"Sino ba ang mga kasama mo sa barbecue party na 'yan?" Natigil si Nathan sa ginagawa niya sa kanyang computer noong maupo na talaga si Bea sa ibabaw ng kanyang mesa. Tiningnan niya ang nagsusumamong mga mata nito. Ayon na naman siya kapag ganito ang pinsan niyang babae parang nanghihina na siya at tipong mapapasunod na lamang siya sa nais nitong gawin. Kung titingnan, sa kanilang pamilya si Bea ang isa sa mga weakness nilang magpipinsan.
"Mga malalapit na kaibigan ko lang Kuya. Saka po promise ko po sa inyo na hindi kami manggugulo doon. Isa pa po, linggo naman 'yon kaya wala namang magugulo na mga trabahador doon." Mas lumungkot pa ang mukha nito. Hindi kasi siya pumayag kanina. Magulo pa sa site baka madidisgrasya lang ang mga ito doon.
"Sinu-sino nga ba ang mga kaibigan mo na 'yan?" Napatuwid siya ng upo at isinandal ang likod niya sa sandalan ng swivel chair niya.
Nasa loob siya ng opisina nilang magpipinsan sa Hotel El Contreras. Mag-isa pa lamang siya noong pumasok si Bea. Palagi naman siyang maaga kung pumapasok, gusto niya kasi iyong maaga niya din na matatapos ang mga trabaho niya, para sa gano'n ay maaga din siyang makapagpahinga.
Si Dean maaga din 'yon kung pumapasok, kaso nga lang ngayon ay busy 'yon sa construction ng building nito para sa gagawin nitong negosyo. Sarili nitong negosyo.
Si Joaquin ang pinakahinahangaan niya sa lahat. Palagi itong late kung dumating pero ito pa ang palaging nauunang matapos sa kanila sa mga gawain nila. Mautak si Joaquin at may mga techniques ito sa gawain nito na tanging ito lamang ang nakakaalam.
Si Tyler naman ay sakto lang ang dating, iyong hindi ito late pero hindi din naman maaga. Tyler hates an excess time, sabi nito ang time na gugulin nito sa isang bagay na hindi pa naman ang oras para doon ay isang napakalaking sayang daw, kasi sana ay nagawa pa daw niya 'yon sa ibang bagay. 'Yan mag-isip si Tyler, nakakalito, but it's kinda impressive.
Si Apollo ay no certain time kung dumating, minsan late, minsan naman maaga. Kapag late ito ay isa lang ang ibig sabihin nito, pagod ito. It's either sa babae, or sa trabaho nito sa Underground Armored. Pero gano'n pa man ay wala pa rin namang trabaho na naibitin si Apollo. He is smart in his own, too.
Pareho lang silang matatalino sa magkakaibang paraan. Minsan naman sa kalokohan, pero ngayon na medyo matanda na sila ay maingat na rin sila sa mga ginagawa nila. Hindi na din sila nakatikim ng gaanong parusa sa mga Daddy nila. Isa iyan sa mga achievements na nakamit nila kasabay ng pagtatapos nila sa kolehiyo.
"Ano nga pala sabi mo?" Medyo nagulat siya noong iwinagayway ni Bea ang kamay nito sa pagmumukha niya.
"Sabi ko Kuya, kasama ko si Amara." Napatangu-tango siya. His encountered with her wasn't good. Nasaktan niya ito, pero dahil alam niyang 'yon ang tamang gawin. Mas masasaktan ito kapag na mag-pretend siya na okay lang sa kanya ang ginagawa nito.
"Kasama din namin sina Tim at ang iba pa naming—" marahas siyang tumayo noong marinig niya ang binanggit nitong pangalan.
"Hell, no! Mas hindi puwede 'yon." Pinakalma niya ang sarili saka muling naupo. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit gano'n na lang reaction niya nang marinig ang pangalan ni Amara tapos dinagdag pa ni Bea na kasama si Timothy. Parang bigla siyang naalibadbaran, eh.
"Eh, di mas lalong hindi puwede," sabi niya. Ibinalik na rin niya ang pansin sa ginagawa niya sa computer. Kahit ang totoo ay nawala bigla sa isipan niya kung ano na ang ginagawa niya kanina.
"Kuya naman!" She stamped her foot on the floor. But he wasn't able to pay her attention. His mind was busy thinking about Amara and Tim. Even though the truth is that he doesn't have to do that.
"What's happening to you, princess, at nakabusangot ang pagmumukha mo sa ganito kaaga?" Biglang pumasok si Dean, at 'yon ang tagpo na naabutan nito sa pagitan nila ni Bea.
Nagdadabog naman na linapitan ito ni Bea at hinalikan sa pisngi. Hinaplos naman ni Dean ang mahaba nitong buhok. Muli siyang naupo ng tuwid at hinawakan ang sarili niyang sintido. Kapag na humiling na ito mamaya kay Dean, ay alam na niyang hindi na ito mahihindian ni Dean. And Dean will go to contest it with him, just to be sure Bea will have her caprices.
"Anong nangyayari?" Nakakunot ang noo ng pumasok na si Tyler, kasama si Joaquin. Nagpalipat-lipat rin ang paningin sa kanilang lahat ni Joaquin. Linapitan ni Bea ang dalawang bagong dating at hinalikan ito sa mga pisngi.
"Alam ko kapag pumupunta ka dito ng ganito kaaga, Bea. May kailangan ka 'di ba?" Masayang sabi ni Joaquin sabay lapag ng dala nitong laptop bag sa mesa nito. Linapitan naman ito ni Bea at yumapos sa kabilang braso ni Joaquin.
"Mukhang gusto ko ang pabango mo ngayong umaga, Kuya Joax. Ibang brand naman ba ito?" Natawa naman ng malakas si Joaquin sa sinabi ni Bea.
"Huwag mo na akong lokohin, ito kasi ang pabango ko noong isang araw na sabi mo kung bakit ako nawawalan ng magandang taste pagdating sa pabango? Kasi sabi mo ay hindi mo type. Alam ko naman na may kailangan ka lang. Sabihin mo na, makikinig kami." Sabay din na natawa si Tyler at Dean sa isiniwalat ni Joaquin na sinabi daw ni Bea noong isang araw.
The girl knows better how making them dance over her small palm. But whatever it is, they still love the girl. Pero ngayon bakit mahirap sa kanya ang mapagbigyan ito sa hinihiling nito?
Nalukot naman lalo ang mukha ni Bea. "Sige na nga, nevermind na lang." Hinablot nito ang bag na nasa ibabaw ng mesa niya at padabog na humakbang papunta sa pinto.
Bumukas naman ang pinto at pumasok si Apollo. Muntik pa nitong mabangga si Bea.
"Anong problema nito?" Turo nito sa nakabusangot na mukha ni Bea.
Bantulot naman itong linapitan ni Bea. She kissed him on his cheeks.
"Tell me, may problema ba?" Nasa boses ni Apollo ang pag-alala habang nakatunghay sa maluha-luha na si Bea.
"Gusto ko lang naman sanang pumunta sa farm n'yo. Doon lang naman sa public side. Hindi naman kami doon lalagpas sa private place n'yo." She, then, gave him a cold glare. Para namang binibiyak ang puso niya nang makita niya ang mukha na 'yon ni Bea. He seems like protecting his own feelings. Is he selfish?
"Ano ba ang gagawin mo doon?" Tanong naman ni Tyler na natigil sa paghuhubad ng leather jacket nito.
"I already invited my close friends to have a barbecue party on Sunday, to the said place." Mahinang turan nito. Ang paningin ay nasa kanya na parang sinasabi nito na pinagdamutan niya ito. Sh*t, he doesn't have that idea on his head.
"Tapos?" Seryoso na tanong ni Joaquin. Natuon ang lahat ng paningin ng mga pinsan niya kay Bea.
"Kasi hindi pumayag si Kuya Nathan." Marahas naman na napatingin sa kanya ang lahat.
"I understand Nathan, baka inisip kasi niya na hindi ideal magsaya doon. I mean magulo kasi ang lugar, maraming mga materials ang nakakalat." Lihim siyang nagpasalamat sa sinabing 'yon ni Dean. Somehow, he can clearly see a better explanation. Hindi tulad niyang mag-explain na parang sira-ulo, halata na ayaw niyang makita ang pagmumukha ni Brent Timothy Castillo.
"Eh, kasi Kuya Dean, wala namang trabahador ang lugar na 'yon dahil araw ito ng linggo. Saka po I already told Kuya Nathan na iilan lang naman kami ang paparoon. At nangangako naman po ako na walang gagawing kalokohan ang mga 'yon." She explained like it is a matter of death and life. May pakumpas-kumpas pa ito ng kamay na animo ay inapi niya ito kanina.
"Alright. Ako na ang nagsasabi na puwede mong dalhin ang mga kaibigan mo doon. Kesa naman kung saan-saan sila pumunta, eh, 'di mabuti na alam natin na safe siya." Ipinagkibit balikat ni Apollo 'yon.
"Yeah. You spelled it right, Apollo." Sabi naman ni Tyler na naupo na at nagbukas ng computer nito.
"I don't have any problem with that, too. Kahit na gusto na ni Bea ang amoy ng perfume ko ngayon na dati naman ayaw niya." Natatawang sabi ni Joaquin na ibinalik nang muli ang pansin sa ginagawa.
"I got Apollo's message, may point siya kaya wala na rin akong sasabihin," sabi ni Dean. Lumakad ito papunta sa coffee maker at gumawa ng sarili nitong kape.
Malapad ang pagkakangiti na tiningnan siya ni Bea. Para bang sinasabi nito na wala din siyang nagawa.
Tumayo siya at nagpalakad-lakad sa loob ng kanilang opisina. Tumigil siya noong may maisipan siyang sabihin. "Puwede bang huwag mo ng isama si Castillo?" Tanong niya kay Bea.
"Ouch!" Malakas na sabi ni Dean. Tiningnan niya ito at nakangiwi itong pinapagpag ang kamay na natapunan ng kape. Kita din niya sa sulok ng kanyang mga mata na kapwa natigilan sina Joaquin at Tyler sa mga ginagawa ng mga ito. Si Apollo na uupo sana ay natigil din. Awtomatikong natuon sa kanya ang mga paningin ng lahat ng nasa loob ng silid na 'yon.
"Bakit?" Tanong ni Bea. Nasa mukha ang matinding pagkalito dahil sa sinabi niya.
"Nevermind." Muli siyang humakbang palapit sa mesa niya at naupo sa swivel chair niya.
"Okay. So puwede na kami sa Sunday doon?" Muling sumigla ang boses ni Bea.
"Okay, then. Aalis na ako. Sobrang thank you mga Kuya ko." Linapitan pa sila isa-isa at hinalikan. Wala na ring lingon-likod na iniwanan na sila nito na may nakapagkit na ngiti ng tagumpay sa mga labi.
He was left there, unease and uncomfortable.
"Are you out of your colleagues, Nathan?" Makahulugan na tanong ni Apollo na ikanalingon niya dito.
"What do you mean?" He snapped.
"I just noticed." Kumibot ang mga labi nito na parang may nais sabihin pero parang hindi alam kung paano sasabihin sa kanya.
"So I did." Sagot naman ni Tyler na inihilig ang ulo sa sandalan ng kinauupuan nito at straight na tiningnan siya sa mga mata.
"What the hell are you talking about?!" Padaskol niyang hinablot ang mouse ng computer niya, not knowing na nasa likuran niya pala nakatayo si Dean Xavier.
"Are you working, or gusto mong burahin iyang ginagawa mo?" Dean's voice seems playful and obviously mocking him.
"Holly sh*t!" Hindi niya napigilan ang mapamura ng malakas nang tingnan niya ang screen ng computer niya. Ang report na kanina pa niya pinag-iisipan gawin ay ilang letra na lang ang natira dahil sa napindot niya pala ang delete ng hindi niya namamalayan. Lumayo naman ng tumatawa si Dean mula sa kanya, bitbit ang kape nito, noong tingnan niya ito ng masama.
Mabuti na lang may undo ano. Dahil kung wala pala ay nagmumukha na siyang tanga na binura lang ang isang bagay na pinaghirapan niyang gawin.
"Yeah. You're doing some sh*t, Nathaniel. As early as this, really." Sabi ni Joaquin na nakikiusyuso na rin pala sa ginagawa niyang kapalpakan.
He is secretly cursing Timothy. Ginagalit nito ang araw niya.
Ginagalit? Tungkol saan Nathan?
He got even mad when he thought he was angry with Timothy for no valid reason. Basta ang alam niya ay nagagalit lang siya.
At sa linggo? He needs to do something. Iyong bagay na hindi gugustuhin ni Timothy na makakasalubong man lang siya matapos ang araw na 'yon.
Damn, Nathan. That's ridiculous!
Napatayo siya at mabilis na lumapit sa coffee maker. He just feels that he will be needing not just one, but a multiple cup of coffee, today.
"Huwag masyadong magpadala sa damdamin mo, Nathan. Umaapaw na ang tasa mo, o!" Turo ni Tyler sa tasa niya. And when looked down into it, he can't help but to swear loud and hard.
Sabay naman na pinagtawanan siya ng apat. Kinalma niya ang sarili at pinunasan ang kape na natapon sa mesa mula sa umapaw na laman sa kanyang tasa.
Matagal muna siyang tumayo doon. He technically ignores his cousin's teases to him.
Uminom siya sa tasa niya. Pinilit din niyang mag-focus sa ibang bagay. Nakahinga siya ng mabuti noong may kumatok sa pinto. Ilang saglit pa ay magalang na pumasok ang manager ng hotel. Nawala na rin sa kanya ang pansin ng apat. And he is thankful for that.