CHAPTER 2

1212 Words
"Talaga bang nagawa mo ang bagay na 'yon kay kuya Nathan, Amara?" Nanlaki ang mga mata ni Bea, matapos niyang sabihin ang ginawa niya kahapon sa nakakatandang pinsan nito. "Hindi ko napigilan ang sarili ko, Bea. Pakiramdam ko nga ay galit ang kuya Nathan mo sa 'kin ngayon, eh. Nagkita ba kayo kahapon? Aburido ba?" Nag-aalalang tanong niya kay Bea. Hindi niya gugustuhing magagalit si Nathan sa kanya kung sakali. Iisipin pa lamang ang bagay na 'yon ay para nang dinadaganan ng mabigat ang batang puso niya. "Nagkita nga kami kagabi kasi birthday ni Kuya Dean. Mukhang masaya pa nga siya, eh," nangangalumbaba na sabi ni Bea. Habang tila inaalala sa isipan ang hitsura ni Nathan kagabi. Bigla namang nabuhayan ang kanyang loob sa narinig na sinabi ni Bea sa kanya. Parang bigla siyang nagkaroon ng lakas na isakatuparan nga ang kagustuhan niyang bihagin si Nathan. Pakiramdam niya mamamatay siya maiisip pa lamang na mapunta sa iba si Nathan. "Alam mo Amara, gustong-gusto kita para kay kuya Nathan, kaya nandito lang ako susuporta sa mga gagawin mo para makuha mo ang pansin ni kuya Nathan," sabi ni Bea, na lalong nagpapalakas sa loob niya na gagawin nga ang mga plano. "Syempre pa, best friend mo kaya ako," she smiles at her. Feeling satisfied. "Mamaya siya ang magsusundo sa 'kin, sama ka, ha?" May ibinulong pa si Bea sa kanya, at sabay pa silang napahagikhik. Kailanman ay hindi siya nagka-crush sa isang lalaki, tanging ngayon pa lamang. At pakiramdam niya ay hindi ito simpleng crush lamang, matindi ang nararamdaman niyang ito para kay Nathan. Halos hindi na siya makapaghihintay na matapos ang buong maghapon para muli niyang makita si Nathan. She's so excited. Halos hindi na nga niya maiintindihan ang dini-discuss ng teacher nila dahil sa abala ang kanyang utak sa kakaisip sa napakaguwapong mukha ni Zimon Nathaniel Contreras. Palagi pa nga niya itong in-stalk sa isang page nito, 'yon lang kasi ang nag-iisang social media account ni Nathan. Napalabi pa siya nang maalala na wala naman halos laman ang page nito na 'yon. Tanging profile picture lamang nito ang bukod tangi na litrato nito na naka-post doon. The rest, puro na mga sasakyan, motorsiklo, at mga patungkol sa medisina. Na-save na nga niya sa kanyang phone ang profile picture nito sa sa nasabing page. Ang damot naman ng picture! Nangingiti siya habang iniisip ang bagay na 'yon. ______ Nagsisilaglagan pa ang mga libro niya nang marinig ang sinabi ng teacher niya sa huling subject nila ni Bea na, "Class dismiss!" Mabilis niya itong pinulot. Isinukbit niya sa balikat ang back pack sa kung paano na lamang. "Let's go, Bea!" Masiglang sabi niya sa nakaupo pang si Bea at kasalukuyang nag-aayos ng mga gamit nito. "Hindi ka ba sasabay sa 'kin, Amara?"Tanong ni Tim sa kanya nang lumapit ito sa tabi nila ni Bea. Palagi kasi siyang sumasabay kay Tim, 'pag sinusundo ito ng driver nila. Siya kasi mag-isa lang umuuwi dahil wala naman silang driver, at busy ang kanyang daddy sa trabaho nito. Manager sa isang kilalang bangko ang kanyang daddy. Bale kung ikukumpara ang buhay niya sa istado ng buhay ni Timothy at Bea ay sobrang layo ng agwat nila. Average lang kasi ang buhay nila, samantala kilala sa buong Batangas ang pamilya ni Bea at Timothy. Katunayan pa nga ay ang pamilya ni Bea ang nagmamay-ari ng University na pinapasukan nila. Ang El Contreras University. Samantala pamilya naman ni Tim ang nagmamay-ari ng subdivision na tinitirhan nila ngayon. Pero hindi naman hadlang ang pera sa pagkakaibigan nilang tatlo, eh. "Hindi na Tim, sasabay ako kay Bea," there's a glee in her eyes and in her voice. "Okay," kibit-balikat na sabi ni Tim, saka nagpaalam na sa kanila ni Bea na mauuna na. "Hoy! Amara, huwag masiyadong pahalata na sobrang excited ka na makita si kuya Nathan. Your heart is in your eyes," natatawang sabi ni Bea. Ramdam naman niya ang pamumula ng pisngi sa sinabing 'yon ni Bea. Lalo na nang maisip niya ang ginawa niya kahapon kay Nathan. Kakahiya nga! Atubili siyang sumunod kay Bea nang paalis na ito, dahil bigla siyang nilamon ng matinding kahihiyan nang maalala ang ginawa niya kay Nathan sa racing club. Pero nang maalala ang guwapong mukha ni Nathan, ay parang nagkakaroon ng mga pakpak ang kanyang mga paa na sumabay sa paglalakad kay Bea, papuntang parking lot ng University. Malayo pa lang ay tanaw na niya si Nathaniel na nakasandal sa magarang sasakyan nito. Nakasuot ng sunglasses kaya hindi niya alam kung saan ito nakatingin. The beating of her heart was very fast. It wasn't normal anymore. Parang nalalasing ang puso niya na masiyadong nagwawala sa loob. Mas dinig pa nga niya ang t***k ng puso kesa sa mga hiyawan ng mga estudyanteng kasabayan nilang lumalakad. Everything got blurry, tanging si Nathan na lamang ang maliwanag na nakikita niya sa paligid. Muntik pa siyang matumba nang mabangga siya ng isang estudyante noong malapit na sila kay Nathan. Maagap siya nitong nahawakan sa beywang. At damang-dama niya ang mainit at matigas na mga palad ni Nathan na tumatagos sa suot niyang uniporme. "Hindi ka tumitingin sa dinadaraanan mo," narinig niyang sinita ni Nathan ang binatilyong bumangga sa kanya. "Ang babaeng 'yan ang nakaharang sa dinaraanan ko," maangas naman itong sinagot ng binatilyo. "Didn't your parents, taught you a manners? Or, baka gusto mong ako ang magturo sa 'yo ng magandang asal?" Mapanganib ang tono ng boses ni Nathan. Binitiwan siya, saka sumenyas sa kanila ni Bea na mauna nang pumasok sa loob ng sasakyan. Hindi siya makagalaw sa tinatayuan kaya hinila siya ni Bea papasok sa loob ng sasakyan ni Nathan. Wala sa sarili na naupo siya, pero ang kanyang paningin ay nanatiling nasa labas kay Nathan. Nakita niyang humakbang palayo ang estudyanteng lalaki, pero maagap itong nahawakan ni Nathan sa isang braso. Napangiwi ang lalaki sa diin siguro ng pagkakahawak ni Nathan dito. Ka-batch niya lang ang nasabing estudyante, magkaibang section nga lang sila. At kilala ito na isang bully sa loob ng campus. Nakita niyang may sinasabi si Nathan sa lalaki pero hindi niya marinig kung ano. Maya-maya lang ay nakayuko ang ulo na lumapit ang lalaki sa nakabukas na bintana ng sasakyan sa gawi niya. "I'm sorry Moreno, I will be careful next time," hinging paumanhin nito. Nababanaag niya ang takot sa mukha ng lalaki, at hindi niya alam ang ginawa ni Nathan kung bakit ito nagmumukhang maamong tupa. Gayon na palaging mayabang ang dating nito sa loob ng university. Naguguluhang tumango lang siya. "Did she accept your apology?" Hindi niya namalayang nakalapit na si Nathan sa kanila. Nakatayo ito at nakapamulsa. Taas noo na nakatitig sa kawawang binatilyo. "Please, Amara say something you forgive me. Hindi ako makakauwi kung hindi mo matatanggap ang sorry ko," mangiyak-ngiyak na itong tila maninikluhod sa paghingi ng sorry sa kanya. Tiningnan niya si Nathan, at nakatitig lang ito sa kanya na parang binabantayan ng maigi ang magiging reaction niya. "You're forgiven," mahinang sambit niya na hindi maalis-alis ang paningin sa aquamarine eyes ni Nathan. Para siya nitong minamagneto na tumingin dito. "You can go home now. And I don't want to hear you repeat what you did to her today," utos nito sa lalaki. Tumango ito at mabilis nang tumalima at patakbo silang iniwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD