Layna's point of view
"Layna, ano ka ba bakit ang gulo ng buhok mo?" tanong sa akin ni Ate Layla.
Nandito kami ngayon sa isang malaking bahay or should I say mansion ng mga Montelle. Ngayon nila ipapakilala si Uzi Montelle sa akin, ang papakasalan ko kahit hindi ko naman mahal. Hindi ko naman mapapakasalan na si Liam kaya sa hindi ko rin naman ako makakasal bakit hindi ko pa sundin ang magulang ko.
Tinignan ko si Ate na inayos ang buhok ko. Nasa loob pa kami ng kotse si Mama ang nasa passenger seat, kaming dalawa ni Ate Layla ang nasa backseat.
"Sigurado akong magugustuhan mo si Uzi Montelle, para s'yang dream guy," excited na sabi ni Ate.
Ngumiti ako kay Ate na para bang excited akong makita ng baril na iyun. Bumaba na sila sa sasakyan. Nakita ko ang kabuoan ng exterior design ng mansion ng Montelle. Tinignan ko roof design nila na naka butterfly design. Ano itsura? Butterfly nga.
"Butterfly roof," nakangiting sabi ni Ate.
Maganda nga dirty white ang kulay ng wall and maganda rin na mayroon sila glass wall. Kung gusto mong magtipid sa tubig recommended ang butterfly roof, bakit? Dahil pag-umuulan ay mapupunta sa can capturing the rainwater in the central basin of the roof. Pwede iyong gamitin pangdilig, pang flash ng toilet at kung hindi ka malandi ay pang-inom na rin.
Naglakad kami papunta sa main door nila. Nauuna silang tatlo sa akin at ako naman ay pinagmamasdan ko ang luntian nilang paligid. Mukhang mahilig sa halaman ang may-ari ng bahay na ito.
Pagkapasok namin sa loob ay wala ng duda ang laki at aliwalas ng loob nitong malaking bahay. Mayaman nga talaga ang Montelle.
Isang magandang babae ang sumalubong sa amin siguro ay ang the Wife. Pinagmamasdan ko lang ang paligid nito. Kinakatok ko wall kung maganda ba ang pagkakagawa.
"Layna, anong ginagawa mo? Andiyan na si Mrs. Montelle," sabi sa akin ni Ate Layla na tumabi sa akin.
"Nag-aayos pa ng dining table ang aming mga maid, umupo muna kayo," nakangiting sabi ni Mrs. Montelle sa amin.
Lumipat ang tingin n'ya sa akin kaya nag-bow ako.
"Magandang hapon po, Mrs. Monte—"
"Pwede mo ba akong tawagin, Mama, Ija," masayang sabi sa akin ni Mrs. Montelle.
Nilapitan n'ya ako at nakipagbeso-beso sa akin. Tinignan n'ya ako mula ulo hanggang paa. Bakit kailangan n'ya pang gawin iyon? Alam ko naman na maganda ako kaya wala s'yang makikitang kapangitan sa akin.
"I heard, your an Architect," sabi n'ya sa akin.
Tumango ako sa kan'ya. "Tama po kayo ng narinig," sagot ko sa kan'ya.
"How's my home? Is it pass to the Architect eyes?" nakangiting tanong sa akin ni Mrs. Montelle.
Nilibot ko ang paligid ko para tignan ang buoan ng living room nila.
"Fancy in a cool way," sagot ko sabay tingin kay Mrs. Montelle.
Lumaki ang ngiti n'ya sa akin. "Ngayon palang kita nakita gusto na kita," nakangiting n'yang sabi sa akin.
"Ma'am, ready na po ang dinner," sabi ng isang maid nila dito.
"Sige, pakitawag na si Eula, at Uzi," sagot ni Mrs. Montelle.
Humarap sa amin si Mrs. Montelle. "Hali na kayo," aya n'ya sa amin.
Nagsimula kaming lumakad papunta sa Dinning area ng biglang dumikit sa akin si Ate Layla.
"Jackpot ka dito," bulong sa akin ni Ate Layla.
"Talaga?" tanong ko kay Ate.
Kung pera lang naman ang usapan jackpot talaga ako kung matutuloy ang kasal namin sa Montelle, pero first of all mayroon kaming pera kaya I don't need money.
"Gwapo pa ni Uzi, nakita mo ba ang picture sa living room?" tanong ni Ate sa akin.
Hindi ko ko napansin ang picture noon Uzi. Masyado kasi akong naka-focus sa design ng bahay. Saka makikita ko rin naman s'ya sa personal kaya hindi ko kailangan makita pa picture n'ya.
"Hindi ko napansin, iniisip ko kasi kagandahan ko," sagot ko kay Ate na nauna ng maglakad sa kan'ya.
Pagpasok ko sa dining area ay hindi na talaga ako magtataka. Umupo na ako dahil nakaupo na sila Mama. Maraming pagkain na nakahain sa amin sa wooden parkets dining table with glass on top.
"Nasaan si Henry?" tanong ni Papa kaya Mrs. Montelle.
"Pauwi na, mayroon kasing inasikaso ng biglaan sa office kaya urgent na pumunta doon kahit mayroong bisita dito," sagot ni Mrs. Montelle.
Mukha naman mabait si Mrs. Montelle kaya wala akong problema sa akin.
"I heard my name."
Lahat kami ay napalingon sa nagsalita. Hindi ko ma nakikita ang mga Montelle at ito ang una naming pagkikita dahil sa busy ako sa trabaho.
Tinignan ko ang lalaki na naka eyeglasses, black suit at mayroon pa itong hawak na attache case.
"Honey, you're here," masayang bati ni Mrs. Montelle sa lalaking kapapasok lang sa loob ng dining room.
Siguro s'ya si Mr. Montelle. Nagsitayuan sila Papa. Siniko naman ako ni Ate kaya napatayo na rin ako. Nag-bow ako ng konti ng tumingin sa akin si Mr. Montelle.
"Balae," tawag ni Mr. Montelle kay Papa at nag-shakehands sila.
Tumaas naman ang kilay ko dahil doon. Nalipat ang tingin ko sa babaeng kapapasok, pero kumunot ang noo ko ng makita lalaking kasunod ng babae.
"Mayroon po pala tayong bisita," nakangiting sabi ng isang sweet girl na babae.
"Maganda araw po sa inyo, my name is Eula Montelle," masihayin na pagpapakilala ni Eula sa amin.
"Napakagandang babae ang iyong nag-iisang anak na babae, Lorna, manang-mana sa iyo," bola ni Papa.
Alam kong bata iyan kesa sa akin, pero masmaganda pa rin ako. Ayoko lang pumatol sa bata baka umiyak, pero dahil mukha naman s'yang mabait ay mukhang magkakasundo kami.
"Salamat po," nahihiyang sabi naman ni Eula.
Umupo na ako dahil naiinip na ako, pura na lang pang-uuto sa isa't-isa ang sinasabi nila. Matalim na tingin pa rin sa lalaki ang binigay ko dahil sa nakita ko s'ya ay uminit na naman ang ulo ko. Sarap n'yang tinidorin.
"I'd like to introduce my son, Uzi Montelle," sabi ni Mr. Montelle sa lalaking mukhang asungot.
Lalong tumaas ang kilay ko ng walang sinabi ang jerk na ito. Umupo s'ya sa tapat ko at nagsimula ng kumain.
"Gwapo, pero mukhang suplado," bulong ng katabi ko.
"Bastos din," sagot ko kay Ate.
"Magkakaroon na kami ng isang Architect na anak," masayang sabi ni Mr. Montelle.
Nagsimula akong kumuha ng pagkain dahil nagugutum na ako.
"Magaling na Architect," sabi ko sa kanila habang kumukuha ako ng pagkain.
Narinig ko ang tawanan nila, pero si Uzi ay seryoso lang na kumakain sa harapan ko. Okay lang sa akin na ikasal sa iba, para malaman ni Liam kung sino ang sinayang n'ya, pero wag naman sana umabot sa unggoy na 'to.
"Ano ka ba, Layna," suway sa akin ni Mama.
Kibit balikat lang ako sa kan'ya. Sumubo na ako ng pagkain. Ayoko na magpakasala lalo na Uzi na ito.
"Palabiro ang aking bunsong anak," natatawa naman ni Papa.
"Na maganda," dagdag ko pa.
"Layna, tumigil ka na," suway sa akin ni Ate.
"Walang problema, totoo naman ang kaniyang sinasabi," sabi ni Mrs. Montelle.
See, paano ako magsisinungaling kung ang sagot ay kitang-kita naman sa akin. Ang pamilya ko walang kasupo-supportive.
"Layna Ija, magkakilala na ba kayo ni Uzi?" tanong sa akin ni Mr. Montelle.
Muli kong tinignan si Uzi na tahimik na kumakain.
"Hindi pa po," sagot ko.
Akala ko ay titingin si Uzi, pero hindi. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko.
"Balae, masmaganda kung iwan mo muna ang iyong anak na si Layna sa aming bahay para makilala n'ya ang aking anak na si Uzi," saad ni Mr. Montelle.
Umangat ang tingin ko kay Mr. Montelle na nakangiti. Nilipat ko ang tingin ko kay Uzi ang paghinto nito sa pagkain.
"Papa, what do you mean? Why Ate Layna need to stay here?" takang tanong ng bunsong anak ng mga Montelle.
"Because she your soon to be sister in law," nakangiting sagot ni Mrs. Montelle sa anak n'ya.
"Huh? Kuya, totoo? Paano si Ate Jasmin—"
Lahat kami ay nalipat ang tingin kay Uzi ng pabagsak n'yang binaba ang hawak n'yang spoon and fork sabay tayo. Isang seryosong tingin ang binigay n'ya sa aming lahat bago ito naglakad palabas ng dining area.
Kita mo na kabastusan ng isang iyon. Kung ayaw n'ya edi wag. Sa tingin n'ya pipilit ko na ikasal ako sa isang kagaya n'ya. Wala pa nga s'ya sa kalingkingan ni Liam kung makaarte s'ya akala mo hahabulin ko s'ya. Sa ganda ko na ito, asa s'ya.
"Uzi, comeback!" sigaw ni Mr. Montelle.
"Paumanhin, hindi pa kasi n'ya alam ang tungkol dito," mahinahon na sabi ni Mrs. Montelle sa amin.
"Bakit n'yo naman po ito ginawa? Kamamatay lang ni Ate Jasmine at Kuya Rifle," mayroong konting inis na sabi ni Eula sa kan'yang magulang bago ito tumayo.
Mana rin pala sa kuya n'ya ang bunso eh. Tumayo rin ako dahilan para mapatingin sila sa akin.
"Bastos talaga ang lalaking iyon!" inis kong sabi.
Naglakad ako palabas sa dining area.
"Layna, saan ka pupunta?!" sigaw sa akin ni Mama, pero hindi ko s'ya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
Nakita ko si Uzi na papaakyat sa kwarto n'ya kaya hinabol ko ito paakyat sa hagdanan nila. Wala akong paki kung unang beses ko palang tumapak dito.
Masyado s'yang bastos kaya kailangan s'yang turuan ng leksyon para magtanda. Pagkaabot ko sa kan'ya ay hinila ko ang damit nito sa likuran para mapatigil s'ya sa paglalakad.
Humarap sa akin si Uzi kaya sinamaan ko s'ya ng tingin. Mukhang hindi n'ya ako natatandaan, pero ako hindi ko makakalimutan ang pagmumukha ng jerk na ito.
"Pathetic!" sabi ko sa kan'ya pagkaharap n'ya sa akin.
Seryoso s'yang tumingin sa akin kaya binitawan ko ito at pinagpagan ko ang kamay ko sa harap n'ya. Humakbang ako ng isang step para makapatay sa kan'ya.
Walang s'yang reaction sa akin kaya natawa na lang ako bigla. Tama ang Ate, gwapo nga ang lalaki nito, pero hindi kasing gwapo ni Liam.
"Do you remember this gorgeous face?" nakangiti kong tanong sa kan'ya.
Nawala ang ngiti ko ng bigla n'ya akong tinalikuran at binaliwala ang beauty ko.
Tumakbo ulit ako paakyat. Pumunta ako sa harapan ni Uzi para hindi s'ya tuluyang makaakyat.
Kinuha ko ang kwelyo n'ya at seryoso ko s'yang tinignan.
"Hindi ka lang pala sa bar bastos, pati sa bahay n'yo rin!" seryoso kong sabi sa kan'ya.
Tinignan n'ya ako sa mata ko na wala akong makita na kahit anong emosyon sa mata at mukha n'ya.
Pumantay s'ya sa akin kahit na hawak ko pa rin ang damit nito. Nagulat ako ng hawakan n'ya ang kwelyo ko at nilapit n'ya sa sarili n'ya. Hindi ko na pinakita na natatakot ako sa kan'ya. Who is he?
"You better shut your f*****g mouth, b***h!" mariin n'yang sabi sa akin bago ako itulak dahilan ng pagtumba ko sa floor ng second floor nila.
Agad akong tumayo at sinipa ko s'ya sa likod dahilan ng mapaluhod ito sa sahig.
"Fix your attitude, Jerk!" singhal ko sa kan'ya.
"f**k!" sigaw nito sa akin.
Muli s'yang tumayo at lalapit sa akin. Inayos ko ang suot kong damit at naghahanda makipag laban sa kan'ya.
"Uzi!" sigaw ng isang malamig na tinig ng lalaki.
Sabay kaming napalingon at nanlaki ang mata ko ng makita si President Snipe na seryosong nakatingin sa amin. Napakunot ang noo ko dahil kay Snipe.
Anong ginagawa n'ya sa bahay nila Uzi. Tumalikod si Uzi at nagsimula na ulit maglakad. Si Snipe naman ay umakyat sa second floor, pero isang mabilis na tapon na tingin lang ang binigay sa akin bago ako lagpasan nito.
Magkaibigan ba sila? Baka naman silang magkaibigan dahil pareho silang walang modo.
Balak ko sana silang batuhin kaso wag na lang baka umiyak pa sila saka sayang lang ang effort ko kung itutuon ko sa kanila.
Tumalikod ako at padabog na bumaba sa hagdan. Kung hindi lang matino isip ko sinunog ko na bahay nila sa inis ko sa lalaking iyon.
Hindi ko na hinintay pa ang magulang ko at lumabas na ako mag-isa sa bahay ng Montelle sabay alis doon.