Uzi's point of view
"Who's that girl?" Snipe asked me.
Inis akong pumasok sa loob ng kwarto ko at napatukod ang dalawa kong kamay sa table sabay yukom ng mariin. They fvcking kidding me?
Narinig ko ang pagsarado ng pinto ng kwarto kaya umiwas ako ng tingin kay Snipe.
"What's the problem?" Snipe asked me again.
"Nothing," mahina kong sagot.
Pero pinipilit ko lang na ilabas ang sama ng loob ko dito. Gusto kong magwala at magsabi ng mga hindi magandang salita, pero pinapakalma ko ang sarili ko.
"What are you doing here?" walang gana kong tanong kay Snipe.
"I checked my CCTV camera on the day of Rifle got shot, and Jasmine hit by car," sagot ni Snipe sa akin.
Agad akong napatingin kay Snipe sa sinabi n'ya. Mayroon itong pinakita ng flashdrive sa akin at hinagis iyon sa table na nakalagay sa loob ng room ko.
"Matibay na ibendensya, pero wag kang mabibigla," seryosong sabi sa akin ni Snipe.
Pinasok n'ya ang kanan n'yang kamay sa bulsa nito bago s'ya tumalikod sa akin.
"Kailangan nating bantayan si Xyra," sabi pa ni Snipe sa akin.
Kinuba ko ang flashdrive sa table at tinignan si Snipe dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi n'yang bantayan si Xyra.
"Mayroon bang kinalaman si Xyra?" seryoso kong tanong kay Snipe.
"Oo, mayroon s'yang kinalaman kay Rifle," walang emosyon na sagot ng kaibigan ko sa akin bago ito lumabas.
Pagbukas ng pinto ni Snipe ay tumambad doon sila Mama at Papa.
"President Snipe, nandito ka pala?" masiglang bati ni Papa kay Snipe.
"Yeah, I'd like to visit my friend, if he doing alright," sagot ni Snipe.
Nag-bow si Snipe kila Papa.
"Maraming salamat naman kung naaalala mo si Uzi kahit napaka busy ng isang kagaya mo," nakangiting sabi ni Mama.
"I pay my attention to my friend If they needed my presence. I don't care how busy I am," sagot ni Snipe kay Mama. "I need to hurry, Uncle and Auntie," paalam ni Snipe.
"Kumain ka muna," aya ni Mama.
"No with thanks, Auntie," sagot ni Snipe kay Mama.
Bago umalis si Snipe ay hinalikan ni Snipe si Mama sa pisnge.
Nang tuluyan ng makaalis si Snipe ay seryoso kong tinignan sila Mama. Gusto kong sumabog sa galit dahil sa narinig.
"Anong ibig sabihin noon?" seryoso kong tanong sila.
Hindi ko malaman kung ano ang nasa isip nila para gawin sa akin ang bagay na ito.
"Ayaw kong nakikita kitang gan'yan, Uzi," sagot ni Mama sa akin.
Kumunot ang noo ko sa sagot ni Mama sa akin, tinignan ko si Papa kung seryoso ba talaga sila sa sinasabi nila.
"Mabait si Layna," sagot ni Mama sa akin.
"Wala akong pakialam how good she is," inis kong sabi.
Walang makakapalit kay Jasmine sa akin, kahit ano o kahit sino pa ang ipakilala nila sa akin.
"Kailangan natin sila para sa negosyo natin, at kailangan ka nila para sa negosyo nila," paliwanag ni Papa sa akin.
Gusto kong matawa sa sinabi nila sa akin.
"Sila na lang ang pag-asa natin, malakas ang implowensya ng mga Cuevas," dagdag pa ni Papa.
Seryoso kong tinignan si Papa sa sinasabi n'ya sa akin. Iniisip ba nila ang nararamdaman ko para sabihin nila sa akin ang ganitong bagay.
"Nandyan ang Swaggerty," seryoso kong sagot.
P'wede naman akong humingi ng tulong sa mga Swaggerty para sa problema namin sa negosyo.
"Hindi mo naiintindihan, Uz—"
"Naiintindihan ko kayo, pero ako naiintindihan n'yo ba?!" galit kong saad.
"Uzi, wag kang nagtataas ng boses sa Papa mo!" galit na pigil ni Mama sa akin.
Kinalma ko ang sarili ko at iniwas ang tingin. Ilang linggo pa lang na wala si Jasmine, pero gusto na nilang palitan si Jasmine.
Wala akong pakialam sa babaeng iyon, kahit na gaano pa namin s'ya kailangan.
"Nauunawaan namin ang nararamdaman mo, pero ayaw naman naming ikulong mo ang sarili mo sa taong wala na!" seryosong bwelta ni Papa sa akin.
Napayukop ang kamao ko.
"Hahayaan mo na lang ang sarili mo na ganiya na lang? Anong gagawin mo? Magkukulong dito? And making yourself useless because of Jasmine death?!" paliwanag ni Papa sa akin.
I tried to hold back my tears from falling. They didn't how broke I am.
"Do something, you're my only son, and I don't want to give Eula—"
"Let her choose for her life," seryoso kong sabi.
Tinignan ko si Papa na sobrang seryosong nakatingin sa akin. Lumunok ako dahil pakiramdam ko mayroong malaking bato ang nakaharang sa lalamunan ko.
"Hindi ko gagawin ang bagay na ito kung hindi para sa atin, ang bawat na nangyayari sa pamilya na 'to ay apektado ang lahat, bring the old Uzi back," seryosong sabi ni Papa sa akin.
Naramdaman ko ang paglapit ni Mama sa akin, niyakap n'ya ako.
"Let me think about it," seryoso kong sagot.
Ang itsura ni Papa ay nag-iba at napangiti sa akin. Lumapit s'ya sa akin agad na niyakap.
"Alam kong maalagaan ka ni Layna," sabi ni Papa sa akin.
Nakatingin ako sa isang direksyon at iniisip kung ano ang mawawala sa akin kung gagawin ko ang gusto nila.
Si Jasmine ang gusto kong pakasalan, pero bakit sa ibang babae ako mapupunta. Kung susuwayin ko sila Papa ay hindi naman maibabalik si Jasmine.
Ang magiging dahilan ko lang para dito ay si Jasmine, pero wala na si Jasmine.
"Gusto naming bumalik ka na sa dati, nami-miss ko na ang anak kong si Uzi," sabi ni Mama sa akin habang nakayakap sa katawan kong hindi kumikilos.
"Malalagpasan mo rin 'yan ni Uzi," saad ni Papa.
Hindi ko alam kung kaya kong kalimutan si Jasmine, pero ayokong subukan na alisin ang lahat ng pinagsamahan namin ni Jasmine.
S'ya lang ang babaeng mamahalin ko, at wala ng ibang papalit sa kan'ya.
"I wanna be alone first," walang gana kong sabi sa kanila.
Agad na tumango ang mga magulang ko sa akin at nagsimula silang maglakad, pero ramdam ko ang pag-aalala nila sa akin.
Ano pa bang dahilan kung bakit ako nabubuhay? Para pahirapan ang sarili ko?
Naramdaman ko ang pagsarado ng pinto ng kwarto. Huminga ako ng malalim at napaupo ako sa kama ko ng wala sa katinuan.
"Bakit kasi ang aga mo umalis, Jas?" nagsusumamo kong tanong sa kawalan.
"Gusto ko na lang sumama sa 'yo," dagdag ko pa.
Naramdaman ko ang luha na pumatak sa kamao ko na nagmula sa mata ko.
Wala na akong dahilan para mabuhay, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Masmabuti na lang sundin ko na lang ang magulang ko.
Wala na rin naman silbi ang buhay ko. Pinunasan ko ang luha sa mata ko at humiga sa kama.
Paano ako makakawala sa sitwasyon na ito? Na kahit kailan ay hindi ko na makikita ang solusyon sa problema ko.
Pinikit ko ang mata ko at hinayaan na muling ilabas ang sakit ng iniwan ni Jasmine sa akin.
"Sana pag gising ko kasama na kita," mahina kong saad habang nakapikit, walang ganang gumalaw sa malambot na hingaan.
Hinayaan ko ang sarili ko na makatulog na lang ulit. Kahit na kagigising ko pa lang ay pakiramdam ko ay nasa katawan ko ang lahat ng pagod.
Layna's point of view
"Gusto mo bang maiwan dito? Para naman makilala ka pa namin," masayang tanong ni Mrs. Montelle sa akin.
Mukhang interesado na sila sa akin ngayon. Ayokong suwayin ang mga magulang ko, pero 'yung jerk na iyon ay mukhang hindi lang kami magkakasundo.
"Alam kong hindi kami nakatadhana ni Uzi, pero ayokong magpakasal sa kan'ya," seryoso kong sabi.
Ayoko sa isang walang modong lalaki dahil baka isang araw pa lang kaming magkasama ay pinatay ko na ang ungas na iyon.
Lahat ng mukha nila ay nalipat sa akin at kunot noong nakatingin sa akin dahil sa gulat sa sinabi ko.
"We just talked about this, right Layna?" seryosong tanong ni Papa sa akin.
Humarap ako kay Papa. "Baka mayroon pa silang ibang anak na lalaki, basta wag lang ang Uzi na iyon," seryoso kong sagot ko kay Papa.
"Isa lang si Uzi," saad naman ni Uncle Henry.
Buti naman at isa lang ang Uzi na iyon.
"Ija, may I know your reason why you don't like my son?" mahinahon na tayong ni Aunt Lorna.
Nakatingin silang lahat sa akin. Ramdam ko ang ang pressure ngayon dahil sa mga tingin nila sa akin. Pumayag na lang kaya ako tapos igapos ko si Uzi para hindi ko makita.
"I just hate your son's attitude," seryoso kong sagot.
Nakita kong tumango si Aunt Lorna sa sagot ko. Mukhang naiintindihan n'ya ang sinabi.
"You just met today, paano mo nalaman ang ugali ni Kuya Uzi?" mataray na tanong na kapatid na babae ni Uzi sa akin.
Tinignan ko ang batang iyon dahil sa tingin n'ya sa akin. Tinatarayan n'ya ba ako? Baka gusto n'yang ikulong ko s'ya sa kwarto n'ya. Ano pa ba ang ipagtataka ko same attitude sila ng kapatid n'ya.
Isang pekeng ngiti ang binigay ko kay Eula. Sa naging expression ng mukha n'ya ay alam n'yang kaplastikan ang ngiti ko.
"Gusto ko sa lalaki ang kaya akong ipagtanggol, pero ang kuya mo, waek!" seryoso kong sagot.
Naramdaman ko ang paghawak ni Ate Layla sa braso ko para pigilan ako.
"Layna, stop!" suway ni Mama sa akin.
Sumandal ako sa sofa nila. Nandito na pala kami sa living room nila para mag-usap dahil sa kaartehan ng lalaking nagkukulong sa kwarto n'ya ngayon.
I must be locked in my room, pero dinaig n'ya pa ako.
"Hindi mo alam ang nararamdaman ni Kuya Uzi ngayon, kaya kung wala kang sasabihin na maganda, shut your mouth," sagot ni Eula sa akin.
Bigla akong napatayo sa bastos na batang ito. Masyado s'yang ma-attitude sa akin, at kung ako magiging kapatid n'ya, hindi p'wede sa akin ang ganiyan.
"Eula, give some respect to Cuevas, just go to your room!" galit na disiplina ng kaniyang Papa.
Seryoso kong tinignan si Eula at seryoso rin s'yang nakatingin sa akin.
Mukha s'yang matalino, hindi iyon mapapagkaila, pero masyadong matabil ang dila n'ya.
Hinihila ni Layna ang braso ko para pabalikin sa pag-upo, pero hindi ako nagpapatinag sa batang nasa harapan ko.
"Bakit alam mo ba ang nararamdaman ko?" seryoso kong tanong sa batang babae.
Hindi nagbabago ang expression n'ya sa akin at halatang matigas ang babaeng ito.
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Muli kong tinignan si Eula, dahil na pipikon na ako sa ugali n'ya.
"Hindi?" tanong ko sa tahimik na si Eula.
"Layna, pasyensya ka na sa anak ko, masyado lang s'yang malapit sa Kuya Uzi n'ya, kaya nag-aalala ito para kay Uzi," paliwanag ni Aunt Lorna.
Tinignan ko si Aunt Lorna sa sinabi n'ya. Tinuro ko ang sarili ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kanila.
"Mukha ko bang kakainin ng buhay ang lalaking iyon para mag-alala s'ya?" seryoso, pero medyo pikon kong tanong sa kanila.
Naramdaman ko ang pagtayo ng mga kasamahan ko, pero nakatingin pa rin sila sa akin.
"Mayroon kasing pinagdadaanan si Uzi kaya ganoon na lang ang ugali n'ya, pero mabait na bata ang anak ko," paliwanag pa ulit ni Aunt Lorna sa akin.
Umayos ako ng tayo. Binalik ko ang tingin ko kay Eula at seryoso ang mukha ko.
"Mayroon din akong pinagdadaanan, don't treat Uzi's special, dahil lahat tayo mayroong problema," inis kong sabi sa kanila.
Tumalikod na ako sa kanila para umalis. Ayokong maging bastos, pero mabilis maubos ang pasyensya ko ngayon.
Ano sa tingin nila si Uzi lang ang pinagdadaanan ngayon? Not knowing that how broke I am, it's because to my stupid ex-boyfriend na magpapakasal na sa kutong lupang si Vanessa.
Nagmamadali akong naglakad palabas ng malaking bahay nila. Sumakay ako sa kotse para umalis na mag-isa sa bahay na iyon.
Hindi kami bagay ni Uzi, at masmabuting wag na lang ituloy ang kasalang walang halong pagmamahalan.
Habang nakatingin ako sa daan na tinatahak ko ay tumulo na lang ang luha sa mga mata ko.
I don't deserve to be with, in this situation. Sa dami-daming lalaki sa mundo bakit ang ex ko pa ang nakilala ko.
Huminto ako sa gitna ng madilim na kalsada at niyuko ang ulo ko sa manibela.
"I don't deserve this!"