Abalang si Layna sa ginagawa n'yang layout para sa proposal n'ya sa isang client. Binitawan ni Layna ang hawak n'yang Pentel GraphGear one thousand mechanical pencil ng mapalipat ang tingin n'ya sa phone n'yang tumunog.
Nawala sa focus si Layna dahil sa phone n'ya. Tinignan ni Layna ang bintana ng office at madilim na ang labas. Hindi n'ya iyon namalayan dahil ang busy n'ya sa ginagawa n'ya.
Kinuha n'ya ang phone para tignan kung sino ang nag-text sa kan'ya.
"Meet me," basa ni Layna sa isip n'ya sa text ni Liam sa kan'ya.
Agad na napatayo si Layna, agad na kinuha ang shoulder bag at inayos ang sarili n'ya bago ito nagmadaling lumabas ng office n'ya.
Pagkalabas ni Layna sa office n'ya ay agad itong sumakay sa kotse n'ya at mabilis na pinatakbo ni Layna ang kotse.
"Mukhang nagsisisi na s'ya," nakangiting sabi ni Layna habang ang tingin ay nasa daan.
Muling tumunog ang phone ni Layna at nakita n'ya doon ang lugar kung saan sila magkikita ni Liam.
Napakunot ang noo ni Layna na bakit sa isang street sila magkikita ni Liam. Nilipat ni Layna ang tingin sa paligid dahil ang tinutukoy na address sa phone n'ya ay malapit na.
Madilim na ang paligid, pero kilala naman ni Layna si Liam kaya kahit nakatalikod ito ay makikilala n'ya si Liam.
Kumunot ang noo n'ya ng makita n'ya si Vanessa sa lugar kung saan pinapapunta ni Liam si Layna.
Agad na ihininto ni Layna ang kotse n'ya at bumaba sa kotse. Hindi inaalis ni Layna ang seryosong tingin kay Vanessa.
Nang makita ni Vanessa si Layna na bumaba sa kotse ay napangisi ito na parang iniinis n'ya si Layna.
"Anong ginagawa ko dito, Vanessa?" seryosong tanong ni Layna.
Naglakad si Layna palapit kay Vanessa. Naka-gray dress ang suot n'ya at three inches high heels.
Tinignan ni Layna si Vanessa mula ulo hanggang paa sabay smirked. Tinignan ng seryoso ni Layna si Vanessa sa mata sabay cross arm nito.
"Mayroon lang akong gustong ipakita sayo," nakangiting sabi ni Vanessa na akala mo ay hindi nakasira ng relasyon ng iba.
"Nasaan si Liam?" walang emosyon na tanong ni Vanessa.
"Nasa bahay s'ya at hinihintay ang pagbabalik ng fiancè n'ya," mapang-inis na sagot ni Vanessa sabay taas ng kanang kamay nito para ipakita ang suot n'yang engagement ring.
Lalong napangisi si Vanessa ng makita n'yang nagulat si Layna ng ipakita n'ya ang suot n'yang singsing.
"Ikakasal na kami," sabi ni Vanessa kay Layna na nakatitig sa suot n'yang singsing.
"Slut," sabi ni Layna kay Vanessa ng walang reaction.
Napahinga si Layna ng malalim at pinipigilan nitong maiyak sa harapan ng babaeng umagaw sa taong mahal n'ya.
Lalong natawa si Vanessa dahil sa naging reaction ni Layna. Nag-cross arm ito sa harapan ni Layna ang isang mapang-inggit na tingin ang binigay ni Vanessa kay Layna.
"I invited you on my wedding day, ikaw ang tiga hawak ng laylayan ng my beautiful, elegant, classy wedding dress para hindi madumihan," mapang mata na sabi ni Vanessa kay Layna.
Binigyan ni Layna ng isang simple, pero pamatay na smirk si Vanessa. Tumango ito at isang mapang lait na tingin ang binigay ni Layna kay Vanessa.
"I don't have time to attend on dog's wedding, sorry not sorry, but I have my own wedding too. Masgwapo, masmayaman at masmasarap kesa kay Liam. Baka pag nakita mo ang fiancè ko maglaway ka sa sarap," mapang inis na sabi ni Layna kay Vanessa.
Sinabi iyon ni Layna kahit na hindi n'ya alam kung sino o kung ano ang itsura ng gustong ipakasal sa kan'ya ng kaniyang magulang sa kan'ya.
Tumaas ang kilay ni Vanessa at tinawanan ng mahina si Layna sa akala nitong kasinungalingnan na sinasabi ni Layna.
"Really? Then where's your engagement ring?" tanong ni Vanessa habang nakatingin sa kamay ni Layna na hinahanap ang singsing doon.
Tinago ni Layna ang kamay n'ya sa likuran nito dahil naisip n'ya na napahiya s'ya ng konti doon. Hindi naman n'ya kasi inakala na ang babaeng salot sa buhay n'ya ang magpapakita sa kan'ya at hindi ang lalaking mahal na mahal n'ya, pero taas-noo pa ring humarap si Layna kay Vanessa at nag-isip ng paraan para malulusutan iyon.
"Iniwan ko kasi, masyadong malaki ang bato, baka pag-interesan mo, nakakasilaw pa naman sa ganda kagaya ko," maangas na sagot ni Layna.
Naglakad palapit si Vanessa kay Layna. Si Layna ay hindi natinag sa kinatatayuan n'ya at nakipag titigan kay Vanessa. Ang iniisip lang nito ay hindi s'ya dapat mapahiya kay Vanessa.
"Naiwan? O baka wala naman talaga? Alam naman ng lahat na baliw na baliw ka kay Liam," mapang-inis na sabi ni Vanessa.
"Simula ng umalis ako sa bahay ni Liam na nakita ko kayong magkasama ay wala na lahat ng nararamdaman ko kay Liam dahil nahaluan na s'ya ng maduming kagaya mo," matapang na sagot ni Layna.
Mahina ang damdamin ni Layna, pero kung makikipag away lang naman ay wala s'yang sinasanto kahit na sino, lalo na ang babaeng nasaharapan n'ya ngayon na kaya n'yang ilampaso ang mukha sa kalsada.
"Kaya pala isang text ko kang sayo gamit ang phone ni Liam ay nandito ka agad," isa na naman butas na patama ni Vanessa kay Layna.
Naglakad si Layna palapit kay Vanessa na halos konti na lang ang pagitan ng dalawang babae na nagkakainitan na dahil sa asaran ng mga ito. Binigyan ni Layna ng isang sweet smile si Vanessa sabay taas ng kanang kamay ni Layna at buong lakas na sinampal si Vanessa. Sa lakas noon ay muntik ng mawalan ng balance si Vanessa lalo na at nakasuot ito ng heels.
Nag-cross arm si Layna sabay taas ng kilay nitong tinignan si Vanessa na matalim na tingin kay Layna at namumula ang pisnge nito dahil sa pagsampal na ginawa ni Layna.
Isang tagumpay na ngisi ang binigay ni Layna kay Vanessa dahil sa galit na galit na itsura ni Vanessa.
"Gusto kong ibigay iyan kay Liam, kaso ikaw ang nadatnan ko kaya ipaabot mo na lang sa kan'ya, b***h!" mapang-asar na sabi ni Layna.
Umayos ng tayo si Vanessa, nagmadali itong pumunta kay Layna at tinulak si Layna para mapaupo sa kalsada, pero agad na na-balance ni Layna ang kan'yang sarili.
"Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin!" galit na sigaw ni Vanessa kay Layna.
Lalong napangiti si Layna dahil napikon nito si Vanessa. Balak na sabunutan ni Vanessa si Layna, pero isa pang sampal ang ginawa ni Layna kay Vanessa sa kaliwang pisnge naman ito.
"Masyado kang madumi para lumapit sa kagaya ko!" sabi ni Layna.
Lalo namang nagalit si Vanessa na namumula na ang buong mukha nito.
"Hayop ka!" galit na galit na sabi ni Vanessa.
Susugod pa ulit ito kay Layna ng sinipa ni Layna si Vanessa sa puson dahilan ng pagkaupo ni Vanessa sa kalsada na halos maduwal na ito dahil sa sakit na ginawa ni Layna.
Naglakad si Layna palapit kay Vanessa na halos hindi na makagalaw dahil sa sakit ng nararamdaman nito sa pagkasipa n'ya sa puson nito.
Kinuha ni Layna ang kaliwang kamay ni Vanessa kung saan nakasuot ang singsing nito. Ayaw pang ibigay ni Vanessa ang kamay n'ya ng ambahan ni Layna na sasampalin ito kaya walang nagawa si Vanessa kung hindi hayaan si Layna na kuhanin ang singsing nito sa kamay n'ya.
"Low taste," lait ni Layna sa singsing ng mahawakan n'ya ang simpleng singsing.
"Ibalik mo sa akin iyan!" sigaw ni Vanessa.
Lumayo si Layna kay Vanessa at tinignan ito na hindi makatayo habang hawak-hawak ang tyan n'yang sinipa ni Layna.
"Alin? Itong singsing?" mapang-asar na tanong ni Layna kay Vanessa.
Ngumisi si Layna at bumwelo ito sabay hagis ng singsing sa gitna ng kalsada.
"No!" sigaw ni Vanessa.
Gumakapang ito ng konti sa harapan ng kalsada kung saan tinapon ni Layna ang singsing.
"Opps, sorry sadya ko!" mapang-inis na sabi ni Layna.
Sinamaan ng tingin ni Vanessa si Layna ng tingin na parang gusto na nitong maiyak dahil sa ginawa ni Layna sa kan'ya.
"Malalaman ito ni Liam!" sigaw ni Vanessa na ikinatawa naman ni Layna.
"Kahit magsumbong ka pa sa tatay mong kalbo!" natatawang sabi ni Layna.
Tumigil sa pagtawa si Layna at seryosong tinignan si Vanessa. "Tsk, too weak, too much make-up, low classy, little brain, goodluck sa kasal n'yo ni Liam," seryosong sabi ni Layna sabay talikod kay Vanessa.
Agad itong sumakay sa kotse n'ya at isang mapang-inis na kindat ang binigay ni Layna.
"Masmaganda pa rin ako," sabi ni Layna habang nasaloob ng kotse at nakasilip sa bintana.
Iniwan n'ya si Vanessa na namimilipit sa sakit sa pagsipa n'ya. Seryoso s'yang nakatingin sa daan at doon na unti-unting tumulo ang luha sa mga mata n'ya na kanina n'ya pa tinatago sa matapang n'yang itsura.
Isang pagtarak sa puso n'ya ng malaman nitong ikakasal na si Liam hindi sa kan'ya kung hindi sa babaeng pinalit pa nito na halata naman na masmaganda siya kesa kay Vanessa.
"Ahhh!" sigaw ni Layna habang nag-dra-drive ito ng kotse n'ya.
Hininto n'ya ang kotse sa gitna ng kalsada dahil nakalayo na ito kay Vanessa. Pinatong ni Layna ang ulo n'ya sa manubela at doon umiyak.
Hindi n'ya alintana ng ang mga busina na naririnig n'ya dahil nakaharang ito sa kalsada. Hindi pa rin kayang tanggapin ni Layna na pinagpalit siya ni Liam sa malanding babaeng iyon.
"Hey!"
Umangat ang tingin ni Layna ng mayroong kumutok sa bintana ng kotse n'ya. Agad nitong pinunasan ang luha n'ya sabay baba ng bintana para tignan ang lalaking kumatok.
Seryoso n'yang tinignan ang seryosong lalaking nakatayo sa labas ng sasakyan n'ya. Agad na lumabas si Layna para tignan ang lalaking iyon.
Unang tingin n'ya pa lang ay sobrang seryoso at gwapo din ang lalaking iyon. Mukhang mayaman dahil sa suot nitong black suit with blank face look.
Tumaas ang kilay n'ya na parang makilala nito kung sino ang kaharap n'ya. Huminga ng malalim si Layna sabay ngiti sa lalaking kaharap nito.
"You're blocking the road!" walang emosyon na sabi ng lalaki.
"I know you," sabi ni Layna sa lalaki.
Wala naman naging reaction ang lalaki doon. Tatalikod na dapat ang lalaki ng hilahin ni Layna ang ang suot nitong necktie sabay halik sa lalaking kakikita lang n'ya sa gitna ng kalsada.
Hindi alam ni Layna kung ano ang nagtulak sa kan'ya para halikan ang President ng Arme Corporation na si Snipe Swaggerty.
Bigla s'yang tinulak ni Snipe at isang masamang tingin ang binigay ni Snipe kay Layna.
"You're insane," seryosong sabi ni Snipe bago ito tinalikuran si Layna.
"Isa pang weak!" sabi ni Layna bago ito pumasok sa loob ng kotse.
Pinaandar n'ya ang kotse n'ya papunta pauwi sa bahay n'ya. Gusto na lang magpahinga ni Layna dahil sa nalaman n'ya ay parang buong taon s'yang nagtratrabaho na walang pahinga sa nararamdaman n'ya.
Mayroon pa s'yang kikitain na mapapangasawa n'ya na hindi n'ya alam kung gwapo ba o mabait ba iyon, pero papakasalan n'ya na wala man lang kaangal-angal dahil sa sugatan nitong puso dahil sa ex-boyfriend n'yang gago.
Pagdating ni Layna sa bahay nila ay wala na itong pinuntahan pa na kahit ano at dumiretso na agad sa kwarto n'ya. Sumubsub agad ito sa kama n'ya sabay talukbong ng kumot.
Doon na lang ito tahimik na umiyak habang inaalala ang mga sweet memories nila ni Liam na s'ya palang ang babaeng mahal na mahal nito.
Si Liam ang first love ni Layna kaya hindi nito akalain na sasaktan s'ya. Si Liam lang ang nakatanggap sa kan'ya, bawat gustuhin ni Layna ay naka-support si Liam. Si Liam ang pangarap na lalaki ni Layna kaya paano n'ya makakalimutan ito.
Lalo n'yang hindi matanggap sa babaeng malandi pa s'ya pinagpalit. Kung makikita n'ya ang lalaking ipapakasal sa kan'ya ay kahit kailan ay hindi n'ya ito mamahalin dahil isa lang ang mahal n'ya si Liam at wala ng iba pa.
Itutuloy lang nito ang pagpapanggap na wala s'yang paki-alam sa lahat ng nakapaligid sa kan'ya.