"Can you please help me, Kuya Nathan?" Tanong ni Bea isang araw habang siya ay nasa garahe nila at naglilinis ng motorsiklo niya "Help you what, Bea? Ano na naman ba 'yan?" Tanong niya na hindi tinitigilan ang ginagawa. "Kasi nga 'di ba sa Lunes ay Valentines day na." Pumunta pa ito sa harapan niya mismo kaya itinigil niya saglit ang ginagawa niya. "Ano naman kung Valentines day? Bata ka pa, baka kung anu-ano na ang pinanggagawa mo, Beatrice." Sermon niya dito na linapitan ang gripo at pinatay 'yon. Humakbang siya palapit sa isang sasakyan niya at sumandal doon. Tinitigan niya ito ng matiim at saka hinintay ang susunod nitong sasabihin. "Alam ko Kuya na well-experienced ka na pagdating sa bagay na 'to, kaya sa 'yo ako lumapit. Ito kasing si Tim—" Napatuwid siya ng tayo pagkarinig niy