CHAPTER 8

1150 Words
"Hindi ka ba nagbibiro sa sinasabi mo na 'yan, Amara?" Hinila ni Bea ang upuan nito paharap sa kanya. Biglang naging interesado si Bea dahil sa inamin niya dito. "Hindi ko mapigilan ang sarili ko, Bea, eh. Patawarin mo ako kung kinukulit ko ang pinsan mo, pero ano ang magagawa ko kung gustong-gusto ko siyang mapapasa'kin?" Tiningnan niya ito. Nanlalaki ang mata at walang kurap habang titig na titig sa kanya. "Isa pa hindi biro ang nararamdaman kong ito kay Nathan, Bea." Humina ang boses niya sa huling sinabi niya. "Amara, baka naman crush lang 'yan, mali lang ang pagkakaintindi mo sa damdamin mo, kasi nga 'di ba first time mong nagkaroon ng crush?" Sa boses ni Bea ang pagkalito. Gusto niyang masaktan sa sinabi nito. Pati ba naman ito ay hindi naniniwala sa damdamin niya para kay Nathan? "The sincerity of my love for Nathan, cannot be mistaken with just admiration, or whatever it is, Bea. Kakaiba ang damdamin na nararamdaman ko sa pinsan mo." Nakita niyang itinaas ni Bea ang dalawang kamay na para bang sumusuko sa conversation nilang dalawa na ito. "Okay. Fine! Love nga 'yan kung love, Amara, pero maari mo bang sabihin kung ano ang sinabi ni Kuya Nathan noong sinasabi mo ang deklarasyon mo ng pag-ibig mo sa kanya?" Nawala bigla ang maraming katanungan sa mukha nito, ang pumalit ay ang pagkakilig. Linapit pa nito ang mukha sa kanya na para bang atat na atat habang naghihintay sa isasagot niya. Napangiti naman siya habang nakatitig sa magandang mukha ni Bea. "Gaya ng sinabi mo sa akin, sinabi din niya na lilipas daw ang pag-ibig ko para sa kanya. I challenged him. I asked him na kung paano kung hindi magbabago ang damdamin ko para sa kanya?" Ang nanlalaki nitong mata ay lalo pang namimilog sa narinig mula sa kanya. "Gosh, Amara! Hindi ko inakala na ganyan ka pala katapang kapag na umibig ka. What did Kuya Nathan say?" Mas lalo pa yatang naging interesado ito sa paghihintay ng isasagot niya. "Nagagalit sa 'kin. Tigilan ko daw ang kalokohan ko." Malungkot siyang tumanaw sa white board na nasa harapan nila. "Ituon mo kaya ang pansin mo kay Tim, Amara. Alam ko na may gusto sa 'yo si Tim. Magkaiba ang tingin na ibinibigay niya sa 'kin at ang tingin niya para sa 'yo." Napatawa siya ng malakas dahil sa sinabi na 'yon ni Bea. Bakit lahat ng malalapit sa kanila ay sinasabi na may gusto si Tim sa kanya, while she doesn't know about it? Dahil ba ang buong pansin niya ay tanging nasa kay Nathan lang? Kaya hindi niya binibigyan ng pansin ang tungkol sa ibang may gusto sa kanya? "Best friend natin si Tim, Bea. Kung ano ang pagtingin na meron ka sa kanya ay ganoon din ang sa 'kin. Kapatid lamang ang turing ko kay Timothy," sabi niya sabay kibit ng kanyang mga balikat. "Ikaw na nga ang bahala, basta nandito lang naman ako susuporta sa mga hakbang na gagawin mo para kay Kuya Nathan." Kinabig ni Bea ang balikat niya at inakbayan siya ng mahigpit, at doon pa lang ay dumadagdag na sa lakas ng kanyang loob ang ginawang 'yon ni Bea. Dama niya kasi ang sinseridad sa bawat salita at kilos nito. Mag-best friend nga talaga sila. "Hey, ladies!" Sabay silang napabaling ni Bea sa bagong dating na si Tim. "Hi." Bati niya na kinawayan ito. Lumapad ang pagkakangiti ni Tim habang lumalapit sa kanila. "Puwede ba tayong mamasyal sa linggo, Amara? Kahit doon lang sa subdivision. Na-miss ko na rin iyong bonding natin tuwing linggo, eh. Medyo matagal na nating hindi nagawa 'yon." Humila ito ng bakanteng upuan at naupo sa tabi niya. "Sama ka na rin Bea, masyado ka na palaging abala. Hindi ka na sumasama sa mga gala namin ni Amara." Yaya din nito kay Bea. "How about, barbecue time? Ayoko kasi na sumasama sa mga lakad n'yo dahil alam n'yo naman hindi ako marunong sa pagba-bike." Nakalabing turan ni Bea. Natawa naman siya sa hitsura nito. She looks so cute. "Saan naman?" Excited na tanong niya. Parang gusto niya ang ideya na mag-barbecue sila. Hindi pa nila 'to nagawa ni minsan. "Sa farm nila Kuya Nathan." Tuwang sabi ni Bea. Napalis ang mga ngiti niya at biglang kumalabog ang puso niya nang marinig na binanggit nito ang pangalan ni Nathan. "Sa pinsan mong si Nathaniel Contreras?" Tanong naman ni Tim, hindi niya alam pero parang may tensyon na nasa boses nito pagkabanggit sa pangalan ni Nathan. "Oo, maganda doon." Nagtataka na sambit ni Bea habang nakatingin sa mukha ni Tim. "Baka magkasalubong lang kami doon." Ipinatong nito ang dalawang paa sa upuan na nasa harapan nito. "Ano naman ang problema kung magkasalubong kayo? Dati pa naman kayong nagkikita dahil palagi iyong tumatambay sa racing club ng Kuya Liam mo." Naitirik pa ni Bea ang mga mata noong magsalita ito habang tinitingnan si Tim na magkadikit na halos ang mga kilay. "Why don't you ask him why he seems so stirred up when I'm around? Dami niyang sinasabi sa 'kin kapag na magkaharap kami." Tumingin ito sa kanya ng makahulugan, hindi niya alam ang uri ng tingin nito sa kanya. "Baka kasi dami mo rin naman na sinasabi sa kanya, eh. Alam mo naman ang mga pinsan kong 'yon ayaw makarinig ng mga salitang hindi naayon sa kanilang mga pandinig." Nakalabi na sabi ni Bea. Hindi din nito napansin ang namumuong tense sa kanya tungkol sa sinabi ni Timothy. "By the way, let's not talk about Kuya Nathan. Let's talk about our barbecue day on Sunday. Excited na ako. Isama natin ang ilang kaklase natin na close sa 'tin." Si Bea. "Papayag ba ang mga pinsan mo na magdala ka ng mga kaklase mo doon? Sabi mo kasi ay bawal magpapasok ng ibang tao doon na hindi n'yo kaanu-ano." Naisip niya ang ikinuwento nito dati sa kanya. "Ako ang bahala. Saka hindi naman tayo doon pupunta sa private place nila. Doon lang tayo sa public side. Hindi pa iyon gaanong tapos ang construction, pero puwede na rin tayong tumambay doon!" The excitement in her voice is too obvious. "Okay, pero sana ay hindi kami magkasalubong ni Nathaniel doon." Bigla naman ang excitement na nasa mukha ni Tim nang matitigan siya. Habang ito ay hinihiling na hindi nila makikita si Nathan doon, taliwas naman 'yon sa kagustuhan niya. Dahil hinihiling niya na sana ay muli niyang makikita si Nathan sa linggo. Ang isipin 'yon ay biglang nagpapa-excite sa kanya. "Okay, Bea. Excited na ako." Wala sa sarili na sabi niya habang iniisip ang napaka-guwapong mukha ni Nathan. Hindi niya napansin ang kaparehong uri ng tingin na ipinupukol sa kanya ni Bea at ni Tim. Hindi niya alam kung bakit tila nawawala siya sa totoong mundo kapag si Nathan na ang pag-uusapan. Dahil siguro masaya ang puso niya na maririnig kahit na ang pangalan lang ng lalaking iniibig niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD