"Sh*t!" Ibinalibag ni Nathan ang hawak niyang ballpen. Nagagalit na naman siya sa hindi niya alam na dahilan.
Kanina pa nakaalis si Amara, pero heto siya nakatunganga sa harap ng computer niya.
Kinuha niya ang supot na may lamang milk tea. This sh*t things he doesn't know it was existed!
Para siyang baliw na isinuksok ang straw sa maliit na butas. Uminom siya ng kunti. Ilang saglit na hindi niya muna linunok ang laman ng bibig niya. Para bang pinapakiramdaman niya ang lasa.
Amara's favorite. Yeah, it tastes good. Sweet like Amara's soft lips!
Damn it, Nathaniel!
May katagalan na ang halik na pinangahasan ni Amara sa kanya. But that kiss one lazy afternoon was caused him a lot of sleepless nights!
Para bang nawawalan siya ng gana na isipin ang mapupusok na halik ng ex-girl friend niyang si Trisha, ang ibang socialites na mga babae na nakakatabi niya sa kama. Kahit na ang mapupusok na halik ni Celeste ay parang nawawalan ng dating sa kanya.
Itinapon niya ang nasabing milk tea sa basurahan kahit na kunti pa lang ang nainom niya, at kahit na nasasarapan pa siya. Naglalaro kasi sa utak niya ang magagandang labi ni Amara kapag sumisipsip siya sa straw ng milk tea na bigay nito.
He's freaking out of his mind. He grabs angrily, his car keys over his table. Nagmamadali din siyang lumabas sa opisina nila. He's losing his mind kapag mananatili pa siya doon ng ilang oras. Wala naman siyang matitinong magagawa na trabaho.
Natigil siya sa mabilis na paglalakad ng matapat siya sa front desk. Napatingin siya sa nakaupong babae noong binati siya nito.
Humakbang siya palapit doon. "Who gave her an authority to come over to our office? Mahigpit na bilin namin 'yan na kapag wala kaming permission, no one can come in there."
"S-si Ma'am Beatrice po ang nag-utos sa 'kin, Sir." Halata ang takot sa mukha ng babae.
"Next time, don't let her in if I don't say so." Hindi pa nakasagot ang babae nang iwanan na niya ito.
Nasa loob na siya ng kanyang sasakyan nang muli siyang lumabas. Hindi niya alam kung bakit nagugulo siya kapag na makikita niya si Amara.
Muli niyang binalikan ang babae sa front desk. "Uh, I changed my mind, kapag pala bumalik siya dito let her proceed to the office immediately." Nakita niyang natigagal ang babae dahil sa sinabi niya. Kung naguluhan nga siya sa sarili niya mismo, eh 'di mas naguguluhan pa siguro ito sa kanya.
"S-sir?" Nagtatanong ang mga mata na tumitingin ito sa kanya.
"You heard it clear, right?" Nang makita niyang tumango ito ay mabilis na niyang tinalikuran muli ito.
Kinuha niya ang cellphone niya nang makaupo siyang muli sa loob ng sasakyan niya. "May gagawin ka pa ba pagkatapos mo diyan, Apollo?"
May mahalagang mission daw ito sa Underground Armored kaya ilang araw na itong hindi napapagawi sa opisina nila.
"Two hours from now, I am all set free. Makapag-relax na rin ako." Narinig niya ang paputol-putol na boses nito dahil siguro may ginagawa ito.
"Good. Perfect timing. Mag-bar naman tayo, mamaya. My toxic mind needed a rest, too." Sagot niya na in-start na ang makina ng sasakyan niya.
"Sure. I guess we all needed that, right now. Call the three big guys. And let's paint the town red." Humalakhak ito, at bahagya na rin siyang natawa.
Yes, right. Relaxation is what he is needed, this time. Baka masyado lang siyang pagod kung kaya ay naguguluhan ang utak niya sa ngayon.
Tinawagan na rin niya sina Dean, Joaquin, at Tyler habang nagmamaneho siya. And he's glad na sasama ang mga ito. Sisiguraduhin niya na mag-e-enjoy siya ngayong gabi. Sky is the limit para sa kanya mamaya. Dati naman siyang masayahin, eh. Ngayon lang naman siya medyo disturbing. Baka nga dahil kinakailangan din niya mag-unwind.
Dumiretso na siya sa kanilang bahay. Magpapahinga lang siya ng kunti, tapos aalis na rin. Alas siyete ng gabi ang usapan nila na magtatagpo ng mga pinsan niya. Doon na sila magkikita sa paborito nilang isang eksklusibong bar sa kabilang bayan. Marami ding magaganda na mga babae doon na kadalasan ay mga walang magagawa sa buhay. Iyong mga anak ng mayayaman na tanging pagpapasarap sa buhay ang tanging ginagawa.
"Hi Mom!" Natigil naman ang ina niya sa paglalagay ng mga halaman nito sa paso nang magsalita siya.
He approached and kiss her on her cheeks. "Napaaga ka yata." May pagtataka sa boses nito. Hinubad nito ang suot na gloves sa mga kamay nito.
"May pupuntahan lang kami mamaya ng mga pinsan ko, Mom, kaya ako umuwi ng maaga para makapaghanda," sagot niya. Tinulungan niya itong ligpitin ang mga gamit nitong nakakalat.
"Thanks." Nakangiti nitong kinuha ang inabot niyang mga gamit.
"By the way, Nathan. Do you remember Mrs. Flores?" Tanong nito. Nakasunod lang siya sa likod nito habang pumapasok ito sa loob ng kanilang mansion.
"Uh-uh. What about her, Mom?" Isinampay niya sa braso niya ang jacket niya na kahuhubad niya lamang.
"Naghahanap kasi siya ng ilang medical persons. She humbly asked me, baka puwede ka daw mag-volunteer sa gagawin niyang outreach program sa kabilang bayan. Medyo remote na ang place. She will be needing a willing person para sa gagawin niyang program." Paliwanag nito. Actually alam na niya ang drama ng Mommy niya na 'to. Una na itong pumayag sa kaibigan nito bago siya ma-inform.
"Mom, hindi naman po sa ayaw kong tumulong. Kaya lang paano kung may mahahalagang bagay ako na aatupagin sa araw na 'yon?"
"Sa opisina? Don't worry, babe, ako na ang bahalang magsabi sa Daddy mo, at sa mga Tito's mo kapag darating ang araw na 'yan. Matagal pa naman 'yon."
Ipinagkibit-balikat niya ang sinabi nitong 'yon. Tinapunan niya ng tingin ang relo sa kanyang bisig. Kailangan na niyang gumayak maya-maya lang.
"Pag-uusapan na lang natin 'yan next time, Mom."
"Okay. Pero hindi ka ba kakain dito? Pinagluto kita ng paborito mo."
Umiling siya. Bakit ba bigla namang pumasok sa isipan niya ang cookies melon milk tea na binigay ni Amara nang marinig niya ang salitang paborito mula sa Mommy niya?
Ipinilig niya ang ulo. Siya lang ang gumagawa ng komplikasyon sa isang bagay. Tonight is the night, kaya pass muna sa kaguluhan ang utak niya!
"Aakyat na ako, 'My!" Lumakad na siya at hindi na niya hinintay pa na magsalita ito.
Pabagsak siyang nahiga sa kama niya nang makapasok siya sa loob ng silid niya. Ipinikit niya ang mga mata niya, dahil binalak niya sana na magpahinga kahit saglit lang. But, damn! Just f*cking damn! Dahil sa pagpikit niya ng mga mata niya ay lumitaw naman sa balintataw niya ang magandang mukha ni Amara.
Napabalikwas siya ng bangon at inisang hakbang ang hindi kalayuan na personal refrigerator niya para kumuha ng malamig na beer.
Inisang lagok niya 'yon at basta na lang itinapon ang lata sa isang sulok. Mabilis din ang ginawa niyang paghakbang papunta sa loob ng banyo para maligo na. Ayaw na talaga niya ng ganito. Everything in him wasn't normal anymore. Hindi niya rin maiintindihan ang sarili.
Matapos maligo ay kumuha siya ng kupasing maong na pantalon niya sa kanyang closet. Kumuha din siya ng puting t-shirt at itim na leather jacket at isinuot iyon. Matapos magbihis ay pahablot niyang kinuha ang susi ng Harley Davidson niya at lumabas sa silid niya.
"Aalis ka na?" Tanong ng ina niya nang makasalubong niya ito sa may hagdanan.
"Yes, 'My. Bye!" Humalik siya sa pisngi nito at mabilis na humakbang palabas ng bahay nila.
"Ingat! At huwag masyadong magpakalasing, baka hindi mo na kakayanin mag-drive pa!" Bahagya na lamang niyang narinig ang paalala ng ina niya. Sumampa na siya sa bike niya at mabilis na pinaharurot 'yon palabas sa kanilang gate.
Sa tingin niya ay sakto lang ang dating niya mamaya at nandoon na din ang mga pinsan niya. Dahil sa mabilis na pagpapatakbo niya ng sasakyan ay mabilis rin niyang narating ang bar na pagmamay-ari ni Adam Sebastian Castillo.
Adam is Timothy's cousin. Pero alam naman niya na hindi pa puwede si Timothy sa lugar na 'yon, kaya kampante ang utak niya na hindi niya ito makakasalubong doon.
Pababa na siya ng motorsiklo niya nang tumigil din sa tabi niya ang Ducati ni Joaquin. He is like a hollywood action star habang bumababa ito sa sasakyan nito at hinuhubad ang helmet nito. Well, not bragging, pero nasa lahi na yata nila ang angking kaguwapuhan. Their late grandpa is a full-blooded Spanish. Kaya lumulutang ang dugo nito sa kanila. Their mother is also having a mixed blood from another race.
"Mukhang excited ka maghasik ng lagim ngayong gabi, ah!" Natatawang bati ni Joaquin sa kanya. He just gave him a half smile.
Hindi nagtagal ay dumating na din sina Dean, Tyler, at Apollo. Hindi na sila tumagal pa sa labas at nagkakayayaan na silang pumasok sa loob.
Pagkatapak nila sa entrance ay naagaw nila kaagad ang pansin ng mga babaeng naroroon. Napatili pa ang ilan at may mga tumayo pa, para magpapansin sa kanila.
Luminga siya at nakita niya si Adam sa isang may kadiliman na bahagi ng bar. Bigla nitong binitiwan ang babaeng yakap nito nang makita silang pumasok.
He heard Dean's giggle. "Ibang klase talaga iyang si Adam, noong isang araw lang ay anak ng senador ang kayakap, ngayon naman ay isang sikat na beauty titlist."
"Huwag mong sabihin na hindi mo makakaya ang ganyang style?" Malakas na sabi ni Apollo, dahil malakas ang tunog ng musika.
"Baka ikaw siguro Apollo. Magaling ka mag-seduce, eh!" Tumatawa naman na sabi ni Tyler.
"Pero hats off ako kay Joaquin, walang tatalo diyan!" Sagot niya na hinarap pa si Joaquin at sumaludo. Lumakas pa ang tawa ng mga pinsan niya dahil sa sinabi niyang 'yon. Pabiro naman siyang sinuntok ni Joaquin sa balikat.
"Anything I can do with the famous bachelors of Batangas?" Masiglang saad ni Adam habang lumalapit sa kanila. Sumampa ito sa isang may kataasan na mesa at naupo ito doon.
Adam is one of a kind. Mahirap gayahin ang mga gawi nito. Masyadong garapal kung kumilos. Wala nga itong pakialam kahit na may tao na nakapalibot sa mesa na inupuan nito.
Pero kahit gano'n ay bawal ma-turn off ang mga girls, lalo na kapag matitigan ng mga ito ang malapad na dibdib ni Adam na palaging nakahantad mula sa nakabukas nitong polo. Kahit hindi man ito mag-effort, at kung itatabi dito iyong mga hunk models ay mahihiya ang mga 'yon sa kakisigan nitong si Adam.
"Mas sikat ka yata, to be follow na lang kami." Biro ni Joaquin, sabay kindat kay Adam.