Nagising si Uzi na masakit ang braso n'ya dahil sa babaeng naghagis sa kan'ya sa floor ng Jacob's bar.
Idinilat ni Uzi ang mata n'ya. Dahan-dahan na bumangon mula sa kama, halata sa mata nito na inaantok pa. Hinawakan ni Uzi ang braso n'ya ng maramdaman nito ang sakit.
Napaiwas ng tingin si Uzi sa window n'ya ng tumama ang sikat ng araw sa kan'yang mata.
Inaantok pa na bumangon si Uzi. Nakasuot ito ng grey na pajamas, gulo-gulo ang buhok.
Naglakad papuntang bathroom si Uzi para maligo. Napahinto sa paglalakad si Uzi ng makita n'ya ang sarili nito sa salamin.
Tinitigan n'ya ang sarili n'ya at muli na namang bumalik sa isip ni Uzi ang babaeng mahal n'ya, si Jasmine.
Napabuntong hininga na lang si Uzi. Hindi niya alam kung paano s'ya magsisimulang mabuhay ngayon na wala na si Jasmine sa kan'ya.
Hinubad ni Uzi ang suot n'ya pajamas at naglakad papuntang shower. Binuksan n'ya ang shower at hinayaan nitong umagos sa katawan n'ya ang malamig na tubig na nagmumula sa shower.
Ilang minutong nagbabad si Uzi sa shower bago ito lumabas ng bathroom. Naglakad s'ya papuntang closet para kumuha ng susuotin n'yang damit.
Black suit, with long sleeve, color maroon necktie, black pants and black shoe ang suot ni Uzi.
Papasok si Uzi sa company nila bilang isang executive director. Walang ganang pumasok si Uzi sa trabaho, pero na isip n'ya ang sinabi ni Snipe sa kan'ya.
Tumayo sa harapan ng salamin si Uzi para ayusin ang suot n'yang necktie. Naglagay ng gel si Uzi sa buhok n'ya bago ito lumabas ng kwarto nito.
Seryoso ang mukha ni Uzi habang naglalakad pababa ng hagdan ng bahay nila. Pagkababa ni Uzi ay pumunta ito sa dining area para mag-almusal bago s'ya pumasok sa trabaho n'ya.
Wala pa si Uzi sa dining room ay naririnig n'ya ang kwentuhan ng mga magulang n'ya at nakakabatang kapatid n'yang babae.
Pumasok si Uzi sa dining room dahilan ng pagtahimik ng area. Lahat ng tao sa dining room ay napunta kay Uzi.
Hindi sila pinansin ni Uzi at naglakad ito papuntang table at umupo sa tabi ng kan'yang papa.
Wala itong sinasabi na salita, kumuha s'ya ng pagkain. Bacon, ham at bread lang ang kinain ni Uzi.
Lahat ng nakapalid sa kan'ya ay nakatingin pa rin kay Uzi, dahil ngayon lang nila muling nakita na lumabas ng kwarto si Uzi at sumabay sa kanila sa pagkain.
"Kuya!" masiglang tawag ni Eula sa kapatid n'ya ng makita n'ya ito.
Lubos ang saya ni Eula na makita ang kapatid n'yang si Uzi na makasabay nila sa pagkain dahil lubos silang nag-alala ng hindi lumalabas ng kwarto si Uzi.
"I'm glad to see you, my son," nakangiting sabi ng papa ni Uzi.
Walang imik si Uzi doon at patuloy lang ito sa pagkain n'ya. Wala pa rin sa mood si Uzi para makipag-usap ito sa mga kasamahan n'ya.
"Sana ay magtuloy-tuloy na ang pagbalik ng dating Uzi, miss ko na ang anak kong lalaki," sabi naman ng mama ni Uzi na halata sa mukha n'ya na masaya itong nakita si Uzi.
"Kung hindi babalik si Jasmine, walang babalik na dating Uzi," malamig na sabi ni Uzi ni hindi man lang binigyan ng tingin ni Uzi ang magulang ito at ang kapatid n'ya.
"Anak, hindi na babalik si Jasm—"
"Wag n'yo ng ipaalala sa akin," putol na sabi ni Uzi sa Mama n'ya.
Binitawan ni Uzi ang hawak nitong kutsara at tinidor.
"I'm full," sabi ni Uzi.
Tumayo na si Uzi mula sa pagkakaupo n'ya at umalis sa dining room. Naiwan ang mga magulang at kapatid ni Uzi na nag-aalala kay Uzi.
Lumabas si Uzi sa bahay nila at sumakay sa puting kotse n'ya. Pagkapasok n'ya ay nagsuot si Uzi ng seatbelt bago patakbuhin ng mabilis ang kotse n'ya palabas ng bahay nila.
Magtra-trabaho na lang si Uzi kesa ikulong n'ya ang sarili n'ya sa kwarto mag-isa.
"Tsk!" inis na sabi ni Uzi ng makita n'ya ang isang.
Grey na kotse na mabagal ang takbo sa harapan n'ya. Nag-over take si Uzi sa grey na kotse para maunahan ito, dahil kung susundan n'ya ang grey na kotse ay baka bukas pa s'ya makarating sa pupuntahan n'ya.
Lalong binilisan ni Uzi ang pagpapatakbo ng kotse n'ya hanggang sa madaanan n'ya ang Arme building na pag mamay-ari ng kaibigan n'yang si Snipe Swaggerty.
Nilagpasan n'ya iyon dahil lahat ng masamang nangyari sa buhay n'ya ay doon naganap.
Pagkadating sa malaking building na pagmamay-ari ng magulang n'ya ay agad na lumabas si Uzi pagkapark ng kotse n'ya sa parking lot.
Seryoso at malamig na awra ang makikita sa mukha ni Uzi ng pumasok ito sa building ng company nila.
Lahat ng employees na nakikita si Uzi ay tinitignan si Uzi. Alam din kasi ng mga employees n'ya ang lahat ng nangyari kay Uzi.
"Good morning, Sir,"
"Good morning, Director Uzi,"
Bati ng mga taong nakakasalubong ni Uzi sa kan'ya. Hindi pinapansin ni Uzi ang mga iyon at diretso lang ito naglakad papuntang elevator.
Sumakay sa loob ng elevator si Uzi papuntang sixth floor sa office n'ya. Mayroong kasabay si Uzi sa elevator at halata sa mga tingin nila na sobrang na ninibago sila sa kilos ni Uzi, dahil nakilala nilang masiyahin na tao si Uzi.
Pagbukas ng elevator ay agad na lumabas si Uzi at naglakad papuntang office n'ya.
"Nakabalik ka na pala, Director, how are you?" tanong ng head manager ng marketing department sa kay Uzi.
Hindi pinansin ni Uzi ang head manager at nilagpasan lang iyon ni Uzi. Pumasok sa loob ng office si Uzi at tumambad sa kan'ya ang mga papel na nakapatong sa table n'ya.
Ilang araw ding nawala sa trabaho si Uzi kaya naipon ang mga trabaho n'ya ngayong bumalik na s'ya sa company.
Umupo sa swivel chair si Uzi. Pinagmasdan n'ya ang mga papel sa harapan nito at hindi alam kung ano ang uunahin n'yang hawakan. Wala s'yang lakas para maging masipag ngayon.
Ilang oras na ang lumipas ay papel pa rin ang kaharap ni Uzi na parang bang walang balak na magpahinga kahit kaunti si Uzi.
Mayroong kumatok mula sa pinto ng office ni Uzi, pero si Uzi ay patuloy pa rin sa pagbabasa at pagpirma sa mga papel.
Bumukas ang pinto ng office ni Uzi at pumasok doon ay ang kaibigan nito na si Snipe kasama si Younis Killpack ay fiancè ni Snipe.
"Buti naman, nakakapagtrabaho ka na," nakangiting sabi ni Younis at naglakad ito papasok sa office ni Uzi.
"Ano ang kailangan n'yo?" malamig na tanong ni Uzi. Hindi tinignan ni Uzi ang mga kaibigan at nanatili ang tingin sa ginagawa n'ya sa papel na nasa harapan nito.
Naglakad si Snipe papasok sa loob ng office ni Uzi. Si Uzi ay seryoso ang itsura dahil wala s'ya sa mood, pero si Snipe ay mas seryoso kaysa kay Uzi.
Malamig ang pinapakita ni Snipe sa lahat ng nakakaharap n'ya.
"Galing kami sa bahay n'yo para puntahan ka, pero sabi ng kapatid mo pumasok ka daw sa trabaho," sabi ni Younis kay Uzi. "Ayos ka na ba?" tanong ni Younis.
"Ayos lang ako, kung wala na kayong sasabihin ay pwede na kayong umalis dahil marami pa akong gagawin," hindi nakatingin na sabi ni Uzi sa dalawang kaibigan n'ya.
Si Snipe ay mayroong hawak na brown envelope. Inihagis ni Snipe ang envelope sa harapan ni Uzi, dahilan para mapatigil si Uzi sa ginagawa n'ya.
Tumingin si Uzi kay Snipe na seryosong nakatingin sa kan'ya.
"Ano ito?" seryosong tanong ni Uzi.
"Gusto kong pag-aralan mo iyan, record ng Winchester company," walang emosyon na sagot ni Uzi.
Sumandal si Uzi sa swivel chair n'ya at kunot-noo n'yang tinignan si Snipe.
"Bakit kailangan kong pag-aralan ang record ng Winchester company?" takang tanong ni Uzi sa kaibigan n'yang si Snipe.
"Maraming nawala sa Winchester company, tinignan ko ang record ng financial statement nila ay maraming mali ang nakalagay doon," paliwanag naman ni Younis.
Nalipat ang tingin ni Uzi kay Younis dahil sa sinabi nito.
"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ni Uzi.
"Unti-unti ng nawawala ang share ni Rifle at ni Chairman Ramond sa Winchester company," sagot ni Snipe.
"Wala na si Rifle at Chairman Ramond, wala ng hahawak sa company ng mga Winchester dahil wala ng natitirang Winchester," sagot naman ni Uzi.
"Pag-aralan mo ang lahat ng iyan," sabi ni Snipe at tumalikod na ito kay Uzi.
"Anong gagawin mo?" tanong ni Uzi kay Snipe.
Tumigil sa paglalakad si Snipe bago n'ya sagutin ang tanong ng kaibigan. "Hahanapin ang last Winchester," sagot ni Snipe.
"Wala ng natitirang Winchester," habol na sabi ni Uzi.
"Wala bang kamag-anak si Rifle?" tanong naman ni Younis.
"Wala na," sagot ni Snipe sa fiancè n'ya.
"Paano ka makakapaghanap?" tanong ni Uzi.
"Mayroon akong pakiramdam na mayroon pang Winchester," sagot ni Snipe.
Humarap si Snipe kay Uzi na seryoso ang mukha. "Wag lang nating hahayaan na mapunta sa mga Hernandez ang lahat ng asset ng Winchester," seryosong paliwanag ni Snipe.
Nagtaka si Uzi sa sinabi ni Snipe sa kan'ya. "Anong ibig mong sabihin?" walang idea na tanong ni Uzi.
"Hindi ba ang Hernandez na lang ang pagkakatiwalaan ng mga Winchester?" tanong naman ni Younis.
"Pag-aralan mo na lang iyan," huling sabi ni Snipe kay Uzi bago ito muling tumalikod at naglakad palabas.
"Aalis na kami, Uzi," paalam ni Younis at tumakbo palabas ng office ni Uzi para sumunod kay Snipe.
Nalipat ang tingin ni Uzi sa envelope na binigay ni Snipe sa kan'ya. Kinuha iyon ni Uzi para tignan kung ano ang nasa loob.
Pagkatingin ni Uzi doon ay lahat ng record at history ng Winchester company ay nandoon. Biglang napaisip si Uzi kung paano nakuha ni Snipe ang lahat ng iyon lalo na ang mahahalagang documents na binigay ni Snipe kay Uzi.
Wala pang nakakaalam kung sino ang pumatay kay Rifle at wala rin silang alam kung sino ang maaring pumatay sa mga Winchester.
Binalik ni Uzi ang mga documents sa envelope at tinabi n'ya iyon. Sumandal si Uzi sa swivel chair at muli nitong naramdaman ang pagsakit ng braso n'ya.
Biglang pumasok sa isip ni Uzi ang babaeng may gawa sa kan'ya kung bakit masakit ang braso nito.
Pumikit si Uzi at tandang-tanda n'ya ang mukha ng babaeng nakita n'ya sa Jacob's bar.
Habang nakapikit si Uzi ay unti-unti itong nakatulog dahil sa pag-iisip n'ya at sa muling pagdilat ni Uzi ay madilim na ang labas.
Pagdilat ni Uzi ay nakatingin lang ito sa pinto ng office n'ya. Hinihintay na bumukas ang pinto at ilabas si Jasmine para ayain itong mag-dinner sa labas.
Ilang minuto ang lumipas ay nanatiling sarado ang pinto. Tahimik ang buong paligid ni Uzi. Napabuntong hininga si Uzi ng maisip n'ya na naghihintay lang s'ya sa wala.
Tumayo si Uzi mula sa pagkakaupo nito at lumabas si Uzi sa office n'ya. Paglabas n'ya sa office ay agad itong sumakay sa elevator para bumaba sa ground floor.
Pagbaba ni Uzi ay pumunta s'ya sa parking lot para kuhanin ang kotse n'ya. Pagkasakay ni Uzi sa kotse ay pinaandar n'ya ang kotse papuntang Jacob's bar.
Doon na lang n'ya uubusin ang oras n'ya. Madilim na ang paligid at maluwag na rin ang daan. Seryosong nagmamaneho ng kotse si Uzi ng mayroon itong napansin sa gilid ng kalsada na nag-aaway na dalawang babae.
Tinignan n'ya ang pagtulak ng isang naka business attire na babae sa isang babaeng naka fitted dress sa gilid ng kalsada.
Iniwas na ni Uzi ang tingin n'ya sa mga babaeng at binalik ang mata sa daan. Wala s'yang panahon sa mga ganoong babae.
Si Jasmine ay kahit kailan ay hindi n'ya nakitang nakipag sagutan man lang sa ibang babae. Mahinhin at sweet na babae si Jasmine, isa iyon sa lubos na namimiss ni Uzi sa kaniyang dating girlfriend na kahit kailan ay hindi na n'ya makikita.
Binilisan ni Uzi ang pagmamaneho ng kotse papuntang Jacob's bar. Kahit saglit lang ay gusto munang makawala ni Uzi sa sakit ng pagkawala ng taong mahal n'ya at nang kaibigan n'ya.