CHAPTER 10

2050 Words
"Ano? Pumayag ba?" Medyo kinakabahan na tanong niya kay Bea. Kapag na hindi pumayag si Nathan, iisa lang ang ibig sabihin no'n. Naiirita na ito sa kanya, kaya ayaw siya nitong makikita. That idea was what made her chest tighten, and her heart ached. Tiningnan siya ni Bea na para bang inaarok ang totoong damdamin niya. Gradually her smiles shape from her lips. Kinuha nito ang dalawang mga kamay niya at hinawakan ng mahigpit. "Syempre pumayag, hindi ako matitiis ng mga 'yon, 'no!" Mga 'yon. Meaning ang ibang pinsan nito, hindi si Nathan mismo. Pero kesa iisipin niya ng pagkalalim 'yon, bakit hindi na lang muna niya hahayaan? Masisira lang ang araw niya kapag na palaging kay Nathan lamang siya mag-focus. "O-okay." Kinuha niya ang cellphone niya sa bag. Hoping she can read something's lovely message there. But she saw nothing in there. Araw-araw niyang pinapadalhan ng mensahe si Nathan, pero ni isa ay wala siyang natanggap na reply mula rito. She clearly understands why. Pero kasi nahihirapan lang siyang pigilin ang sarili niyang damdamin. "Huwag ka ng malungkot, okay? Pasasaan ba at mapapasaiyo din si Kuya Nathan. I will help you, babe. Pangako." Nangangakong sabi ni Bea. She tenderly pulled her and hugged her tightly. At ipinapangako niya mula sa sandaling 'yon na hinding-hindi niya sasayangin ang effort na ginagawa ni Bea para sa kanya. "My God, Amara! You like that old jerk?!" Gulat siyang napahiwalay kay Bea noong marinig niyang nagsalita ang galit na boses ni Timothy. Namimilog ang mga mata na nilingon nila ito pareho ni Bea. Nakaigting ang panga nito. Matiim ang ginagawang pagkakatitig sa kanya. Ramdam niya na tinakasan ng kulay ang buong mukha niya. Nang tingnan niya si Bea ay gano'n din ang reaction na nasa mukha nito. "D-did you hear everything, Tim?" Si Bea na siyang unang nakabawi sa gulat. "Ano pa ang hindi ko alam?" Biglang nahimigan niya ang lungkot sa boses nito. Pero magaling magtago ng emosyon si Tim, kaya mabilis din na napalis ang ganoong damdamin nito sa paningin niya. "Akala ko mag-best friend tayong tatlo, bakit may mga bagay akong hindi nalalaman?" Puno ng hinanakit ang boses na sabi nito. "Dahil gusto mo rin si Amara, at masasaktan ka kapag malalaman mo ang lahat," si Bea na ang sumagot. Hindi kasi siya makakahagilap ng sasabihin. Iyong magulo pa nga utak niya tungkol kay Nathan, tapos dumagdag pa ito. "What the hell are you f*cking doing?!" Hindi pa nito nasagot ang sinasabi ni Bea, nang galit nitong binalingan ang nakabanggang babae sa likuran nito. Napasubsob ang mukha ng babae sa likod nito. Nahihiyang umangat ang nasabing babae ng kanyang paningin sa kanilang dalawa ni Bea. Halos sabay pa sila ni Bea na kinawayan ng kamay ang babae. Nahihiya itong nagyuko ng ulo. "Hi!" Bati ni Bea sa nahihiyang babae. Bagong transfer na kaklase nila ito. Si Jolly Ann Retulin. She is pretty and shy. Matalino rin ito sa klase nila kahit na tahimik lang ito. "H-hello." Bahagya nitong tinapunan ng tingin si Tim. At mabilis na nagkalat ang pamumula ng pisngi nito. Napangiti naman siya. Linapitan niya ito at inilahad ang mga kamay dito. "Hi, I'm Amara Louise Romero, and this is Freya Beatrice Contreras. And this—" lumapad pa ang pagkakangiti niya nang mabalingan niya si Tim, huling-huli niya itong mataman na nakatitig sa bagong kaklase nila. "Brent Timothy Castillo." Patuloy niya at tiningnan ng makahulugan si Tim. Mas lalo naman na naging iritado ang mukha nito. Nagkatinginan sila ni Bea at sabay na natawa ng malakas. "What?!" Galit naman na sita sa kanila ni Tim. "Can you please look around, kapag naglalakad ka? Ang laki kong tao para mabangga mo!" He snubbed the poor girl. Nakita naman niya ang pagbangis ng mukha ng babae. Tinaasan nito ng kilay si Tim. "Have you seen yourself blocking everyone's way?!" Tumikhim ng malakas si Bea. Naagaw naman ang pansin ng babae at tumingin sa kanila na tila humihingi ng despensa. She smiled at her to show her that there's nothing wrong about her actions. Ito kasing si Tim medyo may kataasan din ang pride, kaya siguro hindi din sila magkakasundo ni Nathan. "You can join us on our barbecue party on sunday, Jollie." Yaya ni Bea sa babae na kaagad naman kinontra ni Tim. "Of course no! I don't allow an outsider to join our group." Hirit ni Tim na kaagad linapitan ni Bea at hinampas ng may kalakasan sa balikat ang binatilyo. "Narinig mo ba ang sarili mo? Ikaw pa nga ang nagsabi sa 'kin na dapat huwag maging matapobre, but look who's talking!" Suway ni Bea. "It's okay. Sorry to say this, pero ayaw ko din ang makakasama sa isang grupo ang mayayabang tulad ng lalaking 'to!" Dinuro nito ang pagmumukha ni Tim. Napayuko naman siya para itago ang tawa niya dahil sa umasim pa lalo ang mukha ni Tim dahil sa sinabi ng bagong classmate nila. Akmang sasalita si Tim nang unahan ito ni Jollie. "Bye girls! Mauuna na ako, my pleasure to have an introduction like this, with you," sabi nito. Nginitian sila pareho ni Bea at saka tumalikod na ito. "That girl is so disgusting!" Inis na sinundan nito ng tingin ang papalayong babae. "Walang hiya ka, Tim. Ang bait ng tao, eh!" Reklamo naman ni Bea. Napasimangot na rin ito. "Mabait? Mabait ba iyong ginawa niya sa 'kin? Para siyang tigre na handang mangagat!" "Bakit parang lalabas ka diyan sa balat mo?" Malakas na natawa si Bea habang nakatingin sa halos magkadikit na mga kilay ni Tim. Tiningnan niya ang oras sa cellphone niya. Alas tres na ng hapon. Wala na silang klase sa susunod na subject nila dahil sa wala ang kanilang teacher. Nagkaroon ng bright idea ang utak niya. "I'll go ahead, guys!" Kinuha niya ang backpack sa upuan at isinukbit 'yon sa kanyang balikat. "Saan ka pupunta?" Takang tanong ni Bea. Bumulong siya dito na ikinakilig nito. Hindi na rin siya nito pinigilan pa. Iniwan niya ang dalawa na nagtatalo pa rin dahil sa inakto ni Tim sa bagong kaklase nila. Bigla ring nawala ang atensyon ni Tim sa kanya dahil kay Jollie. Masigla ang mga hakbang niya na lumapit sa bilihan ng favorite nilang milk tea ni Bea. Bumili siya ng favorite niyang melon cookies flavor. Matapos magbayad ay lumakad siya para pumara ng taxi. "Saan tayo, Miss?" Tanong ng driver noong makaupo na siya. "Sa Hotel El Contreras, po," sagot niya sa masiglang boses. Hindi naman kalayuan ang hotel sa El Contreras University kaya mabilis lang nilang narating 'yon. "Good afternoon!" Masayang bati niya sa babaeng nasa front desk ng hotel. "Yes? May I help you?" Professional lang na tanong nito sa kanya. Tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Para bang nagtataka kung ano ang gagawin niya sa hotel. "Nandiyan po ba sa office niya si Zimon Nathaniel Contreras?" Tanong niya na ikinataas ng kilay ng babae. "Bakit? Ano ang kailangan mo kay Sir Nathan? Scholar ka ba ng University? Sorry, pero hindi sila tumatanggap ng any related sa University na bisita. Maari kang pumunta sa office ng school director doon sa University mismo, kung may concern ka." Hindi niya napigilan na pagtaasan ng kilay ang babae dahil sa sinabi nito. Anong akala nito sa kanya tanga? Na hindi alam ang ginagawa? "Sige ka kapag matutunaw itong milk tea na dala ko kay Nathan, malalagot ka sa kanya!" She mischievously bluffs her, kahit alam naman niya na hindi ito maniniwala sa kanya. "Miss, alam ko na ang mga ganyang style ng sa 'yo. Ilan ka lang sa nagpunta dito para sa pagnanais na makita ang sino man sa limang magpipinsan." Tumawa pa ito na para bang nakakatawa ang ginagawa niya. So, ayaw talaga nitong papasukin siya, ha. May baon pa siyang alas 'no! Sorry, Bea. But I really needed you as my connection, right now. Kinuha niya ang cellphone sa bag. Kung matatagalan pa siya matutunaw na itong yelo ng milk tea na dala niya kay Nathan. At kapag nagkataon 'yon ay hindi na masarap 'yon. Ayaw niyang ma-disapoint si Nathan sa kanya. "Bea, ayaw akong papasukin ng taga front desk." Bungad niya kay Bea. Sinadya niyang lakasan ang boses para marinig ng babae ang sinasabi niya kay Bea. "Gusto ka raw kausapin." Nakangiti niyang inabot ang cellphone sa nakangangang babae. Tiningnan muna nito ang screen ng phone niya. Tila naninigurado na si Bea nga talaga ang nasa kabilang linya. Puro 'yes ma'am' lang naman ang naririnig niyang sinasabi nito habang kausap nito si Bea. Maya-maya pa ay ibinalik na nito ang cellphone niya. Parang nahihiya pa ito nang tumingin sa mukha niya. "You can proceed now to VIP's office, Miss." Itinuro nito ang daan patungo sa sinasabi nitong opisina. Habang lumalakad siya papunta doon ay kumakalabog ng malakas ang puso niya. Para bang ninanais nitong lumabas mula sa dibdib niya, dahil parang nagwawala ito sa loob. Huminga muna siya ng pagkalalim-lalim, bago kumatok. Hinihiling niya na sana ay mag-isa lamang sa loob si Nathan, dahil kapag naroroon ang mga pinsan niya ay matinding kahihiyan lang ang dadanasin niya. Binuksan niya ang pinto matapos ang tatlong beses na pagkatok niya. Dahan-dahan siyang humakbang papasok sa loob matapos niyang maisara ang pinto ng napakagarang opisina na 'yon. Tiningnan niya isa-isa ang mga mesa. She saw no one in there. Lumakbay pa ang paningin niya sa isang sulok ng opisina. And it almost made her heart drop down the carpeted floor when she saw Nathan standing gorgeously, there. Sa isang kamay nito ay nakahawak ng baso na may lamang alak siguro. Ang isang braso ay nakatukod sa glass wall, habang nakatunghay sa ibaba na bahagi ng building. Parang namalikmata ito nang makita siya na nakatayo sa pintuan. Matagal muna siya nitong tinitigan bago nagsalita. Para bang tinatantiya kung totoo nga na nandito siya. "Ano ang ginagawa mo dito?" Buo at malamig ang boses na tanong nito. Boses pa lamang nito ay parang nanginginig na ang buong kalamnan niya. "D-dinalhan kita nito." Nanginginig ang mga kamay na inangat niya ang plastic bag na may lamang milk tea. Kunot noo naman na sinundan ng paningin ni Nathan 'yon. "What sh*t is that?!" "Milk tea," sagot niya. Trying to suppress the nervousness she has right now. "Hindi ako umiinom niyan." He snubbed. "Did you try it once? Masarap 'to, one of my favorite." "Hindi dahil favorite mo ay gusto ko na rin. Saka bata lang ang umiinom ng mga ganyan. Nag-cutting classes ka ba para lang maihatid 'yan dito ngayon?" Medyo masakit 'yong una nitong sinabi, pero medyo bumawi naman sa next sentence nang mahimigan niya ang tila concerned sa boses nito. "Hindi ako nag-cutting classes, wala na kaming klase." Sagot niya sabay iling. "Good. You can go home now. I'll call a taxi for you." Lumapit ito sa mesa nito at nag-dial sa telepono. Maya-maya ay nag-angat ito ng paningin sa kanya. "Naghihintay na ang taxi sa 'yo sa ibaba." Utos nito sa kanya. She wanted to stay longer, pero okay na muna ito na nakita niya saglit si Nathan. At medyo hindi siya sinungitan. "N-nathan," sambit niya na ikinatingin nito sa mukha niya. She's lost in his aquamarine eyes, while she's looking at him without blinking her eyes. Hindi naman ito nagsalita. Tinitigan lang siya nito. Matagal. "Sige na, naghihintay ang taxi sa ibaba." tumalikod na ito sa kanya at naupo na sa swivel chair nito. "O-okay." Humakbang siya palapit sa mesa nito at inilapag ang dala niyang milk tea para dito. Bahala na ito kung itatapon nito 'yon. "Sweetie." Aktong bubuksan na niya ang pinto nang marinig niya ang pagtawag nito. Muling kumabog ng napakalakas ang puso niya. Ngumiti siya at dahan-dahan na lumingon dito. Nasa baba nito ang isang kamay at titig na titig sa kanya. "Huwag mo na palang bayaran ang taxi. I already paid it for you." Sasalita pa sana siya pero itinikom na lamang niya ang kanyang mga bibig at tumango kahit na hindi naman na nito nakikita 'yon, dahil muli na nitong itinuon ang pansin sa computer na nasa harapan nito. That made her day. Okay na siya doon sa nakikita niya si Nathan. Na tinawag siya nitong sweetie. Masaya siya na linisan ang building na 'yon. Hindi din mawala-wala sa mga labi niya ang matamis na ngiti habang lulan siya ng taxi pauwi sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD