Madilim ang buong paligid. Nagpalinga-linga si Amara sa daan. Walang tao at tahimik ang buong kapaligiran. Bigla siyang nakaramdam ng takot nang mapadaan siya sa isang lumang gusali.
Natigil muna siya sa paglalakad. Galing siya noon sa El Contreras University. Ginabi siya dahil mayroon silang ginawang activity ng kagrupo niya sa isang subject nila. Wala si Bea dahil kasalukuyan itong nasa ibang bansa. May inaasikaso kasama ang pamilya niya. Si Tim naman ay iba ang kagrupo nito sa nasabing activity. Si Jollie ang leader ng mga ito. Siya naman ang leader sa kanilang group.
Kanina pa kasi siya nakaabang sa labas ng university pero wala talagang dumaan na tricycle, o kahit taxi. Kaya wala siyang mapagpilian kundi ang lumakad na lamang. Sinubukan din niyang tawagan ang Daddy niya pero nasa gitna ito ng isang mahalagang meeting sa bangko na pinagtatrabahuhan nito, kung kaya ay wala talaga siyang choice.
Naisip na rin niyang tawagan si Tim baka sakali na masundo siya nito at maihatid man lang sa kanila, tutal nasa iisang subdivision lang naman sila nito ng inuuwian. Subdivision na pagmamay-ari din ng pamilya ni Tim.
Huminga siya ng malalim at muling nagpatuloy sa kanyang paglalakad kipkip ang libro sa dibdib niya.
Para siyang isang magnanakaw na nakatingkayad habang lumalakad. Takot siyang makalikha ng ingay dahil baka may masamang loob na makakita sa kanya at gawan siya ng masama. 'Yan ang naiisip niyang posibilidad.
Naisip niya na sa susunod pala kapag ganito na alam niya na gagabihin siya sa pag-uwi ay dapat pala ay kukumbinsihin niya ang Mommy niya na dadalhin niya ang motorsiklo niya. It serves its purpose.
Medyo nakahinga na siya ng maluwag noong makita na niya ang kalsada mula sa medyo may kaliitan na iskinita na 'yon. Binilisan niya pa ang kanyang paglalakad at umusal ng pasasalamat noong makita niya ang ilang tao na lumalakad sa kalsada. Medyo malapit na rin 'yon sa bungad ng kanilang subdivision. Pagdating niya mamaya sa subdivision ay may mga service vehicles na papasok sa kanila. Medyo dulo na kasi na bahagi ng subdivision ang kanilang bahay.
Sumasakit na rin ang binti niya sa paglalakad pero hindi na niya alintana pa 'yon. Nagpasalamat na lamang siya dahil naka P.E. uniform siya kaya medyo komportable ang galaw niya.
Saktong papalabas na siya sa eskinita na 'yon nang makita siya ng tatlong lalaki. Ito iyong sabi niya kanina na nakita niyang naglalakad.
Lumingon ang isa. Natigil saglit ito sa paglalakad at kinalabit ang dalawang kasamahan at pasekreto na itinuro siya. Bigla siyang kinabahan. Lalo na nang tumigil ang mga ito sa paglalakad at parang hinihintay siya na sumapit sa tabi ng mga ito.
On instinct mabilis siyang naglakad at plano niya na lalampasan ang mga ito. Hinigpitan pa niya ang pagkakahawak niya sa kanyang mga gamit na para bang doon nakadepende ang kaligtasan niya sa gabing 'yon.
"Hi, Miss! Saan ba ang tungo mo at ihahatid ka na namin?" Napatingin siya sa lalaking nagsalita. Nakangisi ito at tiningnan ang binti niya na nakahantad mula sa P.E uniform niya na kulay puting shorts na hanggang tuhod ang haba.
Lumalakas na talaga ang kabog ng puso niya dahil sa matinding kaba na nararamdaman. Tiningnan niya isa-isa ang mukha ng tatlong lalaki, hindi niya kilala ang mga ito. Hindi pamilyar sa kanya ang mukha.
Hindi siya sumagot at mas binilisan pa ang paglalakad niya. Naramdaman niya na sinusundan siya ng tatlo. Pakiramdam niya ay hindi na lumalapat ang mga paa niya sa lupa dahil sa matinding takot na lumukob sa kanya.
"Miss, tinatanong ka namin, saan ang punta mo? Ihahatid ka namin ng safe." Hirit pa ng isa na sinusundan ang bilis ng paglalakad niya.
She sighed deeply. She no longer heard anything, except the beat of her nervous heart. "S-salamat, pero hindi na kailangan. Malapit na lamang ang bahay namin."
She's trying to convince herself that these persons aren't bad, and they're just trying to make friends with her. But no, pilit niya man na isiksik sa isipan niya na hindi masasama ang mga ito ay hindi pa rin niya mapipilit pa ang sarili. Hindi pa rin siya mapapanatag. May kakaiba siyang maling nararamdaman para sa tatlo. Kahit na kung titingnan ang mga ito ay mga desente ding mga tao kung ibabatay sa mga kasuotan at mukha ng mga ito. Pero hindi. Hindi naman nababatay kung anong uri ang isang tao sa panlabas na anyo nito.
Nangangatog ang tuhod na patuloy siya sa kanyang paglalakad. Pero hinawakan siya ng isang lalaki sa isang braso at hinila.
"Bakit ba ang hard to get mo? Ihahatid ka lang naman namin kahit biyaheng heaven pa 'yon!"
"Tama nga. Hindi mo pagsisisihan!" Sagot naman ng isa.
"At alam mo ba na napakaganda mo? Kahit mamamatay na ako bukas basta matikman lang kita ngayon!" Tumawa ang mga ito. Napunit ng masamang tawa na 'yon ang katahimikan ng daan. Kung kanina ay nako-control niya pa ang takot, ngayon ay hindi na. Bumaha ang matinding takot na nasa dibdib niya dahil sa sinabi ng mga ito.
Tumakbo siya at nahulog ang mga librong dala niya. Wala na din siyang pakialam doon dahil ang nais niya ay ang kaligtasan niya ngayon. Bahala na ang bukas, kahit bumagsak pa siya sa isang subject niya ay hindi na mahalaga para sa kanya 'yon. Buhay niya ang pinag-uusapan ngayon.
Gusto niyang sumigaw, pero walang boses na lumalabas sa kanya. Alam niyang hindi magtatagal ay maabutan na siya ng mga ito. Dinig na dinig niya ang malutong na halakhak ng mga ito habang hinahabol siya.
Naghahalo na ang sipon at ang luha niya. Hindi niya alam kung makakaligtas siya ngayong gabi.
"Nathan!" Hindi niya alam kung bakit pangalan ni Nathan ang nasambit niya sa ganitong punto ng buhay niya. Parang nabubuhayan ng loob ang puso niya nang maalala niya ang napakaguwapo at maamong mukha ni Nathaniel Contreras.
Napatili siya nang hablutin ng isang lalaki ang kanyang braso. Pilit niyang iwinawaksi ang brasong mahigpit na kinakapitan ng lalaki. Alam niya na may mangyayari sa kanya ngayong gabi na 'to na hindi maganda.
"Bitiwan n'yo ako, please. Parang awa n'yo na." Umiiyak na sabi niya nang hawakan siya ng isa pang lalaki na kasamahan nito.
"K-kapag makikita kayo ni Nathan, paniguradong malalagot kayo kay Nathan."
She's trying to scare them, pero nagkatinginan lang ang mga ito at mas lumakas pa ang mga tawa ng mga ito dahil sa sinabi niya.
"Nathan, daw o!" Hirit ng isa. Nag-high five pa ang mga ito.
"Nathan, who?" Tanong ng isa na hindi tumitigil sa pagtawa.
Umiiyak na talaga siya ng malakas dahil sa matinding takot.
"Zimon Nathaniel Contreras!" Sinubukan niya na tapangan ang boses dahil baka sakali na matatakot niya ang mga ito.
"Contreras, daw!"
"By the time na makarating dito si Nathan ay patay ka na, at walang malalaman si Contreras!" Sagot ng isa.
"At anong pakialam ni Zimon Nathaniel Contreras, sa 'yo?" Medyo may pagtataka sa boses na tanong ng isa.
"M-mahal ko siya," nauutal niyang sagot
"Eh, ikaw mahal ka ba niya? Ang bata mo pa para kay Nathaniel Contreras."
Hindi niya alam kung bakit mas lalo pa siyang napahagulgol ng iyak dahil sa sinabing 'yon ng isang lalaki.
"Kunin mo ang sasakyan natin at dalhin natin siya kung saan ay walang makakita sa kanya." Ngumisi ang isa sabay hagod ng tingin sa kabuuan niya.
Feeling niya ay mga bangag ito sa drugs. Mga kabataan na mabisyo. Lumalagablab ang matinding pagnanasa sa mga mata ng mga ito. Kahit anong gawin niyang pagpupumiglas ay wala talaga siyang magawa.
"Nathan, help me!" Sigaw niya nang tumigil ang itim na auto sa harapan nila. Hinihila siya ng puwersahan ng mga lalaki papasok sa loob ng sasakyan.
Para namang sinagot ng langit ang panalangin niya nang tumigil sa harap ng sasakyan ang isang malaking motorsiklo. Umangat ang paningin niya sa driver no'n, at nabuhayan ang loob niya nang makita niya si Nathan na sakay no'n.
"N-nathan." Sambit niya na luhaan ang mga mata.
Patalon itong bumaba at galit ang mukha nang makita siyang hawak ng tatlong lalaki. Maingat siya nitong hinawakan sa kamay at hinila palapit sa katawan nito.
"Did they hurt you, Sweetie?" Malambing na tanong ni Nathan na pilit sinisipat sa dilim ang kabuuan niya. Nababakas din sa mukha nito ang matinding galit nang balingan ng tingin ang mga lalaki na 'yon.
"Stay here." Sabi nito na pinatayo siya sa tabi ng motor nito.
Akmang papasok ang mga lalaki sa loob ng sasakyan pero mabilis na hinawakan nito ang pinto ng sasakyan ng akma itong isasara ng isang lalaki. Hinila ni Nathan ang tatlong lalaki mula sa loob ng sasakyan. Parang ang gaan lang ng mga ito kung hawakan ng pabitin ni Nathan ang mga ito. Nathan is a six footer something, tall.
Napatili pa siya nang hawakan ni Nathan ang dalawang lalaki at pagsalpukin ang mga ito na parang sako na may lamang bulak.
Sinipa nito ang isang lalaki na magsusugod sana sa kanya. Sumadsad ito sa lupa. Pero nagulat siya nang umangat ang kamay ng isang lalaki na nasa likuran ni Nathan.
"Nathan!" Patiling tawag niya sa pangalan nito nang makita niyang may binunot na baril sa beywang ang nasabing lalaki.
Pero bago pa lumingon si Nathan ay ipinutok na ng lalaki ang hawak nitong baril sa likuran ni Nathan.
Tumitili siya na lumapit kay Nathan na natumba sa lupa. Kaagad niya itong dinaluhan. Hinawakan niya ang ulo nito at inihimlay sa braso niya.
"Nathan, no!" Tili niya na niyugyog ng malakas ang katawan nito.
"Handa kong ialay ang buhay ko para sa 'yo, Sweetie." Nauutal na ang salita nito na pinipilit na lamang idilat ang mga mata nito. Ang kamay nito ay hirap na inabot ang mukha niya para haplusin 'yon.
"Nathan! Nathan! Wake up, please! Wake up!" Sigaw niya nang lumaylay ang mga kamay nito.
Malakas talaga ang iyak niya. Humihistirya na rin siya nang tuluyang pumikit ang mga mata ni Nathan.
"Nathan! Please, no! Pleaaase!" Bumigay na rin ang lahat ng bigat nito. Natataranta niyang hinawakan ang pulso nito pero hindi na tumitibok ito.
Isinubsob niya ang mukha niya sa dibdib nito. He is truly lifeless!
Hindi na nga niya namalayan ang pagdating ng mga pulis at ambulansya. Hindi din niya alam kung gaano katagal siyang umiiyak habang yakap-yakap niya si Nathan.
"Bitiwan mo na siya, Amara." Malungkot pero may galit ang boses na nagsalita sabay patong ng kamay nito sa balikat niya.
Tiningnan niya ito at nakita niya si Joaquin na malungkot na nakatingin sa nakahandusay na katawan ni Nathan. Sa 'di kalayuan ay nandoon si Dean, Tyler, at Apollo na nakatayo at kausap ang mga pulis.
"No, Joaquin! Magigising pa si Nathan!" Naghihistirya na sigaw niya kay Joaquin.
"He's dead, Amara!" Nakatiim bagang na sabi ni Joaquin. At kasalanan niya ang lahat kung bakit namatay si Nathan. Kasalanan niya.
Linapitan siya ni Dean at hinila palayo sa katawan ni Nathan. Nagpupumiglas siya pero sadyang malakas si Dean at nailayo siya nito sa walang buhay na katawan ni Nathan.
"Nathan! Nathan!" Puno ng paghihinagpis na tawag niya dito. Parang dinudurog ng pinong-pino ang puso niya. Hinihiling niya na magkakaroon ng isang milagro na mabuhay si Nathan kahit na hindi na niya ito guguluhin kailan man basta hindi lang ito tuluyang mawawala ng paganoon.