Layna's point of view
ISANG mataas na building ang tinitignan ko ngayon.
Masmalaki pa ito kaysa sa personal. Nagsimula akong maglakad papasok sa loob.
"Goodmorning, Ma'am," bati ng guard sa akin.
Tumango ako sa kan'ya at nilagpasan, pero agad kong napahinto sa paglalakad, humarap ako kay Manong guard para mayroon akong itanong.
Bumalik ako sa tapat ng guard.
"Excuse me, saan ang office ni Executive Director Uzi?" tanong ko sa guard.
Tinignan n'ya muna ako bago magsalita para sagutin ang tanong ko, "Sa fifth floor po," sagot n'ya sa akin.
"Salamat," sagot ko.
Tumalikod na ako sa kan'ya at nagsimulang maglakad palapit sa elevator.
Tinignan ko ang lugar na ito. Modern designed na ang lugar at sunod sila sa uso. Magaling ang nagpapatakbo sa lugar na ito.
Kailangan ng innovation sa kahit anong lugar, kung walang innovation na magaganap sa buhay natin. Masmaganda kung mamatay na lang.
Pagpasok ko sa loob ng elevator ay mayroon akong nakasamang dalawang babae, mukhang empleyado dito dahil sa I.D na suot nila.
Tinignan ko ang suot kong blue elegant dress kung maayos ba. Hindi ako nagpapaganda dahil kay Uzi, maganda na talaga ako dati pa.
"Wala sa mood si Director Uzi ngayon, pinag-uusapan nga nila Jessica na sumigaw daw kanina," rinig kong sabi ng isang babae sa gilid ko.
Napatingin ako sa kanila. Chismis everywhere.
Tinignan ko ang suot nila at pasok naman sa taste ko, pero ayoko sa mga chismosa.
Napansin nilang nakatingin ako sa kanila.
"Yes?" tanong ng isang babae sa akin.
Makapal na make up, walang kilay at halatang drawing lang. Tinignan ko ang hawak nilang envelope na agad kong kinuha sa kanila.
"What the?! Ano bang problema mo, Miss?!" inis na tanong sa akin ng babae.
Hindi ko pa nakikita ang nakasulat sa hawak nila ng hinablot nila sa akin. Masama ang tingin at mukhang nagagandahan sa akin.
"Marami akong problema, ano ba gusto mong problema ko ang malaman mo?" tanong ko sa kan'ya.
Isang pekeng tawa ang binigay n'ya sa akin. Tinignan n'ya ako mula ulo hanggang paa at masamang tinignan.
"Nakita mo bang hindi ka pa pasok sa paa ko?" tanong ko sa kan'ya.
Kung masama ugali n'ya mas masama akin.
"Hindi ka empleyado dito, gusto mong magpatawag ako ng guard?" banta n'ya sa akin.
Tumango ako sa kan'ya para sa pagsang-ayon ko sa sinabi n'ya.
"Sige, pakisabi na sunduin na lang ako sa office ni Executive Director Montelle," sagot ko sa kan'ya.
Tinignan ko ang pinto ng elevator na bumukas sa fifth floor.
"Hindi ako empleyado dito, pero investor ako," seryoso kong sagot sa babae.
Biglang nag-iba ang expression ng mukha n'ya sa akin. Ngumiti ako sa kan'ya para pakalmahin s'ya.
"And I will tell Uzi na pinag-uusapan n'yo s'ya," walang gana kong saad bago tumalikod sa kanila at naglakad papunta sa office ni Uzi.
Hindi ko alam kung kailan ang kasal namin, pero gaya ng sinabi nila Papa sa akin ay pipirma lang kami tapos titira na sa isang bahay.
No hussle ang pagpapakasal pag hindi mo mahal.
Huminto ako sa isang pinto ng makita ko ang words na Executive Director at sa baba ng title ay ang name ni Uzi.
Hahawakan ko na ang door ng biglang mayroomg sumigaw, "Ma'am!" tawag sa akin.
Napatigil ako sa ginagawa ko at tinignan ko kung sino iyon.
Isang lalaking nagmamadali na lumapit sa akin. Kilala n'ya ba ako, pero s'ya hindi ko kilala.
Naghahabol ng hininga s'yang huminto sa harapan ko. Clueless naman akong tumingin sa kan'ya.
"What?" tanong ko sa lalaki.
Umayos s'ya ng tayo kaya nakita ko ang name n'yang Jann.
"Ano pong gagawin n'yo sa loob?" tanong ni Jann sa akin.
"Kakausapin ko si Uzi," seryoso kong sagot.
"Pasyensya ka na, Ma'am, hindi po nagpapatanggap ng visitor si Director Uzi ngayon," pagpaumanhin ni Jann sa akin.
Nag-bow pa ito ng konti kaya nagustuhan ko ang ugali n'ya. Hindi ko alam kung ano ang ganap n'ya dito, pero pasado.
"Ano ba si Director Uzi n'yo? Masyado s'yang pa-special," inis kong sabi kay Jann.
"Wala po kasi sa mood si Director ngayon," sagot ni Jann sa akin.
Tumango ako sa kan'ya. Kaya para pinag-uusapan s'ya ng mga babae.
Hindi lang sa bar, sa bahay ay pati rin pala sa office masama ang ugali n'ya.
Hinawakan ko ang doorknob ng office ni Uzi. Agad kong tinulak iyon para pumasok.
"Miss, bawal pong pumasok sa loob," awat ni Jann sa akin.
Pero hindi ako nagpapigil at pumasok pa rin sa loob. Nakita ko si Uzi na nakaupo sa swivel chair n'ya at mayroong isang brown envelope na hawak.
Tinaasan ko s'ya ng kilay ng tinignan n'ya ako. Walang emosyon s'yang nakatingin sa akin, pero alam kong nagagandahan na s'ya sa akin.
"Miss, umalis na po tayo," mahinahon na bulong ni Jann sa akin.
Tinaas ko ang kanan kong kamay para patahimikin s'ya. Si Uzi ay seryosong nakatingin sa akin.
Lumipat ang tingin n'ya sa lalaking pumipigil sa akin, at sumenyas s'yang lumabas na ang lalaki.
Narinig ko ang pagsarado ng pinto ng office n'ya. Umalis ang tingin ni Uzi sa akin at ang hawak n'yang envelope ay nilagay n'ya sa drawer ng table n'ya.
Hindi n'ya ako pinapaupo, pero umupo na ako sa client seat.
"How's your work asawa ko?" biro kong tanong sa kan'ya.
"Anong kailangan mo?" walang emosyon n'yang tanong.
Kumuha s'ya ng isang file na papel at sinimulan iyong basahin.
"Nasaan si Rifle?" diretso kong tanong sa kan'ya.
Bigla itong natigilan sa paglipat ng page ng papel. Hindi n'ya siguro akalain na kilala ko ang kaibigan n'ya.
"Umalis ka na," seryoso n'yang taboy sa akin.
Tumaas ang kilay ko. Bumalik ang ugali n'yang bastos. Isang pekeng tawa ang binigay ko sa kan'ya. Ni hindi man lang s'ya tumingin sa akin.
"Gusto kong makita si Rifle," inis kong sabi kay Uzi.
Ang damot naman n'ya para hindi sabihin sa akin kung nasaan ang dati kong kaibigan na kaibigan n'ya.
Nakita ko ang paglukot na hawak n'yang papel at seryosong tumingin sa akin.
Ano bang problema sa sinabi ko?
"Umalis ka na," nagtitimpi n'yang taboy sa akin.
Kinuha ko ang isang file ng papel na nakalagay sa table n'ya at agad kong hinampas sa ulo n'ya.
"What the hell?!" inis n'yang sabi sa akin.
Matalim na tingin ang binigay n'ya sa akin, pero hindi eepekto sa akin iyon.
"Hey! Kung magiging bastos ka sa akin ngayon, pag pumirma ka ng marriage contract natin, ayusin mo ang ugali mo!" inis kong sabi sa kan'ya.
Gusto ko lang malaman kung nasaan si Rifle, paalisin n'ya na agad ako.
"Fvck! Kung hindi ka lang kailangan, bakit ako pipirma!" inis n'yang sagot sa akin.
Tumayo ako sa pagkakaupo ko at humarap sa lalaking ito.
"Kailangan mo pala ako, kaya umayos ka!" pikon kong sabi sa kan'ya.
"Umalis ka na, kung ayaw mong tumawag ako ng security!" kalmado n'yang banta sa akin.
Pilit n'yang pinapakalma ang sarili n'ya, pero ako pag hindi nakapagpigil sa kan'ya ay baka baliin ko na ang braso n'ya.
"Kahit sino pa tawagin mo!" inis kong sagot sa kan'ya.
Napapikit si Uzi sa inis sa akin. Sinundan ko s'ya ng tingin ng bigla itong tumayo at mabilis na naglakad palapit sa akin.
Umayos ako ng tayo. Napakaseryoso ng mukha n'yang lalapit sa akin.
Napatingin ako sa braso ko ng mahigpit n'ya iyong gawakan at sinimulan akong hilahin palabas ng office.
"Nasasaktan ako!" sigaw ko kay Uzi.
Pagdating namin sa pintuan ay akala ko ay ilalabas n'ya ako, pero nagulat ako ng isinandal n'ya ako sa pinto.
Bigla n'yang nilapit ang mukha n'ya sa mukha. Sobrang lapit n'ya sa akin na halos maramdaman ko na ang paghinga n'ya.
Seryoso s'yang nakatingin sa akin, pero hindi ako nagpatalo at tinignan rin s'ya sa mga mata n'ya.
"Hanggang wala pang pirmahan na nagaganap, hindi ka p'wedeng pumunta dito!" mahina, pero mayroong diin ang bawat salitang sinasabi n'ya.
Bigla akong ngumiti sa kan'ya. Hindi n'ya ako masisindak sa mga salita n'ya.
Hinawakan ko ang likod ng leeg n'ya at lalo kong nilapit ang mukha n'ya sa akin. Ngayon ko lang nakita na mas gwapo talaga s'ya sa malapitan.
Ang singkit n'yang mata, ang high brigde n'yang ilong at pinkish n'ya labi.
Agad kong binitawan ang pagkakahawak sa kan'ya. Hindi pa rin n'ya mapapantayan si Liam sa puso ko kahit na gaano s'ya kagwapo.
Agad ko s'yang tinulak palayo sa akin dahil bigla akong nakaramdam ng awkwardness ng maalala ko ang ex-boyfriend ko.
"Gusto ko lang malaman kung nasaan si Rifle, dahil mayroon s'yang utang sa akin na isang libo noong bata kami, pero kung ayaw mong sabihin, ayos lang," paliwanag ko sa kan'ya.
Biglang uminit ang paligid at hindi na ako mapalagay sa lalaking nasa harapan ko.
Tumalikod ako sa kan'ya at sinimulan kong pihitin ang doorknob para lumabas na sa office nitong si Uzi.
"Wala ka bang T.V?" isang malamig na boses ang nagtanong sa akin.
Hindi natuloy ang pagbukas ko dahil sa nagsalita si Uzi. Humarap ako sa kan'ya at kunot-noo kong tinignan si Uzi.
Sa palagay ko ay mayroon s'yang sasabihin na naman na hindi ko magugustuhan.
"Wala, bibigyan mo ba ako?" walang sense kong sagot sa kan'ya.
"Rifle is dead," seryoso n'yang sagot sa akin.
Bigla s'yang umiwas ng tingin sa akin. Sa maikling oras lang ay naramdaman ko ang lungkot sa pagkakasabi ni Uzi ng salitang iyon.
Ayokong maniwala, pero sa itsura ni Uzi ay mukhang hindi s'ya nagbibiro.
Tumalikod si Uzi sa akin at nagsimulang maglakad papunta sa table n'ya.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon. Pinapanood ko si Uzi na maglakad hanggang sa makaupo s'ya sa swivel chair.
Ilang taon kong hindi nakita si Rifle tapos ganoon pa ang balita ko sa kan'ya.
Biglang tahimik ang buong kwartong kinalalagyan namin. Ngayon ay naiintindihan ko na ang naging reaction ni Uzi ng banggitin ko ang pangalan ni Rifle.
Parang bumigat ang pakiramdam ko sa narinig ko sa kan'ya. Isang malakas na pagtunog ng phone ni Uzi ang bumasag sa katahimikan ng office n'ya.
Napapaisip ako kung ano ang dahilan bakit namatay si Rifle.
"Magkasama kami," rinig kong sabi ni Uzi.
Tinignan ko s'ya na seryosong nakatingin sa akin. Naglakad naman ako palapit sa kan'ya.
"Okay," seryoso n'yang sabi bago ibaba ang phone n'ya.
Alam kong mayroon ring kinalaman ang tawag na iyon sa akin, dahil ako lang naman ang kasama n'ya dito.
Tumingin si Uzi sa akin ng seryoso.
"We're gonna sign the contract later," walang gana n'yang sabi sa akin.
Walang epekto ang sinabi n'ya sa akin, dahil ramdam ko ang lungkot sa boses n'ya ng sinabi n'ya sa akin na wala na si Rifle.
Hindi na ako nagsalita pa at tumango na lang. Hindi na ako mabibigla dahil inayos na rin naman nila Mama iyon kaya ano pa ang ikabibigla ko.
Bumalik ang tingin ni Uzi sa papel sa harapan n'ya. Lalong nagiging hindi komportable sa akin ang lugar ngayon, tumalikod na ako para umalis sa lugar na iyon.
Hindi ko man lang nakita pa ulit si Rifle bago s'ya nawala. Nagsimula akong naglakad palabas ng office ni Uzi na nawala ang energy ko sa katawan.
Sino ba naman ang hindi mawawalan ng lakas sa balitang iyon. Kasama ko pang tumambay sa mga restuarant iyon tapos mababalitaan mo na wala na pala s'ya.
Excited pa naman akong makita si Rifle. Paglabas ko ng office ay napabuntong hininga na lang ako.
Sumakay ako ng elevator para umalis na sa building na ito. Sana pala ay hindi ko na nalaman dahil ang lungkot pala na mawalan ng kaibigan.
Pagbukas ng elevator ay lumabas na ako ng building. Mamaya na ako papasok sa office ko. Close friend namin ang boss ko kaya kakayanin ko pang magpaliwanag sa kan'ya na traffic.
Naglakad muna ako papunta sa isang coffee shop dito sa building nila Uzi para magmuni-muni.
Pagpasok ko sa loob ay napataas ang kilay ko ng unang hakbang demonyo agad ang nakita ko.
Vanessa and unknown girl.
Nagpatuloy ako sa pagpasok. Maliit talaga ang mundo para muling magkita ang kampon ni Santanas at anghel na kagaya ko.
Pumunta ako sa counter para umorder.