CHAPTER 7

1419 Words
"Dammit, Amara. Saan mo kinukuha ang mga ganyang linya mo?!" Gulat niyang sabi noong makabawi sa pagkakabigla. Kaedad lang ito ni Bea, at nalalaman na nito mga ganoong salita na animo'y napakaeksperto na nito sa pag-ibig. Nakita niya ang takot na nasa mukha nito dahil medyo tumaas ang boses niya. And he is even distress dahil doon. "Puso ko ang nag-uutos sa 'kin, Nathan." Walang gatol na sabi nito. And he is feeling like he is fighting between life and death, dahil sa mga pinagsasabi nito. Ganito na ba ang mga kabataan sa mga henerasyon ng mga ito? Gaya ni Timothy ay parang ka-level lang din niya ang takbo ng isipan ng mga ito. "Amara, sinasabi ko sa 'yo ang ganyang damdamin ay lilipas lang din sa pagdating ng mga araw. Believe me." Mauubusan na siya ng sasabihin pa dahil sa dalagita. Ngayon lang din siya parang mauubusan ng karapatan na ipaglalaban ang kanyang pananaw. Kailan man ay hindi siya sumusuko sa ano man na argumento, pero sa pagkakataon na ito ay parang napakahirap gawin 'yon. "Paano nga ba kung hindi, Nathan?" Matapang na tanong nito sa kanya. Para bang pinag-isipan at pinagplanuhan talaga nito ang sasabihin at gagawin sa araw na 'to. "My God, Amara! Kailangan ko pa bang sabihin na bata ka pa at ako ay nasa tamang gulang na, kaya ko alam ang mga ganyang bagay?" Lumapit siya sa kalapit na upuan at naupo doon. "At kung bata ba ay hindi puwedeng umibig sa taong nasa tamang gulang na kagaya mo?" Sinunandan pa rin siya nito at naupo din sa katabi niyang upuan. "Huwag mo akong bigyan ng ganyang rason, Amara, na as if alam mo na ang kalakaran ng buhay. Marami ka pang dapat aralin at matutunan sa sinasabi mong pag-ibig na 'yan para malaman mo na tama ako at mali ka!" Tumayo siya at walang lingon-likod na iniwanan ito. He can't stand it anymore. Hindi na rin niya tiningnan pa ang mukha ng dalagita. Hindi niya alam kung bakit hindi niya kayang makita ang lungkot at sakit na nandoon, dahil alam niyang siya ang nagdulot no'n. *** Sinipat ni Amara ng maaigi ang mukha sa salamin. Hindi niya alam kung anong meron sa mukha niya na parang nasusuklam si Nathan ma makita 'yon. Napabuntong hininga siya. Mababakas ang lungkot sa mga mata niya. Napaayos siya ng upo nang may maalala siya. Hindi siya dapat na mawawalan ng pag-asa. Nasimulan na niya kaya dapat ipagpatuloy niya. Ilang sako na ba ng lakas ng loob ang inipon niya para lang masabi niya ang mga nasabi kay Nathan, tapos ngayon titigil lang siya? She must be out of her mind kung gagawin n'ya 'yon. Kinuha niya ang nakapatong na cellphone sa kama niya. Hiningi niya ang numero ni Nathan kay Bea. Tatawagan niya ito. Dapat niyang mapatunayan dito na hindi totoo ang sinabi nito na lilipas ang damdamin niya para dito sa pagdaan ng mga araw. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago pinindot ang numero ni Nathan para tawagan ito. Hindi talaga siya titigil. Gagawin niya ang lahat para ipakita dito na mali ang sinabi nito na lilipas ang pag-ibig niya dito sa pagdating ng araw. Hindi naman nagtagal ang paghihintay niya nang sagutin nito ang tawag niya. Maingay ang naririnig niyang background sa paligid nito. Para bang nasa matao itong lugar. Tiningnan niya ang nakapatong na digital clock sa bedside table niya. Alas nuwebe ang oras na nakalagay doon. Medyo may kalaliman na pala ang gabi. "I said, who's the hell is this?" Iritado ang boses na sabi nito. "It's me, Amara." Pinilit niyang pasiglahin ang kanyang boses kahit na alam niyang ikinakairita ni Nathan ang pagtawag niyang 'yon. "What do you need?" Malamig ang boses na tanong nito sa kanya. "Gusto lang kitang kamustahin at marinig ang boses mo, may masama ba?" Tapang lang talaga ng loob ang kailangan niya. At dapat hindi din siya magpapasindak kay Nathan kung gusto niyang makuha din niya ang loob nito. "C'mon. Wala akong oras sa mga ganyang kalokohan mo. You don't deserve to be treated like this, but I'm telling you mabilis akong maiirita kapag na kinukulit ako." Matalim ang boses na sabi nito. Huminga siya ng malalim. Alam niya sa simula pa lamang ay ganito na ang kahihinatnan ng ginagawa niya at ng damdamin niya para kay Nathan, pero simula nang planuhin niya ang lahat ng ito ay na ikondisyon na rin niya ang sarili na dapat ay hindi siya susuko. Pareho lang naman na masasaktan siya, eh. Masasaktan siya kung iwasan niya si Nathan, at masasaktan din siya sa pambabalewala nito sa kanya. But atleast nag-effort siya, kesa naman sa wala siyang gagawin. Na titingnan niya lang si Nathan habang napupunta sa iba na walang effort na nagmula sa kanya. "Hindi mo naman kailangan na magalit sa akin dahil lang sa pinapahalagahan kita. Dapat nga na maging masaya ka, kasi nga alam mong may isang tao na nagpapahalaga sa 'yo ng sobra, at ako ang taong 'yan Nathan." She needs to convince him. "Bata ka pa para malaman ang bagay na 'yan. Alam mo ba 'yan?" Bahagya siyang natawa dahil sa sinabi nito. "Ilang ulit mong sasabihin 'yan, Nathan, ay ilang ulit ko din na sasabihin sa 'yo na walang kinalaman ang edad ko sa damdamin ko." She said, and laughed softly. Hindi niya alam kung anong meron sa tawa niya na 'yon at narinig niya ang malutong na mura ni Nathan. Bahagya pa niyang nailayo ang cellphone sa tainga niya. "Damn, Amara! Hindi kita minumura, nagmumura ako dahil naiinis ako sa sarili ko. Puwede ba tapusin mo na ang tawag na ito? Give me a peace of mind, please," parang nagmamakaawa na sabi nito. Napangiti naman siya sa hindi niya alam na dahilan. "Eh, kung ayaw kong patayin ang phone ko?" Bakit pakiramdam niya ay ang sarap asarin ni Nathaniel Contreras. "Eh, 'di ako ang tatapos ng tawag na 'to." Natawa naman siya ng malakas dahil doon. "You're just wasting your time in doing that, then. Papatayin mo kamo ang tawag na 'to? Eh, 'di tatawagin kita ulit. Napakasimpleng solusyon Nathan." "Ano ba ang nakain mo at nagkakaganyan ka? Nasisiraan ka na ba ng bait?" "Hindi ako nasisiraan ng bait, pero kapag na patuloy mo akong babalewalain sigurado ako na diyan na ako masisiraan ng bait," seryosong sabi niya. "Ano ba talaga ang gusto mo?!" Tumaas ang boses na sabi nito. Bahagya siyang nasaktan, pero kasasabi nga lang niya na hindi siya susuko, 'di ba? "Ang gusto ko lang naman ay ang sabihin sa 'yo at nang malaman mo ang damdamin ko para sa 'yo. Pero sige na, marami na akong nasabi sa araw na 'to. Bukas naman ulit. Good night, Zimon Nathaniel Contreras!" Mukhang masyado na niyang ginagalit ang gabi nito. May bukas pa naman. Iisipin pa niya mamaya kung ano na naman ang gagawin niya para dito, bukas. "Listen—" he said furiously, but she cut his words. "Huwag ka nang magsalita pa diyan kung ayaw mong hahaba pa ang usapan natin na 'to." Akma na niyang papatayin ang sariling cellphone nang mahagip ng pandinig niya ang boses ng babae. "Nathan, darling sino ba 'yang kausap mo at ang tagal mo diyan?" Malambing ang boses ng babae na nagsalita. Parang may dumukot sa puso niya at kinurot 'yon dahil sa biglang sakit na nararamdaman niya. "Wala lang 'to. Sige na, pabalik na ako diyan." Bigla ding sumigla ang boses nito nang magsalita. Sumisikip ang dibdib na tinawag niya ang pansin nito. " S-sino 'yang kausap mo, Nathan?" "Oh, sh*t! Nandiyan ka pa pala?" "Gusto ko lang ipaalala sa 'yo, Nathan. Sinadya mo man na iparinig sa 'kin 'yan, still hindi ako susuko." 'Yon lang at pinatay na niya ang cellphone. Ito ba ang sinasabi ni Nathan na lilipas ang damdamin niya sa pagdaan ng mga araw? Hinihiling niya na sana nga ay 'yan ang mangyayari dahil kung siya ang tatanungin ay parang malabong mangyari 'yon. Nathan is getting into her nerves. Para itong isang malala na sakit na dumapo sa kanya na walang lunas. Ganito ang damdamin na kanyang nararamdaman sa mga sandaling 'to. Hindi ito isang simpleng paghanga lamang, ito ay tunay na pag-ibig na para sa binata. Masakit pala ang magmahal, ano? Lalo na at ang taong iniibig mo ay wala namang damdamin para sa 'yo. Pero kung matiyaga lang siya pasasaan ba at may kahihinatnan din itong ginagawa niya. Pabor na sa kanya ang suporta ng pinsan nitong si Bea. Malaking puntos na 'yon para sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD