Layna's Point of view
Nakatayo ako sa tapat ng isang malaking bahay. Madilim, malamig na gabi. Nakainom ako ng kaunti, pero alam ko kung nasaan ako, sa bahay ni Liam Vargas, Ang ex-boyfriend ko na pinagpalit ako sa ibang babae.
Kahit na pinagpalit ako ni Liam s'ya pa rin ang lalaking mahal na mahal ko at s'ya lang ang mamahalin ko.
Naglakad ako papuntang gate ng bahay ni Liam, binuksan ko iyon para makapasok ako, hindi naman naka-lock kaya madali lang akong nakapasok.
Ilang beses na akong nagpunta dito, halos kabisado ko na ang bahay n'ya.
Pagpasok ko sa loob ng bahay ay tahimik ang lugar, madalim at malamig, pero kahit anong dilim ng lugar ay kitang-kita ko pa rin si Liam.
Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko ng makita ko si Liam at si Vanessa na naghahalikan sa living room.
Gusto ko na lang tumakbo at umalis sa lugar na iyon para hindi makita ang dalawa. Wala na akong karapatan na magalit, pero sobrang sakit sa akin na makita ko ang taong mahal ko na mayroong kahalikan na ibang babae na dapat ay ako.
Napahawak ako sa bibig ko para pigilan na gumawa ng ingay dahil hindi ko na kayang pigilan ang luha ko sa pagtulo.
Napaatras ako ng biglang tumingin sa akin si Liam sa akin. Nagtama ang mata namin, ang mata n'ya na puno ng magmamahal at saya sa tuwing nakikita ako ay napalitin ng isang malamig na tingin.
"Sino s'ya, mahal?" tanong ni Vanessa kay Liam ng makita n'ya ako.
"Ako ang mahal n'ya!" sabi ko kay Vanessa.
Napatingin sa akin si Vanessa mula ulo hanggang paa.
"Hindi na kita mahal," malamig na sabi ni Liam sa akin.
"L-liam," puno ng sakit ang boses ko na tawagin ko si Liam sa pangalan n'ya. Parang mayroong nakabara sa lalamunan ko at ramdam ko ang sakit.
Tinignan ko si Liam. Yumakap si Vanessa kay Liam at tinignan ako na para bang iniinis n'ya ako.
"Ako na ang mahal ni Liam," sabi ni Vanessa.
Hinawakan n'ya sa pisnge si Liam at hinarap n'ya sa kan'ya sabay hinalikan n'ya si Liam sa harapan ko.
Napayukom ang kamao ko dahil sa inis ko sa babaeng iyon. Mabilis akong naglakad papunta kay Vanessa at hinila ko ang buhok n'ya.
"Malandi ka!" galit kong sigaw sa kan'ya.
Gusto kong maubos ang buhok n'ya dahil doon gagaan ang kalooban ko.
"Layna, stop!" awat sa akin ni Liam, pero hindi ako nagpaawat at pinagpatuloy ko ang pasabunot kay Vanessa.
"Let go of me!" sigaw ni Vanessa.
Ano ako tanga para pakinggan ka? Lalo ko pang hinila ang buhok n'ya. Napabitaw ako sa pagkakahawak kay Vanessa ng hawakan ni Liam ang braso ko.
"Nasasaktan ako!" daing ko kay Liam ng higpitan n'ya ang pagkakahawak n'ya sa akin.
"Tumigil ka na! Si Vanessa ang totoong mahal ko at hindi ikaw!" galit na sabi sa akin ni Liam.
Tinulak ako palayo sa kan'ya dahilan ng pagtumba ko sa floor.
"Liam!" nagmamakaawa kong tawag.
"Umalis ka na," malamig na sabi sa akin ni Liam.
Tinignan ko si Vanessa na ngumisi sa akin na akala mo ay nanalo na s'ya.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa floor ng bahay ni Liam at taas-noo akong humarap sa kanila.
Marahas kong pinunasan ang luhang tumutulo sa mata ko. Tinignan ko silang dalawa at isang pekeng ngiti ang binigay ko sa kanila.
"Liam, sana magsisi ka sa desisyon mo, makakahanap ako na masbetter sayong gago ka!" galit kong sigaw sa kanila.
Nilipat ko ang tingin ko kay Vanessa. "Mabuntis ka sana ng maaga, malandi ka!" galit ko ring sabi.
"Papakasalan ko s'ya kung mangyayari iyon," sabi ni Liam sa akin.
Natigilan ako sa sinabi ni Liam. Pinipigilan ko ang sarili ko na umiyak kahit na hirap na hirap na akong pigilan para lang ipakita sa kanila na malakas ako.
Seryoso kong tinignan si Liam. Ang lalaking minahal ko sa lahat, ang lalaking handa kong pakasalan ay pinagpalit ako sa isang malanding babae.
"Hindi sana ikaw ang tatay," huli kong sabi bago ko sila talikuran sabay mabilis na naglakad palabas ng bahay ni Liam.
Pagkalabas ko ay kasabay ang sunod-sunod na pagtulo ng luha ko. Tumakbo ako papuntang kotse, pumasok ako sa loob at pinatakbo ng mabilis ang kotse.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta, pero napahinto na lang ako sa gilid ng kalsada at pinatong ko ang ulo ko sa manibela para doon ko ibuhos lahat ng pag-iyak ko.
Sobrang sakit na ng puso ko. "Wahhhh!" sigaw ko.
Hinampas ko ang manibela. Hindi ko alam kung gagaling pa ba ang sugat na binigay sa akin ni Liam.
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko pag nawala sa akin si Liam. Si Liam lang ang gusto kong makasama habang buhay.
Bumaba ako sa kotse ko at saktong paglabas ko sa kotse ay biglang umulan. Walang masyadong nagdadaan na sasakyan dahil malalim na ang gabi.
Sumandal ako sa kotse ko, patuloy na umiiyak sa gitna ng dilim, ramdam ko ang sakit ng mundo dahil sa nakita ko kanina sa bahay ni Liam.
Dahan-dahan akong napaupo sa kalsada. Basang-basa na ako ng tubig ng ulan, pero parang wala akong nararamdaman.
"Makakahanap din ako ng lalaking mamahalin ako!" sigaw ko sa kawalan.
Niyakap ko ang sarili ko at pinatong ko ang ulo ko sa tuhod ko. Hinayaan ko na lang ang sarili ko na mabasa ng ulan.
"Mahihiwalay rin sila," umiiyak kong sabi.
Pinikit ko ang mata ko at pinakinggan ang pagpatak ng tubig ulan sa kalsada kasabay ang pagtulo ng luha ko.
Ilang oras akong nakaupo sa kalsada gusto ko ng umuwi, pero wala akong lakas para tumayo. Feeling ko ay nahihilo at ang sama ng pakiramdam ko.
Pinilit kong tumayo para pumasok sa loob. Napahigpit ang pagkakayap ko sa sarili ko dahil sa lamig.
Isinandal ko ang ulo ko sa upuan ng kotse ko at tulala akong nakatingin sa labas. Wala namang mali sa akin, bakit ako nasasaktan ng ganito.
Kung hindi si Liam ang para sa akin ay wala na akong mamahalin na lalaki pa sa buhay ko. Masmaganda na wag na lang akong magmahal.
Muli kong pinaandar ang kotse ko para umuwi na. Bwisit na nga ang nakita ko sa Jacob's bar pati ba naman sa bahay ni Liam ay bwisit pa din.
Pinunasan ko ang natitirang luha sa mata ko para hindi mahalata ni Mama na umiyak ako.
Pagdating ko sa bahay ay patay na ang lahat ng ilaw. Ginamit ko ang phone ko para makita ko ang dadaanan ko papunta sa second floor sa kwarto ko.
Pagpasok ko sa kwarto ay nagpalit lang ako ng damit at humiga na agad sa kama ko. Nakatitig lang ako sa kawalan habang iniisip ang lahat ng nakita ko ngayon.
"Sana pag sisihan n'ya lahat ng ginawa n'ya sa akin," sabi ko sa sarili ko.
Pinikit ko ang mata ko para matulog na. Ramdam ko ang pagod sa katawan ko. Hindi ko namalayan ay nakatulog na ako.
Kinabukasan
"Papayag kaya s'ya?"
"Honey, baka magalit lang si Layna."
"Baka hindi pumayag si Layna, kahihiwalay pa lang nila ni Liam."
Dinilat ko ang mata ko dahil sa ingay na naririnig ko mula sa kwarto ko.
"Ang aga-aga ang ingay nila!" irita kong sabi.
Inaantok pa ako ng bumangon ako sa kama para tignan kung anong ingay ang naririg ko galing sa labas ng kwarto.
Boses lang naman iyon ng pamilya ko. Tumayo ako mula sa kama at naglakad papuntang pinto.
Agad kong binuksan ang pinto, bumungan sa akin ang magulang ko at si Ate Layla kaya tinaasan ko ng kilay ang magulang ko at si Ate Layla.
"Wala ba kayong mapwestuhan at sa tapat kayo ng kwarto ko nag-iingay?" irita kong tanong sa kanila.
"Layna," tawag sa akin ni Papa.
Nalipat ang tingin ko sa kan'ya. Kumunot ang noo ko ng makita ko sa mukha n'ya na parang mayroon s'yang gustong sabihin sa akin.
"Ano iyon, Pa?" tanong ko na kay Papa.
Ayoko ng mag sayang ng oras para hintayin na s'ya ang maunang magsalita.
"Layna, gusto naming ipakilala sayo ang anak na lalaki ng mga Montelle," sagot ni Papa.
Lalong napakunot ang noo ko dahil sa sagot ni Papa.
"Honey, wag mong biglain si Layn—"
"Iyan lang ba ang sasabihin mo, Pa?" walang gana kong tanong kay Papa.
"Gusto namin na makilala mo s'ya," dagdag ni Papa na sabi.
"Wala na akong balak na kumilala pa ng ibang tao," sagot ko kay Papa.
Tumalikod ako sa kanila para muling bumalik sa loob ng kwarto ko. Mayroon akong trabaho kaya kailangan ko ng mag-ayos ng sarili ko.
"Balak ka naming ipakasal sa kan'ya," diretsong sabi sa akin ni Papa.
Tumigil ako sa paglalakad at dahan-dahan na humarap kila Papa.
"Si Liam ang gusto kong pakasalan," walang buhay kong sabi sa kanila.
"Hindi ka bagay kay Liam," sabat ni Ate Layla.
"S'ya lang ang mahal ko," sabi ko pa.
"Ang anak na lalaki ng mga Montelle ang susunod na President ng Montelle company, mabait at matalino na bata si Uzi Montelle," paliwanag naman ni Mama.
Napa-smirk naman ako dahil sa pa puring natanggap ni Uzi mula sa aking mga magulang. Kung makapagsalita sila para bang nakasama na nila ang lalaking iyon.
"Wala akong paki-alam kung ano pa ang magiging position n'ya," sabi ko.
"Nakita ko na si Uzi, sa aking palagay ay mas better si Uzi kaysa kay Liam," sabi naman ni Ate Layla.
Naglakad palapit si Papa sa akin. "Gusto ko lang na sumaya ka kaya namin ginagawa ito," paliwanag sa akin ni Papa.
"Pangalan pa lang, ayoko na sa lalaking iyon," sabi ko sa kanilang lahat.
Umayos ako ng tayo at tinignan ko si Papa. "Pero kung ano ang gusto n'yo ay susundin ko, dahil wala rin naman akong magagawa, hindi ba, Ma?" sabi ko sabay tingin kay Mama.
Hindi naman sila kagaya ng ibang magulang na pipilitin ang anak nila sa hindi nito gusto, pero kilala ko ang magulang ko. Gagawa sila ng paraan para masunod ang gusto nila.
Hindi ko namamalayan na sumasang-ayon na pala ako sa gusto nila at dahil ganoon lang din naman ang mangyayari bakit hindi ko na lang sundin.
Wala ng mas better kay Liam, pero titignan ko kung totoo ang sinasabi ni Layla.
"Pumapayag ka ng ikasal kay Uzi?" masayang tanong ni Mama sa akin.
Umiling ako sabay ngiti kay Mama. "Pumapayag lang akong makipag kita at pag-iisipan ko kung papayag ako o hindi," paliwanag ko kay Mama.
Tumalikod ako sa kanila at naglakad ako papuntang bathroom. Agad kong sinarado ang pinto ng bathroom at napasandal ako sa pinto.
Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang kamay ko. Ayokong gumawa ng ingay dahil alam kong nag-aalala lang sila sa akin kaya nila ginagawa ang lahat ng iyon.
Kahit na sinong lalaki pa ang ipakilala nila sa akin ay si Liam lang ang mahal ko. Kaya kong magpanggap na matapang at okay lang ako sa harapan ng ibang tao.
Muling tumulo ang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ng puso ko ngayon. Sobrang lungkot ng buhay ko dahil kay Liam.
Pinunasan ko ang luha ko. Mayroon akong trabaho kaya kailangan kong pumasok. Hinubad ko ang suot ko at tumapat sa shower.
Hinayaan ko lang na dumampi sa balat ko ang malamig na tubig na nagmumula sa shower.
Biglang mayroong pumasok sa isip ko na isang idea. Napangisi ako sa naisip ko na 'yun.
Agad kong binilisan ang pagligo at baka malate ako sa trabaho ko. Isa akong Architect at mayroon akong client na pupuntahan ngayon.
Kinuha ko ang business attire ko, konti ayos at make up sa sarili ko. Tumayo ako sa harapan at pinagmasdan ko ang sarili ko.
"Wala dapat makahalata na naghahabol ako sa isang lalaki," sabi ko sa sarili ko.
Kinuha ko ang shoulder bag ko at muling naglakad palabas ng bahay. Paglabas ko ay sumakay ako ng kotse at nag-drive papuntang office ko.
Nanliit ang paningin ko ng mayroong puting kotse ang nag-over take sa akin.
"Hari ba s'ya ng kalsada?!" inis kong sabi.
Binilisan ko rin ang pagmamaneho ko ng kotse para makapunta ng office ko agad.