Inis niyang sinipa ang nakaharang sanga ng kahoy nang matapakan niya ito. He is mad with no specific reason. Naiinis siya kapag na maalala niya ang pagmumukha ng nakakabatang kapatid ni Liam na si Timothy.
He swears loudly, when Tyler throws a can of beer on his way. Muntik na kasi iyong tumama sa mukha niya kung hindi nahagip kaagad ng kamay niya. Tyler's laughs echoed in the whole place.
Nakaupo na ang mga ito sa medyo may kahabaang mesa na nasa lupain na binili nila. Pinagplanuhan na nila ang construction para sa gagawin nilang farm.
Graduate na silang lahat. Ito ang plano nilang gawin pagkatapos ng mga kurso nila. Actually bata pa siya para maging isang doctor. Pero dahil sabi ng mga professor niya ay masyado siyang genius, which was he's not aware, ay ilang beses siyang na-accelerate. Did his accelerations prove himself that he's a real genius, like what his professors told he is?
Never mind. It doesn't matter anyway. Kasi sa totoo lang this profession doesn't really suits to his tastes, at first. Kaso, hindi niya alam kung nasa lahi ba nila ang umaangkin ng napakataas na pride, kaya naisipan niyang pasukin ang ganitong uri ng propesyon.
Dati kasi bago siya magkolehiyo ay wala talaga siyang ideya kung ano ba ang kurso na kukunin niya. Na nagugustuhan niya. Then it comes out that his cousins got the course they really liked. At gusto din niyang tumapat sa matataas na mga pangarap ng mga ito. Kasi nga, 'di ba mataas ang pride niya?
Kaya on the spot 'yon ang kursong kinuha niya. Dahil alam niyang papantay iyon sa gusto ng mga pinsan niya. Pero hindi ibig sabihin no'n ay pinabayaan niya ang desisyon niya dahil kumuha siya ng kurso na hindi bukal sa puso niya.
Ang ginawa niya ay unti-unti niyang niyakap ang bunga ng kanyang naging desisyon. And slowly he was enjoying it, until he totally embraced it, full bigheartedness. Kaya siguro naging topnotcher din siya.
"Anong problema mo? Kitang-kita sa pagmumukha mo, o!" Tinabig niya ang nakaturong kamay ni Apollo malapit sa mukha niya. Humila siya ng bangko na kahoy at pabagsak na naupo doon.
"Wala. Ano naman ba ang poproblemahin ko?" Binuksan niya ang lata ng beer na itinapon ni Tyler sa kanya kanina. Halos maubos niya ang lahat ng laman no'n, bago niya tinantanan.
"Natanggap mo na ba ang pinadalang regalo sa 'yo ni Celeste?" Tanong ni Joaquin sa kanya.
"Yeah, and I love it." Napangiti siya nang maalala ang babae. His relationship with Celeste is just like a damage light, that it's switched on sometimes, but switch off tomorrow.
Nakilala niya three years ago si Celeste sa isang party kung saan ay inimbita sila ni Joaquin. Celeste is a very beautiful flight attendant. It's because she and Joaquin is moving in the same circle, kung kaya ay nandoon din ito sa party na nasabing dinaluhan nila. It was hard to ignore her beauty, so he didn’t waste time approaching her. She is a good friend with Joaquin, dagdag point na 'yon sa dalaga.
Dati naman ay sabik na sabik siya sa pag-uwi ni Celeste. She is an international flight attendant. US based. Pero nitong huling araw bakit parang nawalan siya ng pakialam kung kailan niya makikita sa Celeste? Is there anything wrong with him? How about his s*x drives?
Holly sh*t, Zimon Nathaniel! Kung puwede niya lang suntukin ang sarili niya habang naglalaro sa isipan niya ang magandang mukha ni Amara at ang katawan nitong--
Pinilig niya ang ulo para alisin ang dumi na 'yon sa utak niya. Amara is too young. Bagay lang ito at si Timothy. Napatayo siya at ibinagsak ang hawak na lata ng beer sa mesa. Tumalsik pa ang laman no'n dahil sa lakas ng pagkakabagsak niya.
"This can't be, sonofab*tch!" Malakas din siyang napapamura noong maalala niya ang huli niyang inisip tungkol kay Amara at Timothy.
"Holly crab, Nathaniel! Ano ba ang problema mo?" Napatayo din na sabi ni Dean sabay hilamos sa mukha nitong natalsikan ng beer.
"A penny in your thought, Nathan? Bakit bigla ka yatang nagulantang?" Lalo lang siyang nakaramdam ng galit nang matawa ng malakas si Joaquin. Sumabay naman si Tyler at Apollo na naaaliw na palipat-lipat ang mga paningin sa kanila ni Dean. Si Dean na nabasa ang mukha ng beer, at siya na galit.
Muli siyang naupo at ininom ang natitirang laman ng kanyang beer. " May naisip lang ako. Nothing special. Nothing important, too."
Palihim siyang huminga ng malalim at ginawa ang lahat para pakalmahin ang sarili niya. Naghagilap din siya ng isang masayang topiko sa isipan niya para na maibahagi niya sa mga pinsan niya at para tumiwasay na rin ang takbo ng utak niya. Pero mukhang mailap hagilapin ang ganoong isipin ngayon sa utak niya.
"So, how's the plan of our farm construction, Apollo, Tyler?" Tanong niya sa kaswal na boses.
"As we planned it originally, 'yon nga ang mangyayari," sagot ni Apollo. Tumayo ito at nahiga sa damuhan habang nakaunan ang ulo sa dalawang braso na magkasalikop.
"Mukhang pagod ka yata, Apollo. Ilang babae ba ang nabiktima mo kagabi?" Natatawang sabi ni Joaquin na ikinalingon dito ng marahas ni Apollo.
"Baka ilang babae ang bumiktima sa kanya, the right choice of words," sagot naman ni Tyler. Lumakas pa ang tawanan nila Dean, Joaquin, at Tyler. Samantala tahimik lamang siyang umiinom.
Bumangon naman si Apollo at binato ang ilang damo na nabunot nito sa pagmumukha ng tatlo. Naiiling lamang siyang nakamasid.
He doesn't have any idea why he is acting weird, lately. Dati naman siyang sumasabay sa asaran ng mga ito kapag may ganap na kagaya nito. But not this time. Wala siya sa mood.
Nagulat pa siya noong pati siya ay binato ng damo sa mukha ni Apollo. "Nathaniel, are you with us? Mukhang malalim iyang iniisip mo. Balita ko kay Bea ay crush ka daw ng best friend niya. Damn you, Nathan. Baka hindi pa alam no'n kung paano punasan ang sariling sipon!" Binuntutan nito ng tawa ang sinabi nito. Napuno ng ingay ang lugar noong sumabay na tumawa ang tatlo kay Apollo. Sabi na nga ba niya na lalo lang gugulo ang utak niya.
"Really? Sino sa mga kaibigan ni Bea?" Tanong ni Dean kay Apollo.
"Aba, ewan. Bakit hindi si Nathan ang tanungin mo?" Tiningnan siya nito matapos magsalita. Iyong uri ng titig na puno ng pang-aasar.
"Baka makasuhan ka niyan ng cradle snatching, Nathan. Hindi ka pa naman nauubusan ng babae para pumatol ka sa bata, 'di ba?" Siniko pa siya ng katabi niyang si Tyler.
"Selosa si Celeste, Nathan. Alam mo 'yan." Dagdag biro ni Joaquin.
Hell. What are these men talking about? Hindi pa siya nasisiraan ng ulo para patulan ang isang bata kagaya ni Amara.
Hindi nga ba, Nathan? Paano iyong kakaibang pakiramdam mo kapag na matingnan ang makurbang katawan ni Amara? At paano nga iyong, ilang oras ka nagbabad sa shower pagkauwi mo matapos kang halikan ni Amara?
Kontra ng kabilang bahagi ng utak niya na lalo lang niyang ikinagalit. Hindi niya alam kung kanino siya galit. Kung sa sarili niya. Kung kay Amara. Kung kay Timothy. O, kung sa mga pang-aasar ba ng mga pinsan niya sa kanya.
"What's wrong kung magka-crush siya sa 'kin? Mga ganyang edad ay mahilig naman talaga sa infatuations." Bakit panay inom niya ng beer matapos niyang masabi 'yon?
"Safe naman pala ang bata dahil wala ka naman palang kakaibang balak." Lalo pa yatang lumakas ang tawanan nila dahil sa sinabi na 'yon ni Dean.
"F*cker!" Inis siyang tumayo at hinablot ang susi ng sasakyan niya na nakapatong sa ibabaw ng mesa. He wanted to breath a fresh air, just for a while. Nasasakal kasi siya.
"Hey, where are you going?" Takang tanong ni Dean.
"Uuwi na muna ako, may nakalimutan pala akong mahalagang bagay na gagawin," sabi niya. Tuloy-tuloy din ang ginagawa niyang paglakad.
"Bakit ka nagalit?" Tawag ni Apollo sa kanya. Pero hindi man lang niya liningon ang kinaroroonan ng mga 'yon.
"Ayaw yata niyang pinag-uusapan ang tungkol sa bata." Malakas din na sabi ni Joaquin.
"You all, can go to hell!" Ganting sigaw niya noong marating niya ang kanyang sasakyan.
"Ikaw na mauna!" Mas malakas pa na sigaw ni Apollo. Padaskol siyang pumasok sa loob ng sasakyan niya at ubod lakas na isinara ang pinto.
Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan. Ganito kasi siya kapag may iniisip ay gusto niyang mag-drive ng walang direksyon. Halos lumilipad ang Volkswagen niya sa kahabaan ng highway. Walang ideya kung saan siya dadalhin ng bugso ng damdamin niya na ito.
Narating niya ang racing club ni Liam, ng hindi niya namamalayan. Ipinarada niya ang sasakyan sa tabi at mabilis na bumaba. Actually ilang beses na rin niyang ginawang hideaway itong pagmamay-ari ni Liam kapag na may mga unspecific thoughts siya.
Car racing is one of his outlet, mula sa stress ng buhay. Kinawayan siya ni Liam nang mamataan ang pagpasok niya. Walang salita na patuloy lang siyang lumalapit kay Liam. Ni hindi niya ginantihan ang pagkaway nito sa kanya. He's in his beast mode nga.
"Hey Nathan! It's nice to see you here!" Si Liam, nakaupo ito sa malaki at makintab nitong motorsiklo. A Horex VR6 Racer HL. Napasipol siya nang masipat niya 'yon ng mabuti.
"Wanna try?" Nakangiting alok ni Liam sa kanya. Patalon itong bumaba sa mataas na motorsiklo.
Natigil naman siya sa paglapit sa nasabing motorsiklo ni Liam nang paharurot na dumating ang isa pang motorsiklo. Tumigil din ito sa harap nila.
Ang excitement niya sa bagong bike ni Liam ay napalitan ng tabang nang makita niya ang nakangising mukha ni Timothy.
"Have a round with me, Contreras." Pahamon na sabi ni Timothy sa kanya. At nagkaroon naman ng matinding kagustuhan ang puso niya na patulan ang hamon nito.
Bata lang siya Nathan. Inis na paalala ng isip niya.
But who cares? Hinahamon naman siya nito. Isa pa it's nothing personal. Wala naman silang away nito.
"As u wish." Mabilis niyang nasalo ang susi nang ihagis ito ni Liam sa kanya. Wala ding sabi-sabi na sumampa siya sa bike ni Liam.
Siya pa talaga ang hahamunin nito, huh. Lagpasan muna nito ang sangkaterbang trophies niya dahil sa pagkapanalo niya sa racing, bago ito magmayabang na maghamon sa kanya. Napangiti siya ng lihim.