CHAPTER 12

2005 Words
Layna's point of view "BOYFRIEND mo?" seryoso kong tanong kay Eula. "Oo, boyfriend n'ya ako, sino ka ba?!" maangas na tanong ng lalaki sa akin. Ngumiti ako sa kan'ya. Mukha ba akong weak sa suot ko? Kung hindi lang ako pumasa sa board exam at tuluyan naging ganap na Architect ay baka isa akong mentor sa martial art. Inalis ko ang tingin sa lalaki at nilipat ko sa librong hawak ko. Walang abiso na hinampas ko sa ulo n'ya ang libro. Nagulat sila sa ginawa ko sa mayabang na batang ito. "Ahh!" daing n'ya habang hawak-hawak ang matigas n'yang ulo. "Pag hindi ikaw ang kausap, wag kang sasabat," walang gana kong sagot. Tinignan ko ang isang lalaki kasama ng kumag na hinampas ko. "Sino ko? Sister-in-law n'ya, bakit?!" tanong ko pa. "Isusumbong kita sa Kuya ko!" banta ng lalaki sa akin habang nakahawak sa ulo n'ya. Akala ko pa naman kung gaano s'ya katapang. Kinuha ko ang phone ko para tumawag kay Uzi. "Sa tingin ko naman ay hindi na kayo underage, p'wede na kayo sa kulungan," banta ko sa kanila. Kung sino ang tiwagan ko para hindi mahalata na binibiro ko lang sila. Bigla silang tumakbo kaya natawa ako ng konti. "Weak," mahina kong sabi. Tinignan ko ang phone ko kung sino ang natawagan ko. "Fvck!" gulat kong sabi ng makita ko ang name ni Liam. Agad kong pinatay ang phone ko. Buti na lang at hindi n'ya sinagot. Kinabahan bigla ako dahik baka akala na naman n'ya ay magmamakaawa ako na bumalik s'ya sa akin. Tinignan ko si Eula na nakayuko sa harapan ko. Ang tapang n'yang pusa kagabi tapos ngayon para s'yang kuting. "Ilan taon ka na?" seryoso kong tanong sa kan'ya. Ibinalik ko ang librong kinuha ko kay Eula. Para s'yang pipe na nakayuko sa harapan ko. "Kung ayaw mo sa akin, ayoko rin sayo," seryoso kong sabi kay Eula dahil mukhang ayaw n'ya akong kausapin. "Pupunta ako sa bahay n'yo ngayon, baka doon na rin ako tumira muna, kung gusto mong sumabay, sumunod ka sa akin, pero kung ayaw mo, edi wag," paliwanag ko sa kan'ya. Tumingin ako sa paligid ko dahil para akong kumakausap sa hangin. Tumalikod ako sa kan'ya para bumalik sa kinalalagyan ng kotse ko. Magdidilim na at kailangan kong pumunta sa bahay ng mga Montelle. Ayokong mapagalitan ni Papa dahil huli na naman ako sa mga mahahalagang gathering. Actually, hindi naman talaga mahalaga sa akin iyon, pero mahalaga sa business ng bawat isa. Patuloy ako sa paglalakad ng maramdaman kong mayroon sumusunod sa akin. Pagtingin ko sa likuran ko ay nakasunod si Eula. Nakasimangot s'ya kaya hindi ko na lang pinansin. Pumasok ako sa loob ng kotse ko at hinintay na pumasok si Eula sa loob. Tahimik s'yang pumasok kaya pinaandar ko na ang kotse. Balak ko pa sanang mag drama muna sa kotse bago ako tuluyan maging Montelle, pero mayroon isang Montelle sa loob ng kotse ko, na inaway pa ako kagabi. "Thank you," mahinang sabi ni Eula, pero narinig ko. Bumagal ang pagmamaneho ko dahil sa narinig ko. Ayokong maging feeling close sa kan'ya. "Anong mayroon sa dalawang lalaking iyon?" tanong ko kay Eula. Ang mata ko ay nasa daan na papadilim na. Hinihintay ko ang sagot ni Eula sa akin. "Ayaw nila akong tigilan, hindi ko alam kung ano ang ginawa ko, pero lagi nila akong pinagtritripan pag ako lang mag-isa," paliwanag ni Eula sa akin. Huminga ako ng malalim at tinignan si Eula. "Kaya mo ngang makipagsagutan sa akin, pero sa kanila bakit hindi ko kaya?" tanong ko kay Eula. Ngayon ay nawala ang pagkapikon ko sa kapatid ni Eula. I hate seeing people bully, Rifle taught me, fight for them no matter what, I used to be bullied before and Rifle always fought against them just to help me, that's why we became close before. "I argued with you last night not just because I wanted to, but I wanted to protect my brother's feelings," sagot ni Eula sa akin. Ngayon ay bigla ko s'yang naintindihan. "We don't love each other, don't worry, we just doing this because for our business. Nothing else involved," paliwanag ko kay Eula. "Yeah, I know, but please could you take care of my brother?" tanong ni Eula sa akin. Tinignan ko s'ya. Mukha naman pa lang mabait ito at nag-aalala lang talaga s'ya sa Kuya n'ya. "Hindi ko kakainin ng buhay ang Kuya mo," natatawa kong sagot sa kan'ya. "No, He had so much pain within, right now, alam ng magulang namin iyon, pero ang hindi ko maintindihan kung bakit nila ginawa kay Kuya ito," paliwanag ni Eula sa akin. Bigla akong natahimik. Napaka swerte ni Uzi at mayroon s'yang kapatid na ganito mag-isip. "I understand you," sagot ko. "Bata ka pa kaya hindi mo nauunawaan ang mga ganito," paliwanag ko kay Eula. Sino ba ang gustong magpakasal sa taong hindi mo naman gusto? "Si Kuya Uzi lagi n'ya akong pinagtatanggol sa parent namin, gusto ko rin na ganoon ako," sabi pa ni Eula. "Malaki na kami ni Uzi kaya wag kang mag-alala sa amin," sagot ko kay Eula. "Pagkakatiwalaan kita," sabi n'ya sa akin. Ngumiti ako sa kan'ya. "Kung kailangan mo ng Ate, just call me out, magaling akong man trip ng bully," nakangiti kong sabi kay Eula. Saglit ko s'yang tinignan at kinindatan. "Mayroon akong isang tao na naaalala sayo," sabi ni Eula sa akin. Compare sa itsura n'ya kanina ay parang komportable na s'ya sa akin ngayon. "Sino?" tanong ko sa kan'ya. "Si Kuya Rifle," sagot n'ya sa akin. Ramdam ko ang lungkot sa mukha n'ya kaya natahimik ako. Sinabi na ni Uzi sa akin kung ano ang nangyari kay Rifle. Hindi na lang ako sumagot dahil naalala ko na naman ang kaibigan ko. Tahimik kaming dumating sa bahay nila. Pagbaba ko sa kotse ay nakita ko na ang sasakyan nila Papa sa labas. "Let's go, Ate," aya ni Eula sa akin. Gumaan ang pakiramdam ko ng marinig ko ang salitang Ate mula kay Eula. Tumango ako sa kan'ya at sabay kaming naglakad papunta sa front door, pero sabay din kaming napatigil ng biglang bumukas ang pinto. Hindi tumingin si Uzi sa akin kung hindi nakatingin lang kay Eula. "Kuya Uzi," tawag ni Eula kay Uzi. Biglang tumingin si Uzi saglit at binalik ang tingin kay Eula. "Display lang ba ang phone mo?" galit na tanong ni Uzi. Napansin ko ang hawak n'yang susi na mukhang mayroon s'yang balak umalis. Tinignan ko si Eula na biglang napayuko dahil sa Kuya n'ya. Hinawakan ko ang braso ni Eula. "Papasukin mo muna kami," sagot ko kay Uzi. Papasok sana kami papasok sa loob ng humarang si Uzi sa pintuan. Seryoso s'yang nakatingin kay Eula na akala mo kung ano na ang ginawa n'ya. Kita mo talaga ugali ng isang ito, kaya paano mo mapapagtyagaan na makasama ang isang ito. "I'm talking to you, Eula," seryosong sabi ni Uzi. Himinga ako ng malalim. Napipikon na naman ako sa pagmumuka ni Uzi. Hindi pa nga ako nakaka get over sa ginawa n'ya sa pagpapahiya sa akin kay Vanessa. "Paano naman kasi sa sagot kung tinatakot mo," walang gana kong sabi kay Uzi. Seryoso s'yang tumingin sa akin kaya tinaasan ko s'ya ng kilay. "Hindi kita kinakausap," sabi n'ya sa akin. "Pero ako kinakausap kita," banat ko sa kan'ya. Tinulak ko si Uzi palayo sa pinto at hinawakan ko ang braso ni Eula para makapasok kami. Alam ko naman na mayroong respeto si Eula sa kapatid n'ya kaya hindi n'ya masagot. Pagpasok namin sa loob ay nandoon na ang mga pamilya namin. Humarap ako kay Uzi. Alam kong nag-aalala s'ya kay Eula kaya aakuin ko na para hindi mapagalitan si Eula. "Dahil magiging asawa na kita, gusto kong makilala si Eula," sabi ko kay Uzi. Seryoso n'ya akong tinignan. Humarap ako sa magulang ni Uzi. "Gusto ko lang naman makilala ang sister-in-law ko kaya nilibot ko s'ya sa office ko, pero nakalimutan n'ya ang phone n'ya sa office ko," paliwanag ko kay sa kanilang lahat. Biglang naglakad si Uzi paalis. Wala akong paki kahit maglayas ka pa. "Hindi naman masamang makilala ko si Eula, hindi ba, Mama?" tanong ko kay Aunt Lorna. Bigla s'yang ngumiti ng marinig n'yang ang salitang Mama sa akin. "Yes, of course," masayang sabi ni Mama Lorna sa akin. Lumapit si Ate Layla sa akin. "Bakit pumasok ka pa sa trabaho?" tanong ni Ate Layla sa akin. "Bakit naman hindi? Ayokong umasa kay Uzi," sagot ko kay Ate. Kaya kong gumawa ng pera kaya hanggang kaya ko magtatrabaho ako dahil doon na lang ako masaya. "Pumirma na si Uzi," sabi ni Papa sa akin. Tumango ako. Nakita ko ang isang envelope na nakalagay sa tea table kaya agad akong lumapit doon. Kinuha ko ang ballpen at agad kong pinirmahan ang marriage contract. Pagkapirma ko ay tumingin ako sa kanilang lahat na pinapanood ako. "Okay na," sagot ko. Ang saya ng kasal na ito. Tumayo ako dahil nagugutom na ako. Tinapay lang ang nakakain ko tapos nakita ko pa si Uzi lalo akong nagutom. "Bahay ko na rin ito? I am Montelle na rin naman," nakangiti kong sabi. Agad na tumango si Mama Lorna sa akin. "Mayroon na akong Ate," nakangiting sabi ni Eula sa akin. Kinindatan ko s'ya. Ang gusto ko ay kapatid na lalaki, pero ayos din na mayroon ng masbata sa akin. "Let's celebrate," announce ni Papa Henry sa amin. "Let's have a dinner," aya ni Mama Lorna sa amin. Isang pekeng ngiti lang ang binibigay ko sa kanila dahil mukha ba akong masaya sa ganito. Nagsimula silang maglakad papunta sa dining area at naiwan kaming tatlo, Eula at Ate Layla sa living room. "Magpapalit lang po ako ng damit," paalam ni Eula sa amin. Tumango lang ako. Nalipat ang tingin ko kay Ate. "Masaya ka ba?" tanong n'ya sa akin. "Mukha ba?" tanong ko sa kan'ya. Tumango s'ya sa akin at niyakap ako. "Malay mo kayo talaga ni Uzi," bulong n'ya sa akin. Bigla akong natawa sa sinabi ni Ate. Humigpit ang yakap n'ya sa akin kaya napakunot ang noo ko. "Sorry," bulong n'ya sa akin. Tinignan ko si Ate Layla. "Bakit?" tanong ko kay Ate Layla. "Ako dapat ang nasa sitwasyon mo ngayon, pero buntis na kasi ako," bigla n'yang sabi sa akin. Tinanggal ko ang pagkakayakap n'ya sa akin at gulat na tumingin. "Hindi dahil kay Liam kaya ikaw ang pinipilit nila para kay Uzi, dahil hindi na ako p'wede dahil buntis na ako," paliwanag pa ni Ate sa akin. Bigla akong napangiti dahil sa sinabi ni Ate. Ang ngiti ko ngayon ay totoo na. "Mahal ka ni Kuya Gelo kaya ayos lang," masaya kong sabi. Bigla s'yang tumingin sa akin. "Dapat nauna na kayong magpakasal kaysa sa amin," sabi ko kay Ate Layla. Magkakaroon na ako ng pamangkin. Mayroon naman pa lang goodnews ngayon. "Hindi ka galit sa akin?" takang tanong ni Ate. "Nag-iisa ka na nga lang Ate ko magagalit pa ako," sagot ko kay Ate. Bigla n'ya ulit akong niyakap kaya niyakap ko s'ya pabalik. "Thank you," sabi ni Ate sa akin. Nakita ko si Uzi na paparating kaya sinamaan ko s'ya ng tingin. Nakakainit talaga ng dugo ang lalaking ito pag nakikita ko. Inirapan ko s'ya, pero hindi naman n'ya ako pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. "Let's eat dinner first tapos pag-usapan natin ang tungkol sa baby mo," masaya kong aya kay Ate. Tumango s'ya sa akin at sabay kaming naglakad papunta sa dining area. Dito na talaga ako titira ngayon. Pagdating namin sa dining room ay abala silang nag-uusap. Hindi pa sila kumakain dahil mukhang hinihintay nila kami. Naunang umupo si Ate Layna kaya sumunod sa kan'ya. "Layna, sa tabi ka na ni Uzi umupo," sabi ni Mama Lorna sa akin. Hindi ko natuloy ang pag-upo ko at tinignan ang bakanteng upuan sa tabi ni Uzi. Wala naman s'yang pakialam. Tumayo ako sa para pumunta sa tabi ni Uzi na tahimik at seryoso. Pagkaupo ko ay bumalik ang ingay sa dining room. Dahil sa pag-uusap nila sa mga kung ano-anong bagay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD