Layna's point of view
PUMUNTA ako sa counter para um-order. Nagpanggap akong hindi ko sila nakita dahil ang pangit ng mga mukha.
Dadaan ako sa gilid nila dahil wala naman akong choice. Ayokong umalis sa lugar na ito dahil nandito s'ya. Hindi n'ya ako matatakot kahit nakakatakot pa ang mukha n'ya.
Lalagpas na ako sa table nila ng...
"Ahhh!" sigaw ko ng isang bagay ang ang pumatid sa akin.
Napadapa ako sa maalikabok na floor nitong coffee shop. Isang nakakapikon na tawa ang narinig ko kaya napayukop ang kamao ko, at napapikit sa pikon.
Masama kong tinignan si Vanessa dahil sa pagpatid n'ya sa akin. Agad akong tumayo at lahat ng mga tao sa loob ay nakatingin sa akin.
Pinagpagan ko ang suot kong damit, tinignan ko si Vanessa at ang kasamahan n'yang masaya sa ginawa ko. Napatingin ako sa suot n'yang singsing na pinakita n'ya sa akin kagabi.
"Oops! Sadya ko," pang-iinis n'yang sabi sa akin.
Isang pekeng ngiti naman ang ginawa n'ya sa akin. Maraming tao dito kaya hindi ako p'wedeng gumawa ng gulo. Ayokong masira ang image ko dahil sa haliparot na babaeng ito.
Huminga ako ng malalim, hinawakan ko ang elbow kong sumakit dahil sa pagkakatama sa floor.
"Kailan mo ba ako titigilan?!" nagpapaawa kong tanong kay Vanessa.
Kumunot ang noo n'ya dahil hindi n'ya inasahan ang tono ng boses ko. Bigla kong niyakap ang sarili ko at kunwari ay nasaktan talaga ako.
"What the fvck?!" inis n'yang tanong sa akin.
"Pagkatapos mong agawin ang boyfriend ko, ayaw mo pa rin akong tigilan!" nanginginig ang boses ko habang sinasabi ang mga silitang iyon.
Biglang tumayo si Vanessa. Hindi ko inasahan ang pagsaboy n'ya ng malamig na tubig sa mukha ko.
Biglang uminit ang ulo ko sa ginawa n'ya sa akin kaya lalong napayukom ang kamao ko. Gusto ba talaga n'yang hindi makalakad ng ayos.
"Tumigil ka sa pagpapanggap mo, desperadang babae, kaya ka pinagpapalit..." matapang na puna ni Vanessa sa akin.
Bigla s'yang lumapit sa akin para pantayan ako.
"Hindi ka kasi kamahal-mahal," nakangiti n'yang dagdag na sabi sa akin.
Ang kaninang kumukulong dugo sa kan'ya ay umaapoy na sa galit sa kan'ya.
Balak kong sampalin si Vanessa dahil sa inis ko sa kan'ya. Napatingin ako sa kamay ko ng mayroong humawak doon.
Pagtingin ko ay napakunot ang noo ko ng makita si Uzi na seryoso ang mukha na nakatingin kay Vanessa.
Mahigpit n'yang hinawakan ang kamay ko na pinagtaka ko, pero ang pinagtaka ay bigla s'yang nag-bow kay Vanessa.
"What are you doing?!" galit kong sigaw kay Uzi.
"I apologize about her action, she's didn't know what is she doing," kalmado, pero alam puno ng kaseryosohan ang boses ni Uzi.
"Are you insane?!" tanong ko pa kay Uzi.
Hinihila ko ang kamay ko sa pagkakahawak n'ya, pero lalo n'ya lang iyong hinihigpitan sa pagkakahawak sa akin.
"Let me go!" mariin kong utos kay Uzi.
Instead na bitawan ako ay hinila n'ya ako palabas ng coffee shop. Tinignan ko si Vanessa mukhang victory ang expression ng mukha.
Gusto kong gulpihin ang mukha n'ya dahil sa inis ko. Pagkalabas namin sa loob ng coffee shop ay pilit kong hinihila ang kamay ko sa pagkakahawak ni Uzi.
Bakit n'ya ako sinundan? at bakit n'ya ginawa iyon?
Huminto kami sa isang tabi. Agad mong hinila ang kamay ko sa kan'ya. Nakatalikod s'ya sa akin. Alam ko na namumula na ako sa galit. Mabigat ang paghinga, masama ang tingin ko sa kan'ya; gusto ko s'yang sigawan.
Humarap s'ya sa akin na masama ang tingin. "Baliw ka ba—"
Hindi ko s'ya pinatapos sa sasabihin n'ya ng malakas kong sinampal ang mukha n'ya.
Hindi n'ya alam kung ano ang ginawa n'ya. Pinahiya n'ya ako sa harapan ng babaeng iyon. Ayokong makita ng babaeng iyon na mananalo s'ya sa akin, pero dahil sa ginawa ng lalaking ito ay sigurado ako na lalo lang akong hindi titigilan ni Vanessa.
Namula ang pisnge n'ya, pero walang nagbago sa itsura ng mukha n'ya. Seryoso pa rin s'yang nakatingin sa akin.
"Bakit mo ginawa iyon?!" galit kong sabi sa kan'ya. "Mayroon ka bang pakialam sa akin?!"
Tinignan n'ya ako ng seryoso. Pinunasan n'ya ang gilid ng labi n'ya para tignan kung mayroon bang dugo na lumabas
"Sa 'yo, wala akong pakialam, pero sa pangalan na mo mayroon," seryoso n'yang sagot sa akin.
Lalo akong napikon sa sinabi n'ya kaya balak ko ulit sampalin si Uzi ng iharang n'ya ang kamay n'ya.
"Pinagbigyan na kita ng dalawang beses," seryoso n'yang sabi sa akin.
Pabato n'yang binitawan ang kamay ko.
Dahil sa inis ko ay ang kaliwang kamay ang ginamit ko.
"Gumanti ka kung gusto mo!" inis kong sabi sa kan'ya.
Naglakad ako paalis sa harapan n'ya at binunggo ko ang balikat n'ya. Naglalakad ako para pumunta sa kotse ko.
Sana pala ay hindi na lang ako pumunta sa lugar na ito. Nagmamadali akong naglakad papunta sa kotse ko.
Pagdating ko ay agad akong sumakay at pinaandar ng mabilis. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela ng kotse ko dahil sa inis.
Bakit sa babae iyon s'ya pumabor? Bakit nag-sorry pa s'ya not knowing na ang babaeng iyon ang may mali.
Huminga ako ng mamalim at lalo kong binilisan ang pagpapatakbo ng kotse ko para makapunta sa office.
Ang bwisit na babaeng iyon ang dapat na mag-sorry sa akin, pero dahil sa bwisit na Uzi na iyon ay ginawa n'ya akong tanga.
Pagdating ko sa office ko ay wala ako sa mood na pumasok doon. Lahat ng taong nakakasalubong ko ay hindi ko pinapansin.
Pagdating ko sa loob ng office ko ay yumuko ako sa table at pinapakalma ang sarili ko. Gusto kong sumabog sa inis.
Umayos ako ng upo sa swivel chair at kumuha ng lapis para tapusin na ang isang naiwan kong proposal. Masmaganda kung ituon ko na lang dito ang attention ko kaysa sa dalawang asungot na iyon.
Hindi ko akalain na makakasama ko pa ang Uzi na iyon. Habang abala ang kamay ko sa pag guhit ay napatingin ako sa papel sa harapan ko na mayroong tumulong tubig.
Ang isang patak ng tubig na iyon ay tinitigan ko.
Akala ko ba kakalimutan ko na s'ya? Pinunasan ko ang mukha ko at umiling.
Kinalimutan ko na s'ya kaya tumulo ang luha ko dahil sa kaibigan kong si Rifle at hindi kay Liam.
Huminga ako para gumaan ang pakiramdam ko. Kumuha ako ng tissue para dahan-dahan na punasan ang papel, pinunasan ko rin ang mata ko dahil baka mayroong biglang pumasok sa loob ng office ko.
Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko hanggang sa hindi ko na namamalayan ang oras.
Mayroon akong mga biscuits na stock sa mini ref ko at iyon lang ang kinain ko maghapon.
Binitawan ko ang hawak kong lapis at bukas ko na lang tatapusin. Umunat ako bago sumandal sa swivel chair ko.
Pinaikot ko iyon ay humarap sa malaking glass wall sa ceiling-to-floor. Pinanuod ko ang mga sasakyan na dumadaan sa labas at ang papalubog na araw.
Napangiti ako ng makita ko ang isang magandang sunset sa harapan ko. Kinuha ko ang phone ko para picture-an ang lugar.
Madalas kong nakikita kung gaano kaganda ang paglubog ng araw, bagay sa mga hindi masyadong mataas na building ang nasa harapan ko.
Sa araw na ito ay mayroon pa rin magandang nakita, kahit na hindi maganda ang nangyari sa akin ngayon.
Ikakasal ako ng hindi man lang magsusuot ng gown, walang isusuot na singsing, walang mga bisita, wala lahat. Pirma lang at kasal na ako.
Narinig ko ang tunog ng phone ko kaya humarap ulit ako sa table ko.
Kinuha ko ang maingay na phone sa ibabaw ng table. Napabuntong hininga ako ng si Ate Layla ang tumatawag sa akin.
Muli akong umikot para makita ang labas bago ko sagutin ang phone at tinapat sa tenga ko.
"Nasaan ka?" tanong ni Ate Layla sa akin.
"Office," walang gana kong sagot.
"Gusto mo ba sunduin kita para sabay tayong pumumta sa bahay ng Montelle?" tanong ni Ate sa akin.
Kumunot ang noo ko. Hindi ko na nga mararanasan ang gusto kong kasal, bakit parang special pa ang mga Montelle?
"Bakit tayo ang pupunta sa kanila?" inis kong tanong.
Hindi ba dapat sila ang pumunta sa amin dahil ako ang babae. Dahil sa mga nangyayari para gusto ko na lang mag-back out.
"Pagkatapos n'yong pumirma ay maiiwan ka na sa bahay nila, dala na rin namin ang mga gamit mo," paliwanag ni Ate Layla sa akin.
Napayuko na lang ako at napakagat labi.
"Kaya kong pumunta mag-isa," sagot ko bago ko binaba ang phone.
Ang totoo ay ayokong gawin ang bagay na ito. Hindi ko naman mahal si Uzi kaya bakit s'ya ang papakasalan ko?
Si Liam ang gusto ko, pero iba ang papakasalan n'ya. Destiny is playing with me, and I hate it.
Sumandal ako sa swivel chair at sinimulan na panuorin ang pagbaba ng araw.
Hindi ako natatakot kay Uzi kung ano ang gagawin n'ya sa akin dahil kaya ko ang sarili ko, pero na iinggit ako sa iba na bakit sila ang saya nila.
"What the hell!" sigaw ko.
Ang drama ko na naman. Kahit sabihin kong gusto ko ng kalimutan si Liam ay hindi naman ganoon kadali ang lahat.
One day, mawawalan din ng bisa ang kasal namin ni Uzi dahil pareho namin hindi gusto ang isa't isa, kaya kung hindi ako ang mag-pa-file ng annulment ay baka s'ya.
Tumayo ako para mag-ayos ng gamit. Ilang oras na lang ay mayroon na akong asawa kaya kailngan ko ng mag-ayos ng gamit.
Inayos ko ang table ko, ang mga blueprint ko ay tinabi ko na.
Buti na lang ang passion ko ay hindi ako iniiwan. Ayokong pasukin ang business dahil alam kong mahina ako doon, same lang kami ni Ate. Kailangan namin si Uzi para sa negosyo namin at si Uzi na ang nagsabi na kailangan n'ya ako.
Pagkaayos ng gamit ko at kinuha ko ang susi ng kotse para pumunta na sa bahay ng mga Montelle.
Bigyan sana ako ng mahabang pasyensya para pagtyagaan ang lalaking iyon. Hindi ko kakalimutan ang ginawa n'ya kanina kay Vanessa.
Hanggang hindi s'ya humihingi ng sorry sa akin ay hindi ko s'ya papatawarin.
Hindi ako ang mali kaya dapat sila ang magsorry sa akin.
Paglabas ko sa office ko ay wala ng mga tao sa labas. Madalas akong mag-overtime kaya ganito lagi ang nakikita ko.
Sana naman isang malaking project ang dumating sa team namin para maubos ang oras ko sa pagtatrabaho.
Paglabas ko ng building ay maingay na paligid ang sumalubong sa akin. Pumunta ako sa kotse ko para makapunta na sa bahay ng mga Montelle.
Pagbukas ko ng pinto ay mayroon akong isang pamilya na mukha ang nakita. Muli kong sinarado ang pinto ng kotse ng makita ko ang kapatid na babae ni Uzi na si Eula na mayroong kasama na dalawang lalaki.
Hindi maganda ang pakiramdam ko. Ang huling pangingialam ko sa ganito ay noong napaaway pa ako kay Uzi.
Kailangan ni Eula na umuwi dahil ikakasal ang Kuya n'ya, ang malas ko lang dahil sa akin.
"Eula!" tawag ko dahil parang minamadali s'ya ng isang lalaking nakahawak sa likod n'ya.
Biglang tumingin si Eula sa akin. Napansin ko ang hindi mapalagay sa na itsura n'ya, agad akong lumapit sa kanila.
Tinignan ko ang dalawang lalaki na nakasuot pa ng uniform. Hindi nagsasalita si Eula sa akin, pero alam ko ang nais n'ya.
"Umuwi na tayo," aya ko kay Eula.
Napansin ko ang paghakbang ni Eula palapit sa akin, pero parang mayroong pumigil sa kan'ya.
"Ako na ang maghahatid sa girlfriend ko," sagot ng lalaki sa akin sa maangas way.
Tinignan ko ang librong hawak ni Eula na mukhang nag-aaral nga ng mabuti ang kapatid ni Uzi.
Kinuha ko iyon at tinignan ko kung gaano kakapal ang librong iyon. Tinignan ko ang batang lalaking kaharap ko ngayon.
Hindi ako gaya ng ibang babae na mahinhin, kaya wag silang umaangas sa akin. Tinignan ko ang libro na kinuha ko kay Eula, kaso lahat ng nandito ay nakalimutan ko na.
"Boyfriend mo?" seryoso kong tanong kay Eula.
"Oo, boyfriend n'ya ako, sino ka ba?!"
A/N:
Like my pages, and sali kayo sa group para malaman n'yo ang updates sa mga stories ko.
Pages name: Hxnnxhssi
Group name: Dreame/Yugto digital stories
Don't forget to follow me on Dreame/Yugto account ko "HXNNXHSSI"
Abangan...