CHAPTER 14

1301 Words
Napabalikwas siya ng bangon. Pinapawisan siya ng malapot at halos maliligo na siya ng pawis kahit na malakas ang air condition sa loob ng silid niya. Kinapa niya ang likod niya, basa ng pawis ang damit niya. May mga luha din ang kanyang mga mata. Iginala niya ang paningin sa loob ng silid niya. Napaiyak siya nang maalala niya ang lahat. Napalundag siya mula sa kama niya. Kaagad niyang hinagilap ang cellphone niya. She wanted to be sure na hindi nga totoo ang lahat ng nangyari kagabi, na isa lang palang masamang panaginip 'yon. Kaagad niyang in-scroll at hinagilap ang numero ni Nathan sa phone book ng kanyang cellphone. Pinigil niya ang mapahikbi pero hndi niya talaga mapigil noong tinatawagan na niya ito. If it's true, she doesn't want to live, too, anymore. Gugustuhin na lamang niya ang mamatay na din. Lalo lang lumalakas ang t***k ng puso niya nang ilang beses na siyang tumatawag kay Nathan ay hindi pa rin nito sinasagot ang tawag niya. Saka lang siya nakahinga ng maluwag nang sinagot na ang tawag niya. Maingay ang nasa paligid, pero hindi pa rin siya nakakampante hangga't hindi niya naririnig ang boses ni Nathan. Ilang saglit pa ang hinintay niya bago ito magsalita. Tuluyan na talagang lumakas ang iyak niya nang marinig ang boses nito. Buhay ito at talagang panaginip lamang ang lahat kanina. "G-good night." Paalam niya, dahil baka nakaistorbo na siya dito. Malalim na ang gabi. Tiningnan niya ang orasan at mag-aalas onse na pala ng gabi. Hindi na rin niya hinintay na sumagot ito. Pinatay na niya ang sariling cellphone. That nightmare was so intense and like a real one. But she's now happy knowing that everything wasn't real. Lumapit siya sa closet niya para kumuha ng damit pamalit niya. Masyadong basa ng pawis ang damit niya at magkakasakit siya kung matutuyo lang ito ng kusa sa katawan niya. Pumasok na rin siya sa banyo para maghilamos at mahimasmasan siya. Parang ang hirap mag-move on sa masamang panaginip na 'yon. Pagkatapos niyang magbihis ay lumapit siya sa kama niya at muling nahiga. Alam niyang matatagalan siyang makakatulog nang dahil dito. Maaga pa naman ang klase niya bukas dahil araw ng Lunes bukas. Nakailang balikwas na siya sa kanyang higaan ay hindi na siya dinalaw pa ng antok. Bumangon siya ulit at kinuha ang tumbler niya na may lamang tubig. Uminom siya. Humahakbang na siya pabalik sa kanyang kama para mahiga muli nang umilaw ang cellphone niya. Nagtataka siya kung sino ang tatawag sa kanya sa ganitong oras. Kinuha niya ang cellphone at parang lumundag ang puso niya mula sa kanyang dibdib nang makita niya ang pangalan ni Nathan na nasa screen ng phone niya. Mabilis niyang sinagot ang tawag nito. Hindi pa siya nakapagsalita nang mauna na itong nagsalita. "Anong nangyari?" Tanong nito na nasa boses ang magkahalong galit at pag-alala. "W-walang nangyari. B-bakit?" Tanong niya na inaalala kung ano ang ibig nitong sabihin. "Damn, Amara! Bakit ba umiiyak ka kanina? Sh*t, ipinag-alala mo talaga ako. Tumawag ka na umiiyak sa hating gabi, tapos sasabihin mo walang nangyaring masama? Are you playing with me?!" "M-masama lang ang panaginip ko, Nathan. Pasensya ka na kung naabala kita." "Dammit! Lumabas ka nga diyan, nandito ako sa labas ng bahay n'yo. Napamulagat ang mga mata niya sa narinig na sinabi nito. Nasa labas daw ito ng kanilang bahay, sa ganitong oras ng gabi? "Ang sabi ko, nandito ako sa labas ng bahay n'yo. Puntahan mo ako dito, Amara. I wanted to be sure that you're perfectly fine," sabi ulit nito nang hindi siya nakapagsalita. "O-okay lang ako, Nathan. K-kaya lang naman ako napatawag k-kasi masama ang panaginip ko. Pasensya ka na. Pero gabi na masyado Nathan, umuwi ka na lang." "Hindi ako uuwi hangga't hindi ka lumalabas diyan!" Naiirita na sabi nito. Napabuntong hininga naman siya dahil sa sinabi nito. Hindi nga mapagkaila na pinsan ito ni Bea, pareho kasing may katigasan ang ulo. "S-sige, hintayin mo ako saglit diyan, bababa na ako para makauwi ka na." Pinatay na niya ang cellphone at mabilis na inayos ang kanyang sarili. Pagkalabas niya ng silid niya ay luminga siya sa paligid. Tahimik na ang buong kabahayan. Siguradong natutulog na ang Mommy at Daddy niya, pati si Yaya Meding niya. Maingat ang kilos na lumabas siya sa kanilang bahay hanggang sa kanilang gate. Malayo pa lang siya ay tanaw na niya si Nathan na nakatayo at nakatukod ang dalawang siko patalikod sa Harley Davidson nito. A handsome devil in the middle of the night. On his rugged jeans, rubber shoes, white fitted shirt, and with his black leather jacket. Kaagad umangat ang paningin nito sa direksyon niya nang mamalayan ang paglabas niya. Napaayos din ito ng tayo. Nakita niya ang matinding mangha sa mukha nito na natatamaan ng sinag ng buwan. Lalo pa yata itong gumuwapo habang nasa mukha nito ang liwanag ng nagniningning na buwan, at ang paningin nito ay nasa kanyang katawan. Humakbang siya palapit dito. Bumalik ang paningin nito sa mukha niya, at nababanaag niya ang pag-alala habang nakatingin sa kanyang mukha. "Bakit ka umiyak kanina? Did something or someone hurts you?" Naging blangko na ang ekspresyon ng mukha nito. Hindi din siya hinihiwalayan ng paningin. Napayuko siya dahil sa hindi niya kayang salubungin ang mga tingin ni Nathan na para bang nanunuot sa buong pagkatao niya. "Maniwala ka, Nathan. Nanaginip lang ako ng masama tungkol sa 'yo. K-kaya kita tinawagan kasi gusto ko na masigurado na—" natigil siya sa kanyang pagsasalita, dahil ramdam na ramdam niya ang kakaibang titig ni Nathan, kasabay ng pag-angat niya ng paningin niya sa mukha nito. "Na ano?" Humakbang ito palapit sa kanya at hindi niya alam kung bakit parang lumipad ang utak niya sa kung saan dahil sa ginagawang 'yon ni Nathan. Lalo na noong masamyo niya ang mabango na amoy nito na humahalo sa amoy ng alak. Parang naliliyo ang kanyang pakiramdam. "Tinatanong kita?" Muling sabi nito nang hindi niya makuhang makapagsalita. Napalunok siya at napaatras dahil hindi niya kayang gumalaw ng normal kapag na malapit lang si Nathan. "N-na hindi totoo ang masamang panaginip ko tungkol sa 'yo." Saka lang siya tumigil sa pag-atras ng sumadsad na ang likuran niya sa malamig na bakal na gate nila. Hinawakan ni Nathan ang bakal na nasa ulunan niya malapit. Nagulo pa lalo ang utak niya dahil doon. Iyong sobrang lapit ni Nathan sa kanya, na kunting galaw lamang niya ay dadaiti na ang balat niya sa balat ni Nathan. "Sa susunod huwag mo akong patayin sa matinding nerbiyos dahil sa mga ginagawa mo, Sweetie. At sa susunod huwag kang tumawag kapag nasa kalagitnaan ako ng moment ko." Bumaba ang mukha nito palapit sa mukha niya. Sasalita pa sana siya nang muli itong magsalita. "Pumasok ka na at matulog, siguradong maaga pa ang pasok mo bukas." "M-mauna ka ng umalis, babantayan kita hanggang sa makaalis ka," wika niya sabay yuko ng ulo niya. "No. Mauna ka ng pumasok at babantayan kita. Hindi ako aalis dito hangga't hindi kita nakikita na pumapasok sa loob." Napatango na lamang siya. Hindi na kasi niya kayang tumagal na ganito siya kalapit kay Nathan. Hahakbang na sana siya pero napapagitnaan siya ng dalawang malalaking braso nito. "D-dadaan lang ako, Nathan." "Oh, damn! Oo nga pala." Marahas nitong inalis ang dalawang kamay na nakakapit sa gate nila. Pero bago siya tuluyang makalayo ay hinaplos ng isang kamay nito ng banayad ang isang pisngi niya. "Again, don't cause me a heart trouble like you've done earlier. Good night!" Inalis na nito ang kamay sa pisngi niya at humakbang paatras para mabigyan na siya ng daan. Kumakabog naman ang puso niya na mabilis ang mga hakbang na pumasok na sa loob ng kanilang gate. Siya kasi yata ang binigyan nito ng heart attack dahil sa mga ginawa nito kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD