CHAPTER 6

1659 Words
Hinintay nila ang hudyat ni Liam. Ilang sandali pa ay pareho nang nag-iingay ang mga motorsiklo nila ni Timothy sa kalagitnaan ng racing club. Hindi niya alam pero sa karera na 'to siya kinakabahan kahit na wala naman itong premyo, o this is not even serious, or what. Basta, pakiramdam niya ay ito ang pinaka-thrilling na race na sinabakan niya. Iyong kinakabahan siya kapag na makikita niyang umaabante si Timothy sa kanya. Damn, Nathan. This is just a game. Don't take it damn seriously! Malapad ang pagkakangiti niya nang bumaba siya sa motorsiklo ni Liam. Ilang rounds ang ginawa nilang paghahabulan ni Timothy, pero hindi man lang niya ito binigyan ng pagkakataon na malalampasan siya. Timothy will break someone's record kapag na mag-insayo pa ito ng mabuti. O, pagdating ng tamang araw. But not with him, dahil hindi siya makakapayag. Nilingon niya ang mabilis na pagappatakbo ng bike nito habang naghuhubad siya ng helmet niya. "You're always great, Nathan! Saan ka pa ba hindi magaling? Lahat ng bagay yata nasalo mo na noong magpaulan ang Diyos ng katalinohan at talento. Never mind your hot looks!" Nakangiting inabot ni Liam ang susi na ibinigay niya dito. "You must refer that compliment to yourself, Liam. Anyways, napakasuwabe ng bago mong baby," sabi niya. Hinaplos-haplos pa niya ang makintab at ang mamahalin nitong sasakyan. Natawa naman ng malakas si Liam. "That's a super limited edition, Nathan." Sasagot pa sana siya pero hindi natuloy dahil tumigil sa tapat mismo niya ang sasakyan ni Timothy. Humakbang siya palapit sa binatilyo na may matamis na mga ngiti na nakapagkit sa kanyang mga labi. "Bago ka maghamon ng isang laban ay sisiguraduhin mo muna na kaya mong panindigan ang sarili mo." Bahagya niyang tinapik ang balikat nitong basa ng pawis. Tumaas naman ang sulok ng labi ni Timothy dahil sa sinabi niya. "Look Contreras, nahahasa ka na kasi noong mga panahon na ipinagbubuntis pa lamang ako ng Nanay ko. But mark every word coming from me, from this moment, eight years from now I am seeing myself reaching the finish line. Driving like Eddie Brock. While you are almost washing out of the dust I've cause." Hindi naman kayabangan, pero may diin ang bawat salita ni Timothy na binibitawan. At akala nito threatened siya, dahil sa panghahamon nito sa kanya? Doon lang naman siya gustong umalma sa sinabi nitong habang daw siya ay nahahasa na, nasa sinapupunan pa lamang ito ng Nanay nito. Pinapamukha talaga nito ang agwat ng edad niya dito. "Mali ang rason na 'yan Castillo. Hindi dahil bata ka lang ay hindi mo na kayang maging isang magaling sa isang bagay na ginugusto mo. I started playing this hobby noong sampung taon pa lamang ako, and mind you, minsan kong tinalo ang isang magaling na manlalaro noong nasa edad mo pa lamang ako." He laughed softly. Akala nito magpapaapekto siya sa mga sinasabi nito? "Mali din ang ganyang pananaw mo, Contreras. Ipinanganak ka kasi na may talento sa bagay na sinasabi mong magaling ka, kaya ka nanalo. Pero hindi ibig sabihin no'n sa lahat ng bagay ay magaling ka rin. Gaya sa pag-ibig, kapag matanda ka na ay ibabagay mo ang sarili mo sa nararapat para sa 'yo!" Tumawa ito ng malakas na tila ba alam nito na ikakagalit niya ang sasabihin nito. At tama ito dahil pakiramdam niya ay umusok ang tenga niya sa sinabi nito. "Hell!" Linapitan niya ito at sinipa ang gulong ng motorsiklo nito. Kung hindi lang dahil sa mahahabang binti nito na kaagad nakatukod sa lapag ay baka nahulog na ito. "Hey! Sports lang dapat tayo dito!" Kaagad na lumapit si Liam nang maramdaman siguro nito ang tensyon sa pagitan nila ng nakakabatang kapatid nito. Pero sigurado siya na hindi nito narinig ang usapan nilang dalawa ng kapatid nito. "Wala naman Kuya, nagbibiruan lang kami nitong si Contreras." Tumatawa ito pero hindi umabot sa mga mata nito. "Pagsabihan mo nga ang kapatid mong ito na dapat marunong siyang tumanggap ng pagkatalo, dahil kung patuloy niya akong hahamunin mag-race ay patuloy ko rin siyang ilalampaso!" Ginaya niya rin ang tawa na ginawa ni Timothy. Tinapik pa niya ito ng malakas sa likod, na muntikan sana nitong ikahulog. Napalis din ang pekeng ngiti sa mga labi nito dahil sa sinabi niya. "I'll go ahead, Liam, Timothy." Humakbang na siya para pumunta sa nakaparada niyang sasakyan. "Hihintayin ko ang walong taon na 'yan Contreras, at pinapangako ko sa 'yo na ikaw naman ang ilalampaso ko dito mismo sa lugar na 'to. Sabagay alam kong marupok na ang mga buto mo pagdating ng araw na 'yon!" Si Liam na walang ideya sa namamagitan na iringan nila ng kapatid nito ay malakas na natawa dahil sa sinabi ni Tim. Natigil siya sa paglalakad. He let out a heavy sigh, before turn around in his direction. "Baka sa taon na 'yon ay hindi pa ganap na naka-develope sa tamang lugar ang mga boto mo at mababali ka lang, Castillo. Kahoy lang ang narurupok at inaanay pero hindi ang kagaya ko. Matapos ang walong taon na 'yan ay makikita mo kung gaano pa katibay ang mga boto ni Zimon Nathaniel Contreras! Ciao!" He placed his right hand over his chest and slowly bow his head. Sumaludo din siya dito bago tuluyang tumalikod at nagtuloy-tuloy na sa paglakakad. Hindi siya pumapatol sa mga bata pero kapag itong si Timothy ang kaharap niya ay nakakalimutan niyang bata lang ang kaharap niya. Daig pa kasi nito ang mga pinsan niya kung makapang-asar. Walang galang. Walang modo. Halos paliparin niya ang sasakyan niya palabas sa club na 'yon. Akala niya ay makakasagap siya ng preskong hangin sa pagpunta niya dito, pero lalo lang pala siyang masasakal sa presensya ni Timothy. Tatandaan niya talaga ang walong taon na hamon nito sa kanya. Wala pang nakakatalo sa kanya pagdating sa bagay na 'to, and not even Timothy, over his dead gorgeous body! Kinabukasan ay nakailang pabalik-balik na siya sa paglalangoy sa kanilang swimming pool nang makarinig siya ng ingay na papalapit sa kinaroroonan niya. Lumangoy siya sa mababaw na bahagi ng pool at tumayo doon habang hinihintay niyang makalapit ang ingay na 'yon sa kinaroroonan niya. Muntik pa siyang madulas noong wala sa sarili na humakbang siya. Nawala sa isip niya na nasa gitna pala siya ng swimming pool. Paano kasi Mabilis na tumatakbo ang motorsiklo palapit sa pool. And by looking that long flawless legged, he knew exactly who owns it, kahit nakasuot pa ito ng helmet. Ang kalagayan ng puso niya noong una niyang makita si Amara ay ganitong-ganito din ngayon. Sumikdo ito at parang may kabayong sumipa sa loob. Bumaba ito. At parang slow motion sa paningin niya habang lumalapit sa kanya. Naihilamos niya ang isang kamay sa mukha niya. Para itong isang modelo na rumarampa palakad. Amara is so damn attractive in her black shorts, black boots, and black leather jacket. Her hair is beautifully dancing in the blow of an air. "Hi." Matamis ang ngiti na bati nito. "Paano kang nakapasok?" Tanong niya na hindi kayang alisin ang mga mata dito. "Kasama ko si Bea. Pumasok lang siya sa loob." Napaahon siya sa tubig ng wala sa oras. His faded jeans made him feel buggy dahil bumibigat ito dahil basa ng tubig. Tanging faded jeans niya lang ang suot niya kaya lumapit siya sa sanga ng kahoy kung saan niya sinabit ang t-shirt na hinubad niya kanina. "D-dinalhan kita ng cookies na gawa ng Mommy ko. You said this is the best cookies you ever tasted. Gumawa ng marami si Mommy kaya naisipan kitang hatiran. At ganito ako ka-attentive kapag na gusto ko ang isang tao." Natigil siya sa akmang pagsusuot sana ng t-shirt niya dahil sa sinabi nito. What she thinks is she doing? "Bakit ka pa nag-abala? Ang oras na ginugol mo sana sa pagpunta dito, sanay ay ginugol mo sa pag-study mo." Tiningnan niya ang hawak nitong box na alam niyang naglalaman ng cookies. Hindi siya nagsinungaling nang sabihin niyang 'yon ang pinakamasarap na cookies na natikman niya, pero ang dalhan siya nito? Sa bahay mismo nila? Is like, damn, hell to him. "Masarap nga 'yan pero pagsobra hindi na rin mabuti sa kalusugan 'yan. Lahat ng mabuti kung sumobra ay hindi nakakabuti." Makahulugan na sabi niya dito. Alam niya ang damdamin ni Amara para sa kanya. He can easily read it to her, because she is so transparent pagkaharap siya nito. At 'yon ang ayaw niya. Bata pa ito, at dapat niyang e-educate ito na ang damdamin nito ay tanging infatuation lang na sa pagdagdag ng edad nito ay unti-unting mawawala ito. Siya ang matanda kaya dapat siya ang nakakaalam no'n. Hindi iyong gagatungan niya ang damdamin nito para sa kanya. Nakita niya ang lungkot sa mga mata nito na gumuhit noong sinabi niya 'yon. Pero kaagad nitong sinikap na burahin ang lungkot na 'yon. Umangat muli ang paningin nito sa mukha niya. Bumaba sa dibdib niya, sa tiyan niya, at kung lalagpas pa ito doon ay magmumura talaga siya ng malakas sa harap nito. Pero bago pa man makarating ang paningin nito sa tiyan niya ay mabilis na niyang isinuot ang t-shirt niya. "Minsan kapag masyado mong iniisip ang epekto ng isang bagay na masama sa 'yo ay hindi rin nakakabuti. Alam mo kung bakit? Kasi kapag masyado mong lini-limit ang isang bagay ay hindi mo ma-explore kung nasaan ang totoong hapiness mo." Lumabas ang magkabilang dimples sa pisngi nito nang nginitian siya. Parang nahulog ang panga niya sa ngiti nito. At iyong sinabi nito? Ipinilig niya ng bahagya ang ulo niya para alisin ang mga guni-guni na nandoon. "Ang ganyang damdamin ay lilipas 'yan sa pagdaan ng mga araw, sweetie. Better distance yourself from me." "Paano kung hindi ito lilipas, Nathan? Paano kung gugustohin pa rin kita hanggang sa pagtanda ko?" Parang nawala siya sa kanyang mundo nang marinig ang sinabi nito. Pakiramdam niya ay lumobo ang ulo niya at biglang nawawala ang lahat sa tamang puwesto ng utak niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD