CHAPTER 3

2052 Words
"Dito na lang ako, Kuya Nathan," masiglang sabi ni Bea, noong sumapit sa harap ng bahay ng mga ito. Bigla ang kaba na nasa dibdib niya nang ma-realize na maiiwan na lang silang dalawa ni Nathan. "D-dito na lang rin ako," sabi niya nang makitang kumilos si Bea para bumaba sa sasakyan ni Nathan. Tiningnan siya ng makahulugan ni Bea na para bang sinasabi nito na 'It's your chance.' Pero bigla kasing umurong ang tapang niya sa katawan. Makakasama niya si Nathan sa loob ng saradong sasakyan? Damn. Ngayon pa lamang ay hindi na siya mapakali. "Malayo pa ang bahay mo. I will drop you at your doorstep," he said in a cold but very nice tone of voice. Iyon bang boses pa lang nito ay parang sarap nang matulog habang nagsasalita ito. What more kung pinapalandas pa nito ang malalaking palad nito sa katawan niya? Nanlaki ang mga mata niya sa takbo ng isip niya. How could she have those ideas, while he is in front of her? And at her young age? You are daydreaming, Amara! Nagulat pa siya nang kumilos na si Bea at binuksan ang pinto ng kotse sa tabi nito. Mabilis din itong dumukwang kay Nathan na nasa driving seat at hinalikan ito ng mabilis sa pisngi. "Bye, Kuya Nathan. Bye, Amara babe!" Hindi na siya nakagalaw nang bigyan din siya nito ng isang mabilis na halik sa pisngi at dali-dali nang pumanaog mula sa sasakyan. Sinubukan niyang habulin ito at mahawakan ang damit nito pero sinadya yata nito na bilisan ang pagkilos nito, dahil hindi na niya nahagip pa ito. "Kaya nga Amara, malayo pa ang bahay n'yo. Kuya Nathan will take care of it." She winked at her. Saka lang din siya nagising dahil sa sinabing 'yon ni Bea sa kanya. "You can't do this to me, Beatrice," mahinang bulong niya sa katabing si Bea. Bahagya pa niyang hinawakan ang uniporme nito dahil ayaw niyang maiwan mag-isa kasama si Nathan. Puwede naman siyang sumakay sa jeepney, o 'di kaya ay sa tricycle pauwi sa kanila. "Ingat, Bea!" Pahabol na sabi ni Nathan. "Kayo din kuya! Ingatan mo si Amara!" Pilyang sigaw ni Bea. Nahagip pa ng paningin niya ang pilyang pagkindat ni Bea sa kanya.  Nanginig pa lalo ang kanyang katawan nang dukwangin ni Nathan ang nakabukas na pinto ng sasakyan sa tabi niya kung saan lumabas si Bea, para isarado 'yon.. Halos panawan siya ng ulirat nang masamyo niya ang suwabe sa ilong na amoy ni Nathan. Ngayon pa lamang siya nakatagpo ng lalaki na sobrang guwapo na nga ay sobrang bango pa. Napakislot pa siya nang dumampi ang daliri nito sa pisngi niya. Halos magkandaduling siya sa pagtitig sa mukha ni Nathan dahil biglang lumapit ang mukha nito sa mukha niya. Ang kalabog ng puso niya ay halos mga isang dosenang drum na nagtambulan sa loob ng dibdib niya. She is about to collapse when Nathan pulls his body far from her at naupo ito ng tuwid sa driver's seat. Nang tingnan niya ang mukha nito ay malapad ang pagkakangisi nito. Pero ang t***k ng puso niya ay hindi pa niya alam kung kailan ba babalik sa normal na tempo nito. "Tinanggal ko lang ang dumi sa pisngi mo. Don't overthink my actuation." There's a glee in his voice that she couldn't understand what's that all about. "H-hindi ko naman—" She stopped herself. She doesn't know what next to say. Hindi niya mapaliwanag ang kaba na nasa dibdib niya kapag malapit lang si Nathan. "Ihahatid na kita," sabi nito na muling bumalik sa seryoso ang mukha nito. Napalis na rin ang mga ngiti na kanina lang ay nakapagkit sa mga labi nitong mapupula. She touched her own lips unconsciously. Uminit din ang buong mukha niya nang bigla niyang maalala ang halik na pinangahasan niyang gawin kay Nathan. "P-puwedeng diyan na lang sa labasan, K-kuya Nathan. Sasakay na lang ako ng jeep." Iniyuko niya ang ulo. Ayaw niyang salubungin ang titig ni Nathan sa salamin ng sasakyan nito. "Kuya Nathan, huh?" Napilitan siyang tumingin dito nang marahas nitong ihinto ang sasakyan, matapos niyang sabihin ang sinabi niya kanina. "Ganyan mo ba tratuhin ang isang lalaki matapos mong pangahasan na halikan ito? Oh, s**t, Amara! Did you kiss any man aside from me?!" Nanlaki ang mga mata na tinitigan niya ito. He is mad. And she couldn't understand why he is mad like he is damn hurt. Kaya lang naman Kuya ang tawag niya kasi nahihiya na nga siya na dalawa lang sila nitong magkasama. Idagdag pa ang ginawa niyang panghahalik dito kahapon. Damn. Parang matutunaw siya sa matinding kahihiyan. Hindi niya alam kung paano bagayan ang sitwasyon. Ito ang unang pagkakataon na magkasama sila ng malapitan, at tanging dalawa lamang sila ni Nathan. "Did you kiss Brent Timothy Castillo? Damn, Amara!" She could hear his teeth gritted with so much anger. Hindi nga niya alam kung bakit kasi ito nagagalit.  "I am hell out asking you!" Bahagya pa nitong hinampas ang manibela ng sasakyan nito. Napapitlag naman siya at biglang natauhan dahil sa ginawa nitong 'yon. Sunod-sunod na napailing siya. "I've never kissed him, or anybody else, except—" ipinilig niya ang ulo. Hindi niya yata kayang sabihin kay Nathan ito ng harapan. Hindi niya kayang pag-usapan ang nangyaring halikan sa kanila. "Except who, or what?!" Ang galit nitong boses ay hindi pa rin humuhupa. Bahagya na ring nakataas ang boses nito. "E-except, y-you," tila bulong na lamang na sabi niya. Tinitigan siya ni Nathan sa mukha. Ang galit nito ay parang bula na mabilis na naglaho. Again, she doesn't know why.   "I kept my promise for you, sweetie. Just wait to reach for your right age." Sweetie. Bakit tila musika iyon sa pakiramdam niya? Isang napakagandang musika kahit alam niyang wala namang ibig sabihin 'yon para kay Nathan. Hindi siya umimik. Hindi niya kasi malalaman kung ano ang kanyang sasabihin. Labis ang pagkailang na kanyang nararamdaman. Para din siyang matutunaw sa bawat titig na ipinupukol sa kanya ni Nathan. Ngayon niya lang nadama ang kagaya nito. Tanging kay Nathan lamang. "Ayaw ko rin na makikita na may nanliligaw sa 'yo habang naghihintay ako sa tamang panahon na 'yon," mahina ang boses na sabi nito. Sobrang hina, pero nahagip pa rin ng pandinig niya ang sinabi nito. Malinaw din sa pandinig niya ang salitang 'yon kahit na nakikisabayan iyon sa tunog ng makina ng sasakyan nito. Gusto niyang itanong kay Nathan kung ano ang ibig sabihin no'n, kaso naduduwag siya. Sobrang naduduwag siya. Naduduwag siya sa maaaring isagot nito. Na baka iba ang isagot nito sa inaasahan ng puso niya. Ang manahimik ang napili niyang gawin. Pilit ninanamnam ng isip niya ang matatamis na salita galing kay Nathan. Salita na puno ng pag-asa para sa batang puso niya. Wala na ring ano mang salita ang namamagitan sa kanila hanggang sa marating nila ang kanilang bahay. "S-salamat." Akma na siyang bababa ng magsalita si Nathan. Hindi na rin niya napagtutuunan ng pansin kung bakit nito alam ang bahay nila kahit hindi naman niya ito itinuro dito. "You're ungrateful if you don't invite me to have a cup of coffee inside." Tiningnan niya ang mukha nito. Hinanap niya sa reaksyon ng mukha nito kung nagbibiro ito, but she can't read any humor at his facial expressions. Binuksan nito ang pinto sa tabi nito. Tahimik na lumabas at nakita niya mula sa labas na lumapit ito sa gawi niya. Pinagbuksan siya nito ng pinto ng sasakyan. Such a gentleman. Gusto namang kiligin ng puso niya. Bumibilis ulit ang t***k ng puso niya na kanina lang ay unti-unti na sanang bumabalik sa normal. "If you can't do it yourself, I can still do it for myself. I will invite myself to come inside your humble home," balewalang sabi nito. Na para bang nagsasabi ito na kaya nitong gawin ang gusto nitong gawin. Napalunok siya para alisin ang bara na nakaharang sa lalamunan niya. "S-sure, you can come in," sagot niya na pilit naghahagilap ng salita na maaari niyang sabihin sa Mommy at Daddy niya kapag magtanong ang mga ito kung bakit siya hinahatid ni Nataniel Contreras. Napasunod na lang ang paningin niya dito nang humakbang na ito patungo sa pinto ng kanilang bahay. Nauna pa talaga itong lumakad sa may-ari ng bahay, huh. Napahugot siya ng malalim na hininga habang nakatitig siya sa malapad na likod nito. Humakbang na rin siya palapit sa pinto nang makita niyang lumingon ito sa gawi niya. Na para bang sinasabi nito na 'tatayo ka na lamang ba diyan?'. Nanginginig ang mga kamay na dinukot niya ang susi ng bahay nila sa bulsa ng kanyang backpack. Mahigpit niyang pinipigilan ang sarili na huwag maninginig habang isinusuksok niya sa key hole ang susi, but she failed. She just damn, failed. Hindi na tumatama-tama ang susi sa butas ng doorknob. She is unreasonably nervous of her closeness with Nathan. "Ako na," walang ano man na kinuha nito ang susi sa nanginginig niyang kamay. Mas lalo pa yata siyang nanginig noong sakupin ng malaking kamay nito ang mga kamay niya. Dama niya ang init na nagmula sa palad nito hanggang sa kasulok-sulukan ng kanyang puso. Matagal bago nito binitiwan ang kamay niya saka isinuksok ang susi sa butas ng doorknob. Ito na rin ang nagbukas ng pinto. He motioned his hand inside the house na para bang siya ang bisita at ito ang may-ari ng bahay. A Contreras moves. Always mighty and proud. Natigil ang Mommy niya sa pagwawalis nang pumasok siya. Oo nga pala nauna pa nga palang pumasok si Nathan kesa sa kanya. See? Mahihiya pa ang may-ari ng bahay sa pagka-at home ni Nathaniel. "Good afternoon po, Mommy," mabilis siyang lumapit at hinalikan ang pisngi ng kanyang ina. Tila natauhan naman ito. Parang nagulat kasi ito habang hindi inaalis ang nagtatakang paningin kay Nathan. "Ang aga mong umuwi, ah. Hindi ka pa ba dumaan sa bahay ni Timothy?" Nakangiting tanong ng Mommy niya na kaagad kinuha ang bag niyang nakasabit sa balikat niya. Nahihiya siyang tumingin ng palihim kay Nathan. Sinasabi lang ng aktwasyon ng Mommy niya ang malaking agwat ng edad nila ni Nathan. Bahagya niyang kinagat ang pang-ilalim niyang labi nang makita ang bahagyang pagdilim ng mukha ni Nathan. Hindi niya alam kung bakit. Wala naman kasing sinabi na masama ang Mommy niya. Bahagya itong tumikhim at lumapit sa ina niya. "Hi po, ma'am. I'm Zimon Nathaniel Contreras." Inilahad nito ang isang kamay sa harap ng Mommy niya. Ayon na naman ang dapat siya sana ang gumawa na magpakilala sa Mommy niya dahil bisita niya ito, ay muli na naman siyang naunahan ni Nathan. Kung bisita nga niyang maituturing ito. Ito lang din naman ang nag-imbita ng sarili nitong pumasok sa loob ng kanilang bahay. "Sure, sino ba naman ang hindi makakakilala sa isang Contreras? Your name is almost everywhere," tila natutuwa din na sagot ng Mommy niya na kaagad na inabot ang kamay ni Nathan. "Thank you, ma'am, if that's a compliment," nakangiti din nitong tugon sa ina niya. Tiningnan niya ito ng mataman. Lalo pala itong gumaguwapo kapag na nakangiti ito at maaliwalas ang mukha. Hindi gaya kapag na siya ang kaharap palaging nakasalubong ang malalagong kilay. Na animo ay galit sa kanya. "By the way, I dropped your daughter here. Kasama niya kasi ang pinsan kong si Bea. Nandito lang rin naman ako, so, I might as well invited myself to have a cup of coffee." Nanlalaki ang mga mata niya sa narinig na sinabi nito. He was imposing himself, dearly. Tiningnan niya ang mukha ng Mommy niya instead na ma-offend ito, ay tila natutuwa pa ito sa sinabi ng binata. Ano ang nakakatuwa sa sinabi nito? Parang ang kapal nga lang ng pagmumukha kung tutuusin, eh. "Sure, Nathan. This home is always open for you if you want to have a cup of tea. But call me, Tita Amanda. Tutal ay magkaibigan naman kayo nitong dalaga ko. At ang mga kaibigan ni Amara ay itinuturing ko na ring sariling anak ko. Like Tim, and Bea," masayang sabi ng ina niya. Bakit biglang dumidilim ang pagmumukha nitong si Nathan kapag na mabanggit ang pangalan ni Nathan? May lihim ba itong galit kay Timothy? But as far as she knew, Castillo and Contreras are good friends, so, she doesn't know why Nathan is acting this weird.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD