CHAPTER 1

1319 Words
"Eat my dust loser!" Natatawa niyang sigaw kay Brent Timothy Castillo na bestfriend nila ni Bea.  Kasalukuyan silang nasa racing car club na pagmamay-ari ng nakakatandang kapatid ni Tim na si Liam Theodore Castillo.  Her dad was once a racer. Tumigil lang ito noong magpakasal sila ng kanyang mommy dahil ayaw ng mommy niya ang ginagawa ng ama. Mahilig ang ama, both cars and big motor bikes. At namana niya yata ang hilig ng daddy niya na ito. Pero syempre pa, alam ng kanyang ina kung paano e-minimized ang hilig niyang 'yon. Marami itong limitations na inilalapag sa kanya. Gaya ng, bawal siyang sumali sa mga totoong racing talaga. Makakagamit lang siya ng mga big bikes, pero for her personal use lang talaga. Bawal nga siyang mag-race. 'Yon na 'yon. Malakas naman na natawa si Bea nang bumaba si Tim sa motor bike nito at pasalampak na naupo sa lapag. Nakaupo lang itong nanonood sa kanila ni Tim. Wala kasi itong hilig sa ganoong bagay, napipilitan lang itong sumama sa kanila. Sa ganitong bagay sila nagkakasundo ni Timothy. Pareho kasi silang mahilig sa big bikes. "Sinadya ko talaga 'yon. Saksi si Bea kung gaano na kalayo ang agwat mo sa 'kin bago ako magsimula, ah!" Natatawang sagot ni Timothy. Kasalukuyan itong naghuhubad ng t-shirt at nagpapahid ng pawis sa mukha. Kasing edad lang nila ito, pero maganda na ang hubog ng katawan ni Tim. At hindi maitatanggi na isa rin itong guwapong binatilyo. Lumapit ito sa kanya saka sinanggi ng basang balikat nito ang kanyang balikat. "Next time ay hindi na kita mapagbibigyan pa, Amara Louise Moreno. Pangako ko 'yan, saksi ulit si Bea!" Halos mapuno ng tawanan nilang tatlo ang lugar na 'yon. Sabay din silang tatlo na tumigil sa pagtatawa nang may biglaang pumasok na motorsiklo at nagngangalit ang gulong nitong huminto mismo sa harapan nila ni Timothy. Padaskol nitong hinubad ang suot-suot na helmet, at nagpalinga-linga sa paligid, tila may hinahanap ang mga paningin. Humulagpos sa mukha nito ang medyo may kakulutang buhok nito. At ang t***k ng puso ni Amara ay hindi na naging normal habang nakatuon ang kanyang paningin sa napakaguwapong pinsan na ito ni Bea. He is so very manly and masculine. Personally, she would just call it classically handsome. There's no way on earth this man doesn't spend time attending to his mug. Lumiwanag ang mukha nito nang mamataan ang nakaupong si Bea sa isang sulok. Kumaway ito at mabilis naman lumapit si Bea sa kanila. "What are you doing here?" Seryosong tanong nito kay Bea. Bahagya tinapunan ng tingin ang bahagyang magkadikit na mga balikat nila ni Tim. His facial expressions told her that he was disgusted. But why? Dahil ba sa ayaw nito na sila ni Tim ang mga kaibigan ni Bea? Namimili ba ito ng kaibigan ng pinsan? But, what's wrong with her and Timothy? Muntik pang malaglag ang puso niya nang marinig ang baritonong boses nito nang muling magsalita ito. "Pinapayagan kayo ng parents n'yo sa ganyang activity?" Pagalit siya nitong tiningnan, at nagtama ang kanilang mga paningin.  Pakiramdam ni Amara ay nagsilabasan ang milyon-milyong kulisap sa kanyang sikmura at pumuno iyon sa buong paligid. May pakiramdam din siya na parang biglang naglaho si Bea at Timothy, at tanging silang dalawa na lamang ni Nathan ang naiwan. His aquamarine eyes are looking at her, like there's no one around. At aaminin ni Amara na unang kita pa lamang niya kay Nathan sa farm nito ay nahuhumaling na ang batang puso niya sa binata. Simula nang makita niya ito ay palaging mukha nito ang umuukit sa kanyang isipan. Hindi siya makapagsalita habang kaharap niya ito, parang naumid ang kanyang dila sa muling pagkikita nilang ito ni Nathan. "Umuwi ka na  Bea, kanina ka pa hinihintay sa labas ng kuya Joaquin mo," maawtoridad na utos ni Nathan sa pinsan. Mabilis naman na tumalima si Bea nang makita ang seryosong mukha ni Nathan. Linapitan siya at hinalikan sa kanyang pisngi. "Mauuna na ako sa inyo Amara, Tim," paalam ni Bea na tinitigan siya nang isang nagpapaunawang tingin. Tumango lamang siya at hindi makapagsalita habang nakikita sa sulok ng kanyang mga mata na nasa kanya ang paningin ni Nathan. "Are we going to play another round, Amara?" Baling sa kanya ni Timothy na hindi alintana ang mga titig ni Nathan na may diin. "You better go home now, boy," si Nathan na ang sumagot sa tanong sa kanya ni Timothy. Tiningnan siya ni Timothy at tanging iling lamang ang naibigay niyang sagot dito. Ewan ba niya kung ba't parang hinihigop ni Nathan ang buong lakas niya na hindi man lang niya magawang makapagsalita. "Okay, I"ll go home now," kibit balikat na sabi ni Tim nang makita na hindi na nga siya maglalaro pa. Umakyat na ito sa motorsiklo nito saka walang lingon-likod na pinaharurot ang sasakyan paalis. Naiwan silang dalawa ni Nathan na nanatiling nakatayo at titig na titig sa mukha ng bawat isa "How old are you?" Napapitlag siya tanong na 'yon ni Nathan. "F-fourteen, a-at magkaklase kami ni Beatrice," nagkandautal-utal niyang sagot na hindi magawang salubungin ang mga tingin ni Nathan. Mga tingin na pakiramdam ni Amara ay mapang-usig at mapanghusga. "You're only fourteen, yet, nahihilig ka na sa bagay na hindi dapat ginagawa ng isang batang babae tulad mo? And take note, nakikipag-boyfriend ka na sa kapatid ni Liam Theodore Castillo. I can see that, he's also naughty like his brothers and cousins," nanlaki ang mga mata ni Amara sa tinuran ni Nathan. Ano 'to? Maagang sermon mula sa nakakatandang crush? "Crush kita Nathan," hindi na niya napigilan na isambit ang laman ng utak at puso niya. She might look stupid, pero this is her chance to declare her feelings toward him. Kailan naman niya 'yon gagawin kung may girlfriend na si Nathan? Dahil according kay Bea single pa daw ito sa ngayon. So, she might grab her chance, or else she will die with her untold admiration for him. Her first crush, or maybe her first love. At matutuwa panigurado si Bea 'pag malaman nitong naamin na niya ang damdamin sa pinsan nito. "What the f*ck!" mahinang mura ni Nathan. At nang tingalain niya ang mukha nito ay nakita niyang namumula ang buong mukha nito. At galit ba ang nababanaag ni Amara sa mukha nito? Biglang bumilis ang tahip ng kanyang puso dahil bigla siyang kinabahan sa galit na nakabadya sa mukha ni Nathan. Pero hindi siya dapat panghinaan ng loob. Matagal na niyang kinabisado sa utak ang gagawin niyang ito sa muli nilang paghaharap ni Nathan. She tiptoed. Grab his nape, and kissed him innocently. Ni hindi niya malalaman ang gagawin ng lumapat ang labi niya sa mga labi ni Nathan. Paulit-ulit niya itong binasa sa isang erotic book, kung paano e-seduce ng isang babae ang isang lalaki. At parang nakaukit na ang bawat letra ng librong 'yon sa kanyang utak. Hindi naman nakagalaw si Nathan sa sobrang gulat marahil sa ginawa niya. Hindi rin niya kasi alam na mapapaaga ang gagawin niyang 'to kay Nathaniel, dahil minsan lang mabigyan ng pagkakataon na magkaharap sila gaya nito. Ramdam niya ang bahagyang paglayo ng mukha ni Nathan sa kanya. Pulang-pula na ang buong mukha nito, pati leeg nito ay namumula na rin. "Let me teach you the proper kiss. But I promise to do it when you reach your right age, saksi ang paligid na ito sa pangako ko sa 'yo. When the right time will come, I will kiss you till you run out of breath," mahina ang boses na sabi nito, saka kinabig siya payakap sa dibdib nito. Pero saglit lang 'yon, agad din siya nitong binitawan. "Umuwi ka na, paniguradong hinihintay ka na ng parents mo," his voice was shaking. Mahinang pinisil ang tungki ng ilong niya, saka dali-dali na siyang iniwan papunta sa nakaparadang motorsiklo nito. Naiwan siyang nakatulala at nakatutop sa labi ang isa niyang kamay.  Nanatiling malakas ang tahip ng kanyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD