala ang lugar na 'to, halos isang oras na biyahe bago ako nakarating dito. Malapit na ba magsimula ang event?" tanong ko habang pinagmamasdan ang paligid.
Katulad ng ginawa ko ay inilibot din ni Dahlia ang mga mata sa kabuuan ng lugar. "Malamang malapit na. Dumating na kasi ang mga executive mula sa iba't ibang kumpanya, pero ang isa na inaabangan ko ay hindi pa dumadating," sagot ni Dahlia na may kaunting pagkainip sa tono ng boses.
Nagtaka naman ako sa ginawi niya kaya hindi ko na napigilan ang magtanong, "Bakit, sino ba ang hinihintay mong dumating?"
Napangiti siya ng makahulugan sa akin. "Sino pa ba kun'di ang sponsor ng event na 'to. Halos lahat ng babae rito ay siya lang naman ang hinihintay, excited silang makita siya."
Tumango lang ako, naintindihan ko na ngayon kung sino ang tinutukoy niya.
Talaga lang ha! Ano ba kasi ang espesyal sa Caleb Soverano na 'yon at para siyang isang sikat na artista kung abangan ng mga tao ang kaniyang pagdating?
Habang nakatayo kami ni Dahlia malapit sa entrance door ay napansin kami ni Annie at masaya itong sumenyas sa amin. She invited us to join them in their reserved seats. Nang tingnan ko ang direksiyon niya ay napansin ko na marami na sa mga kasamahan namin sa trabaho ang naroon at nakaupo.
Kumapit si Dahlia sa braso ko at nagmadaling hinatak niya ako. Hindi ko magawang maglakad ng mabilis gaya ng ginagawa niya dahil may kahabaan ang silver gray dress na suot ko. Napagtanto kong mahirap pala na maglakad nang maayos sa damit na ito dahil bukod sa mahaba na ay makitid pa ang dulo nito. Kinailangan ko pang iangat ang laylayan nito para makalakad pa rin ako ng elegante at hindi nadadapa. Talagang gusto kong panindigan ang suot kong damit.
"Sandali lang, huwag naman masyadong mabilis," sabi ko nang may kaunting inis kay Dahlia. Hindi naman kasi kagaya ko, ang suot niyang dress ay hanggang tuhod lang ang haba kaya malaya siyang nakakakilos. Nakakahakbang siya ng maayos ng walang sagabal.
Natigil kami sa paglalakad ng bigla na lang sumulpot sa aming harapan si Kelly. Pinasadahan ako nito nang nakakainsultong mga tingin mula ulo hanggang paa. "Tsk! Bakit mo suot ang kurtina ninyo sa bahay?" tanong niya sa akin na may halong pagtuya sa kaniyang mga salita, na sinundan pa nang malakas na pagtawa. It was obvious that taunting me had become her newfound pastime.
Ganun pa man, I refused to let her barbs affect me. Ngumiti ako, sinalubong ko ang kaniyang mga tingin ng walang pag-aalinlangan. "So, why is your outfit the same shade as the event curtains? Weren't you informed they'd be using green?" balik na tanong ko sa kaniya. Sa puntong iyon lang na-realized ni Kelly na ang kulay ng suot niyang damit ay kapereho ng kulay ng mga kurtina na ginamit sa event.
Tumawa nang malakas si Dahlia, sinadya niyang gawin iyon para lalo pang mapahiya si Kelly. Hindi ko naman masisisi ang aking kaibigan, si Kelly naman kasi itong unang nang-insulto sa akin, siyempre hindi ako magpapatalo sa kaniya.
Kahit may kadiliman sa lugar ay nakita kong namula ang pisngi ni Kelly sa pagkapahiya. Kung bakit ba naman kasi sa dami nang kulay ay green pa ang kulay ng napili niyang suutin? Kapag lumapit siya sa pinaka-stage katabi ng mga kurtina ay hindi siya makikita at magmumukha talaga siyang invisible.
Binalingan niya ako ng masamang tingin. Dama ko ang matinding galit niya sa akin, ngunit wala itong masabi para ipagtanggol ang kaniyang sarili sa kahihiyan. Inisnab lang niya ako at pagkatapos ay biglang nag walk out.
"O, saan pupunta ang isang 'yon?" pilyang tanong ni Dahlia, hindi nawawala ang ngiti niya sa labi.
Nilingon ko lang siya. "Hindi ko alam, baka magpapalit ng damit," biro ko, na lalo lang nagdulot ng kasiyahan kay Dahlia. Tumawa na naman ito nang malakas.
"Ang galing mo sa part na 'yan. Ito naman kasing si Kelly ang lakas mang asar siya naman itong pikon. Halika na nga pumunta na tayo kila Annie."
Hinatak ako nito at dumiretso na kami sa puwesto ng aming mga ka-trabaho.
Nagsimula na ang event at hindi ko na nakita pa si Kelly. Sa palagay ko, tama ako nang hinala na baka nagpalit siya ng damit o kaya ay nagpasyang na lang umuwi dahil sa kahihiyan.
Sa kabuuan ay naging masaya naman ang mga kaganapan. Hindi ko pinagsisihan na pumunta ako sa event na ito ngayong gabi. Maraming inilaan na palaro para sa mga empleyado, at mas malaki ang pa-premyo kaysa sa inaasahan ko. Si Dahlia na ang pagiging competitive sa trabaho ay dinala pa rito sa party. Lahat nang games ay sinalihan at hindi sumuko hangga't hindi nananalo. Halos hakutin na nga niya ang lahat ng pa-premyo sa mga palaro. Mabuti na nga lang at pinagbibigyan pa siya ng mga organizer na paulit-ulit na sumali kahit ilang beses na siyang nanalo.
"Hey, Jada, hindi ka ba maglalaro? Subukan mo rin para hindi ka lang nakaupo diyan," sabi ni Annie sa akin nang mapansin niya na hindi ako umaalis sa upuan ko. Katulad ni Dahlia, ay nakarami na rin siya nang sinalihan na laro.
Para hindi naman nila isipin na nagbubutas lang ako ng bangko at hindi napa-participate ay nag-volunteer na akong sumali sa sumunod na laro kahit hindi ko pa alam kung ano iyon.
Nang magtanong ang in-charge sa game kung sino ang willing na sumali ay dali-dali kong itinaas ang kamay ko. Okay lang naman sa akin kahit na anong klase ng laro pa 'yan huwag lang 'yong may kinalaman sa takbuhan dahil hindi kakayanin ng suot ko ang ganun, magkakaroon lang ako ng malaking problema dahil sa damit ko.
Wala akong ideya kung ano ang mangyayari. Basta na lang ako pinatayo sa harapan kasama ng iba pang mga nag-volunteer sa laro.
Blindfolded Communication Challenge – iyon ang pangalan ng game na lalaruin namin ang sabi ng tagapagsalita.
"The objective of this activity is to enhance the communication between partners. One partner is blindfolded and provided with a set of building blocks, while the other partner, also blindfolded and will guide his/her chosen partner in constructing a predefined structure using only verbal instructions," narinig kong paliwanag nang emcee.
Habang nagsasalita pa ito ay may lumapit na babae sa akin at nilagyan ako ng piring sa mata at pagkatapos ay inakay ako nito at inalalayang lumakad patungo sa kung saan. Ilang hakbang din ang ginawa namin bago niya ako pinatigil. Hindi ko alam kung sino ang aking ka-partner, ngunit ang alam ko lang ay isa siyang lalaki. Naramdaman ko siya sa tabi ko, medyo nagkadikit pa nga ang mga katawan namin.
Siya ang magtatayo ng structure gamit ang building blocks, at ako naman ang naka-assign para mag-guide sa kaniya para buuin iyon.
"Do your best. I'm not used to losing. If we don't win tonight, it's your fault, and I'll blame only you," sabi ng arogante kong katabi, na sa tingin ko ay siya ko ngang kapareha sa game na iyon.
Hindi naman ako nakasagot sa sinabi niya, mas nag-focus kasi ako sa magandang boses ng may kayabangang tao na iyon. Ngayon lang ako naka-encounter ng lalaking ang guwapo ng boses, kaya kahit alam ko namang masasama ang sinabi niya sa akin ay mas na-appreciate ko pa rin ang kaniyang speaking voice.
Nabigla ako nang may humawak na naman sa akin at dinala ako sa kung saan.
"Ang nasa harapan ninyo ngayon ay isang lamesa, dito ninyo bubuuin ang structure. Nasa ibabaw ng lamesa na ito ang building blocks na kakailanganin ninyo sa pagbuo ng isang pyramid. Inuulit ko ang inyong bubuuin ay pyramid. At the count of three ay magsisimula na ang timer at magsisimula na rin kayo sa pagbuo ng pyramid," pagbibigay ng instructions ng emcee.
"Alam mo naman siguro kung ano pyramid 'di ba?" tanong ko sa kapareho.
"Of course I know. What do you think of me, stupid?" pasinghal na sabi ng katabi ko, dahilan para mapakislot ako. Wala naman akong ibang ibig ipakahulugan sa sinabi ko kaya lang ay minasama niya iyon.
Huminga ako ng malalim at hinabaan ko pa ang pasensiya ko, sa dami ba naman kasi ng makakapareha kung bakit itong masungit pa na ito ang natapat sa akin? Nai-imagine ko na ang itsura niya, matandang bugnutin na laging aborido at galit. Boses lang ang maganda sa kaniya pero ang ugali ay hindi.
"Kailangan nating mabuo iyon nang mabilis bago matapos ang oras natin," dugtong ko sa sinabi ko kanina, hindi ko na lang pinansin ang pagsusungit niya sa akin.
"Speak louder, I can't hear you. How do you expect us to win if you're the only one who can hear what you're saying?" singhal na naman niya sa akin kaya nagulat ako. Bakit ba parang wala na akong ginawang tama sa lalaking ito?
He acts like he owns the world in the way he speaks and commands. Honestly, even with his impressive baritone voice, still, he is so annoying and frustrating. I wonder why, out of all possible partners, I ended up with him? Pero sa kabilang banda ay hindi ko naman siya lubos na masisisi, dahil talagang napakaingay sa buong paligid, ang lahat ay nagbibigay ng instruction sa kanilang mga kapareha. Kaya lang, it would be better if he conveyed it in a more respectful manner instead of being angry and boastful.
"One...two...three... The game starts now!" sigaw ng emcee, kaya nataranta ako.
"Here's a solid plan for our game strategy: First, in building the pyramid, we'll establish a strong foundation. Second, we'll construct the base layer, ensuring a strong start. Third, we'll support a second layer, building upon our initial efforts. Fourth, we'll gradually expand, refine, and strengthen each component. Finally, we'll add the finishing touches that will bring everything together. I believe we can do this!" malakas na sabi ko para marinig niya. Iyon lang ang kaya kong maitulong sa kaniya, nakasalalay pa rin sa kaniya kung susundin niya ang sinabi ko o may iba pa siyang strategy.
"Okay!" Iyon lang ang tugon niya sa mga sinabi ko. It's sounds like he knows what to do already. Kahit hindi ko siya nakikita, alam kong nagsimula na siyang buuin ang mga building block para makagawa ng pyramid. Nakaramdam ako nang matinding kaba, hindi ko siya nakikita at hindi ko na alam kung ano ang nangyayari, hindi ko rin sigurado kung aabot siya sa oras. Basta nananalig na lang ako sa sinabi niya kanina na hindi siya sanay ng natatalo kaya, alam kong gagawin niya ang lahat ng paraan para manalo kami, sayang din kasi ang pa-premyo.
Namayani ang malakas na hiyawan, ang mga hindi kasali sa game ay sumisigaw ng suporta para sa kanilang napiling team. Narinig kong marami rin ang nachi-cheer para sa akin at sa kapareha ko kaya naman nakaramdam ako ng pag-asa.
Makalipas ang ilang segundo ay tumunog ang buzzer at pinatigil na kami sa aming ginagawa. Itinigil ko na rin ang pag-aabot sa kaniya ng mga blocks dahil tapos na ang itinakdang oras.
"Now is the time to announce the winners, those who completed on time and crafted the perfect pyramid. The only team that made it... and the winner of this game is none other than, Team D. Congratulations!" malakas at halos pasigaw nang sabi ng emcee
Pumalakpak ang lahat. Napuno ng palakpakan ang paligid.
"Yes! I knew it!" narinig kong sabi ng katabi ko, bakas ang labis na tuwa sa boses niya.
"Huh! Nanalo ba tayo?" tanong ko, na may kaba sa tono ng boses. Hindi pa tinatanggal ang mga piring namin, kaya wala akong ideya kung kami nga ba ang nanalo.
"Yes. How come that you don't know that we're Team D?" sabi niya sa akin may halong inis.
Pinili kong balewalain na lang kaniyang kasungitan. Sumigaw ako at naglulundag sa tuwa kaya lang hindi ko inaasahan na sa paglundag ko babagsak ang kanang paa ko sa paa ng katabi ko at ang takong ng suot kong sapatos ay bumaon sa sapatos niya.
"Oh, s**t!"
Napamura siya sa sakit.
Aksidenteng naapakan ko kasi ang kaniyang sapatos. "Oops, sorry!" alanganing hingi ko nang tawad at agad na inalis ang aking paa sa kaniya.
Narinig ko siyang huminga ng malalim na para bang sinusubukang pakalmahin ang sarili at pigilin ang galit.
"Alright, it's time to remove your blindfolds and meet your partners." sabi ng emcee.
Naramdaman ko ang presensya ng isang tao na lumapit sa akin at tinanggal ang aking piring. Matagal ko itong suot, kaya't kinailangan ko munang ipahinga ang aking mga mata bago ito buksan. Pagmulat ko ay hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Ang imagination ko kanina sa lalaking ka-partner ko ay malayong-malayo sa totoong itsura niya.
Beside me is an incredibly handsome man, his features well-groomed and striking. His eyes carry a mysterious intensity, a color akin to a stormy sea, holding a captivating secret. The strong jawline emphasizes his face, adding to his allure, and his dark hair slightly brushes against his forehead, enhancing his handsomeness. Even without a smile, there's an undeniable power about him, an aura of confidence and quiet strength that enthralls me. As he gazes at me, I feel the depth of his thoughts and emotions, though I struggle to discern his exact thoughts at that moment. It raises the question of what lies behind those enigmatic eyes, what secret is hidden within them that fuels my desire to uncover the mystery.
"Congratulations, Ms. Jada and Mr. Soverano. The pyramid you've built is excellent and perfect," tuwang pahayag ng emcee.
As I looked at our masterpiece on the table, it was true—we were the only ones successful in constructing a well-structured pyramid. When I observed the other creations, the difference in the quality of our work was clearly visible.
"Mr. Soverano, thank you so much for being part of this game. It's such an honor for us that you joined," dagdag pa ng emcee.
Nagulat ako habang unti-unting nare-realize na ang guwapong lalaking nakatayo pala sa aking tabi na aking ka-partner sa game, ay walang iba kun'di si Caleb Soverano. Ang business magnate na sponsor ng event na 'to na kanina pa inaabangan ng mga kababaihan na dumating lalo na ng kaibigan kong si Dahlia. Talaga namang nasorpresa ako at wala akong masabi. Lalo pa akong nasorpresa ng ibigay niya sa akin ang lahat ng napanalunan namin sa game.
"It's all yours, I think you need it more than I do," sabi niya sabay abot sa akin ng sobre na may lamang pera.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinsulto, hindi ko kasi nagustuhan ang pamamaraan ng pagsabi niya. Sa huli ay napilitan na lamang akong tanggapin iyon kahit hindi ko naman talaga masyadong kailangan ng pera dahil ayoko naman na mapahiya siya sa maraming tao kapag tinanggihan ko ang sobre.