Layna's point of view
"I don't deserve this!" mahina kong sabi.
Ang ulo ko ay nakapatong sa manibela habang ang mga mata ko ay patuloy na naglalabas ng luha sa mga mata ko.
Tumunog ang phone ko. Umangat ang ulo ko para tignan kung ano iyon. Inaasahan ko na sila Mama ang magte-text sa akin.
Napasapo ako sa ulo ko ng makita kung ano ang nasa screen ng phone.
"Hindi pa ba sapat ang ginawa ko sa kan'ya?" inis kong tanong.
Pinunasan ko ang luha ko sa mga mata ko, nang makita ko ang litratong pinadala ni Vanessa sa akin na mayroong caption na, "My new ring."
Hinagis ko ang phone sa passenger seat at hindi ko alam kung ano ang gagawin. Nakahinto lang ang kotse sa gitna ng madilim na kalsada.
Mayroong mga dumadaan na mga kotse, pero nilalagpasan at hinahayaan nila ako.
Muling napatingin ako sa phone ko ng isang malakas na tunog ang bunalot sa katahimikan ng loob ng kotse. Pagtingin ko sa maliwanag ng screen ay nakita ko ang name nila Mama.
Ikakasal na talaga si Liam kay Vanessa. Sigurado akong hindi nila ako titigilan lalo na sa ginawa ko kay Vanessa.
Kinuha ko ang phone para sagutin ang phone. Huminga ako ng malalim, dahil siguradong sesermanan lang ako nila Mama dahil sa naging ugali ko.
Nilagay ko sa tenga ang phone. "Wag kayong mag-alala, papayag pa rin ako sa gusto n'yo," walang gana kong bungad sa kan'ya.
Madali lang naman maghiwalay kung gugustuhin lalo na sa ugali ni Uzi. Gagawin ko na lang ito para sa negosyo namin. Alam kong malaki ang paghihirap ni Papa para sa negosyo namin kaya sana ay maganpanan ni Uzi iyon, dahil ako mismo ang puputol sa yaman n'ya kung hindi s'ya titino.
"Nasaan ka?" seryosong tanong ni Papa.
Tinignan ko ang phone ko. Akala ko si Mama ang kausap ko.
"Pauwi na ako, Pa," walang gana kong sagot.
"Seryoso ka ba sa sinabi mo?" tanong ni Papa sa akin.
Tumingin ako sa labas ng kotse. Wala naman na akong choice kung hindi ang sumunod.
"Yup," walang gana kong sagot.
"Pumayag na rin si Uzi, pero pipirma lang daw s'ya ng marriage contract," paliwanag ni Papa sa akin.
Napaka arte talaga ng lalaking iyon.
"Iyon din ang gusto ko," walang gana kong sagot.
Tinignan ko ang kamay ko. Pinangarap ko rin na mayroong lalaking luluhod sa harapan ko para alayan ako ng pagmamahal n'ya, pero mukhang hindi mangyayari iyon.
"Sige, kami na ang bahala sa lahat," masayang saad ni Papa.
Binaba ko na ang phone. Hindi man ako masaya atleast masayo ang pamilya ko.
Kay Liam ko lang naramdaman ang saya, pero wala ikakasal na ang gago.
Muli kong pinatong ang baba konsa manibela habang nakatingin sa labas. Madilim at puno ng mga bituin ang langit.
Naiisip ko na parang gulo lang kung magsasama kami ni Uzi. I wonder kung ano ang pinagdadaanan ng Uzi na iyon.
Bukod sa mukha at pangalan n'ya ay wala na s'yang magandang katangian sa katawan.
"Kung bigo ako sa pag-ibig, ayoko naman mabigo sa pangarap ko," pagpapalakas ng loob sa sarili ko.
Napabuntong hininga na lang ako sa nangyayari sa akin. Muli kong pinaandar ang kotse para umuwi na sa bahay namin.
I hope one day, I would be okay, I could feel the love I deserve, I can found someone gonna fight for me, never cheat on me.
Ilang minuto ang lumipas ng makarating ako sa bahay namin. Pagdating ko sa loob ay wala pa sila.
Mabuti naman dahil gusto ko munang mapag-isa ngayon. Umakyat ako sa kwarto ko para makapagpahinga.
Papasok ako ng maaga sa trabaho para kumita ng pera. Kailangan ko ng kalimutan si Liam dahil alam kong magsisisi s'ya sa pinili n'yang landas.
Pagpasok ko sa loob ng kwarto ko, tinanggal ko suot kong sapatos bago humilata sa kama ko.
Tahimik na naman ang paligid ko. Kinuha ko ang phone ko at pumunta sa gallery.
Natawa na lang ako bigla ng makita ko ang mga masasayang litrato namin ni Liam.
"Mayroon ng sira ang mata at ulo mo dahil sa pagpili mo sa babaeng walang daan," sabi ko sa cellphone ko habang nakatingin sa picture namin ni Liam na masaya.
Sinimulan kong burahin lahat ng litrato na iyon dahil ayoko ng maalala pa si Liam.
Huminga ako ng malalim. "Okay na ako," sabi ko sa sarili ko.
Deep inside no, but wala akong choice kung hindi maging okay. Pinikit ko ang mata ko dahil sigurado akong mayroon na namang mangyayari sa buhay ko, hindi ko alam kung maganda ba o hindi.
Pero kung si Uzi ang dadating siguradong hindi iyon magiging maganda.
Pagkabura ko ng lahat ng alaala ni Liam sa akin ay kinuha ko ang laptop ko.
Bago ako pumasok sa isang sitwasyon gusto kong malaman kung sino ba talaga si Uzi. Hindi kami nakapagkilala sa isa't isa dahil ayoko sa pagmumukha n'ya.
Ang swerte n'ya na magiging asawa n'ya ako sa papel.
Huminga ako sa kama habang nakapatong ang laptop sa tyan ko.
Maraming naka-display na mga works ko sa room ko dahil isa akong Architect. Ang ibang mga portrait ko na naka-display sa kwarto ay matagal ko ng nagawa bata pa lang ako.
Pag open ng laptop ko ay sinimulan kong i-type ang Uzi Montelle sa search bar sa google. Tignan natin dahil baka drug addict na ang isang iyon.
Napataas ang kilay ko na isang anak ng CEO si Uzi. Hindi ko kilala ang Montelle at wala naman akong pakialam sa kanila dahil I minding my own business.
I well I was not much surprise kung CEO si Uncle Henry, pero I was pretty surprise ng makita na isang Excutive Director si Uzi.
Napabangon ako sa pagkakahinga ko dahil mukhang interested ang mga Montelle. Napangiti ako dahil okay naman pala ang trabaho n'ya.
"P'wede na," sabi ko sa sarili ko.
Sinimulan kong basahin ang mga articles about him.
Kaibigan n'ya nga si Snipe Swaggerty. Iniisip ko kung paano naging magkaibigan si Snipe at Uzi. Hindi ko rin masyadong kilala si Snipe, pero madalas kong marinig ang pangalan n'ya.
Ginagamit ko rin ang mga product nilang pen and pencil. Pasado naman sa taste ko bilang maarte sa paghawak ng mga pen and pencil.
Biglang napakunot ang noo ko ng kasunod ng name ni Snipe at si Rifle Winchester.
"What the hell!" I cursed in shock.
Pinindot ko ang picture ni Rifle at napangiti ako dahil ang laki ng pinagbago ng mukha n'ya.
Umalis ang ngiti sa labi ko ng maalala ko ang isang libong utang n'ya sa akin.
Mukhang pinagtapo kami ni Uzi para magamit sa paniningil ko ng utang kay Rifle.
Kaklase ko sa high school si Rifle Winchester. Isa s'yang sikat na student dahil sa tapang at kakulitan n'yang taglay.
Simula ng lumipat s'ya ng school ay wala na akong balita sa isa pang ugok na iyon.
Tinignan ko ang place ng building nila Uzi at ilang metro lang ang layo sa office ko.
Gusto kong makita si Rifle. Miss ko na ang kumag na iyon. Ang bilis mag-iba ng mood ko, pero inaaliw ko lang ang sarili ko.
Uzi's point of view
TINIGNAN ko ang pagkain sa harapan ko.
"Bakit ka pumayag, Kuya Uzi?" tanong ng kapatid ko sa akin.
Umangat ang tingin ko kay Eula na nakasuot ng school uniform n'ya. Kunot ang noo at halatang ayaw n'yang gawin ko ang gusto ng mga magulang ko.
"Wala na si Jasmine," seryoso kong sagot.
Sumubo ako ng isang kutsarang fried rice, pero hindi ko kayang lunukin. Kinuha ko ang isang basong tubig sa harapan ko para lunukin ang pagkain.
Hindi maganda ang pakiramdam ko. Wala akong ganang umalis ng bahay, pero ayokong ikulong ang sarili ko sa kwarto.
"Pero —"
Hindi natuloy ni Eula ang sasabihin n'ya ng seryoso ko s'yang tinignan.
"Ginusto ko ito, kaya kung nag-aalala ka sa akin, hindi na kailangan," walang gana kong paliwanag sa kan'ya.
Kaming dalawa lang ngayon ang nasa dining room dahil mayroong inaasikaso daw sila Mama at Papa kaya maagang umalis.
"Gusto nila Papa, pero hindi mo gusto," sagot ni Eula sa akin.
"If you don't—"
"Listen, just focus on your school. I made my decision, and that's final," seryoso kong putol sa kapatid ko.
Alam kong nag-aalala s'ya sa akin, pero ayokong itaya ang business namin dahil lang sa ayokong pakasalan si Layna. Wala na si Jasmine kaya kahit 'yung business na lang namin ang mailigtas ko.
"Ayoko lang na magsisi ka," malungkot na sabi ni Eula sa akin.
Tumayo ako dahil sa pagkakaupo.
"I will never regret this," walang emosyong kong sagot kay Eula.
Nagsimula akong maglakad palabas ng bahay namin. Huminga ako ng malalim, dahil sobrang layo na sa dati ang nararamdaman ko.
I don't feel excited anymore, I felt useless, no one will text me goodmorning. Umaga pa lang, pero pakiramdam ko ay hapon na.
Paglabas ko sa bahay ay agad akong sumakay sa kotse ko. Ilang segundo kong tinitigan ang manibela sa harapan ko.
Sana nga ay hindi ko pagsisisihan ang gagawin ko. Pinaandar ko ang sasakyan at sinimulang umalis sa bahay namin.
Napapikit ako dahil sa pagbaling ko ay naramdaman ko ang sakit ng balikat ko, dahil sa ginawa ni Layna sa akin noong gabing nasa bar kami.
Mabilis ang pagmamaneho ko sa maaraw na kalsada at puno ng mga kotseng nagmamadali rin sa mga paparoonan nila.
Pagdating ko sa harapan ng building ay wala akong reaction na lumabas sa loob ng kotse. Naghihintay ang secretary ko sa labas para sa akin.
Ibinigay ko kay Jann ang susi para i-park n'ya sa iba ang kotse ko.
Seryoso ang mukha ko ng pumasok sa loob.
"Goodmorning, Director!" masiglang bati ng guard sa akin.
Wala akong gana na bumati sa kanilang lahat kaya dirediretso akong naglakad papunta sa elevator.
Ramdaman ko ang bawat tingin ng mga employees sa akin. Iniisip ba nila na magkukulong lang ako sa kwarto ko?
Napapikit ako sa inis dahil sa mga tingin nila. Humarap ako sa kanila at lahat sila ay nawala ang tungin sa akin.
"Hindi kayo pinapasohod para tignan ako!" galit kong sigaw sa kanila.
Inayos ko ang necktie na suot ko dahil sa sumisikip iyon. Pagpasok bukas ng elevator ay agad akong pumasok sa loob.
Ang aga-aga umiinit ang ulo ko sa kanila. Wala akong kasabay sa elevator at pagbukas noon ay dumiretso ako sa office ko.
Sa isang tahimik na kwarto ay puno ng tambak na mga papel na kailangan kong pirmahan.
Walang gana akong umupo sa swivel chair ko. Sumandal ako sa upuan at pinikit ko ang mata ko. Kailangan kong ikalma muna ang sarili ko dahil nararamdaman ko na naman na hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko.
Ilang minuto akong nakapikit, idinilat ko ang mata ko at umayos ng upo. Kinuha ko sa drawer sa ikatlong part ang sinasabi ni Snipe at Younis sa akin na tignan ko ang Financial statements, na kailangan kong pag-aralan. Nakalagay sa envelope iyon.
Inilagay ko sa ibabaw ng office table ko at sinimulan kong titigan iyon. Huminga ako ng malalim, hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat, pero ang alam ko ay kumikilos na si Snipe para sa kaso ng kaibigan namin.
Matagal ko ng kasama si Rifle at kapatid ko na ang turing ko sa kan'ya kaya kailangan namin gumawa ng paraan.
Kinuha ko ang envelope at balak ko ng bukasan iyon. Hindi ako expert sa pagtingin sa financial statement, pero malalaman ko naman ang mga na nangyayari sa company ng Winchester.
Tama si Snipe na mayroong mali na nangyayari sa company nila Rifle, pero hindi iyon ang naging pansin ni Rifle. Bata pa lang kami ng wala na s'ya magulang dahil sa isang hindi maisip na pangyayari.
Sobrang galit ang sa puso ni Rifle. Ayaw man naming ang ginagawa n'ya, pero hindi namin s'ya masisi.
Bakit nagsabay pa sila ni Jasmine na iwan ako? Dalawa lang ang pinagkakatiwalaan kong kaibigan, umalis pa si Rifle.
Kinuha ko ang papel sa loob ng envelope ng mapatigil ako sa boses na narinig ko, "Miss, bawal pong pumasok sa loob."