Layna's point of view
TAPOS na kaming kumain ngayon. Tahimik pa rin ako dahil ang sarap ng pagkain dito.
Baka ito lang ang magustuhan ko sa bahay na ito.
"Dahil newly husband at wife si Layna at Uzi, mayroon akong regalo para sa inyo," sabi ni Papa Henry.
Napatingin ako sa inangat n'yang isang susi. Napataas ang kilay ko ng ibinigay n'ya sa akin iyon.
"Dapat ay sa ibang bahay na kayo titira," sabi ni Papa Henry sa akin.
Bigla akong naging speechless ng mahawakan ko ang susi.
"Ayoko kong..." hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil tumingin silang lahat sa akin.
Gusto kong sabihin na ayokong makasama si Uzi sa iisang bahay na kami lang, ayos na dito kami tumira. Hindi naman ako makatanggi dahil kasama iyon sa pinirmahan ko.
"Ayokong maghawak dahil si Uzi naman ang lalaki," pagpapatuloy ko na lang.
Binigay ko kay Uzi, pero hindi n'ya kinuha sa akin dahil seryoso s'ya para sa pagkain n'yan.
Kinuha ko ang kamay n'ya para ibigay ko kay Uzi.
Pinanlakihan ko s'ya ng mata ng irita s'yang tumingin sa akin. Tinignan ko ang susi na inilagay n'ya sa table.
Huminga ako ng malalim para wala ang pikon ko sa lalaking ito. Mukhang magkakasundo talaga kaming dalawa.
Nanahimik na lang ako kagaya ng katabi ko, hanggang sa matapos ang pag-uusap nilang lahat. Parang normal na pagtitipon lang ang nagawa namin, which is iyon talaga ang gusto ko.
Wala na kaming pagkakataon na mag-usap ni Ate, dahil kailangan na nilang umuwi sa bahay namin.
"Mag-ingat ka," paalam ni Ate sa akin.
"Ikaw ang mag-ingat," sabi ko sa kan'ya.
Magkabaliktad kami ng ugali ni Ate Layla, hindi ko sinasabi na weak si Ate, pero mas independent lang ako sa kan'ya.
Nakatayo ako sa gilid ni Uzi habang pinapanood ko ang mga magulang ko na umalis.
"Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kwarto ko," malungkot kong sabi.
Biglang tumalikod ang bastos kong asawa at naglakad na paalis. Wala naman akong gagawin kaya sumunod na lang ako sa kan'ya papunta sa taas.
"Saan ang kwarto ko?" tanong ko kay Uzi habang nakasunod ako sa kan'ya.
Humarap s'ya sa akin na seryoso ang tingin, bigla n'yang hinagis ang susi na binigay ko sa kan'ya.
"Puntahan mo iyan at doon ka matulog," walang emosyon n'yang sagot sa akin.
Mabilis akong naglakad papunta sa harapan n'ya. Alam ko kung saan ang kwarto n'ya.
Kinuha ko ang kamay n'ya para iabot ang susi sa kan'ya.
"Ikaw ang doon matulog," nakangiti kong sagot sa kan'ya.
Tumakbo ako papunta sa kwarto n'ya. Pagpasok ko ay tinignan ko ang kabuoan. Simpleng design lang naman ang kwarto n'ya.
Walang masyadong gamit na naka-display na sakto lang para sa ugali n'yang seryoso.
"Ayoko ng mayroong katabi," malamig n'yang sa akin sa akin.
Tinignan ko si Uzi na kakapasok lang sa loob ng kwarto.
Naglakad ako papunta sa kama n'ya at humiga doon. Ayaw n'ya pa lang mayroong katabi eh.
"Matulog ka sa guest room," seryoso kong sagot sa kan'ya.
Malambot ang kama n'ya. Napagod ako sa trabaho ko kanina kaya gusto ko ng matulog.
"Kwarto ko ito, ikaw ang umalis," seryoso n'yang sabi sa akin.
Tinaas ko ang kamay ko at isa lang ang daliri na naka-angat sa kamay ko, iyon ay ang hintuturo ko.
"Nope," sabi ko sabay iling kay Uzi.
Umupo ako sa kama n'ya, tinignan ko ang seryoso n'yang mukha. Tinuro ko ang kamay n'ya na ikinakunot ng noo n'ya.
"Simula ngayon, akin na ang kama na ito, ang mga libro na iyan, akin na rin; ang table, chair, at lahat ng naka-display dito ay akin na rin," paliwanag ko kay Uzi.
Tinuro ko si Uzi at ngumiti ako sa kan'ya. "Pati ang katawan mo, akin na rin," nakangiti kong sabi kay Uzi sabay kindat.
Muli akong huminga sa kama n'ya. Ramdam ko na ang pagod ko at maaga pa ang trabaho ko bukas kaya kailangan ko ng matulog.
"Wag ka ng maarte, tumabi ka na sa akin," inaantok kong sabi kay Uzi habang nakapikit.
Dinilat ko ang mata ko ng hindi s'ya humiga sa tabi ko at umupo s'ya sa isang upuan sa kwarto n'ya.
Binuksan n'ya ang laptop n'ya at hindi ko alam kung ano ang gagawin n'ya, pero sa itsura n'ya pura trabaho lang ang alam n'ya.
Tumingin ako sa ceiling. Hindi ko alam kung ano ang ikinamatay ni Rifle at alam kong alam ni Uzi iyon.
"Bakit mo ako pinahiya kay Vanessa?" seryoso kong tanong.
Sobrang tahimik kasi ng kwartong ito. Gusto ko na rin malaman kung bakit n'ya iyon.
"She's looks better than you," seryoso n'yang sagot sa akin.
Nawalan ako ng imik sandali sa narinig ko sa kan'ya. Tumango ako sa kan'ya. Kinuha ko ang blanket ni Uzi at tinalukbong ko sa sarili ko.
Ngayon ay hindi ko mabuhay ang sarili ko dahil sa sagot ni Uzi. Baka nga mas better si Vanessa sa akin kaya iniwan ako ni Liam para ipagpalit sa kan'ya.
Tumalikod ako kay Uzi dahil sa nararamdaman kong umiinit ang mukha ko. Nakatalukbong ako ng kumot at naramdaman ko ang mainit na bagay na tumulo sa mata ko.
Can someone say I am better. Pinikit ko ang mata ko dahil lalo kong nararamdaman ang pagod dahil sa sinabi ng lalaking ito.
He's making my feelings worst.
Nagising ako dahil sa isang nakakasilaw na liwanag na tumatama sa mata ko.
Bigla akong napaupo sa pagkakahiga ng maalala na kasal na ako. Tumingin ako sa gilid ko at walang tayo.
Nakahinga ako ng maluwag dahil wala na s'ya. Mayroong isang blanket na nakalagay sa kamay kaya malamang ay tumabi s'ya sa akin.
Bumangon ako sa pagkakahiga ko. Malapit ng mag seven kaya kailangan ko ng maghanda sa pagpasok sa trabaho.
Pumunta ako sa closet para kumuha ng damit. Pagbukas ko ay pura kagamitan ni Uzi ang nandito. Isasara ko na sana ng mapansin ko ang underwear nito.
Malaki ba?
Umiling ako at sinarado ko ng ang closet ni Uzi. Sa itsura ng taong 'yun mukhang hindi pa tuli.
Mapapasabi na lang ako ng safe. Binuksan ko ang kabilang closet at doon ko nakita ang iilang gamit ko.
Kumuha ako ng maroon blouse, black skirt, at black pair heels shoes. Nilagay ko sa bed ang kinuha kong mga susuotin ko.
Pumunta ako sa bathroom para maligo na. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Uzi na naliligo. Nakatalikod s'ya sa akin.
"What the hell?!" sigaw ko sabay talikod.
"What the fvck?! Anong ginagawa mo?!" inis n'yang sigaw sa akin.
Humarap ako kay Uzi. Lagi ba s'yang galit sa akin.
Hinawakan n'ya ang alaga n'ya as if naman na sobrang laki mukha isang dakot lang naman. Saka hindi na ako bata para magulat pa kung makita ko man iyan.
"Get out here!" sigaw n'yang utos sa akin.
Tumaas ang kilay ko sa kan'ya. Wag n'ya akong sinisigawan. Kinuha ko ang puting towel na nakasabit.
Nakahubad s'ya, walang suot na kahit ano at hawak-hawak n'ya ang alaga n'ya na pilit na itinatago sa akin.
"Wala akong balak kuhanin iyan," seryoso kong sabi kay Uzi.
Pinatay ko ang shower at binigay ang towel sa kan'ya.
"Baliw ka ba?!" inis n'yang tanong sa akin.
Tinignan ko s'ya. "Umalis ka na, maliligo ako," utos ko sa kan'ya.
"Hindi pa ako tapos maligo," sabi n'ya sa akin.
"Okay, sabay tayo, mukhang pareho naman tayong nagmamadali," sagot ko sa kan'ya.
Hinubad ko ang dress kong suot at ngayon ay underwear na lang ang suot.
"You driving me crazy!" inis n'yang sabi sa akin.
Napangiti ako ng bigla s'yang umalis sa loob ng bathroom.
"Mahina," sagot ko.
Pumunta ako sa pinto para ila-lock dahil baka trip n'yang pasukin ako at makita n'ya ba ang bataan.
Hinubad ko na ang suot kong underwear para maligo. Mabilis lang akong naligo dahil nga nagmamadali rin ako.
Binalot ko ang sarili ko ng malinis na towel bago lumabas ng bathroom. Nakita ko si Uzi na umaga pa lang ay mukhang badtrip na dahil sa ginawa ko sa kan'ya.
Hindi pa sapat iyan para sa sinabi n'ya sa akin kagabi.
Nasa tapat s'ya ng salamin at inaayos ang suot n'ya.
Naglakad ako papunta sa kama para kuhanin ang suot ko. Tinignan ko si Uzi.
"P'wede ba lumabas ka muna, magbibihis kasi ako," taboy ko kay Uzi.
Nakita ko sa reflection ng salamin na napapikit s'ya sa inis sa akin. Humarap si Uzi na iritado ang mukha.
"Stop playing around!" inis n'ya sabi sa akin.
"I'm not," seryoso kong sagot sa kan'ya.
Kinuha ko na ang damit na susuoting ko at pumunta sa loob ng bathroom dahil parang sasabog na sa inis si Uzi.
Masyado naman s'yang mainitin ang ulo. Pagkabihis ko at konting ayos sa sarili ko ay lumabas na ako sa bathroom. Tinignan ko si Uzi na mayroong kausap sa phone.
"I making you breakfast," sabi ko sa kan'ya.
Habang abala akong kinukuha ang susi ng kotse ko at phone ko.
"I don't eat breakfast," seryoso n'ya sa akin.
Tumingin sa kan'ya. Pasalamat s'ya sa kabila ng masasakit na salitang sinabi n'ya sa akin ay nagpapaka-asawa pa ako sa kan'ya.
"From now on, you will eat breakfast," seryoso kong sabi sa kan'ya.
Hindi s'ya makapaniwalang tumingin sa akin kaya isang magandang ngiti ang binigay ko sa kan'ya.
Tumalikod ako at nagsimulang maglakad sa isang malaking bahay nila Uzi.
"Goodmorning, Ate!"
Napatingin ako sa kaliwa ko ng mayroong bumati sa akin. Napangiti ako ng makita ko si Eula na nakasuot ng uniform n'ya.
"Morning," bati ko kay Eula.
"Is Kuya awake?" tanong ni Eula sa akin.
Hindi ko pa nasasagot ang tanong ni Eula ng bumukas ang pinto at lumabas ang masungit na mukha ni Uzi.
"I guess," sagot ko kay Eula na nakangiti.
Masama ang tingin ni Uzi sa akin bago kami lagpasan.
"Anong ginawa mo kay Kuya?" takang tanong ni Eula sa akin.
Sinundan namin ng tingin si Uzi na naglalakad pababa.
Umiling ako kay Eula. "Wala pa nga aking ginagawa," sagot ko kay Eula.
"Pagnakikita namin si Kuya sa umaga parang mayroong sakit dahil sa tamblay, pero ngayon ay iba," nakangiting sabi ni Eula sa akin.
"Mukhang badtrip," dagdag n'ya.
Pasalamat s'ya at iniinis ko lang s'ya dahil sa sinabi n'yang mas better si Vanessa sa akin ay kulang ma iyan.
"Mayroon bang nangyari sa inyo?" tanong ni Eula.
Hinarap ko si Eula at pinitik ang noo n'ya.
"Ahh!" daing n'ya sabay hawak sa noo n'ya.
"Hindi ko papatulan, Kuya mo," sagot ko kay Eula.
"Baka ilang months lang ay buntis ka na," biro pa ni Eula sa akin.
"Isa lang ibig sabihin noon," sagot ko kay Eula.
"Ano?" takang tanong n'ya sa akin.
"Hiwalay na kami at kasal na kami ng taong mahal ko," sagot ko kay Eula.
Nagsimula akong malakad pababa.
"Mayroon ka bang ibang mahal?" tanong ni Eula sa akin.
Ayokong sabihin sa kan'ya ang tungkol kay Liam.
"Sa ngayon ay sarili ko pa lang," nakangiti kong sagot kay Eula.
Naglakad kami pababa sa first floor. Biglang bumait si Eula sa akin ngayon.
"Baka matutunan mong mahalin si Kuya Uzi, hindi naman mahirap mahalin si Kuya Uzi," sabi ni Eula sa akin.
Bigla akong natawa ng mahina. Sa ugali ni Uzi mukhang walang makakatiis doon.
"Iba na lang at wag na lang ako," sagot ko kay Eula.
Ang puso ko ay hindi pa handang magmahal ng iba kaya hahayaan ko muna s'yang walang laman sa ngayon.
"Wag kang magsalita ng tapos, Ate," sabi ni Eula sa akin.
Kunot-noo kong tinignan si Eula dahil bakit parang sa pagsasalita n'ya ay gusto n'ya ako para sa kuya n'ya.
"Ikinasal lang kami, pero hindi namin mahal ang isa't isa," sagot ko kay Eula.
Sabay kaming nakababa sa first floor. Kung magmamahal naman ako ulit, wag naman kagaya ni Uzi, dahil sobrang malas naman ng buhay ko kung nagkataon.
"Sabi ko, Ate," sabi ni Eula sa akin.
"Pag-aaral mo asikasuhin mo," sabi ko kay Eula.
Isang ngiti lang ang binigay n'ya sa akin, pero alam ko ang ibig sabihin ng ngiti n'ya.
Sabay kaming naglakad papunta sa dining room para kumain ng breakfast. Medyo maaga pa sa akin para pumasok sa trabaho kaya makakain pa ako ng agahan.